Sabado, Mayo 31, 2014

Huwag nang manabako

HUWAG NANG MANABAKO
(Alay sa pagdiriwang ng World No Tobacco Day tuwing Mayo 31)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 na pantig bawat taludtod

iyong mahalin, kaibigan
ang katawan mo't kalusugan
lalo na ang bagang daluyan
ng masarap na pakiramdam

pag yosi'y tuluyang sinira
ang napakahalagang baga
anong gagawin, tutunganga?
mayroon pa bang magagawa?

hangga't maaga'y tigilan mo
iyang bisyong pananabako
payong kapatid lamang ito
ang desisyon ay nasa iyo

Walang komento: