ISA MAN AKONG SIMPLENG BUBUYOG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
halimbawa ko ng tulang ismayling:
LALAKI
isa man akong simpleng bubuyog
abot langit ang aking pag-irog
sa iyo, rosas na maalindog
iwing puso'y sa iyo nahulog
rosas kang may nektar na malagkit
na nais tikmang paulit-ulit
bagay tayo, rosas kong kayrikit
paumanhin kung ako'y makulit
BABAE
kung bubuyog ka ng aking puso
salamat po sa iyong pagsuyo
ngunit ang pahayag mo'y kaylabo
pagkat sa nektar ko nakaturo
libog lang kaya ang iyong dama
pagkat nektar agad ang napuna
totoo ba ang iyong pagsinta
o nahihibang ka lang talaga
* ismayling = tradisyunal na tula na kinatatampukan ng isang babae at lalaki na nagsasagutan sa paraang mapanudyo at nagpapatawa, ayon sa UP Diksyunaryong Filipino, pahina 520
Miyerkules, Hunyo 29, 2016
Martes, Hunyo 28, 2016
Sakaling may nagbabadyang daluyong
SAKALING MAY NAGBABADYANG DALUYONG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
tahimik ang paligid, animo'y payapa
di madalumat kung ano ang nagbabadya
paparating kaya ang delubyo ng luha
na sadyang kaysakit pag sa puso tumama
tanging huni ng ibon yaong naglalambing
nais ko munang makatulog ng mahimbing
sa pangangarap kayrami kong nararating
na di ko mapuntahan kapag ako'y gising
naglipana sa lungsod ang laksang ulupong
at sakali mang may nagbabadyang daluyong
maging handa sa anumang sigwa't linggatong
sa pagsagupa’y isipin saan hahantong

Lunes, Hunyo 27, 2016
Ang masamang pulitiko'y katulad ng hunyango
ang masamang pulitiko'y katulad ng hunyango
papalit-palit ng kulay kung saan mapadako
kung saan kikita ng limpak ay doon tutungo
kahit manloko ng kapwa alang-alang sa tubo
ang masamang pulitiko'y mga trapo ng bayan
mga trapong ang tingin sa maralita'y basahan
ang tanong: nasaan na ang totoong lingkodbayan
na magsisilbi ng taospuso sa sambayanan
ang mga trapo'y katulad din ng kapitalista
mismong likasyaman ng bansa ang ibinebenta
kahit maghirap ang lumad tulad sa pagmimina
pinagtutubuan malugmok mang lalo ang masa
iyang mga trapo'y tunay na walang kwentang lingkod
lagi na lamang sa kaban ng bayan nakatanghod
baka ang masa sa galit sa kanila'y sumugod
sipain iyang mga trapo't sa putik ingudngod
- gregbituinjr.

Pag musmos na ang nakikipaglaban
pag musmos na ang nakikipaglaban
para sa kanyang angking karapatan
poot na'y namuo sa kalooban
baka lumaking rebeldeng tuluyan
pag nakibaka na ang mga paslit
unawa nilang pamilya'y ginipit
ng mga elitistang anong lupit
kaya puso nila'y puno ng galit
dapat habang bata sila'y turuang
pag-aralang mabuti ang lipunan
bakit may pinagpalang mayayaman
at kayraming sadlak sa karukhaan
pag lumalaban na ang mga musmos
pangarap nilang mabago nang lubos
ang buhay na sadyang kalunos-lunos
rebolusyon ba ang dito'y tatapos
- gregbituinjr.
para sa kanyang angking karapatan
poot na'y namuo sa kalooban
baka lumaking rebeldeng tuluyan
pag nakibaka na ang mga paslit
unawa nilang pamilya'y ginipit
ng mga elitistang anong lupit
kaya puso nila'y puno ng galit
dapat habang bata sila'y turuang
pag-aralang mabuti ang lipunan
bakit may pinagpalang mayayaman
at kayraming sadlak sa karukhaan
pag lumalaban na ang mga musmos
pangarap nilang mabago nang lubos
ang buhay na sadyang kalunos-lunos
rebolusyon ba ang dito'y tatapos
- gregbituinjr.
Sa pagpihit ng sitwasyon
SA PAGPIHIT NG SITWASYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taudtod
anong dapat nating gawin sa ganitong sitwasyon
tanong nitong kabataang mapagsuri't may layon
pulos katiwalian sa daang matuwid noon
pulos pagpaslang sa mga sangkot sa droga ngayon
bakit kayrami ng ahas sa gobyernong patapon
gaano ba kahanda sa pagpihit ng sitwasyon
bakit kayraming kabataang sa droga nagumon
bakit tumindi ang pagitan ng wala't mayroon
sa nagbabagong kalagayan, kayrami ng tanong
marami sa madla sa sarili'y bubulong-bulong
kung sa mga problema gobyerno'y urong-sulong
ang taumbayan ba'y kanino na dapat magsuplong
nahaharap itong bayan sa panibagong hamon
uring manggagawa ba'y aasahan pang bumangon

