HUWAG NANG MANABAKO
(Alay sa pagdiriwang ng World No Tobacco Day tuwing Mayo 31)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 na pantig bawat taludtod
iyong mahalin, kaibigan
ang katawan mo't kalusugan
lalo na ang bagang daluyan
ng masarap na pakiramdam
pag yosi'y tuluyang sinira
ang napakahalagang baga
anong gagawin, tutunganga?
mayroon pa bang magagawa?
hangga't maaga'y tigilan mo
iyang bisyong pananabako
payong kapatid lamang ito
ang desisyon ay nasa iyo
Sabado, Mayo 31, 2014
Ang Paggising - tula ni Karl Marx
ANG PAGGISING
Tula ni Karl Marx, circa 1837
Malayang salin ni Greg Bituin Jr.
I
Pag nagkapatlang ang kumikislap mong mata
Nabibighani't nanginginig,
Tulad ng pagala-galang kwerdas ng musika
Na dinidibdib, na naiidlip,
Nakatali sa mga kudyapi,
Hanggang sa pamamagitan ng belo
Ng pinakabanal na gabi,
Pagkatapos mula sa itaas kuminang
Ang walang hanggang bituin
Nang buong pusong pagmamahal.
II
Nanginginig, napasubsob ka
Habang hinihingal
Natatanaw mo ang di matapos
Na walang hanggang daigdig
Sa itaas mo, sa ibaba mo,
Hindi matamo, walang katapusan,
Lumulutang sa sayaw - serye
Ng di mapakaling kawalang-hanggan;
Isang atomo, nahulog ka
Sa pamamagitan ng Uniberso.
III
Ang paggising mo’y
Walang katapusang pagbangon,
Ang pagbangon mo’y
Walang katapusang pagbagsak.
IV
Kapag ang nagsasayaw na apoy
Ng iyong kaluluwa'y sumalakay
Sa sarili nitong kailaliman,
Pabalik sa dibdib,
May lumilitaw na walang hanggang
Pinasisigla ng kaluluwa
Tinatanganan ng matamis – namamagang
Mahiwagang himig,
Ang lihim ng kaluluwa'y
Bumabangon mula sa kasamaang
Di nito maarok.
V
Ang pagkasubsob mo’y
Walang katapusang pagbangon.
Ang walang katapusan mong pagbangon
Ay may nanginginig na labi
Ang namula sa Aeterong
Nagliliyab, walang hanggang
Pagsintang halik ng ulo ng Bathala.
The Awakening
Poem by Karl Marx
I
When your beaming eye breaks
Enraptured and trembling,
Like straying string music
That brooded, that slumbered,
Bound to the lyre,
Up through the veil
Of holiest night,
Then from above glitter
Eternal stars
Lovingly inwards.
II
Trembling, you sink
With heaving breast,
You see unending
Eternal worlds
Above you, below you,
Unattainable, endless,
Floating in dance-trains
Of restless eternity;
An atom, you fall
Through the Universe.
III
Your awakening
Is an endless rising,
Your rising
An endless falling.
IV
When the rippling flame
Of your soul strikes
In its own depths,
Back into the breast,
There emerges unbounded,
Uplifted by spirits,
Borne by sweet-swelling
Magical tones,
The secret of soul
Rising out of the soul's
Daemonic abyss.
V
Your sinking down
Is an endless rising,
Your endless rising
Is with trembling lips-
The Aether-reddened,
Flaming, eternal
Lovekiss of the Godhead.

Huwebes, Mayo 29, 2014
Panaghoy sa manggagawa
PANAGHOY SA MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
manggagawa, kayo ang rebolusyon
napakahalaga ng inyong misyon
narito ba kayo sa aming tabi
sama ba kayo o bahala kami
manggagawa, maging bahagi't saksi
sa pagguhit ng bagong kasaysayan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
manggagawa, kayo ang rebolusyon
napakahalaga ng inyong misyon
narito ba kayo sa aming tabi
sama ba kayo o bahala kami
manggagawa, maging bahagi't saksi
sa pagguhit ng bagong kasaysayan
Sa iyong kaarawan, klasmeyt Fides
SA IYONG KAARAWAN, KLASMEYT FIDES
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
pagbubunyi ang alay ko sa iyo, klasmeyt Fides
ikaw na animo'y diyosang may ngiting kaytamis
aliwalas sa iyong mukha'y malinaw na batis
tila ba di mo danas ang kabiguan at hapis
sa iyo, klasmeyt Fides, maligayang kaarawan
nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan
di nagkakasakit at may magandang kalusugan
ikaw na diyamante sa santambak na kariktan
nawa, klasmeyt Fides, sa pag-usad ng mga taon
iwing buhay mo'y payapa't magandang inspirasyon
nawa'y lagi kang matuwid, mabait, mahinahon
puso't diwa'y naglalambing sa kahapon at ngayon
maligayang kaarawan, O, Fides, mabuhay ka!
pakatandaan mong sa buhay, laging may pag-asa

Miyerkules, Mayo 28, 2014
Ang dukha nating kapwa
ANG DUKHA NATING KAPWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
tao rin sa lipunan silang dukhang laging kapos
at ayaw sa kanila ng kapitalistang tuso
di raw nababagay ang dukha sa pagnenegosyo
pagkat dukha'y mukhang basahan at mga busabos
malupit iyang mga elitista, anong lupit
sa lipunang ang buhay ng dukha'y hinihilahil
dukhang sinikil ng negosyo't pulitikong sutil
dahil isinilang na kapos, laging nagigipit
kaya dukha silang inaapi't kinakawawa
tila kinabukasan nila'y nasa takipsilim
walang matanaw na liwanag, bukas ay kaydilim
dukhang walang-wala'y itinuring nang hampaslupa
ngunit kaytindi ng burgesyang animo'y kaylakas
ayaw nilang kasalo ang mga dukha sa dulang
animo'y gagalisin, ang tingin sa dukha'y halang
ang mga bituka't turing agad ay talipandas
ipinagtanggol ng dukha ang kanilang sarili:
"dukha man kaming isinilang, sa inyo'y kaiba
tao rin kaming may dangal, itinataboy nyo pa
matalino't mayaman kayo ngunit mapang-api"
ang mga nasa burgesya'y agad namang tumugon:
"karima-rimarim kayo't talagang mababaho
sa lipunang ito, tulad nyo'y dapat lang maglaho
mga patay-gutom kayong nais lagi'y lumamon"
may puwang ba sa mundo ang dukhang kinakawawa
ng mapang-aping uring sa kanila nga'y kaylupit
pinagapang sa lusak, itinataboy na pilit
turing sa kanila'y di tao, pagkat sila'y dukha
sa mataas mang lipunan ay di katanggap-tanggap
pagkat lipunang ito'y para lang daw sa negosyo
sa globalisasyon at mayayamang pulitiko
kaya sa lipunang ito, dukha'y di malilingap
buhay ng dukha'y itinuring na kahindik-hindik
kalunos-lunos ang kahirapan nilang sinapit
tumapang sila pagkat lagi silang nilalait
ng burgesyang sa kanila'y pagdurusa ang hasik
iisa lang ang pinapangarap ng mga dukha
ang maitayo ang isang lipunang makatao
dangal at karapata'y kikilalaning totoo
at pantay-pantay na ang kalagayan nitong madla

Ang pangit na anghel
ANG PANGIT NA ANGHEL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
ang mga aswang ay anghel ng diyos
at ayaw sa kanila ng demonyo
di raw bagay ang aswang sa impyerno
pagkat sila'y anghel na binusabos
malupit ang mga anghel, kaylupit
anak ng diyos silang hinilahil
silang mga itinaboy ng anghel
dahil ipinanganak silang pangit
kaya aswang ay naroon sa gitna
ng bukangliwayway at takipsilim
anghel sa liwanag, taning sa dilim
aswang naman ay nahulog sa lupa
ngunit kaylakas ng anghel, kaylakas
di maari sa liwanag ang aswang
itinuring nitong aswang ay halang
ang bituka't isa ring talipandas
pinagtanggol ng aswang ang sarili:
"ipinanganak lang akong kaiba
ngunit ako'y agad tinaboy nyo na
anghel nga kayo ngunit mapang-api"
ang anghel sa kanya'y agad tumugon:
"karima-rimarim ang iyong anyo
kaya sa langit dapat kang maglaho
at diyan sa lupa ka maglimayon"
kaya pala aswang ay nasa lupa
anghel silang anyo'y napakapangit
kaya itinaboy mula sa langit
at dito sa lupa'y pagala-gala
si Taning man ay di siya matanggap
sa impyerno'y pawang maganda't macho
aswang ay walang puwang sa impyerno
at wala sa kanya doong lilingap
aswang na ang anyo'y kahindik-hindik
gayong anghel siyang ubod ng bait
tumapang dahil laging nilalait
nagrebelde't lagim ang naihasik
iisa lang ang pangarap ng aswang
makabalik sa langit at tanggapin
anuman yaong kanyang anyong angkin
anghel pa rin siya sa kalangitan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
ang mga aswang ay anghel ng diyos
at ayaw sa kanila ng demonyo
di raw bagay ang aswang sa impyerno
pagkat sila'y anghel na binusabos
malupit ang mga anghel, kaylupit
anak ng diyos silang hinilahil
silang mga itinaboy ng anghel
dahil ipinanganak silang pangit
kaya aswang ay naroon sa gitna
ng bukangliwayway at takipsilim
anghel sa liwanag, taning sa dilim
aswang naman ay nahulog sa lupa
ngunit kaylakas ng anghel, kaylakas
di maari sa liwanag ang aswang
itinuring nitong aswang ay halang
ang bituka't isa ring talipandas
pinagtanggol ng aswang ang sarili:
"ipinanganak lang akong kaiba
ngunit ako'y agad tinaboy nyo na
anghel nga kayo ngunit mapang-api"
ang anghel sa kanya'y agad tumugon:
"karima-rimarim ang iyong anyo
kaya sa langit dapat kang maglaho
at diyan sa lupa ka maglimayon"
kaya pala aswang ay nasa lupa
anghel silang anyo'y napakapangit
kaya itinaboy mula sa langit
at dito sa lupa'y pagala-gala
si Taning man ay di siya matanggap
sa impyerno'y pawang maganda't macho
aswang ay walang puwang sa impyerno
at wala sa kanya doong lilingap
aswang na ang anyo'y kahindik-hindik
gayong anghel siyang ubod ng bait
tumapang dahil laging nilalait
nagrebelde't lagim ang naihasik
iisa lang ang pangarap ng aswang
makabalik sa langit at tanggapin
anuman yaong kanyang anyong angkin
anghel pa rin siya sa kalangitan
Martes, Mayo 27, 2014
Sanggang-dugo
SANGGANG-DUGO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
magkasama kami sa mga kasiyahan
magkasangga kami sa anumang labanan
kami ang sanggang-dugo hanggang kamatayan
sanggang-dugong di palulupig kaninuman
ang pinanggalingan namin ay isang dugo
magkakapatid kaming dugo'y magkahalo
sa magkasanggang-dugo'y walang naglililo
tapat sa adhika, pangarap at pangako

