Sabado, Mayo 24, 2014

Dapat ang masa'y ganap na lumaya

DAPAT ANG MASA'Y GANAP NA LUMAYA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod

paanong sarili'y poprotektahan
kung ang kapwa mo'y walang kalayaan
magiging ganap na malaya ka lang
kung iba'y may ganap na kalayaan

kaya halina't tayo'y makibaka
durugin yaong mapagsamantala
palitan iyang bulok na sistema
kalayaa'y dapat kamtin ng masa

ang paglaya ng masa'y paglaya mo
paglayang dapat nating matrabaho
sa mundong itong sadyang gulung-gulo
na karapata'y di nirerespeto

sa pangunguna nitong manggagawa
dapat ang masa'y ganap na lumaya
magkaisang uri silang babangga
at dudurog sa burgesyang kuhila

Walang komento: