Huli kitang nakatitig
Ikaw na kaibig-ibig
Nais kitang makaniig
At maikulong sa bisig
Puso ko'y napapapikit
Pagkat mutya kang kayrikit
Habang tayo'y magkalapit
Kunin natin bawat saglit
- gregbituinjr.
Sabado, Abril 29, 2017
Biyernes, Abril 28, 2017
Bayan ang lumilikha ng kasaysayan
BAYAN ANG LUMILIKHA NG KASAYSAYAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
dalawang buwang napiit, sadyang kalunos-lunos
ang kalagayan ng bayan lalo ang dukhang kapos
lumaya sina Lean at ilang buwan matapos
ay pinatalsik ng bayan ang diktador na Marcos
sampung libong katao'y pinangunahan ni Lean
Mendiola'y niralihan ng galit na taumbayan
akala ni Lean, iyon na'y kanyang katapusan
sundalo'y nagpaputok, buti't walang tumimbuwang
nang libu-libong masang nagmartsa'y kanyang nakita
napagtanto niyang tunay ngang sa pagkakaisa
ang taumbayan nga ang lumilikha ng historya
ang kumakatha ng kasaysayan mismo'y ang masa
kaya anuman ang mangyari'y nagkakapitbisig
ang mamamayang kapwa sa hustisya pumapanig
sa sistemang bulok at tiwali'y di padadaig
hustisyang panlipunan pa rin ang dapat manaig
29 Abril 2017
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
His fight continued when they were released two months after. In 1986, he was able to lead 10,000 to Mendiola before Marcos’ escape. This rally was memorable for him because he thought it was his end. The loyalists’ soldiers fired guns at them, yet fortunately, no one died.
“When I saw all those people, I couldn’t help reminding myself that indeed, it is the people themselves, bound together by a common cause and caught up in common struggle, who make history. I thought then that no matter what happens, the people have stood up at a very critical juncture in our history. Nothing can take that away from them, whether politically or morally." ~ Lean Alejandro
dalawang buwang napiit, sadyang kalunos-lunos
ang kalagayan ng bayan lalo ang dukhang kapos
lumaya sina Lean at ilang buwan matapos
ay pinatalsik ng bayan ang diktador na Marcos
sampung libong katao'y pinangunahan ni Lean
Mendiola'y niralihan ng galit na taumbayan
akala ni Lean, iyon na'y kanyang katapusan
sundalo'y nagpaputok, buti't walang tumimbuwang
nang libu-libong masang nagmartsa'y kanyang nakita
napagtanto niyang tunay ngang sa pagkakaisa
ang taumbayan nga ang lumilikha ng historya
ang kumakatha ng kasaysayan mismo'y ang masa
kaya anuman ang mangyari'y nagkakapitbisig
ang mamamayang kapwa sa hustisya pumapanig
sa sistemang bulok at tiwali'y di padadaig
hustisyang panlipunan pa rin ang dapat manaig
29 Abril 2017
Huwebes, Abril 27, 2017
Ang LOTR at ang TGLR
ANG LOTR AT ANG TGLR
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
nais kong itulad ang bagay sa isa pa, minsan,
halimbawa'y ang Lord of the Rings sa The Great Lean Run
na sa biglang tingin natin ay magkaiba naman
ngunit pareho palang may kaugnayan kay Lean
para bagang pinagtiyap ang kwento't kasaysayan
ang una'y kwento ng digmaan at kapangyarihan
bakit dapat madurog ang singsing ng kasamaan
ang ikalawa naman ay di lamang simpleng takbuhan
kundi paggunita sa naganap sa nakaraan
at paghahanda sa kasalukuyang tunggalian
kapwa pagtatanggol ng api ang tuon ng isip
dignidad at panlipunang hustisya'y nalilirip
nasa diwa na buhay ng kapwa nila'y masagip
na halos ikamatay sa panganib na gahanip
minsan, mga bagay na ganito'y kahalukipkip
- 27 Abril 2017
* Lean - ito ay si Lean Alejandro (Hulyo 10, 1960-Setyembre 19, 1987)

Di pa matitiklop ang aklat ng buhay ni Lean
DI PA MATITIKLOP NA AKLAT ANG BUHAY NI LEAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
di pa matitiklop na aklat ang buhay ni Lean
nakabuklat itong lagi para sa sambayanan
upang hanguan ng aral ng mga nakaraan
upang hanapin ang pag-asa sa kinabukasan
kailangan ng masa'y inspirasyon at kakampi
lalo't sila'y sa kawalang-katarungan sakbibi
at ang buhay ni Lean ay may aral na may silbi
sa lahat ng nakikibaka sa araw at gabi
sa aklat ng buhay ni Lean ating mabubuklat
ang diwa't pilosopiya ng isang taong mulat
dapat makipagkapwa tao sa kapwa't kabalat
ang ipagtanggol ang api't dukha'y karapat-dapat
di pa maititiklop ang aklat ng kanyang buhay
hangga't maraming api't pagkatao'y niluluray
ng sistemang bulok; si Lean na napakahusay
ay lalaging inspirasyon ng sambayanang tunay

Martes, Abril 25, 2017
Nay Lilia Nacario, Lider-Maralita
NAY LILIA NACARIO, LIDER-MARALITA
(9 Nobyembre 1946 - 19 Abril 2017)
siya'y nanay-nanayan namin sa kilusan
lider-maralita, matatag at palaban
sa pakikibaka'y maraming karanasan
sa kanya'y kayrami naming napag-aralan
ipinaglaban ang makataong pabahay
naging tagapayo, dalita'y kaagapay
karapatan ng dukha'y pinaglabang tunay
sa maraming maralita'y nagsilbing nanay
ang Samahan ng Walang Tahanan - SAWATA
ay sadyang pinamunuan ng buong sigla
mabuting pinunong aming tinitingala
ipinaglaban ang kapakanan ng dukha
mabuhay ka, Nay Lilia, di ka malilimot
pagkat nakibaka ng walang pag-iimbot
maraming salamat, di mo ipinagdamot
sa kapwa dukha ang payo mo, saya't lungkot
mabuhay ka! mabuhay! Nay Lilia Nacario
sa iyong pamumuno kami'y taas-noo
sa puso'y taglay namin ang alaala mo
kami po'y nagpupugay ng taas-kamao
- gregbituinjr.
- nilikha at tinula sa luksang parangal sa bahay ng namayapang Nay Lilia Nacario sa SAWATA sa Lungsod ng Kalookan, Abril 25, 2017

Pinoy tayo
PINOY TAYO
ni Greg Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
Pinoy tayo, may sariling kultura
mula sa ninuno'y ating minana
dumanas man ng sigwa't pagdurusa
Pinoy pag sama-sama, may pag-asa
subalit dapat maging positibo
yaong kaugaliang negatibo
di ningas-kugon kundi ningas-bao
ang plano'y tinatapos ng pulido
kinaugaliang mañana habit
ang katapat nito'y handa na habit
ginagawa ang kayang gawin ngayon
di bukas kung matatapos maghapon
ant mentality, di crab mentality
sama-sama tayong nagpupursigi
huwag maghihilahan ng pababa
kundi magtulong-tulong sa adhika
Pinoy ay di laging huli sa oras
kundi maaga sa maraming antas
mahirap na magsasaka'y kaysipag
nasa bukid na bago magliwanag
mga negatibong kaugalian
ay marapat lang na ating palitan
na kung atin lamang pagsisikapan
ay malaking tulong sa sambayanan
25 Abril 2017
nilikha sa aktibidad ng Bantayog Initiative sa TriMoNa, Lungsod Quezon

Lunes, Abril 24, 2017
Kay-ilap na pagsinta
may mga gabing tigib sa pagluha
uhaw sa pagsinta ng minumutya
biglang babalikwas, matutulala
kirot na dama'y di pa nawawala
sadyang kayhirap kapiling ang lumbay
tila buong katawan ko'y nangingimay
ngunit may kung anong nais lumuray
sa aking pagkataong nananamlay
ano't sa nangyari'y di makasulong
tila mangga'y nawalan ng bagoong
ang kuwago na ba'y nagmamarunong
kaya ako'y inahas ng ulupong?
nagwala ang kay-ilap na pagsinta
habang pisngi ng mutya'y pulang-pula
- gregbituinjr.
uhaw sa pagsinta ng minumutya
biglang babalikwas, matutulala
kirot na dama'y di pa nawawala
sadyang kayhirap kapiling ang lumbay
tila buong katawan ko'y nangingimay
ngunit may kung anong nais lumuray
sa aking pagkataong nananamlay
ano't sa nangyari'y di makasulong
tila mangga'y nawalan ng bagoong
ang kuwago na ba'y nagmamarunong
kaya ako'y inahas ng ulupong?
nagwala ang kay-ilap na pagsinta
habang pisngi ng mutya'y pulang-pula
- gregbituinjr.
Linggo, Abril 23, 2017
Hampas ng alon
humahampas ang alon sa dalampasigan
tila humahaplos sa buo kong katawan
humahaginit sa balat yaong amihan
na dulot sa puso't diwa'y kapayapaan
- gregbituinjr.
tila humahaplos sa buo kong katawan
humahaginit sa balat yaong amihan
na dulot sa puso't diwa'y kapayapaan
- gregbituinjr.
Biyernes, Abril 21, 2017
Dangal ng mapagpalaya
DANGAL NG MAPAGPALAYA
"In the line of fire is the place of honor." ~ Lean Alejandro
nakaharap ka sa panganib na animo'y sumpa
ngunit nasa pakikibaka ang dangal mo't diwa
inugit ng paninindigan ang gawang dakila
kaya huwag mag-alinlangan laban sa kuhila
ang piniling buhay ng prinsipyo, dangal at tindig
kaharap man ay panganib at bantang pang-uusig
makipagkaisa pa ri't makipagkapitbisig
sa masa't may paninindigang dapat isatinig
tuloy ang laban, tanganang maigi ang prinsipyo
sa harap man ng tanang umaalimpuyong bagyo
buo ang loob kikilos sa nasang pagbabago
ibangon natin ang lipunang kanilang nilumpo
ang mapang-aping uri'y patuloy mang manibasib
paghanapin man tayo't durugin saanmang liblib
paa'y nasa hukay, pakikibaka'y nasa dibdib
dangal ay di palulupig kaharap ma'y panganib

Miyerkules, Abril 19, 2017
Wala nang paglilitis sa bayan kong sawi
WALA NANG PAGLILITIS SA BAYAN KONG SAWI
wala nang paglilitis sa sawi kong bayan
bumubulagta na lang sinumang haragan
sa bayan kong sawi'y wala nang paglilitis
kawawa ang taong tinuring nilang ipis
wala nang paglilitis sa sawi kong bansa
basta na lang pinapaslang ang mga dukha
papayag pa ba tayong walang paglilitis?
sa ganyang sistema ba tayo'y magtitiis?
wala nang paglilitis sa bayan kong sawi
pagkat pinauso ng mga walang budhi
- tula’t litrato ni gregbituinjr.

Martes, Abril 18, 2017
Soneto para sa ikalimang taon ng NAGKAISA
SONETO PARA SA IKALIMANG TAON NG NAGKAISA
sa paggunita sa ikalimang anibersaryo
sa NAGKAISA'y nagpupugay ng taas-kamao
habang patuloy ang pagbaka sa kapitalismo
habang inaadhika ang lipunang makatao
kinakaharap man natin ang sangkaterbang hamon
tulad ng paninibasib ng kontraktwalisasyon
sistemang bulok sa dusa tayo ibinabaon
habang panawagan natin ay regularisasyon
patuloy tayong NAGKAISA sa diwa ng uri
at nilalabanan ang elitistang paghahari
at ang pagkakaisa natin nawa'y manatili
habang binabaka'y mga kapitalistang imbi
sa mga kasama, taas-kamaong pagpupugay
patuloy tayong magkaisa hanggang sa tagumpay
- gregbituinjr.
Lunes, Abril 17, 2017
Naroong nakaukit ang panawagang hustisya
naroong nakaukit ang panawagang hustisya
yaon ang nasa dibdib ng laksa-laksang pamilya
anong lupit ng sinapit ng mga mahal nila
na tinokbang ng mga walang budhing palamara
- tula’t litrato ni gregbituinjr.
yaon ang nasa dibdib ng laksa-laksang pamilya
anong lupit ng sinapit ng mga mahal nila
na tinokbang ng mga walang budhing palamara
- tula’t litrato ni gregbituinjr.
Linggo, Abril 16, 2017
Nagnanaknak ang lagim sa bayan kong sawi
NAGNANAKNAK ANG LAGIM SA BAYAN KONG SAWI
nagnanaknak ang lagim sa bayan kong sawi
bayang nababalot ng hilakbot at hikbi
walang proseso'y nauso't danas ay hapdi
kaliluha'y sa bayan pa rin naghahari
gobyerno'y kayraming sa dugo pinalutang
walang kara-karapatan, handang pumaslang
nasakbibi ng dusa ang lupang hinirang
kayrami nang nasawi pag iyong binilang
nais nilang tumahimik ang pamayanan?
oo, nakabibingi ang katahimikan
habang di naman dama ang kapayapaan
tahimik nga, ngunit di payapa ang bayan
di natin nais sa bayang ito'y ligalig
di ganitong pulos patayan, panlulupig
nais natin ng isang payapang daigdig
may pagkakapantay at puno ng pag-ibig
huwag hayaang karapatan ay yurakan
huwag hayaan ang kulturang kamatayan
singilin ang maysala, tokhang ay wakasan
ang buhay ng tao'y dapat pahalagahan
- gregbituinjr.
* nilikha at binasa sa aktibidad na tinaguriang "Biag Buhay Ikabuhi: Valuing Life, Denouncing Killing" na ginanap sa Tondo, Maynila, Abril 16, 2017, Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday)

Sabado, Abril 15, 2017
Salik ng kilos-protesta
SALIK NG KILOS-PROTESTA
(20 ang nasa talaan ng inyong lingkod, maaari n’yo pong dagdagan)
ni Greg Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
plakard
tangan ng raliyista
yaong plakard na pula
puti naman ang tinta
ng hinaing ng masa
polyeto
ipinaliliwanag
ang kalagayang hungkag
kayrami nang paglabag
bakit dapat pumalag
bandera
samahang kaagapay
makikilalang tunay
sa banderang tinaglay
at iwinawagayway
istrimer
tangan nila sa harap
nang maunawang ganap
ang hinaing at saklap
ng bayang naghihirap
balatengga
sa itaas isabit
ang islogang may galit
nang madama ang lupit
ng kalagayang gipit
megaphone
dinig kahit malayo
ang daing at siphayo
nabubulgar ang baho
ng gobyernong palalo
pulang baro
animo'y pulang hukbo
pag nakapulang baro
at iyong matatanto
hukbo'y di biro-biro
kamaong kuyom
ang kamaong may poot
kuyom, di madalirot
tila nais idulot
ay manapak ng salot
tiim-bagang
tibak na mapagtimpi
ay nanggagalaiti
wala mang sinasabi
loob nito'y kaytindi
islogan
prinsipyo'y hinihiyaw
sa isyung nakapataw
ang gobyerno'y kaylabnaw
pag dayo ang kaagaw
samutsaring isyu
ilang isyu sa rali
kaytaas ng kuryente
tubig at pamasahe
gobyerno ba'y may silbi
talumpati
mainit, nag-aapoy
sa isyu nilang tukoy
prinsipyo'y di maluoy
sa paglaban patuloy
kapitbisig
obrero'y kapitbisig
laban sa mapanlupig
sa nagkaisang tinig
sila'y di padadaig
kolektibo
bawat isa'y iisa
di nagkakanya-kanya
kolektibong magpasya
lalo't isyu'y sistema
protesta
nais nila'y hustisya
sa nangyari sa masa
kaya nagsama-sama
sa isyung bitbit nila
organisado
nagkaisa sa isyu
na patampuking husto
makita ng gobyerno
isa silang totoo
taumbayan
taumbayang may lakas
kikilos, paparehas
pangarap maging patas
ang lipunang marahas
manggagawa
hukbong mapagpalaya
ang uring manggagawa
tangan nila ang diwa
ng lipunang adhika
tunggalian ng uri
mayaman at mahirap
may tunggaliang ganap
maging dukha'y masaklap
ginhawa'y di malasap
prinsipyado
alam ang karapatan
na dapat ipaglaban
prinsipyo nilang tangan
baguhin ang lipunan

Polyeto
POLYETO
nakasalaysay ang lupang tigang
sa polyeto nilang tangan
sinong asendero't nananahan
ang dahilan ng alitan
kwento ng laban ng manggagawa
nais nilang maregular
sa trabaho'y wala bang mapala
kundi ang maging kontraktwal?
sa eskwela'y mahal ng bayarin
nagmahal ang matrikula
edukasyon ba'y negosyo na rin
di na serbisyo sa masa
karapatan ng kababaihan
ay dapat iginagalang
mga kalaswaan ay iwasan
upang di maakusahan
vendor ay ayaw nang pagtindahin
parang sila'y gugutumin
paano nang pamilya'y kakain
kung pambenta'y lugi na rin
sa polyeto'y pinaliliwanag
mga samutsaring isyu
paninindigan ay inilatag
sa diwa't puso'y tumimo
kaylaki ng tulong ng polyeto
upang mamulat ang masa
sa pananaw nila't mga kwento
kung bakit nakikibaka
kayraming polyetong pinagawa
na di dapat nakatengga
di iyon dapat mauwi na lang
na pambalot ng tinapa
- gregbituinjr.
nakasalaysay ang lupang tigang
sa polyeto nilang tangan
sinong asendero't nananahan
ang dahilan ng alitan
kwento ng laban ng manggagawa
nais nilang maregular
sa trabaho'y wala bang mapala
kundi ang maging kontraktwal?
sa eskwela'y mahal ng bayarin
nagmahal ang matrikula
edukasyon ba'y negosyo na rin
di na serbisyo sa masa
karapatan ng kababaihan
ay dapat iginagalang
mga kalaswaan ay iwasan
upang di maakusahan
vendor ay ayaw nang pagtindahin
parang sila'y gugutumin
paano nang pamilya'y kakain
kung pambenta'y lugi na rin
sa polyeto'y pinaliliwanag
mga samutsaring isyu
paninindigan ay inilatag
sa diwa't puso'y tumimo
kaylaki ng tulong ng polyeto
upang mamulat ang masa
sa pananaw nila't mga kwento
kung bakit nakikibaka
kayraming polyetong pinagawa
na di dapat nakatengga
di iyon dapat mauwi na lang
na pambalot ng tinapa
- gregbituinjr.
Biyernes, Abril 14, 2017
Adik at Kapitalismo: Huwag Tularan
ADIK AT KAPITALISMO: HUWAG TULARAN
siyang tunay, adik ay huwag tutularan
pagkat sakit nila'y kasumpa-sumpa naman
silang naging biktima nitong kahirapan
kapit sa patalim nang gutom ay maibsan
pinaglaruan sila ng kapitalismo
kagutuman nila'y nagsilbi sa negosyo
pamilya'y kakain pag nabenta ang gramo
may panggatas si Bunso kahit delikado
kailan matitigil ang sistemang bulok
na sa tiyan at pagkatao'y umuuk-ok
negosyo'y tuwang-tuwa kahit maging hayok
ang pamayanan basta't sila'y nasa tuktok
kapitalista ng droga'y dapat puksain
salot na negosyong ito'y dapat pigilin
habang rehabilitasyo'y puspusang gawin
pagkat adiksyon ay sadyang dapat gamutin
habang may kapitalismo, maraming dukha
ang pagkakapantay-pantay ay balewala
dapat magkaisa ang uring manggagawa
at pamunuan ang lipunang itinakda
halina't tuldukan na ang kapitalismo
puksain ang kabulukang dinulot nito
upang karapatang pantao'y irespeto
at maitayo ang lipunang makatao

Biyernes Santo
Biyernes Santo
animo'y nakadipa sa krus sa tabi ng daan
nakagapos, nakapiring, tandang pinahirapan
nasa lungsod ngunit animo'y nasa talahiban
habang panglaw na paligid ay agad kinordonan
Biyernes Santong puno ng luha'y di matingkala
ang bayan ba'y mistula nang walang namamahala?
walang proseso'y umiral nang walang patumangga
alang-alang daw sa bansang nais maging payapa
ngunit alalaong baga sa puso'y tumitining
ang kultura ng hilakbot, bayan ba'y nahihimbing?
namumuno'y sa kawalang proseso nahumaling
namutla ang dugo ng bayang ayaw pang magising
magtitiim-bagang na lang ba sa Biyernes Santo
habang namamayagpag na ang kawalang proseso?
walang budhi ang manonokbang na asal-barbaro
at ngingisi-ngisi lang ang maiitim ang buto

Huwebes, Abril 13, 2017
Dear Kupido
Dear Kupido,
nahan na ang pagsintang iyong ipinagyayabang?
wala na bang pag-ibig at kayraming pinapaslang?
bakit maraming katawang sa dugo lumulutang?
pinaslang na gayong walang proseso ang paratang
ang pana mo ba'y para lang sa binata't dalaga?
di pangkalahatan kaya bayan ay di kasama?
pana mo ba'y tumatalab pa sa puso ng masa?
o nawalan na ng bisa ang panang may gayuma?
pairalin ang pag-ibig kung tunay ka, Kupido
panain ang manonokhang nang matauhan ito
na dapat ang sugapa'y dinadaan sa proseso
at kung kailangan, ipagamot silang totoo
O, Kupido, ipakitang mayroon pang pag-ibig
sa mundong itong karahasan na ang nananaig
- gregbituinjr.
#notoextrajudicialkillings
#stopthekillings

Replika
REPLIKA
makatindig balahibo, puso'y dinadalirot
sa paligid ay tila lagim yaong bumabalot
gayong replika lang ang bangkay, nakapanlalambot
palibot ay kandila sa programang anong lungkot
replika lamang iyon ng tinortyur at pinaslang
nakagapos, nakapiring, sa dugo'y lumulutang
kawalang proseso'y pinauso na ba ng hunghang?
kaluluwa't puso ba ng nasa poder ay halang?
itinuturing na maysakit ang mga sugapa
kaya may rehabilitasyong dapat isagawa
ngunit bakit maysakit ay gayon lang kung mapuksa
gayong di iyon ketong o krimeng kasumpa-sumpa
replika lamang, ngunit simbolo ng inhustisya
hindi mga bato ang naiwan nilang pamilya
lumuluha, nasasaktan, tagos sa kaluluwa
pagkat mahal nila'y pinaslang na lang basta-basta
- tula't litrato ni gregbituinjr.
(kuha sa programang "Kalbaryo ng Kawalang Katarungan" na pinangunahan ng iba't ibang human rights group, Abril 12, 2017)

Miyerkules, Abril 12, 2017
Pagtatagpo ng pamilya ng nangawala't biktima ng pamamaslang
nagtagpo yaong pamilya ng mga iwinala
at biktima ng mga walang prosesong pagpaslang
nagpalitan ng kwento sa isang munting programa
bakit batayang karapatan ay di na ginalang
sa bansang puno ng dusa sari-sari'y naganap
kapwa sariwang sugat ang sa puso'y maaapuhap
ang isa'y walang bangkay, hanggang ngayon naghahanap
ang isa'y may bangkay, hustisya ang hinahagilap
dama ng bayang nakabibingi ang katahimikan
habang di pa rin maramdaman ang kapayapaan
inaalagata ang sugat sa puso't isipan
ang kawalang katarungan ba'y mayroong hangganan
- gregbituinjr.
http://www.gmanetwork.com/news/story/606900/news/nation/kin-of-martial-law-abuse-ejk-victims-come-together-for-holy-week-remembrance

Tula sa sapilitang iwinala
sapilitang iwinala, dinukot
hustisyang asam, saan pumalaot
mababaon lang ba sila sa limot
sa nangyari'y sinong dapat managot
sinupil ang kanilang mga tinig
panahon iyon ng laksang ligalig
mga karapatan nila'y nilupig
sa nangyari'y sinong dapat mausig
karapatan nila'y winalanghiya
ilang bagyo'y nagdaan na sa bansa
ngunit kahit anino nila'y wala
ang nangyari'y sadyang kasumpa-sumpa
katarungan ba'y saan mahahango
nang di na matuliro yaring puso
nangyari'y sa puso nagpapadugo
sa paghahanap, di pa rin susuko
- gregbituinjr.
(binasa sa programang "Kalbaryo ng Kawalang Katarungan" na pinangunahan ng iba't ibang human rights group, Abril 12, 2017)

Martes, Abril 11, 2017
Sa pula pinalulutang
SA PULA PINALULUTANG
sa pula pinalulutang
ng may mga pusong halang
ang puntiryang natatambang
sila na ba'y nahihibang
para nga ba sa hustisya
o dahil lamang sa pera
buhay nga ba'y barya-barya
puso ba nila'y masaya
isipan ay nasa bangin
at lumulutang sa hangin
paraiso'y nais hingin
ngunit siya ba'y diringgin
tokbang ay tigilan na ninyo
kung wala namang proseso
- gregbituinjr.
sa pula pinalulutang
ng may mga pusong halang
ang puntiryang natatambang
sila na ba'y nahihibang
para nga ba sa hustisya
o dahil lamang sa pera
buhay nga ba'y barya-barya
puso ba nila'y masaya
isipan ay nasa bangin
at lumulutang sa hangin
paraiso'y nais hingin
ngunit siya ba'y diringgin
tokbang ay tigilan na ninyo
kung wala namang proseso
- gregbituinjr.
Sa panahon ng tokbang
SA PANAHON NG TOKBANG
natakot ang mga kriminal
natuwa naman ang kapital
gayong kapwa sila pusakal
at pareho ng inaasal
sa kapwa'y walang pakialam
sa dukha'y walang pakiramdam
para sa pera'y nang-uuyam
sariling galing lang ang asam
ang nais ng negosyo'y tubo
asam ng kriminal ay luho
ugali nila'y kapwa mabaho
mga sakim na dapat maglaho
sila'y dapat lang pawiin
sa lipunang dapat baguhin
- gregbituinjr.
natakot ang mga kriminal
natuwa naman ang kapital
gayong kapwa sila pusakal
at pareho ng inaasal
sa kapwa'y walang pakialam
sa dukha'y walang pakiramdam
para sa pera'y nang-uuyam
sariling galing lang ang asam
ang nais ng negosyo'y tubo
asam ng kriminal ay luho
ugali nila'y kapwa mabaho
mga sakim na dapat maglaho
sila'y dapat lang pawiin
sa lipunang dapat baguhin
- gregbituinjr.
Walang proseso'y nauso
WALANG PROSESO'Y NAUSO
pag buhay na ang inutang
sa nangyaring panonokbang
ito ba'y marapat lamang
gantihan ang mga halang
walang katapusang gulo
bungo ang kapalit-ulo
sugapang wala nang modo
patay kahit magsumamo
sa dilim napapitlag
di na sila makapalag
may gapos, di makatinag
hayagan iyong paglabag
walang proseso'y nauso
dahil sa iyong pangulo
- gregbituinjr.
pag buhay na ang inutang
sa nangyaring panonokbang
ito ba'y marapat lamang
gantihan ang mga halang
walang katapusang gulo
bungo ang kapalit-ulo
sugapang wala nang modo
patay kahit magsumamo
sa dilim napapitlag
di na sila makapalag
may gapos, di makatinag
hayagan iyong paglabag
walang proseso'y nauso
dahil sa iyong pangulo
- gregbituinjr.
Lunes, Abril 10, 2017
FDC - Pasyon 2017
FDC - Pasyon 2017
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
Freedom from Debt Coalition
taas-noong bumabangon
upang bayan ay iahon
sa inhustisya’t korupsyon
na sa bayan lumalamon
tumaas ang pamasahe
pati presyo ng kuryente
tubig, pagkain, tuition fee
ganid ay ngingisi-ngisi
gobyerno ba'y nagsisilbi
nagmahal na pati tubig
kaya madla'y may ligalig
gulo man ang puso’t bisig
lalaban, di palulupig
nang hinaing ay madinig
utang na ilehitimo
kanselahin nang totoo
pasaning kaybigat nito
lalo’t di ito serbisyo
para sa bayan at tao
makatarungang pagbuwis
ay dapat gawing mabilis
nang obrero’y di mahapis
masa'y di dapat magtiis
sa pamumuno ng burgis
kapitalista'y nagumon
na sa kontraktwalisasyon
di makataong kondisyon
obrero na'y nilalamon
sa kahirapan nabaon
mga obrerong kontaktwal
ay dapat maging regular
binuhay nila'y kapital
kontraktwalisasyong hangal
ay di na dapat magtagal
buhay ng dukha’y bantulot
biling kanin, isang balot
ulam lang ay tuyong hawot
kaya hilo't umiikot
ang paningin, may hilakbot
diktador na di bayani
na sa masa'y naging imbi
ay naging santong bayani
sa panahon ni Duterte
ito’y di nakabubuti
"kill! kill! kill!” anang pangulo
bukambibig: "I will kill you!"
wala nang due process of law
patay doon, patay dito
buhay na’y di nirespeto
ang pangulo'y pumapatay
wala bang paki sa buhay?
laksa-laksa na’y binistay
libu-libo na ang nahimlay
kayraming lumuhang inay
namunong trapo’y kuhila
ninenegosyo ang bansa
nagsamantala sa dukha
manggagawa'y kinawawa
pagkakapantay pa'y wala
binaboy ang karapatan
binago ang kasaysayan
ngunit di dapat payagan
na mismong dangal ng bayan
ay unti-unting yurakan
tama na ang kahirapan
sobra na ang karukhaan
na aming nararanasan
panahon nang mapalitan
ang sistema ng lipunan
lipunang hati sa uri
di na dapat mamalagi
wakasan nating masidhi
ang pribadong pag-aari’t
elitistang paghahari
kapitalismo'y sumira
sa buhay ng mga dukha
kayraming gutom, kawawa
sistema'y dapat magiba
sapagkat kasumpa-sumpa
hustisyang pang-ekonomya
ay dapat kamtin ng masa
ito'y makakamit lang ba
pag nabago ang sistema?
kung lahat, kumakain na?
wakasan ang kahirapan
wakasan ang karahasan
karapatan, ipaglaban
nawa'y makamit ng bayan
ang pangarap na lipunan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
Freedom from Debt Coalition
taas-noong bumabangon
upang bayan ay iahon
sa inhustisya’t korupsyon
na sa bayan lumalamon
tumaas ang pamasahe
pati presyo ng kuryente
tubig, pagkain, tuition fee
ganid ay ngingisi-ngisi
gobyerno ba'y nagsisilbi
nagmahal na pati tubig
kaya madla'y may ligalig
gulo man ang puso’t bisig
lalaban, di palulupig
nang hinaing ay madinig
utang na ilehitimo
kanselahin nang totoo
pasaning kaybigat nito
lalo’t di ito serbisyo
para sa bayan at tao
makatarungang pagbuwis
ay dapat gawing mabilis
nang obrero’y di mahapis
masa'y di dapat magtiis
sa pamumuno ng burgis
kapitalista'y nagumon
na sa kontraktwalisasyon
di makataong kondisyon
obrero na'y nilalamon
sa kahirapan nabaon
mga obrerong kontaktwal
ay dapat maging regular
binuhay nila'y kapital
kontraktwalisasyong hangal
ay di na dapat magtagal
buhay ng dukha’y bantulot
biling kanin, isang balot
ulam lang ay tuyong hawot
kaya hilo't umiikot
ang paningin, may hilakbot
diktador na di bayani
na sa masa'y naging imbi
ay naging santong bayani
sa panahon ni Duterte
ito’y di nakabubuti
"kill! kill! kill!” anang pangulo
bukambibig: "I will kill you!"
wala nang due process of law
patay doon, patay dito
buhay na’y di nirespeto
ang pangulo'y pumapatay
wala bang paki sa buhay?
laksa-laksa na’y binistay
libu-libo na ang nahimlay
kayraming lumuhang inay
namunong trapo’y kuhila
ninenegosyo ang bansa
nagsamantala sa dukha
manggagawa'y kinawawa
pagkakapantay pa'y wala
binaboy ang karapatan
binago ang kasaysayan
ngunit di dapat payagan
na mismong dangal ng bayan
ay unti-unting yurakan
tama na ang kahirapan
sobra na ang karukhaan
na aming nararanasan
panahon nang mapalitan
ang sistema ng lipunan
lipunang hati sa uri
di na dapat mamalagi
wakasan nating masidhi
ang pribadong pag-aari’t
elitistang paghahari
kapitalismo'y sumira
sa buhay ng mga dukha
kayraming gutom, kawawa
sistema'y dapat magiba
sapagkat kasumpa-sumpa
hustisyang pang-ekonomya
ay dapat kamtin ng masa
ito'y makakamit lang ba
pag nabago ang sistema?
kung lahat, kumakain na?
wakasan ang kahirapan
wakasan ang karahasan
karapatan, ipaglaban
nawa'y makamit ng bayan
ang pangarap na lipunan
Biyernes, Abril 7, 2017
May ligalig man sa bisig
maingat ang mga pintig
may ligalig man sa bisig
lalaban, di palulupig
nang hinaing ay madinig
nagsidalaw sa palasyo
ang laksa-laksang obrero
kuyom ang mga kamao
may parating bang delubyo?
may ligalig man sa bisig
lalaban, di palulupig
nang hinaing ay madinig
nagsidalaw sa palasyo
ang laksa-laksang obrero
kuyom ang mga kamao
may parating bang delubyo?
Rehimeng sa kapitalista'y kaylambot
matigas ang kamaong may apoy ng poot
namumuo ang himagsik laban sa salot
na kontraktwalisasyong di kayang masagot
ng rehimeng sa kapitalista'y kaylambot
namumuo ang himagsik laban sa salot
na kontraktwalisasyong di kayang masagot
ng rehimeng sa kapitalista'y kaylambot
Kontraktwalisasyon ay sugat na kaylalim
tiim-bagang laban sa paglukob ng dilim
umaalimpuyo ang galit sa rehimen
kontraktwalisasyon ay sugat na kaylalim
nangakong magtanggal nito pala'y balimbing
umaalimpuyo ang galit sa rehimen
kontraktwalisasyon ay sugat na kaylalim
nangakong magtanggal nito pala'y balimbing
Martes, Abril 4, 2017
Ako'y internasyunalista, hindi makabayan
ako'y internasyunalista, hindi makabayan
pagkat wala namang pagkabansa ang kahirapan
ang usapin dito'y uri, hindi lahi ninuman
pagkat uri ang dahilan ng mga tunggalian
"ang hustisya'y para lang sa mayaman', anang awit
ang katotohanang ito'y sadyang napakalupit
karapatan ba'y sa bundat lang, di sa nagigipit
kaya patuloy ang pag-algahi sa maliliit
lahat ng api, anumang bansang pinanggalingan
ay dapat magturingang magkapatid sa lipunan
dapat silang magkapitbisig laban sa puhunan
laban sa salot na sistemang para sa iilan
maging internasyunalista'y di lamang pangarap
kundi layuning sa puso't diwa'y katanggap-tanggap
maging makatao'y gawin gaano man kahirap
lipunang makatao'y ipaglabang maging ganap