Lunes, Mayo 26, 2014
Ang sanhi ng ating kahirapan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
"If the misery of the poor be caused not by the laws of nature, but by our institutions, great is our sin." ~ Charles Darwin
bakit isinilang na mahirap ang mahihirap?
sila bang mga dukha'y hindi marunong mangarap?
dahil naghihirap dapat ba silang nililingap?
kaginhawaan ba'y kailan nila malalasap?
mahihirap ba'y isinilang upang maging banal?
maging dukha'y mapalad, iba'y ganito ang usal
tila mali itong paniwala nila’t pangaral
siphayo’t dusa ang danas ng dukhang nagpapagal
mapalad ang maging dukha, ang sabi daw ng pari
huwag galawin ang kinamal nilang pag-aari
magdasal kayo habang lupa nyo'y kanilang mithi
don at donya'y dumami, katutubo'y inaglahi
kung naging mahirap kayo gawa ng kalikasan
iyon naman ay madali nating maunawaan
binagyo, dinelubyo, tinangay yaong tahanan
binaha't nangasira ang anuman nilang yaman
ngunit kung inagawan ng karapatan ang dukha
masasabi pa kaya nilang dukha'y pinagpala?
lupaing ninuno'y inagaw sa nagdaralita
ari ng isang tao ang ekta-ektaryang lupa
kaya makatuwiran ba ang ganitong pag-angkin?
ito'y di makatao, dukha'y nagtila alipin
upang mapawi ang hirap ng kapwa tao natin
kailangang ang pag-aaring pribado'y pawiin
gumagawa'y dapat magkaisa't iisang uri
ang yaman ng lipunan ay dapat nilang mabawi
agawin sa kamay nitong burgesyang naghahari
at pribadong pag-aari'y dapat nilang mapawi
ito na lang ang paraan nang wala nang maghirap
yaman ng lipunan ay bawiin sa mapagpanggap
pantay na ipamahagi sa lahat ng mahirap
upang lipunang makatao'y atin nang malasap
Linggo, Mayo 25, 2014
Kung may rosas ako habang inaalala kita
KUNG MAY ROSAS AKO HABANG INAALALA KITA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
kung may rosas ako habang inaalala kita
may hardin ako ng rosas para sa iyo, sinta
hardin na sumusulpot lang pag nagugunita ka
pinalago ng pag-ibig sa tulad mong diyosa
kapara mo'y rosas na kayganda ngunit matinik
ngunit isang rosas kang bango ang inihahasik
nagbubunyi't naghihiyaw ang puso kong tahimik
pagkat nariyan kang nais kong gawaran ng halik
sa mga kariktang nakasalamuha ko, sinta
diyamante kang namumukod-tangi sa kanila
kung tangan ko ang rosas habang nasa gunita ka
tandang ikaw ang pinakaiibig kong diyosa

Sabado, Mayo 24, 2014
Dapat ang masa'y ganap na lumaya
DAPAT ANG MASA'Y GANAP NA LUMAYA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
paanong sarili'y poprotektahan
kung ang kapwa mo'y walang kalayaan
magiging ganap na malaya ka lang
kung iba'y may ganap na kalayaan
kaya halina't tayo'y makibaka
durugin yaong mapagsamantala
palitan iyang bulok na sistema
kalayaa'y dapat kamtin ng masa
ang paglaya ng masa'y paglaya mo
paglayang dapat nating matrabaho
sa mundong itong sadyang gulung-gulo
na karapata'y di nirerespeto
sa pangunguna nitong manggagawa
dapat ang masa'y ganap na lumaya
magkaisang uri silang babangga
at dudurog sa burgesyang kuhila
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
paanong sarili'y poprotektahan
kung ang kapwa mo'y walang kalayaan
magiging ganap na malaya ka lang
kung iba'y may ganap na kalayaan
kaya halina't tayo'y makibaka
durugin yaong mapagsamantala
palitan iyang bulok na sistema
kalayaa'y dapat kamtin ng masa
ang paglaya ng masa'y paglaya mo
paglayang dapat nating matrabaho
sa mundong itong sadyang gulung-gulo
na karapata'y di nirerespeto
sa pangunguna nitong manggagawa
dapat ang masa'y ganap na lumaya
magkaisang uri silang babangga
at dudurog sa burgesyang kuhila
Ang lasenggo at ang lasenggero
ANG LASENGGO AT ANG LASENGGERO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ang lasenggo sa nayon at lasenggero sa lungsod
ay nagkasarapan sa tunggaang nakalulunod
pulutan nila'y balot na pampalakas ng tuhod
napag-usapan ang buhay, bakit kayod ng kayod
lasenggo'y nais nang iwan ang sinasakang lupa
nais magtungo sa lungsod at maging manggagawa
tugon ng lasenggero, sa lungsod kayraming dukha
mabuti't sa nayon, magtanim lang, may mapapala
basta masipag ka sa nayon, may maitatabi
may lupa roong matatamnan, di ka magsisisi
sa lungsod, dapat mautak, marunong dumiskarte
magpautang, magpataya, mangamuhan, maapi
patuloy sa pagtunggang kayraming napag-usapan
pati mga pangarap nila sa kinabukasan
nais layuan ang kasalukuyang kalagayan
pinapangarap kung saan buhay nila’y aalwan
naubos ang tagay, natulog, nagising, tulala
pagkatapos mahulasan, sila'y nakatunganga
kinita'y napunta sa inom, ngayon, walang-wala
kinitang maghapon, di naipon, walang napala

Biyernes, Mayo 23, 2014
Siga sa kalye
SIGA SA KALYE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
5 pantig bawat taludtod
siga'y naroon
sa aming kalye
ngunit di bale
ako'y may baston
kapag dinale
ako ng siga
ako'y sasangga
sa pag-atake
sa aking diwa
siya'y babagsak
dugo'y dadanak
hanggang sa lupa
ako'y titindig
ng taas-noo
kahit kanino
di palulupig
ni Gregorio V. Bituin Jr.
5 pantig bawat taludtod
siga'y naroon
sa aming kalye
ngunit di bale
ako'y may baston
kapag dinale
ako ng siga
ako'y sasangga
sa pag-atake
sa aking diwa
siya'y babagsak
dugo'y dadanak
hanggang sa lupa
ako'y titindig
ng taas-noo
kahit kanino
di palulupig
Miyerkules, Mayo 21, 2014
Nang binanlian ng kumukulong tubig ang Pinay sa Riyadh
NANG BINANLIAN NG KUMUKULONG TUBIG ANG PINAY SA RIYADH
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
kumukulong tubig yaong ibinuhos sa kanya
ng among babaeng kundi man baliw ay maldita
sa Riyadh umano'y dalawang buwan pa lang siya
at pawang mga pasa ang agad niyang nakuha
tinanggap niya sa among lalaki'y pasa't palo
ngayon, sa among babae'y tubig na kumukulo
sinapit niya'y sadyang nakadudurog ng puso
siya pa'y pinagtrabaho kahit puno ng paso
anim na oras pa umano bago pinagamot
dinala sa isang klinika ng among balakyot
sa kanya'y kaytindi ng kalagayang idinulot
dapat lang niyang lisanin ang mga among salot
sino bang matinong taong sa kanya'y magbabanli
ng tubig na kumukulo, sadyang nakamumuhi
mga amo niya'y sadya ngang walang puso't budhi
nagamot man, pinagtrabaho pa't di kinandili
di makatao ang naging amo niya sa Riyadh
nagkamali ng napasukan sa trabahong hangad
sa pinsalang tinamo, amo'y dapat lang magbayad
sinapit ng mga tulad niya’y dapat malantad
sa nangyari'y di dapat mabagal ang embahada
lalo't kababayan ay kailangan ng hustisya
dapat managot yaong mga maysala’t magdusa
ang sinapit niya'y di dapat maulit sa iba