Linggo, Hunyo 26, 2016
Pag-igib ng Pag-ibig
PAG-IGIB NG PAG-IBIG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
paano nga ba iniigib ang pag-ibig
na yaong sinasalok ay di pawang luha
naririnig ba ng kapwa puso ang pintig
o patak ng pagsamong tila tumutula
paano nga ba sinasalok ang pagsinta
sa balon ng pusong sa pag-ibig ay tigib
huwag lang magsaboy ng tubig sa harana
ay patuloy na magsisipag sa pag-igib
marahil pagsalok ay maraming paraan
balon man gaano kalayo'y tatahakin
kahit mapagod sa baku-bako mang daan
sa ngalan ng pag-ibig, lahat ay gagawin
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
paano nga ba iniigib ang pag-ibig
na yaong sinasalok ay di pawang luha
naririnig ba ng kapwa puso ang pintig
o patak ng pagsamong tila tumutula
paano nga ba sinasalok ang pagsinta
sa balon ng pusong sa pag-ibig ay tigib
huwag lang magsaboy ng tubig sa harana
ay patuloy na magsisipag sa pag-igib
marahil pagsalok ay maraming paraan
balon man gaano kalayo'y tatahakin
kahit mapagod sa baku-bako mang daan
sa ngalan ng pag-ibig, lahat ay gagawin
Ang kapitalista'y katulad ng mga buwaya
ang kapitalista'y katulad ng mga buwaya
napapaluha sa pagsagpang sa mga biktima
luha'y di tanda ng pagsisisi kundi ligaya
sa malaking tubo mula sa pagsasamantala
ang kapitalista'y katulad din ng mga linta
sinisipsip ang lakas-paggawa ng manggagawa
tinitiyak na obrero'y may kapalit na dukha
na lakas-paggawa'y di rin mababayarang tama

Magsisipag
MAGSISIPAG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taudtod
kayrami muli nilang mga magsisipagtapos
maghahanap ng trabaho't sa dunong na'y di kapos
sa laot ng buhay ay sasagasa na sa aagos
ang makatapos sa kolehiyo'y may bagong puntos
upang bakasakaling karukhaan na'y matapos
kadalasan sa barkada'y magsisipag-inuman
baka sulirani'y mahanapan ng kalutasan
sa alak manghihiram muna ng kapayapaan
lango man sa luho yaong naghahari-harian
dukha’y nagsasaya rin sa gitna ng karukhaan
sakaling sa payapang ilog magsisipaglangoy
damhin natin ang lamig na sa puso'y umuugoy
at baka manariwa ang balat na nanguluntoy
at kung sa pagtingala'y may makita tayong banoy
isiping may pag-asa't tugon sa bawat panaghoy
sa bulok na burgesya, tayo'y magsisipaglaban
upang mapangyurak na sistema nila'y palitan
sapagkat nilalabag ang batayang karapatan
ng bawat indibidwal, ng masa, ng taumbayan
lalaban tayo't di basta magsisipagtakbuhan
upang tamuhin ang pag-unlad ako'y magsisipag
magbabanat ng buto, habang walang nilalabag
sa lipunang ito'y mahirap maging pipi't bulag
kaya kadalasan kailangan mo ring pumalag
ngunit ingat sinong hunyango ang dapat ibunyag

Sabado, Hunyo 25, 2016
Kahit isa lang ay di dapat matortyur
KAHIT ISA LANG AY DI DAPAT MATORTYUR
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
"Not One More Victim: End Torture Now!" ~ nakasulat sa puting t-shirt ng BRAT (Basta Run Against Torture)
kahit isang tao ma'y di dapat pang madagdagan
ang nabiktima ng tortyur sa mga bilangguan
ang karumal-dumal na gawaing ito'y wakasan
ang pagtortyur sa isa mang tao'y dapat tigilan
kahit isa lang, bawat tao'y sadyang mahalaga
pag isa ay natortyur, nadagdagan ang biktima
may karapatan lalo't napiit na aktibista
piniit di sa krimen kundi sa prinsipyo niya
ang tortyur ay di na dapat umiral sa mga estado
upang parusahan yaong kumakalaban dito
ang tortyur ay krimen pagkat marahas at barbaro
di nababagay sa daigdig na sibilisado

Imahinasyon ng yaman sa dawag
IMAHINASYON NG YAMAN SA DAWAG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
"Real talers have the same existence that the imagined gods have. Has a real taler any existence except in the imagination, if only in the general or rather common imagination of man? Bring paper money into a country where this use of paper is unknown, and everyone will laugh at your subjective imagination." ~ Marx, Doctoral Thesis, Appendix (1841)
animo'y diyus-diyusan ang mayayaman
doon sa tinatawag nilang kalunsuran
sinasamba't may salapi sa kalakalan
salaping papel sa altar ng kaluhuan
putik naman sa pedestal ng karukhaan
ngunit sa tirahan ng mga katutubo
utak sa kaiisip ay tiyak durugo
kung salapi'y paano gastusin sa luho
tanging silbi lang niyon nang di masiphayo
ay pamparikit ng apoy sa pagluluto
ang masalapi ay pagtatawanan lamang
kung sa gubat ay wala siyang kapalitan
maliban kung ang gubat ay gawing trosohan
upang maibenta sa santong kalunsuran
ng mga banal na hayok sa tubo’t yaman
anong silbi ng salaping papel sa dawag
doon ang kapitalismo na'y nalalansag
sa gubat, makipagkapwa'y lantad at hayag
balakid doon ang salaping lumalabag
sa pagpapakataong mahalaga't bunyag

Ang pagpaslang sa agilang si Pamana, Agosto 19, 2015
ANG PAGPASLANG SA AGILANG SI PAMANA, AGOSTO 19, 2015
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
tatlong taong gulang na ang agilang si Pamana
nang siya'y matagpuang may tama ng bala
sa gubat ay walang awang binaril siya
at sa agilang ito'y wala pang hustisya
agilang si Pamana'y pamana ng lahi
di dapat inuubos ang kanilang uri
sa kanila'y ilan na lang ang nalalabi
lahi nila'y mapreserba ang aming mithi
di dapat nangyaring napaslang si Pamana
di dapat mangyaring mapaslang ang pamana
ng lahi, ipagtanggol ang ating kultura,
ang kalikasan, espesye, wika, historya
* Ang tulang ito'y nirebisang tula mula sa orihinal na nasulat ng may-akda noong Agosto 19, 2015, na may anim na saknong, 24 na taludtod. Ang pagrebisang ito'y bilang paghahanda sa pagtula sa isang konsyertong pangkalikasan sa Conspiracy Bar nitong Hunyo 24, 2016. Tinula ito ng inyong lingkod sa pagitan ng pag-awit ni Joey Ayala ng awitin niyang pinamagatang "Agila".
* Ayon sa mga ulat, ang agilang si Pamana, 3 tatlong gulang, ay natagpuang wala nang buhay at may tama ng bala, pinaslang siya sa kagubatan ng Davao Oriental, Agosto 19, 2015.
Biyernes, Hunyo 24, 2016
Ang magsunog ng kilay
ANG MAGSUNOG NG KILAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
bakit ba kailangang magsunog ng kilay
mga turo ng guro'y unawaing tunay
pagkat nais ng gurong tayo'y magtagumpay
at ating matamo ang pangarap sa buhay
magsunog ng kilay gaano man kahirap
ito ang pag-asang makaalpas sa hirap
ito ang pag-asa ng mga mahihirap
lalo na ng ama't inang hirap na hirap
upang maitaguyod ang kanilang supling
bakasakaling kami'y maging magagaling
sa larangang nais yapusin at marating
at mapahusay ang pagkalabit sa bagting
pag magsunog ng kilay gabi ma'y maunos
ay pag-alpas sa buhay na kalunos-lunos
upang kahit dukha ma'y di maging busabos
at hirap na minana'y tuluyang matapos

