KAPAYAPAAN, IPAGLABAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Maraming kay-agang namayapa
Di nakilala ang mga mukha
Pagkat naging biktima ng digma
Habang naiwan ay lumuluha.
Paano kung ang luha’y maubos
At mapalitan ito ng poot
Tiyak digmaa’y di matatapos
Pagkat gantihan itong susulpot.
Ilan sa naiwan ay kakasa
At hahawak na rin ng sandata
Nang maipaghiganti ang ama
Ang ina at ang buong pamilya.
Ngunit kung gantihan ang maganap
Ang kapayapaan na’y kay-ilap
Marami ang lalong maghihirap
Kaya nararapat nang mag-usap.
Gyerang ito’y anong pinagmulan
Digmaan ba yaong kasagutan?
O gawin dapat ay pag-usapan
Yaong sa problema’y kalutasan?
Kaytindi man yaong sakripisyo
Basta’t kapayapaan ay matamo
Sadyang napakahalaga nito
Sa ating buhay at pagkatao.
Nasa’y di simpleng katahimikan
Kundi kamtin ang kapayapaan
Sa ating buhay, puso’t isipan
Kaya atin itong ipaglaban!
- sinimulan sa Bacolod City, tinapos sa barko ng Negros Navigation
papuntang Cagayan de Oro City
Nobyembre 25-26, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Miyerkules, Nobyembre 26, 2008
Minahal na Kita, Kapayapaan
MINAHAL NA KITA, KAPAYAPAAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Minahal na kita, kapayapaan
Tulad ng kapatid mong kalayaan
Nawa ikaw ay agad matagpuan
Ng nalulumbay kong puso’t isipan.
Nang makita kita’y tila nanginig
Ang puso kong itong nangangaligkig
O, ikaw ang nais kong makaniig
Pagkat kapayapaan ay pag-ibig.
Kapayapaan, ikaw na’y maglambing
Halika na rito sa aking piling
Pag nadama na kita ng taimtim
Ang pagtulog ko’y tiyak na mahimbing.
Ipagtatanggol kita kahit saan
Buhay ko’y alay hanggang kamatayan
Hiling ko lamang ako’y iyong hagkan
Pagkat mahal kita, kapayapaan.
- Bacolod City
Nobyembre 25, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Minahal na kita, kapayapaan
Tulad ng kapatid mong kalayaan
Nawa ikaw ay agad matagpuan
Ng nalulumbay kong puso’t isipan.
Nang makita kita’y tila nanginig
Ang puso kong itong nangangaligkig
O, ikaw ang nais kong makaniig
Pagkat kapayapaan ay pag-ibig.
Kapayapaan, ikaw na’y maglambing
Halika na rito sa aking piling
Pag nadama na kita ng taimtim
Ang pagtulog ko’y tiyak na mahimbing.
Ipagtatanggol kita kahit saan
Buhay ko’y alay hanggang kamatayan
Hiling ko lamang ako’y iyong hagkan
Pagkat mahal kita, kapayapaan.
- Bacolod City
Nobyembre 25, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Kayganda ng Kapayapaan
KAYGANDA NG KAPAYAPAAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig, soneto
Kayganda ng kapayapaan
Habang kita’y tinititigan
Ngiti mo’y isang kasiyahan
Sa aking puso at isipan.
Ngunit kung dahil na sa digma
Magandang ngiti mo’y mawala
Puso ko’y tiyak na luluha
At isip ko’y di na payapa.
Kapayapaan ay kayganda
Pag ang problema’y naresolba
Ngiti mo’y muling makikita
At mundong ito’y liligaya.
Ngayon, ako ay nalalango
Sa ngiting tumagos sa puso.
- Iloilo City
Nobyembre 24, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig, soneto
Kayganda ng kapayapaan
Habang kita’y tinititigan
Ngiti mo’y isang kasiyahan
Sa aking puso at isipan.
Ngunit kung dahil na sa digma
Magandang ngiti mo’y mawala
Puso ko’y tiyak na luluha
At isip ko’y di na payapa.
Kapayapaan ay kayganda
Pag ang problema’y naresolba
Ngiti mo’y muling makikita
At mundong ito’y liligaya.
Ngayon, ako ay nalalango
Sa ngiting tumagos sa puso.
- Iloilo City
Nobyembre 24, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Kalapati'y Kailan Dadapo?
KALAPATI’Y KAILAN DADAPO?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig, soneto
Kalapati’y kailan dadapo
Sa sanga ng ating diwa’t puso?