Ang tingin nila sa dukha'y dagang dapat lipulin
ANG TINGIN NILA SA DUKHA'Y DAGANG DAPAT LIPULIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sa flood summit ng gobyerno, ang biktima'y kriminal
maralita ang sinisisi sa bahang dumatal
dukhang todong binaha, itinuring na sagabal
marapat daw mawala nang lumuwag ang imburnal
ang tingin nila sa dukha'y dagang dapat lipulin
at sila'y Pied Piper na dukha ang pupuksain
tingin nila bawat dukha'y nakagawa ng krimen
krimen ang maging mahirap sa ganitong rehimen
nais linisin, pagandahin ang mga estero
kaya tinataboy ang dukhang nakatira rito
project cost ay kaylaki, sa social cost, walang pondo
kung meron man, tinitipid, ibinubulsa ito
para sa kanila, itaboy dapat iyang dukha
iyan umano'y buod ng flood summit na ginawa
dagang dapat nang lipulin ang mga maralita
pagkat dukha raw ang dahilan kaya nagbabaha
wala sanang problemang linisin iyang estero
basta't maralita'y ituring nilang kapwa tao
ang paglilipatan pa'y di malayo sa trabaho
di sa kung saang relokasyong magugutom tayo
ang dukha'y di daga kundi taong may karapatan
bakit aalipustain ang dukhang mamamayan?
di daga iyang dukha, kapwa tao natin iyan
dukha'y dalita man, may dangal na iniingatan

Martes, Mayo 20, 2014
Iskwater ang makabagong sabsaban
ISKWATER ANG MAKABAGONG SABSABAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
ipinanganak siya doon sa sabsaban
dahil mga tao sila'y pinagtabuyan
ngayon sabsaban na'y kinilalang tuluyan
di lang nitong dukha kundi ng mayayaman
dahil sinasamba nila'y doon sumilang
kayraming dukhang sa iskwater pinanganak
makabagong sabsabang sadyang nililibak
ng mayayamang mapangmata't mapangyurak
tila di na tao ang dukhang hinahamak
pag eleksyon lang trapo'y doon pumuputak
ang sabsaban ang kainan ng hayop noon
ang iskwater ay kanlungan ng dukha ngayon
hinahamak ang sinumang tumira roon
kapwa pinandidirihan ang mga iyon
ng mga mapangmatang may sariling mansyon
itinaboy sa sabsaban, walang katulad
nasa iskwater, animo'y walang dignidad
sa sabsaba't iskwater, pagkatao'y hubad
asal ng mapangmata'y dito nalalantad
na puso nila'y bato't ang balat ay katad
dukhang sabsaban ngayo'y dinarakila na
habang iskwater nama'y inaalipusta
di ba't kabalintunaan ang asal nila
sariling kaligtasan lang ang ninanasa
habang niyuyurakan ang kanilang kapwa

Lunes, Mayo 19, 2014
Sosyalismo'y tulad ng karagatan
SOSYALISMO'Y TULAD NG KARAGATAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
iyang sosyalismo'y tulad ng karagatan
sadyang kaylawak, saklaw ang kailaliman
sa kanya'y walang nagmamay-aring sinuman
pagkat sa kanya, lahat ay nakikinabang
tulad ng karagatan iyang sosyalismo
dagat na hindi maari-ari ng tao
mayaman o dukha, para sa lahat ito
sa dagat ay nakikinabang lahat tayo
ganyan din ang sosyalismo, tulad ng dagat
walang nag-aaring negosyanteng makunat
isda, pusit, halamang-dagat, tubig-alat
walang nag-aaring kapitalistang bundat
dagat na ito'y di dapat isapribado
pagkat sadyang hindi maisasapribado
sinong mag-aari ng Dagat Pasipiko
kung nais pa niyang mabuhay pa sa mundo
tulad ng dagat na walang nagmamay-ari
dapat iwaksi ang pribadong pag-aari
pagkat pag-aring pribado'y mapang-aglahi
na sanhi kung bakit nagkaroon ng uri
tao'y makinabang sa yaman ng lipunan
wala para sa isang uri o iilan
lipulin ang naghaharing uri sa bayan
pribadong pag-aari'y iwaksing tuluyan
dapat isulong ang sistemang sosyalismo
pagkat walang paghahati ng tao rito
dapat itatag ang lipunang sosyalismo
upang maging ganap ang ating pagkatao

Huwebes, Mayo 15, 2014
Ituring mong sila'y liha
ITURING MONG SILA'Y LIHA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
lagi kang sinasaktan, puso mo'y pinadudugo
sinisiraan ka't pinupulbos ang iyong bungo
pinipiga pati ang kaibuturan mo't puso
lalo na pagkatao mo'y kanilang dinuduro
ganyan kung sirain ka nila't nais kang maglaho
isipin mong sila'y lihang pinakikinis ka lang
kinakayas ang kagaspangan sa iyong katawan
kaibuturan mo'y nililinis nilang mataman
balang araw ay magiging maganda ka nang tingnan
at silang lihang nanira'y wala nang pakinabang