Pag masisipag ang mga guro
PAG MASISIPAG ANG MGA GURO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
pag masisipag ang mga guro
natututo ang maraming bata
nababatid na sa bawat turo
ay pag-alpas sa pagkadalita
pagkat inihahanda ay bukas
na tigib ng pagkasalimuot
sa bawat turo ay mababakas
paanong salubungin ang agos
pag ang mga guro'y masisipag
mga bata'y mayroong pag-asa
estudyante'y di nagiging bulag
sa pagharap sa unos at dusa
sa gurong kaysisipag, salamat
pag di kami nag-aral mabuti
sa sarili lang dapat isumbat
nasa huli raw ang pagsisisi
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
pag masisipag ang mga guro
natututo ang maraming bata
nababatid na sa bawat turo
ay pag-alpas sa pagkadalita
pagkat inihahanda ay bukas
na tigib ng pagkasalimuot
sa bawat turo ay mababakas
paanong salubungin ang agos
pag ang mga guro'y masisipag
mga bata'y mayroong pag-asa
estudyante'y di nagiging bulag
sa pagharap sa unos at dusa
sa gurong kaysisipag, salamat
pag di kami nag-aral mabuti
sa sarili lang dapat isumbat
nasa huli raw ang pagsisisi
Huwebes, Hunyo 23, 2016
Kung maiigib lang ang katarungan
KUNG MAIIGIB LANG ANG KATARUNGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
kung maiigib lang ang kay-ilap na katarungan
baka nagtatampisaw na sa hustisya ang bayan
ngunit saang ilog, lawa o balon ang igiban
upang kamtin ng bayan ang hustisyang inaasam
ngunit masalok ito ng bayan ay di madali
lalo't kapangyarihan at kasakiman ang sanhi
dapat tahakin ang dagat ng katarungang mithi
uhaw ang bayan, hustisya’y dapat nang ipagwagi
kung ang katarungan ay madali lamang maigib
maiiwasan ang pang-aapi saanmang liblib
hustisya'y iiral, sa lungsod man, bundok o yungib
at daigdig na ito sa pag-ibig matitigib

Miyerkules, Hunyo 22, 2016
Soneto sa ulan
SONETO SA ULAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 pantig bawat taludtod
di pa makalabas
ulan ay kaylakas
dama bawat hampas
na tila kayrahas
lakas ng ampiyas
ay ramdam ko't watas
bubong ba'y tatagas?
tubig ba'y tataas?
landas na'y madulas
baka madupilas
kapote mang kupas
ay baka tumagas
sa bota kong butas
di na makalabas
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 pantig bawat taludtod
di pa makalabas
ulan ay kaylakas
dama bawat hampas
na tila kayrahas
lakas ng ampiyas
ay ramdam ko't watas
bubong ba'y tatagas?
tubig ba'y tataas?
landas na'y madulas
baka madupilas
kapote mang kupas
ay baka tumagas
sa bota kong butas
di na makalabas
Ang magtampisaw sa luho
ANG MAGTAMPISAW SA LUHO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
makasarili nga ba ang magtampisaw sa luho
habang yaong iba'y sa karukhaan nagdurugo
maligo ba sa pabango ng luho'y bumabaho
tulad ng kaasalan ng mga tusong hunyango
noon pa'y naganap sa loob at labas ng bayan
yumayaman lalo ang may-ari ng kayamanan
habang dukhang walang pag-aari'y nahihirapan
ganyan noon at ganyan pa rin sa kasalukuyan
paano natin babaguhin ang lipunang sawi
bagong sistema ba'y atin nang maipagwawagi
dulot ng pagbabakasakaling ito'y pighati
kung manggagawa'y hiwalay pa rin sa kanyang uri
di na dapat ang iilan sa luho'y magtampisaw
kapitalismo'y tuluyang tigpasin ng balaraw
upang bulok na sistema'y tuluyan nang malusaw
organisahin ang obrerong sa hustisya'y uhaw

Martes, Hunyo 21, 2016
Ang pag-aaral ay paghahanda
ANG PAG-AARAL AY PAGHAHANDA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
doon sa dampa, mag-anak ay maagang gumising
inatupag agad ng ama anong lulutuin
kung walang panggatong, kahoy na'y agad sisibakin
at doon sa tungko ay magluluto ng sinaing
ama'y naghahanda upang pamilya'y makakain
katulad din sa pag-aaral, gigising ang bata
maliligo, magbibihis, ang bata'y maghahanda
titingnan ang gawaingbahay kung kanyang nagawa
anong mga aralin ang naitanim sa diwa
kung malayo ang paaralan, lalakad ng kusa
ngunit di lahat ay sa paaralan natututo
kundi sa pakikisalamuha sa kapwa tao
sa kapamilya, sa pamayanan, sa kababaryo
sa kabarkada, lalo sa lipunan at gobyerno
habang tayo'y lumalaki, lumalago rin tayo
ang pag-aaral ay paghahanda para sa bukas
anumang paksa, lipunan o etika'y mawatas
upang hinaharap ay di masayang o mawaldas
upang maging handa sa pagtahak sa tamang landas
upang kamtin ang isang lipunang pantay at patas

Mahirap mang mag-aral
MAHIRAP MANG MAG-ARAL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
mahirap mag-aral, dama ng mga kabataan
subalit mas mahirap ang walang pinag-aralan
isang prinsipyo itong dapat nilang matanganan
nang maging matatag ang kanilang kinabukasan
kaya maraming salamat sa aming mga guro
na alay sa bukas ang mga araling tinuro
kung wala ang guro'y anong bukas kundi siphayo
ang kakaharapin ng madla, bukas ay guguho
mahirap mag-aral, ngunit ating pakatandaan
anumang tagumpay ay sadyang pinagsisikapan
mahirap mag-aral, subalit kung pagninilayan
aba’y lalong mahirap pag walang pinag-aralan

Kung matututo ang mga bata
KUNG MATUTUTO ANG MGA BATA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
kung ang mga bata'y tunay na natututo
isang adhikang kaysarap sa pakiramdam
tila baga titino na ang mundong ito
isang alalahaning nawa ay maparam
ngunit di lang sa paaralan natututo
kundi sa impuwensya rin ng kaligiran
barkada ba'y matitino o basag-ulo
anong natutunan ng bata sa lipunan
kung maging inspirasyon ng bata ang guro
inspirasyon din yaong bubuklating aklat
mga aral doong di makasisiphayo
bagkus sa kanyang diwa'y makapagmumulat
kung matututo sa guro ang mga bata
ay natupad nila ang adhikang dakila

Lunes, Hunyo 20, 2016
Salin ng tula ni Ho Chi Minh sa Opensibang Tet
TULA NI HO CHI MINH BILANG HUDYAT NG OPENSIBANG TET
Ayon sa ulat ni Dale Anderson, "The Tet Offensive: Turning Point of the Vietnam War":
"Just before midnight on January 30, Hanoi's official government radio station broadcast a special message. It was a poem written by Ho Chi Minh:
'This spring far outshines the previous springs,
Of victories throughout the land come happy tidings.
Let South and North emulate each other in fighting the U.S. aggressors!
Forward!
Total Victory shall be ours.'
"The poem was a coded signal that the attacks should begin."
Ito naman ang salin sa wikang Filipino ng tulang ito:
"Nilampasan na ng tagsibol ngayon
yaong mga nakaraang tagsibol,
ng mga tagumpay sa buong bayan
na dulot ay magagandang balita.
Hayaang tularan ng Katimugan
at Kahilagaan ang bawat isa
sa pagbaka sa mga mananakop
at maniniil na Amerikano!
Sulong! Magiging atin ang tagumpay!"
(11 pantig bawat taludtod, at malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.)
Sanggunian:
http://andyshistoryproject.weebly.com/-the-tet-offensive.html

Tungko sa silangan
TUNGKO SA SILANGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
rumaragasa na ang habagat mulang kanluran
tila nais daluhungin ang munting bayanihan
ng mga nag-uusong ng kaban mulang silangan
nagkakagulo sa bigat ng salaping palitan
habang inaayos ang tungkong tadtad pa ng gatong
na pinagsilab ay mga tatal mulang kamagong
at di pa mahagilap ang hanap, hilong-talilong
nag-iingat, baka lumitaw muli ang ulupong
paano tutuparin ng obrero ang tungkulin
di lamang pagsisibak ng kahoy ang dapat gawin
kung kailangan, dumako pa sa ibang lupain
upang tiyaking salinlahi nila'y makakain
damhin ang nilalakaran, paraanan sa tambo
kayraming lamok, tila di na uso ang kulambo
di na tinitimbang ng puhunan anumang luho
kahit na manamantala alang-alang sa tubo
tingni ang tungko kung kumulo na ba ang sinaing
habang sa bulsa ng obrero'y walang kumalansing
sa kabulukan ng sistema'y kailan gigising
upang bukangliwayway sa bawat puso'y maglambing

Linggo, Hunyo 19, 2016
Turuan ang mga batang maglaro ng ahedres
TURUAN ANG MGA BATANG MAGLARO NG AHEDRES
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sa paaralan ay may isports ding itinuturo
na mahalagang maunawaan ng mga guro
tulad ng ahedres na kung sa bata ay titimo
ay kagigiliwang todo pagkat magandang laro
turuan ang mga batang maglaro ng ahedres
maaga pa'y nagsusuri na't alam kumilatis
kung anong tama, di basta na lamang nagtitiis
anong tamang taktika nang solusyon ay bumilis
ang batang marunong sa ahedres ay mas abante
natututong mag-analisa ng mga nangyari
di agad kinakabahan sa problemang dumale
nahahanap ang solusyon, puso't diwa'y kampante
sa ahedres, malaki ang pakinabang ng bata
na habang maaga'y nakakapaghanda sa sigwa
salamat sa guro at ito'y ipinaunawa
bata’y natututo't nakakapagsuri nang kusa

Bata'y bigyan ng guro ng gagawin
BATA'Y BIGYAN NG GURO NG GAGAWIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
bata'y bigyan ng gagawin, di ng masasaulo
na ang ginagawa'y sinusuri niyang totoo
mga palaisipang magsusuri siyang todo
sa kanyang pag-aanalisa'y doon matututo
pagsaulo ng detalye'y bakit niya gagawin
gayong di pagkabisa ang bukas na haharapin
bata'y bigyan ng gagawin, di ng kakabisahin
upang tumalas ang isip, kung pakaiisipin
paano pangungunahan ng bata halimbawa
ang buong klase kasama ang kanyang kapwa bata
paano lulutasin pag may problemang nagbadya
paano pag-uusapan ang mga mali't tama
sa agham at matematika may mga pormula
na gawa ng mga syentistang dapat makabisa
wala namang pormula ang buhay, lalo't problema
subalit pag-unawa sa problema'y mahalaga
iyan ang papel ng mga guro, ang matagpuan
ng mga bata ang sarili nitong kakayahan
na magsuri ng problema, lalo na sa lipunan
at maging handa sa pagharap sa kinabukasan

Sabado, Hunyo 18, 2016
Tinuturuan kang mag-isip, di lang ang sumunod
TINUTURUAN KANG MAG-ISIP, DI LANG ANG SUMUNOD
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
araw-araw sa pagtuturo sila'y napapagod
upang sa bagong dunong ikaw ay maitaguyod
tinuturuan kang mag-isip, di lang ang sumunod
bagay-bagay ay sinusuri, di basta luluhod
problema'y inaanalisa, di basta tatanghod
taktika'y pinag-aaralan, di basta susugod
ganyan ang mga gurong sa ating mata'y dakila
ginagalugad ang dunong daanan man ng sigwa
upang magbahagi sa mag-aaral habang bata
ganyan ang mga gurong alam nating manggagawa
kaysisipag kahit malatin sa kasasalita
tunay silang uliran sa pagtitiyaga
ano ang agham, pisika, maging aritmetika
pagbuklat ng aklat, pagbibilang at pagbabasa
niyuyugyog nila ang diwa upang magkalasa
asim, pakla't tamis ng paksa'y minamahalaga
paggabay sa mga bata tuwina'y tinatasa
upang maging makulay ang bukas nito't pag-asa