Kailan pa kaya maglalaho
Ang digmaang nakakatuliro?
Kung may di pagkakaunawaan
Ay mag-usap muna ng harapan
Ayusin ang problemang anuman
At huwag daanin sa patayan.
Kalapati’y dapat makiniig
Sa pagtatagpo ng bawat panig
At ang huning sa kanya’y marinig
Ay kapayapaan sa daigdig.
Kalapati’y dapat nang dumapo
Sa sanga ng bawat diwa’t puso.
- Iloilo City
Nobyembre 24, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig, soneto
Kalapati’y kailan dadapo
Sa sanga ng ating diwa’t puso?
Kailan pa kaya maglalaho
Ang digmaang nakakatuliro?
Kung may di pagkakaunawaan
Ay mag-usap muna ng harapan
Ayusin ang problemang anuman
At huwag daanin sa patayan.
Kalapati’y dapat makiniig
Sa pagtatagpo ng bawat panig
At ang huning sa kanya’y marinig
Ay kapayapaan sa daigdig.
Kalapati’y dapat nang dumapo
Sa sanga ng bawat diwa’t puso.
- Iloilo City
Nobyembre 24, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Sa Bawat Digmaan
SA BAWAT DIGMAAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Pinupulbos ng digmaang ito
Ang ating buhay at pagkatao
Na parang nagngingitngit na bagyo
At sibilyan ang dinidelubyo.
Ang digmaa’y simbigat ng bundok
Na di lahat ay kayang lumunok
Marami na ang dito’y nalugmok
Tila dumapo’y sanlibong dagok.
Ang bawat digmaan ay kay-alat
Para kang nilulunod sa dagat
Tila ka rin isdang ginagayat
Buhay natin ay puno ng sugat.
Dagat ng dugo ang sinisisid
Nitong digmaang sadyang balakid
Sa ating kapwa magkakapatid.
Digmaa’y paano mapapatid?
Bawat panig ay magtalakayan
At tiyaking magtigil-putukan
Na ang kanilang pag-uusapan
Ay usaping pangkapayapaan.
Pigilan ang anumang pagsiil
Nang mawala ang mga hilahil
Ang digmaan ay dapat matigil
Upang tagas ng dugo’y mapigil.
- Calapan, Oriental Mindoro
Nobyembre 23, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Pinupulbos ng digmaang ito
Ang ating buhay at pagkatao
Na parang nagngingitngit na bagyo
At sibilyan ang dinidelubyo.
Ang digmaa’y simbigat ng bundok
Na di lahat ay kayang lumunok
Marami na ang dito’y nalugmok
Tila dumapo’y sanlibong dagok.
Ang bawat digmaan ay kay-alat
Para kang nilulunod sa dagat
Tila ka rin isdang ginagayat
Buhay natin ay puno ng sugat.
Dagat ng dugo ang sinisisid
Nitong digmaang sadyang balakid
Sa ating kapwa magkakapatid.
Digmaa’y paano mapapatid?
Bawat panig ay magtalakayan
At tiyaking magtigil-putukan
Na ang kanilang pag-uusapan
Ay usaping pangkapayapaan.
Pigilan ang anumang pagsiil
Nang mawala ang mga hilahil
Ang digmaan ay dapat matigil
Upang tagas ng dugo’y mapigil.
- Calapan, Oriental Mindoro
Nobyembre 23, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Sa Digmaan, Sibilyan ang Kawawa
SA DIGMAAN, SIBILYAN ANG KAWAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Nagulo na naman ang lupang pangako
At muling pumatak ang kayraming dugo
Marami na namang buhay na naglaho
Bilang ng namatay ay hindi na biro.
Di ba’t may usapang pangkapayapaan?
Sinong nagsimula at may kagagawan
Nitong nagaganap na bagong digmaan
Mga rebelde ba o pamahalaan?
Ang mga sibilyan ang siyang kawawa
Pag nagpatuloy pa itong mga digma
Nagulo ang buhay nitong matatanda
Pati pag-aaral nitong mga bata.
Kayrami na ngayon ng naghihikahos
At kanilang buhay ay kalunos-lunos.
Ang digmaang ito’y kaylan matatapos
Upang buhay nila’y kanilang maayos?
- sinimulan sa Batangas pier at tinapos sa barko patungong Calapan, Oriental Mindoro,
Nobyembre 22, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Nagulo na naman ang lupang pangako
At muling pumatak ang kayraming dugo
Marami na namang buhay na naglaho
Bilang ng namatay ay hindi na biro.
Di ba’t may usapang pangkapayapaan?
Sinong nagsimula at may kagagawan
Nitong nagaganap na bagong digmaan
Mga rebelde ba o pamahalaan?
Ang mga sibilyan ang siyang kawawa
Pag nagpatuloy pa itong mga digma
Nagulo ang buhay nitong matatanda
Pati pag-aaral nitong mga bata.
Kayrami na ngayon ng naghihikahos
At kanilang buhay ay kalunos-lunos.
Ang digmaang ito’y kaylan matatapos
Upang buhay nila’y kanilang maayos?
- sinimulan sa Batangas pier at tinapos sa barko patungong Calapan, Oriental Mindoro,
Nobyembre 22, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Bakit Magdidigmaan Tayo, Kapatid?
BAKIT MAGDIDIGMAAN TAYO, KAPATID?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig, soneto
Bakit ba tayo magdidigmaan, kapatid?
Kung buhay naman natin itong mapapatid
Pag-usapan natin ang problema’t balakid
Upang kapayapaan itong maihatid.
Bakit magdidigmaan kung mareresolba
Sa pag-uusap anumang ating problema
Sa kulay ma’t relihiyon ay magkaiba
Magkakapatid tayong di dapat magdusa.
Di ba’t kaysakit kung kapatid ay mapatay
Kaya buong panahon tayong malulumbay
Ang digmaan ba ang sukatan ng tagumpay
O sa digmaan pala’y pawang paglalamay.
Kapatid ko, halina’t pag-usapan natin
Anumang mga susulpot na suliranin.
- Maharlika Village, Taguig, Metro Manila
Nobyembre 22, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig, soneto
Bakit ba tayo magdidigmaan, kapatid?
Kung buhay naman natin itong mapapatid
Pag-usapan natin ang problema’t balakid
Upang kapayapaan itong maihatid.
Bakit magdidigmaan kung mareresolba
Sa pag-uusap anumang ating problema
Sa kulay ma’t relihiyon ay magkaiba
Magkakapatid tayong di dapat magdusa.
Di ba’t kaysakit kung kapatid ay mapatay
Kaya buong panahon tayong malulumbay
Ang digmaan ba ang sukatan ng tagumpay
O sa digmaan pala’y pawang paglalamay.
Kapatid ko, halina’t pag-usapan natin
Anumang mga susulpot na suliranin.
- Maharlika Village, Taguig, Metro Manila
Nobyembre 22, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Di Normal ang Digmaan
DI NORMAL ANG DIGMAAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig
Wala silang pakialam magkadigmaan man
Ang mga rebelde at itong pamahalaan
Dahil ito’y normal naman daw na kalagayan
Kahit ang nagbabalita’y pinagsasawaan.
Di normal ang digmaang laging nauulinig
Mortar, baril at bomba sa magkabilang panig
Kung sa gabi't araw ito'y laging naririnig
Apektado ang mga sibilyang nanginginig.
Nanginginig pagkat baka tamaan ng bomba
Ang kanilang bahay, kabuhayan at pamilya
Kaya bago mamatay ay nagsisilikas na
Pagkat naiipit na ng magkalabang pwersa.
Hindi normal ang digmaan pagkat nagugulo
Ang buhay ng sibilyan, ng karaniwang tao
Edukasyon at kabuhayan ay apektado
Napupunta sa bala ang pondo ng gobyerno.
Gyera’y normal ba dahil laging napapakinggan
Sa araw at gabi ang bombahan at ratratan?
Hindi maaaring maging normal ang digmaan
Dahil ang nakataya’y buhay ng mamamayan.
- Quezon Memorial Circle
Nobyembre 22, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig
Wala silang pakialam magkadigmaan man
Ang mga rebelde at itong pamahalaan
Dahil ito’y normal naman daw na kalagayan
Kahit ang nagbabalita’y pinagsasawaan.
Di normal ang digmaang laging nauulinig
Mortar, baril at bomba sa magkabilang panig
Kung sa gabi't araw ito'y laging naririnig
Apektado ang mga sibilyang nanginginig.
Nanginginig pagkat baka tamaan ng bomba
Ang kanilang bahay, kabuhayan at pamilya
Kaya bago mamatay ay nagsisilikas na
Pagkat naiipit na ng magkalabang pwersa.