Martes, Mayo 13, 2014
Sa bangin ng pangarap
SA BANGIN NG PANGARAP
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 na pantig bawat taludtod
sariwang pagkain
at sariwang hangin
doon sa may bangin
ng pangarap natin
matutupad kaya
ang iwing adhika
o dulot ay luha
at walang napala
mahal ko, ingat ka
ikaw lang ang nasa
at siyang diyosa
niring puso, sinta
dapat gawing ganap
ginhawa'y malasap
tupdin ang pangarap
na sadyang kay-ilap
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 na pantig bawat taludtod
sariwang pagkain
at sariwang hangin
doon sa may bangin
ng pangarap natin
matutupad kaya
ang iwing adhika
o dulot ay luha
at walang napala
mahal ko, ingat ka
ikaw lang ang nasa
at siyang diyosa
niring puso, sinta
dapat gawing ganap
ginhawa'y malasap
tupdin ang pangarap
na sadyang kay-ilap
Lunes, Mayo 12, 2014
Kay Jenny - tula ni Karl Marx
KAY JENNY
Tula ni Karl Marx, Nobyembre 1836
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Jenny! Walang biro, ikaw ay kinakailangan
Kung bakit ang awit kong "Kay Jenny"'y para sa iyo
Na sa iyo lang pulso ko'y kaybilis nang pumintig
Na mga awit ko lang sa iyo'y walang pag-asa
Na ikaw lang ang nagpapasigla ng puso nila
Na bawat pantig ng pangalan mo'y nagpahayag
Na maindayog mong pinahiram ang bawat nota
Na walang hiningang maligaw mula sa Diyosa?
Pagkat napakatamis dinggin ng iyong pangalan
At sa aki'y napakatindi ng indayog niyon
Napakabuo, tumataginting ang tunog niyon
Ang kapara'y masiglang diwa sa may kalayuan
Ang kapara'y ang saliw ng gintong kwerdas ng lira
Tulad ng ilang kagilagilalas na pag-iral
TO JENNY
A poem by Karl Marx
Jenny! Teasingly you may inquire
Why my songs "To Jenny" I address,
When for you alone my pulse beats higher,
When my songs for you alone despair,
When you only can their heart inspire,
When your name each syllable must confess,
When you lend each note melodiousness,
When no breath would stray from the Goddess?
'Tis because so sweet the dear name sounds,
And its cadence says so much to me,
And so full, so sonorous it resounds,
Like to vibrant Spirits in the distance,
Like the gold-stringed Cithern's harmony,
Like some wondrous, magical existence.
* Ang sonetong "Kay Jenny" ay isa lang sa mga tula ni Karl Marx na may gayon ding pamagat.

Payo sa mahal kong anak
PAYO SA MAHAL KONG ANAK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
maging matuwid ka, aking anak
upang ikaw ay di mapahamak
at upang di ka rin hinahamak
ng mga balisawsaw ang utak
daanin mo na lang sa halakhak
ang pamimintas ng mapangyurak
unawain na lang silang tunggak
at layuan na lang sila, anak
maging makatarungan ka, bunso
upang ikaw ay di masiphayo
at nang iyong puso’y di magdugo
prinsipyo mo’y di dapat maglaho
kung sa kanila, dugo'y kumulo
huwag patulan silang hunyango
unawain na lang sila, bunso
sa kanila'y huwag kang humalo
anak, maging mapagpatawad ka
bahaginan ng galak ang iba
kung sakaling sinisiraan ka
huwag pansinin ang tulad nila
magpakatao't manindigan ka
sa bawat adhika’y humayo ka
kung sa tingin mo'y ikagaganda
ng buhay mo, lalo na ng masa
anak, sa tama ka lang pumanig
tiyaking prinsipyado ang tindig
labanan mo't dapat mong mausig
ang mga tiwaling panay hamig
huwag hayaang kapwa'y malupig
ng mapang-api’t kanilang kabig
anak, sa wasto lagi sumandig
puso mo'y punuin ng pag-ibig
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
maging matuwid ka, aking anak
upang ikaw ay di mapahamak
at upang di ka rin hinahamak
ng mga balisawsaw ang utak
daanin mo na lang sa halakhak
ang pamimintas ng mapangyurak
unawain na lang silang tunggak
at layuan na lang sila, anak
maging makatarungan ka, bunso
upang ikaw ay di masiphayo
at nang iyong puso’y di magdugo
prinsipyo mo’y di dapat maglaho
kung sa kanila, dugo'y kumulo
huwag patulan silang hunyango
unawain na lang sila, bunso
sa kanila'y huwag kang humalo
anak, maging mapagpatawad ka
bahaginan ng galak ang iba
kung sakaling sinisiraan ka
huwag pansinin ang tulad nila
magpakatao't manindigan ka
sa bawat adhika’y humayo ka
kung sa tingin mo'y ikagaganda
ng buhay mo, lalo na ng masa
anak, sa tama ka lang pumanig
tiyaking prinsipyado ang tindig
labanan mo't dapat mong mausig
ang mga tiwaling panay hamig
huwag hayaang kapwa'y malupig
ng mapang-api’t kanilang kabig
anak, sa wasto lagi sumandig
puso mo'y punuin ng pag-ibig
Dukha man kami, may nakalaan ding langit
DUKHA MAN KAMI, MAY NAKALAAN DING LANGIT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
dukha man kami, may nakalaan ding langit
langit na ang karapatan ay nakakamit
na dangal ng dukha'y di ipinagkakait
maging sa dukhang babae, matanda't paslit
ngunit dapat na ito'y ating ipaglaban
kung nais nating ito'y tuluyang makamtan
itatayo ang langit sa sangkalupaan
at isisilang ang isang bagong lipunan
halina, maralita, magkaisang lubos
at organisahin ang lahat ng hikahos
huwag maghintay ng sinumang manunubos
katubusan nati'y nasa ating pagkilos
naghihirap at pinahihirapang masa
sa pangarap na ito'y dapat magkaisa
pagkat langit din ay ating matatamasa
kung mapalitan itong bulok na sistema