Ang tulay sa kinabukasan
ANG TULAY SA KINABUKASAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
guro ang ating tulay mula kabataan
tungo sa inaasam na kinabukasan
tatahakin anumang bako ng lansangan
lalampasan ang yugto-yugtong nakaraan
upang akayin tayo tulay ma’y kaytarik
upang maalpasan ang balakid na hitik
upang di lumubog sa rumagasang putik
upang maharap ang alimpuyo ng lintik
tulay ang guro sa dagat ng suliranin
upang kalutasan sa mga gulo'y kamtin
upang sa hinaharap di tayo gutumin
upang lalim ng laot ay masisid natin
sa kinabukasan guro ang ating tulay
habang tayo’y lumalaki sila’y kalakbay
sa maraming pagkakataon ay karamay
makipot man ang tulay nating binabaybay
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
guro ang ating tulay mula kabataan
tungo sa inaasam na kinabukasan
tatahakin anumang bako ng lansangan
lalampasan ang yugto-yugtong nakaraan
upang akayin tayo tulay ma’y kaytarik
upang maalpasan ang balakid na hitik
upang di lumubog sa rumagasang putik
upang maharap ang alimpuyo ng lintik
tulay ang guro sa dagat ng suliranin
upang kalutasan sa mga gulo'y kamtin
upang sa hinaharap di tayo gutumin
upang lalim ng laot ay masisid natin
sa kinabukasan guro ang ating tulay
habang tayo’y lumalaki sila’y kalakbay
sa maraming pagkakataon ay karamay
makipot man ang tulay nating binabaybay
Biyernes, Hunyo 17, 2016
Di natin maituturo ang lahat-lahat
DI NATIN MAITUTURO ANG LAHAT-LAHAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
di natin maituturo ang lahat-lahat
magagabayan lang natin silang magbuklat
ng aklat at impormasyon ay mahalungkat
at pagkasabik sa dunong ay maiangat
hayaan nating matuto ng estudyante
at hayaang makita niya sa sarili
masagot ang mga tanong na nakakubli
at sa proseso'y tuluyang magmuni-muni
maipapakita lamang natin ang daan
tungo sa kanyang asam na kinabukasan
paano haharapin ang kapanganiban
isang matinding guro raw ang karanasan
lahat-lahat ay di natin maituturo
sa estudyante, gabay lamang tayong guro
hamunin silang mga aral ay mahango
mula sa baul ng dunong na di naglaho
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
di natin maituturo ang lahat-lahat
magagabayan lang natin silang magbuklat
ng aklat at impormasyon ay mahalungkat
at pagkasabik sa dunong ay maiangat
hayaan nating matuto ng estudyante
at hayaang makita niya sa sarili
masagot ang mga tanong na nakakubli
at sa proseso'y tuluyang magmuni-muni
maipapakita lamang natin ang daan
tungo sa kanyang asam na kinabukasan
paano haharapin ang kapanganiban
isang matinding guro raw ang karanasan
lahat-lahat ay di natin maituturo
sa estudyante, gabay lamang tayong guro
hamunin silang mga aral ay mahango
mula sa baul ng dunong na di naglaho
Guro at karapatan ng mga bata
GURO AT KARAPATAN NG MGA BATA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
marami pong karapatan ang bawat bata
tulad ng pag-aaral at maging malaya
dapat karapatang ito'y ating unawa
lalo nitong gurong tagahubog ng diwa
karapatan ng batang siya'y maisilang
lalo na kahit bata pa siya'y igalang
karapatan ding makapaglaro't maglibang
ang talino't kakayahan nila'y malinang
karapatan din ng bata ang edukasyon
at makapagsabi ng sariling opinyon
karapatan ng batang mabigyang proteksyon
laban sa pang-aabusong dinanas noon
karapatan din ang maayos na tirahan
makatira sa mapayapang pamayanan
magkaroon ng ligtas na kapaligiran
ang sila'y ipagamot kung may karamdaman
karapatang titiyakin nitong guro
na sa mga bata't ibahagi at ituro
mga karapatang di basta maglalaho
at ipaglalaban mula ilaya't hulo