Hindi normal ang digmaan pagkat nagugulo
Ang buhay ng sibilyan, ng karaniwang tao
Edukasyon at kabuhayan ay apektado
Napupunta sa bala ang pondo ng gobyerno.
Gyera’y normal ba dahil laging napapakinggan
Sa araw at gabi ang bombahan at ratratan?
Hindi maaaring maging normal ang digmaan
Dahil ang nakataya’y buhay ng mamamayan.
- Quezon Memorial Circle
Nobyembre 22, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Bigas, Hindi Bala
BIGAS, HINDI BALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 pantig
Bigas, hindi bala
Pagkain, di gyera
Mundong mapayapa
Hindi pandirigma.
Trabaho at lupa
Di dusa at luha
Kalinga’t unawa
Di banta ng digma.
- Malolos, Bulacan
Nobyembre 21, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 pantig
Bigas, hindi bala
Pagkain, di gyera
Mundong mapayapa
Hindi pandirigma.
Trabaho at lupa
Di dusa at luha
Kalinga’t unawa
Di banta ng digma.
- Malolos, Bulacan
Nobyembre 21, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Hindi Dugo ang Dapat Bumaha
HINDI DUGO ANG DAPAT BUMAHA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig, soneto
Hindi dugo ang dapat bumaha
Kundi itong ating pagkalinga
Hindi punglo sa parang ng digma
Kundi kapayapaan sa madla.
Hindi digmaan at pagbabanta
Kundi payapang puso at diwa
Hindi pagdaloy ng mga luha
Kundi pag-agos ng pang-unawa.
Hindi bala ang dapat tumagos
Sa katawan ng mga hikahos
Hindi dugo ang dapat umagos
Kundi pag-ibig sa pusong kapos.
Di ba’t mundo’y kay-ganda’t kay-ayos
Kung kapayapaa’y malulubos.
- Calumpit, Bulacan
Nobyembre 21, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig, soneto
Hindi dugo ang dapat bumaha
Kundi itong ating pagkalinga
Hindi punglo sa parang ng digma
Kundi kapayapaan sa madla.
Hindi digmaan at pagbabanta
Kundi payapang puso at diwa
Hindi pagdaloy ng mga luha
Kundi pag-agos ng pang-unawa.
Hindi bala ang dapat tumagos
Sa katawan ng mga hikahos
Hindi dugo ang dapat umagos
Kundi pag-ibig sa pusong kapos.
Di ba’t mundo’y kay-ganda’t kay-ayos
Kung kapayapaa’y malulubos.
- Calumpit, Bulacan
Nobyembre 21, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Kapayapaan sa Bakwit
KAPAYAPAAN SA BAKWIT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan
Ang kapayapaan sa bakwit
Ay kailan kaya sasapit?
Ang buhay nila’y nasa bingit
Dahil sa digmaang kaylupit.
O, aming mahabaging langit
Hiling naming nawa’y sumapit
Ang kapayapaan sa bakwit.
- San Fernando, Pampanga
Nobyembre 21, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan
Ang kapayapaan sa bakwit
Ay kailan kaya sasapit?
Ang buhay nila’y nasa bingit
Dahil sa digmaang kaylupit.
O, aming mahabaging langit
Hiling naming nawa’y sumapit
Ang kapayapaan sa bakwit.
- San Fernando, Pampanga
Nobyembre 21, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Halika Rito, Kapayapaan
HALIKA RITO, KAPAYAPAAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig, soneto
Nais namin ng kapayapaan
Doon sa lupang ka-Mindanawan
Pagkat iyon ang makatarungan
Sa lahat doong naninirahan.
Hustisya’y nais ng mamamayan
At pagkain sa hapag-kainan
Kapayapaan, hindi digmaan,
Ang sagot at hindi karahasan.
O, nasaan ka, kapayapaan?
Tila kay-ilap mo’t di abutan
O ikaw ba’y naririyan lamang?
At abot-kamay ng mamamayan.
Halika rito, kapayapaan
At yakapin mo ang sambayanan.
- Baguio City, Nobyembre 20, 2008
(ang tulang ito'y nilikha ng makata habang nakikibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)
Miyerkules, Nobyembre 19, 2008
Anak ng Lumbay
ANAK NG LUMBAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan
Tayong mga anak ng lumbay
Sa mundong itong binibistay
Ng maluluhong lumulustay
Ng yaman ng bayang hinalay.
Halina’t tayo nga’y magnilay
Paano gaganda ang buhay
Nating mga anak ng lumbay.