"Bakit walang pagkain ang dukha?" - Obispo Camara
"BAKIT WALANG PAGKAIN ANG DUKHA?" - Obispo Camara
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
“When I give food to the poor, they call me a saint. When I ask why the poor have no food, they call me a communist.” ~ Dom Hélder Câmara, Archbishop of Brazil
Minsan nga'y sinabi ni Obispo Camara:
"Nang bigyan ko ng pagkain ang maralita
Tinawag nila akong santong pinagpala.
Tanong ko: 'Bakit walang pagkain ang dukha?’
Aba't tinawag agad akong komunista!"
Pagtanong ng 'Bakit?' ba'y isang kahangalan?
Komunista ka na kung nais mong malaman
Kung bakit may naghihirap at may mayaman?
Kung bakit sa gobyerno'y maraming kawatan?
Kung bakit ang serbisyo'y pinagtutubuan?
Bakit umiiral ang pagsasamantala?
Bakit naghahari'y uring kapitalista?
Bakit pawang tubo ang nasa isip nila?
Bakit laging kinakawawa itong masa?
Bakit dapat baguhin na itong sistema?
Ang pagtatanong ng 'Bakit?' ay tama lamang
Ito'y upang malaman ang mga dahilan
Ng mga nangyayari sa ating lipunan.
Pagtatanong na ito'y isang karapatan
Ng mga taong may tunay na karangalan.

Sabado, Mayo 10, 2014
Kung para sa sarili'y di kayang magrebolusyon
KUNG PARA SA SARILI'Y DI KAYANG MAGREBOLUSYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
kalayaan ng uri, paglaya ng iyong uri
mula sa sinumang naghaharing mapang-aglahi
anumang pribadong pag-aari'y dapat mapawi
ang lakas ng uring manggagawa'y dapat mabawi
halina, kaibigan, magsikilos tayo ngayon
ibagsak natin yaong nag-aastang panginoon
ang panginoong maylupa't kapitalistang maton
silang mga ganid sa puso't yaman nitong nasyon
pinapangarap natin ang isang mundong malaya
na di pinagsasamantalahan ang manggagawa
daigdig na kinikilala ang dangal ng madla
at tinataguyod ang kapakanan ng paggawa
sistemang umiiral ngayon ay sadyang mabagsik
mapangyurak sa masa, naghahari'y mabalasik
kung para sa sarili'y di mo kayang maghimagsik
gawin ito para sa mga anak mong tangkilik
abutin natin ang magagandang adhika't rason
hanggang maitayo yaong lipunang nilalayon
kung para sa sarili'y di kayang magrebolusyon
gawin ito para sa susunod na henerasyon

Biyernes, Mayo 9, 2014
Hinggil sa paksa ng tula
HINGGIL SA PAKSA NG TULA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
itinutula kahit ano, tanaw man o hindi
ang magagandang dalagang may mapupulang labi
kalangitan, sangkalupaan, lahing kayumanggi
pakikibaka ng masa't tunggalian ng uri
kahinahunan, pangamba, nilalaman ng budhi
itinutula kahit anong mga bagay-bagay
sampagita, ilang-ilang, bulaklak ng katuray
minatamis na bao, suman, bibingka, kalamay
katawang hingalin, seksi, bisig na nakadantay
panaginip, bangungot, kahit malamig mang bangkay
itnutula kahit ano, sa parang man ng digma
pagkat pagtula'y sining, dukha ka man o dakila
niloloob ng puso'y tinutula kahit luha
karaniwan, espesyal, o ideyang manggagawa
kahit anong paksa'y ating maaaring itula

