NAGLIPANANG UPOS
(Tula sa World No Tobacco Day tuwing Mayo 31)
di ako nagyoyosi, ang ginagawa kong lubos
ay ang tipunin sa bote ang nagkalat na upos
ito ang sa kapaligiran ay ambag kong taos
bakasakali lang kahit upos ay di maubos.
ginagawa kong ash tray ang pangsardinas na lata
sa paligid nito'y nilalagyan ng karatula
"Dito ilagay ang upos, kaibigan, kasama"
at ibinabahagi sa pabrika't opisina.
naglipana ang upos sa kalsada't karagatan
talagang nakakaupos ang nangyayaring iyan
mga wawa ng ilog ay tila nabubusalan
naglulutangan ang upos sa mga katubigan.
mga isinaboteng upos sa lupa'y ibaon
tulad ng hollow blocks ay patigasin ito ngayon
gawin kaya natin itong proyekto sa konstruksyon?
baka may paggamitan ang upos kapag naglaon.
ngayong World No Tobacco Day, anong masasabi mo?
nagkalat ang upos sa ating paligid, katoto
may maitutulong ka ba't maipapayo rito?
upang malutas ang mga upos na dumelubyo?
- gregbituinjr.,05/31/2019
Biyernes, Mayo 31, 2019
Ano baga?
ANO BAGA?
(Tula para sa World No Tobacco Day tuwing Mayo 31)
nosi ba lasi para magyosi't bugahan tayo
ng usok gayong di naman tayo nananabako
sa dyip, naaamoy mo ang yosi ng katabi mo
aba'y pasensya na't natapatan ka ng tambutso!
yosi ng yosi, hitit ng hitit, buga ng buga
nakakaalarma, kalusugan mo'y paano na?
di ka nga humihitit, nalalanghap mo'y sa iba
walang bisyo ngunit second-hand smoker ka pala
paano mo ba pagsasabihan ang mga sutil?
pananabako nila'y paano ba matitigil?
polusyon sa katawan mo'y sino kayang pipigil?
paano iiwas na unti-unti kang makitil?
ngayong World No Tobacco Day, ating alalahanin
huwag pabayaan ang baga't kalusugan natin!

Huwebes, Mayo 30, 2019
Walang matuluyan, mawalang tuluyan
WALANG MATULUYAN, MAWALANG TULUYAN
(tula sa International Week of the Disappeared)
mas mabuti pang ako'y walang matuluyan
kaysa naman tulad ko'y mawalang tuluyan
kung walang matuluyan, mag-ingat sa daan
mahirap nang mawala't madukot ng halang
Daigdigang Linggo ng Desaparesido
ay ating gunitain ngayong linggong ito
nawa mahal nila'y matagpuang totoo
at kanilang kamtin ang hustisya sa mundo
sa huling linggo ng Mayo ginugunita
itong linggo ng sapilitang pagkawala
paghanap sa kanila'y walang patumangga
ang sakit na nadarama'y tila ba sumpa
nawa'y matapos na ang pasakit at dusa
pagkat mahal sa buhay ay natagpuan na
- gregbituinjr./05/30/2019

Miyerkules, Mayo 29, 2019
Pagbati sa pagsapit ng kalahating siglo
PAGBATI SA PAGSAPIT SA KALAHATING SIGLO
Ang pagbati ko'y maligayang kalahating siglo
Sa pagdiriwang ng ikalimampung taon ninyo
Sa mga ka-henerasyon ko, at naging klasmeyt ko
Mabuhay kayo! Mabuhay ang kalahating siglo!
Dahil sumapit na tayo sa edad na singkwenta
Ay maaaring biruing, "Ang tanda mo na pala!"
Di ba't anong gandang ipagdiwang ang edad medya
Na edad na ito'y sinapit nating malakas pa!
Aba'y parang kailan lang, kaybilis ng panahon
Nag-aaral tayo't kaeskwela lang kita noon
Kayraming karanasa't pinagdaanang kahapon
At may mga anak at mga apo na rin ngayon.
Dapat na bang mag-Planax upang tuhod ay tumibay?
Kumusta na ba ang inyong pamilya't pamumuhay?
Hiling ko nawa'y lagi kayong pinagpalang tunay!
Di nagkakasakit, matatag, may lakas pang taglay!
Pag ang kalahating siglo mo'y iyo nang sinapit
Damhin mo ang nagdaang buhay na napakarikit
Damhin din ang pinagdaanan mong dusa't pasakit
Anong aral ang maibabahagi mo't nakamit?
Pag sumapit ka na sa iyong kalahati siglo
Isa ka nang alamat, mga ka-henerasyon ko
Mula sa karanasan, dunong mo'y nag-iibayo
Ngayong singkwenta na tayo, isang tagay sa inyo!
Sa pagsapit ng edad medya, ako'y nagpupugay
Sa kababata't kaibigan, at klasmeyt kong tunay
Maraming salamat sa inyo! Mabuhay! Mabuhay!
Pagkat bahagi kayo ng karanasan ko't buhay!
- gregbituinjr.