Tayong mga anak ng lumbay
Sa mundong itong binibistay
Ng maluluhong lumulustay
Ng yaman ng bayang hinalay.
Halina’t tayo nga’y magnilay
Paano gaganda ang buhay
Nating mga anak ng lumbay.
Martes, Nobyembre 18, 2008
Habilin
HABILIN
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Nawa'y itanim itong labi
Kaypait man buhay kong iwi
Upang diwa ko'y manatili
Sa mga kapatid sa uri.
Mamamatay akong may puri
Pagbigyan ang hiling kong iwi
Na itanim ang aking labi.
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Nawa'y itanim itong labi
Kaypait man buhay kong iwi
Upang diwa ko'y manatili
Sa mga kapatid sa uri.
Mamamatay akong may puri
Pagbigyan ang hiling kong iwi
Na itanim ang aking labi.
Usapang Isda
USAPANG ISDA
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Usapan ng isda sa dagat
Dapat daw sila na'y mamulat
Magpapahuli ba sa lambat?
O sa mga pain kakagat?
Pating ba ang dapat mabundat?
O taong sa buhay ay salat?
Ito ang usapan sa dagat.
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Usapan ng isda sa dagat
Dapat daw sila na'y mamulat
Magpapahuli ba sa lambat?
O sa mga pain kakagat?
Pating ba ang dapat mabundat?
O taong sa buhay ay salat?
Ito ang usapan sa dagat.
Aking Lunggati
AKING LUNGGATI
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
May bahid ng diwa ng uri
Ang inihahasik na binhi
Sa tumanang linang ng lahi
Laban sa diwang naghahari.
Payak lang ang aking lunggati
Ang iparamdam itong hapdi
Sa diwa nitong naghahari.
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
May bahid ng diwa ng uri
Ang inihahasik na binhi
Sa tumanang linang ng lahi
Laban sa diwang naghahari.
Payak lang ang aking lunggati
Ang iparamdam itong hapdi
Sa diwa nitong naghahari.
Di Mapapaslang ang Prinsipyo
DI MAPAPASLANG ANG PRINSIPYO
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Kung ang aktibistang tulad ko
Ay papaslangin ng berdugo
Katawan lang at di prinsipyo
Ang madudurog na totoo.
Habang sakbibi ang mundo
Ng luho ng kapitalismo
Aktibista'y darami dito.
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Kung ang aktibistang tulad ko
Ay papaslangin ng berdugo
Katawan lang at di prinsipyo
Ang madudurog na totoo.
Habang sakbibi ang mundo
Ng luho ng kapitalismo
Aktibista'y darami dito.
Aktibista'y Matatag
AKTIBISTA'Y MATATAG
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Aktibista kaming matatag
Kami man ay nasa lagalag
Sa prinsipyo'y di lumalabag
At di basta nababagabag.
Kung ang gobyerno nati'y bulag
Dapat palitan na't ilaglag
Ng aktibistang matatatag.
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Aktibista kaming matatag
Kami man ay nasa lagalag
Sa prinsipyo'y di lumalabag
At di basta nababagabag.
Kung ang gobyerno nati'y bulag
Dapat palitan na't ilaglag
Ng aktibistang matatatag.
Salimuot ng Buhay
SALIMUOT NG BUHAY
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Buhay nati'y masalimuot
Na kaylalim tulad ng laot
May kasiyahan at may gusot
May mapagbigay, may madamot.
Saan pa ba tayo susuot
Kung tayo pa'y palambot-lambot
Sa buhay na masalimuot.
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Buhay nati'y masalimuot
Na kaylalim tulad ng laot
May kasiyahan at may gusot
May mapagbigay, may madamot.
Saan pa ba tayo susuot
Kung tayo pa'y palambot-lambot
Sa buhay na masalimuot.
Parehas Bang Lumaban?
PAREHAS BANG LUMABAN?
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Ang di raw parehas lumaban
Ay duwag ngunit tuso naman
Wala raw ibang nalalaman
Kundi ang iba't malamangan.
At dapat niyang pagpasyahan
Kung lalamangan ang kalaban
O paparehas pa sa laban?
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Ang di raw parehas lumaban
Ay duwag ngunit tuso naman
Wala raw ibang nalalaman
Kundi ang iba't malamangan.
At dapat niyang pagpasyahan
Kung lalamangan ang kalaban
O paparehas pa sa laban?