Miyerkules, Mayo 7, 2014
Dinggin mo yaring puso, mahal ko
DINGGIN MO YARING PUSO, MAHAL KO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
nakangiti pag kaharap sila
akala mo'y talagang kaysaya
umiiyak pag tumalikod na
pilit itinatago ang dusa
sinta, sobra yata kitang mahal
kaya ako'y tila isang hangal
ikaw ang diyosa sa pedestal
habang ako'y nasa lupa't kanal
sa akin, paano ka iibig?
nais kitang kulungin sa bisig
upang puso natin ay magniig
yakap kita sa gabing malamig
ikaw ang pinangarap ng puso
sinta, ito sana'y di magdugo
at huwag hayaang masiphayo
akong irog mong panay pagsuyo
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
nakangiti pag kaharap sila
akala mo'y talagang kaysaya
umiiyak pag tumalikod na
pilit itinatago ang dusa
sinta, sobra yata kitang mahal
kaya ako'y tila isang hangal
ikaw ang diyosa sa pedestal
habang ako'y nasa lupa't kanal
sa akin, paano ka iibig?
nais kitang kulungin sa bisig
upang puso natin ay magniig
yakap kita sa gabing malamig
ikaw ang pinangarap ng puso
sinta, ito sana'y di magdugo
at huwag hayaang masiphayo
akong irog mong panay pagsuyo
Martes, Mayo 6, 2014
Mamamatay din ako sa tama ng bala
MAMAMATAY DIN AKO SA TAMA NG BALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
mamamatay din ako sa tama ng bala
ngunit sana'y panigan ako ng hustisya
pagkat ako'y walang kasalanan sa masa
ninais ko lang ay baguhin ang sistema
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
mamamatay din ako sa tama ng bala
ngunit sana'y panigan ako ng hustisya
pagkat ako'y walang kasalanan sa masa
ninais ko lang ay baguhin ang sistema
Linggo, Mayo 4, 2014
Organisahin ang mga lumpen!
ORGANISAHIN ANG MGA LUMPEN!
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Maraming ganyan, sa ka-brod nanghihiram ng tapang
Lumpen proletaryadong saksakan ng kayabangan
Pag mag-isa'y tameme, litaw na ang karuwagan
Nasaan na ang ka-brod sa oras ng kagipitan?
At kung wala ang ka-brod, "Inay, ikaw ba'y nasaan?"
Mga tulad nila'y masasandalan ang hinanap
Baka apihin daw ng iba't hirap ang malasap
Nang mapasali sa frat o gang, mata na'y sulipat
May ka-brod nang mahihiraman ng tapang na salat
Sa brod nanghiram ng tapang ang tulad nilang salat
Dahil mayroon nang brod, binu-bully na ang iba
At mga nagsiga-sigaan na sa lugar nila
Pasaway sa magulang, mga walang disiplina
Nais nilang ang kapwa nila'y katakutan sila
Dahil lang may kapit, nang-api na't nagsamantala
Gayunpaman, organisahin sila sa kilusan
Magtapang-tapangan sila sa rali sa lansangan
Iharap sa mga pulis, subukan sa bakbakan
Gawing mga komunista ang kanilang isipan
At sosyalismo'y dapat nilang yakaping tuluyan!

Sabado, Mayo 3, 2014
Mag-isa sa bartolinang kaylamig
MAG-ISA SA BARTOLINANG KAYLAMIG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
mag-isa akong muli sa bartolinang kaylamig
minumuni ang hinaing ng mga nilulupig
sa nangyayari sa lipunan, anong ating tindig
bakit dukha'y lagi nang limang tuka, isang kahig
yaong nasa taas ay tila walang naririnig
diwa’y pinapanday sa madilim kong bartolina
pinagninilayan kung anong dapat magawa pa
kakathain ba'y buhay ng magagandang prinsesa?
o dinaranas na dusa ng dukha nating masa?
dagta ba ng bulok na sistema’y maisusuka?
dito sa bartolinang mistulang sariling silid
iginuguhit sa diwa ang maraming di batid
gunita'y mga bayaning sa dilim nangabulid
nanggigigil habang gumigiti ang abang litid
habang katha ko't lumbay sa kanila’y nalilingid

Sa pagpula ng lansangan
SA PAGPULA NG LANSANGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Mayo Uno, pinakita nila'y pagkakaisa
manggagawang nagsimartsa'y nakasuot ng pula
tila nagdurugo sa himagsik ang puso nila
hibik nila’y hustisya’t pagbabago ng sistema
diwa't prinsipyo nila'y ipinaalam sa madla
na isang bagong daigdig ang nais na malikha
lipunang ang pagsasamantala sa kapwa'y wala
lipunang ang namamahala’y uring manggagawa
pinapula ng mga manggagawa ang lansangan
tanda ng pagkakaisa sa prinsipyo't paglaban
kumikilos, nagkakaisa, at naninindigan
tungo sa pagbabago at sosyalistang lipunan
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)