Linggo, Abril 2, 2017
Payapang protesta sa kalsada
nakaupo lamang ako sa gilid ng kalsada
nakatalungko habang pinagmamasdan ang masa
subalit sa puso'y paraan iyon ng protesta
lalo't marami kaming ganitong nagsama-sama
tangan ang munting plakard ay payapa ang pagkilos
pinakikitang di tayo dapat binubusabos
ng sistemang sa pagkatao'y pilit gumagapos
habang nasa isip paano makahuhulagpos
may karapatan ang bawat isa, may karapatan
lalo't buhay at dangal ay di dapat mayurakan
ito'y dama kong gumuhit sa noo't kalooban
na sa dibdib animo'y inuukit ang kawalan
palataltas at pelikula na'y nakamamanhid
nang sa kabila ng mga pagdurusa't balakid
huwag pansinin ang nangyari sa mga kapatid
at upang di mag-aklas ang obrero't magbubukid
lasing ang pangil ng mga buryong at talipandas
dapat pakaiwasan ang mga bulong ng hudas
ang inuuod na sistema'y dapat nang maagnas
upang maitayo natin ang panibagong bukas

Karapatan mong maghimagsik laban sa sistema
karapatan mong maghimagsik laban sa sistema
lalo't inuulaol ka na ng uring burgesya
itinuturing kang mababang uri lang ng masa
gayong tao kang kapantay ng karapatan nila
pribadong pag-aari'y kanilang kapangyarihan
pases nila upang kapwa'y mapagsamantalahan
tingin sa iba'y mga mababang uring nilalang
kaya sa dukha't manggagawa'y laging nanlalamang
wasto lang mag-alsa ang mga inaaping uri
nang lumaya sila laban sa uring naghahari
dapat paghimagsikan ang pribadong pag-aari
wasakin ito't ibagsak ang trapo, hari't pari
kabulukan ng sistema'y dapat nating maarok
dahil pagsasamantala nila'y abot sa tuktok
halina't maghimagsik laban sa sistemang bulok
na sa pagkatao't dangal ng kapwa'y umuuk-ok

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)