Sa iyo, klasmeyt
SA IYO, KLASMEYT
Maligayang kaarawan ang aking bati
Sa iyo, klasmeyt, nawa'y lagi kang manatili
Na di nagkakasakit, malakas kang lagi
At di nawawala ang maganda mong ngiti.
Sa iyong kaarawan ay maging masaya
At maging maligaya ang iyong pamilya
Kaibigan, katrabaho sa opisina
Pananaw sa mundo'y manatiling maganda.
Ngayong kaarawan mo'y tanging hiling lamang
Maging malusog ang katawan mo't isipan
Maging matatag anuman ang pagdaanan
Muli, sa iyo'y maligayang kaarawan!
05/29/2019

Sabado, Mayo 25, 2019
Pagkabulag
PAGKABULAG
nabubulag ba tayo sa sariling pagkabulag
o nananatili tayong nagbubulag-bulagan
o mas pinili nating maging bulag kaysa banlag
o ang nangyari'y naging bulag sa buhay na hungkag
bakit nagbubulag-bulagan sa ating paligid
di ba't ang ating kapwa-tao'y atin ding kapatid
ibon, isda, hayop, puno, halaman ay di lingid
na kasama sa daigdig, may pag-ibig ding hatid
anang isang awit: "Masdan mo ang kapaligiran"
kung may mata ka, ang ganda ng paligid ay masdan
pakasuriin mo ang lipunang kinalalagyan:
bakit dukha'y milyun-milyon, mayaman ay iilan?
tayo'y walang giya sa mata tulad ng kabayo
na nilalandas lang kung anong mando ng kutsero
alin ba sa titig ng banal o sulyap ng tukso
ang pipiliin kung kaharap mo'y santo't agogo?

Miyerkules, Mayo 22, 2019
Sa Pandaigdigang Araw ng Saribuhay, Mayo 22, 2019
SA PANDAIGDIGANG ARAW NG SARIBUHAY
(INTERNATIONAL BIODIVERSITY DAY), MAYO 22, 2019
di ko alam, ngunit dapat ding pag-isipang tunay
marahil kalikasan ay marunong ding malumbay
at ngayong Pandaigdigang Araw ng Saribuhay
sa nangyayari sa kalikasan, tayo'y magnilay
may ulat na balyena'y namatay sa karagatan
at may apatnapung kilong plastik sa kanyang tiyan
may mga munting dolphin ding may gayong kapalaran
bakit nangyayari ito, sinong may kasalanan?
natadtad na ng polusyon ang lupa hanggang bundok
nagkalat din ang mga basurang di nabubulok
dapat magbayad ng malaki ang nagpapausok
dulot ng coal fired power plants na nakasusulasok
ang dagat na'y kayraming upos at single use plastic
kayraming usok ng sasakyan sa ragasang trapik
nauubos na ang kagubatang sa bunga'y hitik
sa nangyayari, tayo pa rin ba'y patumpik-tumpik
sa karagatan nagmumula ang pagkaing isda
at sa bukid nakukuha ang pagkaing sariwa
kung ang saribuhay ay ating binabalewala
magugutom ang mayamang bansang kayraming dukha
sinong sumisira ng kalikasan kundi tao
sinong magtatanggol sa kalikasan kundi tao
sinong kikilos upang mapangalagaan ito
protektahan ang kalikasan, sama-sama tayo
malulutas din ang mga nangyayaring problema
dagat, gubat, lungsod, hangin, bundok, protektahan na
sa Pandaigdigang Araw ng Saribuhay, tara
para sa kalikasan, kumilos na't magkaisa!

Lunes, Mayo 20, 2019
Pahimakas kay Sister Cres Lucero
PAHIMAKAS KAY SISTER CRES LUCERO
sa pagkawala mo, masa'y napuno ng hinagpis
nawala kang human rights defenders ay tinitiris
nawala kang karapatang pantao'y tinutugis
nawala kang panibagong diktadura'y kaybangis
ngunit narito kaming saludo sa'yo, Sister Cres
sa isyu ng hustisyang panlipunan, nariyan ka
kasama sa maraming isyu't paglaban ng masa
madre kang matapang ding lumaban sa diktadura
para sa karapatan, patuloy na nakibaka
upang kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya
sa T.F.D.P. ay naging matatag kang pangulo
sa AFAD, FIND, P.M.P.I., kaisa kang totoo
nais mo'y isang mundong walang desaparecido
sa IDefend, at ibang samahan, kasama kayo
sadyang isa kang moog ng karapatang pantao
bilang madre'y napakaganda ng iyong nilayon
sa nawalan ng hustisya, ikaw ay pumaroon
hanggang karapatan ng api'y iyong ibinangon
nariyan kang sa marami'y nagsilbing inspirasyon
isinagawa mong matagumpay ang iyong misyon
maraming salamat, Sister Cres, sa buhay mong alay
itinuro mo sa amin ay magsisilbing gabay
mga halimbawa mo'y inspirasyon at patnubay
sa panahong binigay mo, mabuhay ka, mabuhay
kaya sa iyo, kami'y taos-pusong nagpupugay
- gregbituinjr.,05/20/2019

* binasa sa programang parangal para kay Sis. Cres, na pinangunahan ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa AVR ng St. Joseph's College, Lungsod Quezon, Mayo 20, 2019
Sabado, Mayo 18, 2019
Soneto sa kaarawan ng dalawang magigiting na lider ng masa
SONETO SA KAARAWAN NG DALAWANG MAGIGITING NA LIDER NG MASA
Maligayang kaarawan sa dalawang magaling
Na lider ng pakikibaka't sadyang magigiting
Humaba pa ang buhay nila'y tangi naming hiling
Maging malakas pa sila lalo't masa'y kapiling
Lider nating Pedring Fadrigon at Tita Flor Santos
Sa maraming isyu ng masa'y talagang kumilos
Ibinigay ang panahon at nakibakang lubos
Upang maralita'y di na basta binubusabos.
Sa inyo, Tita Flor Santos at Ka Pedring Fadrigon
Kasama ng masa sa pagharap sa mga hamon
Sa marami sa amin, tunay kayong inspirasyon
Talagang kasama sa pagbabago't rebolusyon
Nawa'y magpatuloy sa adhikaing nasimulan
At muli, pagbati ng maligayang kaarawan!
- gregbituinjr.,05/18/2019

Huwebes, Mayo 16, 2019
Hindi natin kailangan ng amo
HINDI NATIN KAILANGAN NG AMO
"Kailangan ako ng amo ko," sabi mo noon
Hanggang ikaw ay lumisan at nagtrabaho doon
Inuna ang pamilya upang may maipanglamon
Dapat kumayod ng husto, walang baka-bakasyon.
Ganyan nga sa araw-araw ang ating ginagawa
Laging nagkakayod-kalabaw tayong manggagawa
Upang magpatuloy ang kumpanyang tuso't kuhila
Kontrakwal man at karampot na sahod ang mapala.
May hukbo kasing walang trabaho, mga karibal
Parang agawang buko, di ka basta makaangal
Pag nagreklamo, turing sa iyo'y parang kriminal
Pag di ka nagreklamo, para kang robot na hangal!
Di naman talaga natin kailangan ng amo
Basta gawin natin ang napag-usapang trabaho
Di alipin ngunit kailangan natin ng sweldo
Kaya para sa pamilya'y kumakayod ng husto.
Di tayo mamamatay kung mga amo'y mawala
Dahil sa manggagawa kaya sila pinagpala
Hindi sila mabubuhay kung obrero'y mawala
Pagkat pabrika o kumpanya'y di tatakbong kusa.
Oo, sila lamang ang may kailangan sa atin
At kailangan nila ang lakas-paggawa natin
Subalit kung tayo lang ay tapat na tatanungin
Di natin kailangan ng amo, iya'y isipin!

Kumilos kasama ng masa
Kung nais mong tulungan ang "masa" at manalo sa simpatiya at suporta ng "masa," hindi ka dapat matakot sa mga kahirapan, o sakit, panlilinlang, insulto at pag-uusig mula sa "mga pinuno," ngunit dapat ganap na kumilos kung saan matatagpuan ang masa.
~ Lenin, Kaliwang Panig na Komunismo: Sakit ng Musmos (1920)
KUMILOS KASAMA NG MASA
"para sa masa", iyan ang bukambibig ng trapo
"makamahirap ako," ang sambit ng pulitiko
ngunit una sa pulitiko'y kanilang negosyo
sa aktwal ay di nakikitang nagpapakatao
ani Lenin, kung ang masa'y nais nating tulungan
huwag katakutan ang sakripisyo't kahirapan,
ni ang sakit, panlalansi't panghahamak ninuman
ngunit kumilos saanman ang masa matagpuan
sa pagnanasang baguhin ang bulok na sistema
di ba't dapat makasama ang milyun-milyong masa
na pangungunahan ng manggagawa't magsasaka
na mapalitan ang sistemang burgis-elitista
ayaw na nating umiral pa ang sistemang bulok
tandaan natin ang sabi sa awit na "Tatsulok":
"hustisya'y para lang sa mayaman", di ko malunok
kaya maghanda sa panibagong pakikihamok
- gregbituinjr.
Miyerkules, Mayo 15, 2019
Ang 13 Martir ng Bagumbayan, ng Cavite, at ng Arad
ANG 13 MARTIR NG BAGUMBAYAN, NG CAVITE, AT NG ARAD
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ano kayang mayroon sa bilang na labingtatlo
at sa kasaysayan, mayroong labintatlong martir?
Nagkataon bang labintatlong rebolusyonaryo
ang lumaban upang durugin ang malaking pader?
Ilang araw lang matapos si Rizal ay mapaslang
sa Bagumbayan nitong mananakop na Kastila
Labintatlong maghihimagsik din yaong pinaslang
sa parehong lunan, mga buhay nila'y winala.
Doon sa Cavite'y labintatlong maghihimagsik
ang pinaslang ng mga Kastila't pinagbabaril
At sa lugar na iyon, bantayog ay itinirik
bilang tanda ng paglaban sa mga maniniil.
Sa Hungary'y pinaslang ang labintatlong heneral
na nadakip sa paglaban sa Imperyong Austria
Ang karamihan sa kanila'y binigti, sinakal
habang kalaban nila'y umiinom, tumatawa.
Sa labintatlong martir, taos-pusong pagpupugay!
dahil ipinaglaban ninyo ang laya ng bayan.
Nagkaisa't naghimagsik kapalit man ay buhay
puso't diwa'y inilaan para sa sambayanan.
Mga pinagsanggunian:
http://www.executedtoday.com/2010/01/11/1897-the-thirteen-martyrs-of-bagumbayan/
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/871/today-in-philippine-history-january-11-1897-the-socalled-thirteen-martyrs-of-bagumbayan-were-executed
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/597/today-in-philippine-history-september-12-1896-the-13-martyrs-of-cavite-were-executed-by-spanish-authorities
http://www.executedtoday.com/2008/10/06/1849-lajos-batthyany-13-martyrs-of-arad-hungary-1848/
https://en.wikipedia.org/wiki/The_13_Martyrs_of_Arad

Lunes, Mayo 13, 2019
Pagpupugay kay Moises Salvador
PAGPUPUGAY KAY MOISES SALVADOR
tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
pangalang Moises Salvador ay aking nakilala
sapul ng pagkabata dahil sa isang eskwela
siya pala'y isang bayani rin, sumama siya
kina Rizal, Plaridel, sa kilusang propaganda
sumanib sa Mason, diwa'y matalas, matalino
hanggang makilala si Deodato Arellano
na sa kilusang Katipunan ay unang pangulo
nakilala rin niya si Gat Andres Bonifacio
hanggang sa La Liga Filipina, siya'y sumapi
na pangulo'y kanyang ama, kumilos ng masidhi
hanggang dinakip si Rizal, ang bayani ng lahi
pinatapon sa Dapitan, ang La Liga'y ginapi
Katipunan ay natuklasan ng mga Espanyol
kaya mga Katipunero'y agad na nagtanggol
ang tulad niyang Mason, akala'y di masasapol
ngunit hinuli sila't inusig, binigyang hatol
hanggang si Rizal, pinaslang doon sa Bagumbayan;
labingdalawang araw matapos itong mapaslang
si Moises Salvador, binaril din sa Bagumbayan
na kasama ang labindalawa pang kababayan
sa iyo, O, Moises Salvador, isang pagpupugay
paaralang ipinangalan sa iyo'y kayhusay
pagkat buhay ng nagtapos dito'y naging makulay
O, mabuhay ka, Moises, martir ka't bayaning tunay!

Biyernes, Mayo 10, 2019
Hiyaw ng Masa: Hustisya sa Bayan Ko!
HIYAW NG MASA: HUSTISYA SA BAYAN KO!
Ngayong ikasampu ng Mayo ay anibersaryo
ng pagkapaslang sa Supremo Andres Bonifacio.
Isang paggunita sa pagpaslang sa libu-libo.
Sa ngalan ng War on Drugs, naging War on the Poor ito.
Kaya ang hiyaw ng madla: HUSTISYA sa bayan ko!
Taas-kamao't mahigpit kaming nakikiisa
sa mga nakikibaka laban sa bantang Cha-Cha.
Nagbabanta ang mga naiibang elitista.
Babaguhin ang Konstitusyon dahil gusto nila
nang mapagharian ang peke nilang demokrasya
Babaguhin ang sistema tungong federalismo?
Sa ibang bansang watak-watak, nagkaisang todo
kaya sistema'y federal ng mga bansang ito.
Mula isang bansa'y pagbubukurin tayo,
iigting ang dinastiya't kabulukan ng trapo.
Inumpisahan nila sa pananakot, panonokhang
upang matakot pumalag ang masa't sambayanan.
Suriin mo, pulos droga lang ang kanilang alam
at sa Tsina'y nais pa tayong maging lalawigan.
Tayo'y inuuto, ibinebenta na ang bayan!
Huwag tayong matakot, harapin ang mga buktot!
Huwag nating hayaang tuwid ay binabaluktot!
Huwag nang iboto ang mandarambong at kurakot!
Ang tokhang, Cha-Cha't federalismong plano ng buktot
ay huwag payagan! Magkaisa at huwag matakot!
Ngayon ngang gabing ito'y nagkakapitbisig tayo.
Para sa kinabukasan ang pagkilos na ito
pagkat kailangan natin ay malayang senado!
Sa parating na botohan sa a-trese ng Mayo,
Otso Derecho at Labor Win, ating ipanalo!
- gregbituinjr., binasa sa Miting De Avance para sa bayan,
na ginanap sa People Power Monument, Mayo 10, 2019
* ang tulang ito'y may tugma't sukat, labinlimang pantig bawat taludtod.

Miyerkules, Mayo 8, 2019
Sariling kaligtasan lang ba o kaligtasan ng lahat?
SARILING KALIGTASAN LANG BA O KALIGTASAN NG LAHAT?
kapag minamaneho mo ba ang isang sasakyan
ang naiisip mo lang ba'y ang iyong kaligtasan
di ba't iniisip mo rin ang ibang nakalulan
kapamilya, kapuso, di-kakilala, sinuman
pag nagkasunog, nauuna tayo sa bumbero
sa pagkuha ng tubig, aba'y tulong-tulong tayo
at di mo lang sariling bahay ang ililigtas mo
kundi bahay ng kapwa mong di mo kaanu-ano
tulad mo, bilang mamamayan, anong nasa diwa
sariling kaligtasan lang ba't iba'y balewala?
pag sinakop na ba ng Tsina'y mangingibang-bansa?
o sama-sama tayong lalaban upang lumaya?
mahirap magpabaya't isipin lang ang sarili
lalo't kapwa'y binabalewala, animo'y tigre
di ba't takot matuklaw ng ahas ang mga bibi
huwag patulog-tulog baka masila ng bwitre
walang mawawala sa pakikipagkapwa-tao
ngunit di tayo payag apak-apakan lang tayo
sama-sama nating ipagtanggol ang bansang ito
ito ang tahanan natin, tirahan nati'y dito

Martes, Mayo 7, 2019
Sapat lang ang dapat kainin
sa salu-salo, pag kumuha ako ng pagkain
alam kong sapat na iyon sa aking kakainin
kaya pag binigyan mo ako ng dagdag na ulam
batid ko nang sasakit ang sikmura ko't kakalam
dapat alam natin kung anong sapat sa sarili
upang di lumabis at katawan ay mapabuti
ulam man ay letsong kawali, isda, o bulanglang
mahirap mabundat at kinain ay isuka lang

Lunes, Mayo 6, 2019
Iboto ang Partido Lakas ng Masa
IBOTO ANG PARTIDO LAKAS NG MASA
Partido Lakas ng Masa, matatag na samahan
Ang adhika'y mabago na ang bulok na lipunan
Ramdam nilang ito'y marapat sa kasalukuyan.
Tunay na samahan para sa dukha't manggagawa
Isinusulong ang mga kagalingan ng madla
Dedikadong magsilbi sa masa, babae't bata.
Organisasyong tapat sa niyakap na prinsipyo
Lumalaban para sa kapakanan ng obrero
Ang adbokasya'y lipunang pantay at makatao.
Kung may suliranin ang bayan, pinag-uusapan
Ang bawat isyu't problema'y may mga kalutasan
Sama-samang pagkilos ay gawin ng mamamayan
Nasa sosyalisadong pagbabago ang simula
Gagawin ang tama upang matulungan ang madla
Mga dukha’t obrero’y pagkakaisang kusa.
Asahan mong ang P.L.M. ay laging naririto
Sa bawat isyu ng masa'y tiyak na kasangga mo
At may magagawa pa pag naupo sa Kongreso.

Linggo, Mayo 5, 2019
Ilampaso ang kandidatong maka-Intsik
ILAMPASO ANG KANDIDATONG MAKA-INTSIK
di ba't mahalagang sa bayan tayo'y naglilingkod
upang laya ng bayan ay matiyak na matanod
di ba't sa pagsakop ng dayo'y di tayo luluhod
di rin payag sa sariling bayan tayo'y ingudngod
pag nanalo ang mga kandidatong maka-Intsik
kontrolado nang tiyak ng pangulong mabalasik
ang Senado't Kongreso, kaysaya ng mga lintik
sa Tsina nga'y naglalaway na sila't nasasabik
kaya huwag payagang manalo ang mga ulol
ang bansa'y isinisilid na nila sa ataul
dapat ipakita na ang malawakang pagtutol
huwag silang iboto't bayan nati'y ipagtanggol
ibagsak lahat ng maka-Intsik na kandidato
huwag iboto ang partido ng mga sanggano
ang bayang malaya'y huwag ipasakop sa Tsino
kaya kandidato nila'y ilampaso ng todo

Sabado, Mayo 4, 2019
Sana'y dumating na ang araw ng sagupaan
SANA'Y DUMATING NA ANG ARAW NG SAGUPAAN
sinanay upang maging handa sa mga labanan
inaral kung paano ipansalag ang kampilan
sinanay sa buhay ng kahirapa't kagutuman
at matiisin daw kaming aktibistang Spartan
kung walang pera, aba'y maglakad papuntang pulong
kung walang pagkain, aba'y magtiis ka sa tutong
kung walang alawans, sanay namang gumulong-gulong
kung walang pang-ulam, mamitas na lang ng kangkong
matiisin daw kaya madaling balewalain
tingin sa amin ay maglulupa't sundalong kanin
kami'y utusan lang na madali lang alipinin
dahil pawang kumunoy ang nilalakaran namin
matagal na kaming naghanda sa pakikidigma
matagal na kaming nagtiis sa gutom at sumpa
kailan mag-aalsa ang hukbong mapagpalaya
sana'y dumating na ang araw ng pagsasagupa
kaming mga aktibistang Spartan ay narito
nagtitiis para sa pangarap na pagbabago
handa ang gulugod, ang puso, ang kris, ang prinsipyo
handang sumagupa sa sepyenteng may tatlong ulo

Pagbabalik sa Buhay-Spartan
PAGBABALIK SA BUHAY-SPARTAN
pag nawala si Misis ng ilang araw o linggo
sa buhay-Spartan ay muling bumabalik ako
bilang mandirigmang sumasagupa sa delubyo
na mga kalaban ay pagugulungin ang ulo
kailangang umuwi ni Misis sa lalawigan
upang doon gampanan ang tungkulin sa halalan
ako namang naririto sa lungsod maiiwan
dahil nasa Maynila ang aking pagbobotohan
tila ba langay-langayan sa dagat ng siphayo
tila sinisipat ang pinupuntiryang kaylayo
tila apo ni Leonidas, dugo'y kumukulo
tila handa sa laban, mabasag man yaong bungo
ako'y aktibistang Spartan, dugong mandirigma
kayang mabuhay saanman, kahit salapi'y wala
nakikibakang palaging nakatapak sa lupa
tangan ang kaluban, handang bunutin ang kampilan
at pag umuwi na si Misis sa aming tahanan
magkakakulay muli ang nangitim kong kawalan
mabubuhay muli ang pugad ng pagmamahalan
at muli ay makadarama ng kapayapaan

Biyernes, Mayo 3, 2019
Pahimakas kay Ginoong VicVic Villavicencio
PAHIMAKAS KAY GINOONG VICVIC
VILLAVICENCIO
Magtatatlumpung dekada na ang nakararaan
Nang magsimula ang talakayang pangkalikasan
Sa Kamayan restaurant isang beses bawat buwan
Suportado ng Triple V ang ganitong usapan
Para sa kalikasan, para sa ating daigdig
Sa Kamayan nabuo ang maraming isyu't tindig
Naging daan upang mag-usap at magkapitbisig
At naging tulay rin ng mga nabuong pag-ibig
Walang Kamayan Forum kung di ito suportado
Ng dakilang ginoong si VicVic VillaVicencio
Walang Kamayan Forum kung di binigyang espasyo
Ang adbokasya para sa kagalingan ng mundo
Dahil sa espasyo, maraming nagising na madla
Nagkaisa upang kalikasan ay di lumubha
Dahil sa espasyong iyon, maraming naging handa
Namulat at nag-usap nang problema'y di lumala
Inaalay nami'y taos pusong pasasalamat
Kay Ginoong Villavicencio, maraming salamat
Nawa'y magpatuloy pa itong nasimulang sukat
Para kay Mother Earth at sa kabutihan ng lahat
- gregbituinjr.
Huwebes, Mayo 2, 2019
Pahimakas kay Mam Noemi Medina
Pahimakas kay Mam Noemi Medina
Mam Noemi A. Medina, guro, ina ng tahanan,
At pangulo rin ng aming grupong Kamalaysayan
Mahusay na guro sa usaping pangkasaysayan
Nakikipagbalitaktakan para sa katwiran
O, guro siyang sa estudyante'y mapagkalinga
Edukasyon ang una upang masa'y maihanda
Makata rin siya't may-akda ng aklat ng tula
Iniisip ang husay at kapakanan ng madla
Mahusay magpaliwanag ng konsepto't layunin
Ekwalidad ng kapwa'y maganda niyang hangarin
Dedikasyon sa trabaho'y sadya mong pupurihin
Inspirasyon din sa marami't kami'y saludo rin
Nawala man, sa aming puso siya'y dumadaloy
At kami sa Kamalaysayan pa'y magpapatuloy
-
gregbituinjr.
MAM NOEMI MEDINA (Hulyo 19, 1943 - Abril 28, 2019)
Miyerkules, Mayo 1, 2019
Tula sa Mayo Uno
TULA SA MAYO UNO
kapitbisig na nagmartsa ang mga manggagawa
tila di napapagod sa lakarang anong haba
habang isa'y humihiyaw ng: "uring manggagawa!"
at ang iba'y sasagot ng: "hukbong mapagpalaya!"
pinagdiriwang nila ang dakilang Mayo Uno
na sa kasaysaya'y punung-puno ng sakripisyo
habang taas-kamaong inaawit ng obrero
ang Internasyunal, kantang tagos sa pagkatao
makabagbag-damdaming awit sa dakilang araw
ng mga manggagawang may pag-asang tinatanaw
mababago rin nila ang lipunan balang araw
pag nawasak ang sistemang may tarak ng balaraw
wawakasan na nila ang pribadong pag-aari
pagkat dahilan ng pagsulpot ng maraming uri
na dulot ay pagsasamantala't pagkukunwari
at lipunan ng manggagawa ay ipagwawagi

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)