Ang Pahamak
ANG PAHAMAK
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Kung sa kahinaan ng iba
Ikaw ay mapagsamantala
Talagang kasumpa-sumpa ka
Sa mundong itong pulos dusa.
Ang tulad mo'y nakamaskara
Nakangiti nga'y pahamak pa
Sa pinanghihinaang iba.
tulang siyampituhan
ni Greg Bituin Jr.
Kung sa kahinaan ng iba
Ikaw ay mapagsamantala
Talagang kasumpa-sumpa ka
Sa mundong itong pulos dusa.
Ang tulad mo'y nakamaskara
Nakangiti nga'y pahamak pa
Sa pinanghihinaang iba.
Linggo, Nobyembre 16, 2008
Dahilan at Paraan
DAHILAN AT PARAAN
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kayraming paraa’t dahilan
Ng gawaing ginagampanan
Pati sa mga katungkulan
Natin sa kapwa at sa bayan.
Ang palasak na kasabihan:
Pag ayaw, kayraming dahilan
Pag gusto, kayraming paraan.
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kayraming paraa’t dahilan
Ng gawaing ginagampanan
Pati sa mga katungkulan
Natin sa kapwa at sa bayan.
Ang palasak na kasabihan:
Pag ayaw, kayraming dahilan
Pag gusto, kayraming paraan.
Sugat sa Kalamnan
SUGAT SA KALAMNAN
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
May sugat ang ating kalamnan
Sa buod ng ating katawan
Ito raw ang sakit ng bayan
Nagwawasak sa katauhan.
Tangi raw nitong kalunasan
Ay pagbabago ng lipunan
Upang gumaling ang kalamnan.
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
May sugat ang ating kalamnan
Sa buod ng ating katawan
Ito raw ang sakit ng bayan
Nagwawasak sa katauhan.
Tangi raw nitong kalunasan
Ay pagbabago ng lipunan
Upang gumaling ang kalamnan.
Piging ng Isang Sandali
PIGING NG ISANG SANDALI
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ako'y siyang-siya sa piging
Nang sandali kang makapiling
Puso ko'y tila nagniningning
Anong ngalan mo, miss malambing?
At nang umalis ka sa piling
Puso ko'y parang inilibing
At tila napaslang sa piging.
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ako'y siyang-siya sa piging
Nang sandali kang makapiling
Puso ko'y tila nagniningning
Anong ngalan mo, miss malambing?
At nang umalis ka sa piling
Puso ko'y parang inilibing
At tila napaslang sa piging.
Ugnayan ng Salapi
UGNAYAN NG SALAPI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Tawag sa takbo't ugnayan ng kwarta
Kung susuriin ay magkakaiba
"Pamasahe" sa dyip na pamasada
"Sukli" naman sa salaping sumobra
"Sweldo" ang bayad ng kapitalista
"Bale" ang sahod na hiniram muna
"Utang" naman pag nanghiram ng pera
"Renta" ang bayad sa nagpapaupa
"Tip" naman sa magandang serbidora
Sa estudyante nama'y "matrikula"
Kinita naman ng naglako'y "benta"
O kaya'y simpleng "bayad" sa tindera.
"Pantaya" naman doon sa karera
Sa balasador ay "tong" sa baraha
Sa kanto nama'y "atik" at "datung" pa
"Lagay" pag sa ilalim na ng mesa.
Ganito ang takbo ng ating pera
Palipat-lipat sa kamay ng iba
Magkano man ang halaga ng kwarta
Mahalaga'y tama ang iyong kwenta.
Mga Salitang Kurakot
MGA SALITANG KURAKOT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Ayon sa "Corruptionary" na libro
Maraming ambag sa bokabularyo
Ito umanong gobyernong Arroyo
Atin ngang alamin ang ilan dito:
"Lagay" upang maayos ang aberya
At ang nag-aayos nito'y "eskoba"
Kay Balagtas, sila ang palamara
Bibilhin kahit ang puri ng kapwa.
Ang tawag sa perang suhol ay "gobya"
O kaya'y "tong", tulad ng sa baraha
"Kalabit-hingi" ang tawag sa iba
At "Ninoy" ang paboritong hingin pa
Abogado mo'y ang nakalarawan
Sa perang nasa pitaka mong tangan
Si Roxas yaong nasa isangdaan
Si Macapagal sa dalawangdaan
At ang salapi namang kalakihan
Ay si Ninoy naman sa limandaan
Ngunit may mas matitindi pa riyan
Ito'y kung milyones na ang usapan.
Kurakutan ay di lang barya-barya
Dinarambong ay milyones na pala
Kaya kung bokabularyo'y kulang pa
Ay tanungin mo rin si Jun Lozada.
(Ang librong "Corruptionary" ay inilunsad noong Abril 7, 2008.)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Ayon sa "Corruptionary" na libro
Maraming ambag sa bokabularyo
Ito umanong gobyernong Arroyo
Atin ngang alamin ang ilan dito:
"Lagay" upang maayos ang aberya
At ang nag-aayos nito'y "eskoba"
Kay Balagtas, sila ang palamara
Bibilhin kahit ang puri ng kapwa.
Ang tawag sa perang suhol ay "gobya"
O kaya'y "tong", tulad ng sa baraha
"Kalabit-hingi" ang tawag sa iba
At "Ninoy" ang paboritong hingin pa
Abogado mo'y ang nakalarawan
Sa perang nasa pitaka mong tangan
Si Roxas yaong nasa isangdaan
Si Macapagal sa dalawangdaan
At ang salapi namang kalakihan
Ay si Ninoy naman sa limandaan
Ngunit may mas matitindi pa riyan
Ito'y kung milyones na ang usapan.
Kurakutan ay di lang barya-barya
Dinarambong ay milyones na pala
Kaya kung bokabularyo'y kulang pa
Ay tanungin mo rin si Jun Lozada.
(Ang librong "Corruptionary" ay inilunsad noong Abril 7, 2008.)
Sambahin ang Pera Mo
SAMBAHIN ANG PERA MO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Sadyang makapangyarihan at hari
Itong tinatawag nating salapi
Kayang alipinin anumang lahi
At kawawain ang kalabang uri.
Bungkos lamang ito ng papel, di ba?
Ngunit naging makapangyarihan na
Mabibili man kahit kaluluwa
May bayad kahit puri ang ibenta.
Di ba't kawalan nito ang dahilan
Ng maraming sadlak sa kahirapan?
At kung walang salapi ang sinuman
Ay tiyak na aapihing tuluyan!
Kaya ito ngayon ang sinasamba
Ng mga pinuno, maging ng masa
Diyos ba ito ng kapitalista
At bathala ng mapagsamantala?
Dahilan din nitong kayraming gulo
Ay ang salaping diyos na sa mundo
Na bumubuhay sa kapitalismo
Pati sa mga tusong pulitiko.
Dahil sa salapi'y nagpapatayan
Magkapatid o magkamag-anak man
Basta't merong salapi'y tumatapang
Kongreso't husgado'y binabayaran.
Kung sakaling mabago na ang mundo
Kasama nating papawiin dito
Ay ang perang diyos-diyosang ito
Na mapang-api sa kayraming tao.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Sadyang makapangyarihan at hari
Itong tinatawag nating salapi
Kayang alipinin anumang lahi
At kawawain ang kalabang uri.
Bungkos lamang ito ng papel, di ba?
Ngunit naging makapangyarihan na
Mabibili man kahit kaluluwa
May bayad kahit puri ang ibenta.
Di ba't kawalan nito ang dahilan
Ng maraming sadlak sa kahirapan?
At kung walang salapi ang sinuman
Ay tiyak na aapihing tuluyan!
Kaya ito ngayon ang sinasamba
Ng mga pinuno, maging ng masa
Diyos ba ito ng kapitalista
At bathala ng mapagsamantala?
Dahilan din nitong kayraming gulo
Ay ang salaping diyos na sa mundo
Na bumubuhay sa kapitalismo
Pati sa mga tusong pulitiko.
Dahil sa salapi'y nagpapatayan
Magkapatid o magkamag-anak man
Basta't merong salapi'y tumatapang
Kongreso't husgado'y binabayaran.
Kung sakaling mabago na ang mundo
Kasama nating papawiin dito
Ay ang perang diyos-diyosang ito
Na mapang-api sa kayraming tao.
Kaibhan ng Bansa't Lipunan
KAIBHAN NG BANSA'T LIPUNAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Magkatumbas at iisa lang
Ito raw bansa at lipunan
Pareho raw ng kahulugan
Pagkat turo sa paaralan.
Ngunit ang ganitong akala
Kung susurii'y mali pala
Silang dalawa'y magkaiba
Mali ang turo sa eskwela.
Kung pakasusuriin lamang
Matatalos mo ang kaibhan
Di pareho ang katangian
Nitong bansa't nitong lipunan.
Lipunan pag iyong nilimi
Bumuo'y iba-ibang uri
Habang ang bansa pag sinuri
Binubuo ng isang lahi.
Ang pagiging magkababayan
Ay sadyang walang kinalaman
Sa sistema nitong lipunan
At sa loob ng pagawaan.
Di matawag ang bansang ito
Na lipunang kapitalismo
Kundi bansa ng Pilipino
Ang siyang tawag natin dito.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Magkatumbas at iisa lang
Ito raw bansa at lipunan
Pareho raw ng kahulugan
Pagkat turo sa paaralan.
Ngunit ang ganitong akala
Kung susurii'y mali pala
Silang dalawa'y magkaiba
Mali ang turo sa eskwela.
Kung pakasusuriin lamang
Matatalos mo ang kaibhan
Di pareho ang katangian
Nitong bansa't nitong lipunan.
Lipunan pag iyong nilimi
Bumuo'y iba-ibang uri
Habang ang bansa pag sinuri
Binubuo ng isang lahi.
Ang pagiging magkababayan
Ay sadyang walang kinalaman
Sa sistema nitong lipunan
At sa loob ng pagawaan.
Di matawag ang bansang ito
Na lipunang kapitalismo
Kundi bansa ng Pilipino
Ang siyang tawag natin dito.
Biyernes, Nobyembre 14, 2008
Herodes 38:45
HERODES 38:45
(Mula sa isang pelikula ni Eddie Garcia)
tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Nang nakatutok sa kanyang ulo
Ang hawak na baril ng berdugo
Libro ang kinuha ng maestro
Upang basahin ang isang berso.
Sa libro ni Herodes umano
Ay nasusulat ang isang berso
Nasa kapitulo trenta'y otso
At bersikulo kwarenta'y singko
"Pag hinanap mo ang kamatayan
Ito'y tiyak mong matatagpuan."
Sabay bunot ng nakapalaman
Sa aklat kaya nagkaputukan.
Sa libro ay nakalagay pala
Ang kwarenta'y singkong baril niya
Iyon ay binunot pagkabasa
At ang berdugo'y agad tumumba.
Ang bersong iyon ay di nawala
Di nawaglit sa aking gunita
Kaya sa panahon ng paglikha
Ay ginawan ko iyon ng tula.
(Mula sa isang pelikula ni Eddie Garcia)
tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Nang nakatutok sa kanyang ulo
Ang hawak na baril ng berdugo
Libro ang kinuha ng maestro
Upang basahin ang isang berso.
Sa libro ni Herodes umano
Ay nasusulat ang isang berso
Nasa kapitulo trenta'y otso
At bersikulo kwarenta'y singko
"Pag hinanap mo ang kamatayan
Ito'y tiyak mong matatagpuan."
Sabay bunot ng nakapalaman
Sa aklat kaya nagkaputukan.
Sa libro ay nakalagay pala
Ang kwarenta'y singkong baril niya
Iyon ay binunot pagkabasa
At ang berdugo'y agad tumumba.
Ang bersong iyon ay di nawala
Di nawaglit sa aking gunita
Kaya sa panahon ng paglikha
Ay ginawan ko iyon ng tula.
Pinepeste ng Mahal na Kuryente
PINEPESTE NG MAHAL NA KURYENTE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Tubo ang laging nasa kukote
Ng namamahala sa kuryente
Iniisip lang nila'y sarili
At sa taumbaya'y walang paki.
Sa Meralco'y dapat nang masabi
Salamat at may ilaw sa gabi
At araw-araw ay may kuryente
Ngunit presyo nito'y sadyang grabe!
Ano kaya kung isabotahe?
Lider nito'y lagyan ng boltahe?
Di kaya magmura ang kuryente?
O tayo muna'y maghunos-dili?
Ang masa'y talagang pinepeste
Ng taas ng presyo ng kuryente.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Tubo ang laging nasa kukote
Ng namamahala sa kuryente
Iniisip lang nila'y sarili
At sa taumbaya'y walang paki.
Sa Meralco'y dapat nang masabi
Salamat at may ilaw sa gabi
At araw-araw ay may kuryente
Ngunit presyo nito'y sadyang grabe!
Ano kaya kung isabotahe?
Lider nito'y lagyan ng boltahe?
Di kaya magmura ang kuryente?
O tayo muna'y maghunos-dili?
Ang masa'y talagang pinepeste
Ng taas ng presyo ng kuryente.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)