Huwebes, Hunyo 16, 2016
salin ng tulang Fidel Castro
FIDEL CASTRO
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kaya kilala mo pala si Fidel Castro? Sa tingin ko'y gayon din
na iyon ang pangalan ng batang tagalinis, yaong
naglilinis ng maruruming pinggan at naglalampaso ng sahig
tinatawag siyang "Fy" na mas matanda kaysa akin at may
mas magandang edukasyon, at ako, na kanyang amo ay dama
ang kanyang pagsuway sa mga atas ng isang opisyal ng
uring manggagawa, ay nag-ugat. Subalit batid ko tulad
ng alam ng nakapagbabasa, ang malinggit na tao'y isang lingkod
ng mga mayayaman, kailangan nila ng sinumang nakapag-aral
kung anong kanilang gagawin; sa Venezuela, lumipat si Fidel
sa bapor na kanyang nakita at kumuha kami ng isa pang
batang tagalinis na hindi marunong magbasa o magsulat
pagkat ang sahod na matatanggap niya'y makatutulong
sa kanyang pamilya. Isang kasagwilang wala akong
makatalong sinuman
FIDEL CASTRO
A poem by Jan Oskar Hansen
So you do know Fidel Castro? I think I do
that was the name of the mess boy, the one who
had to do the dirty dishes and clean floors
“Fy” as he was called was older than me and had
a much better education, and I, as his boss felt his
contempt being told what to do by an officer of
working class, roots. But I knew as everybody who
read knows, the little man is but a servant for
the rich, they need someone educated to tell them
what to do; In Venezuela, Fidel jumped ship he was
not missed and we got another mess-boy
who could not read or write because the wage he got
could support his family. The downside was I had
no one to argue with

Ang kahalagahan ng guro
ANG KAHALAGAHAN NG GURO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
napakahalaga ng tungkulin ng mga guro
sa wika, sa lipunan, sa madla, sa katutubo
sa kamangmangan ay kanila tayong hinahango
sa problema’y hinanda, tagumpay at pagkabigo
inuukit nila'y bukas ng bagong salinlahi
itinanim, diniligan ang mga bagong binhi
nang kamtin ng mga bata ang pangarap at mithi
para sa kinabukasang may mabubuting gawi
ang mga guro'y tulad ng kandila sa karimlan
bagong kamumukadkad pa lang ang tinatanglawan
upang di mahulog sa kumunoy at kadawagan
hanggang matanaw ang liwanag sa dulo ng parang
salamat sa kanilang sa atin nagpahalaga
sa anumang digmaan, tayo'y inihanda nila
papalaot tayong mga aral nila ang dala
salamat sa gurong dakila sa mata ng masa

Miyerkules, Hunyo 15, 2016
Ang kadakilaan ng ating guro
ANG KADAKILAAN NG ATING GURO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
paano nga ba susuklian ang kadakilaan
ng ating gurong naghawan nitong kinabukasan
may gantimpala kayang sa kanila'y nakalaan
tulad ng gintong puso sa kanilang kabutihan
ngunit anong natutunan ng mga pulitiko
sa mga guro't tuluyan na silang naging trapo
di na lingkodbayan kundi lingkod na ng negosyo
iyan ba'y epekto ng sistemang kapitalismo
guro ang tagahubog ng bukas ng mamamayan
paano ba nila tinuro ang maging huwaran
paano nila napapanuto ang lingkodbayan
upang di maglunoy sa putik ng katiwalian
ngunit kung mga guro gaano man kadakila
kung mga tinuruan nila'y wala ring magawa
sa lipunang naglipana iyang hunyango't linta
tila nasayang ang pagod nila't pagtitiyaga
paano nga ba susuklian ang kadakilaan
ng ating gurong naghawan nitong kinabukasan
kundi makita nilang ang kanilang tinuruan
ay matinong lingkod nitong bayan, di ng iilan

Sa mga nagpatalas ng aming pang-unawa
SA MGA NAGPATALAS NG AMING PANG-UNAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
di namin itatago ang kanilang itinuro
kundi ito'y aming gagamitin sa araw-araw
tulad din ng di paglimot sa bawat naging guro
na gumabay sa buhay upang bukas ay matanaw
gabay sa magandang bukas na ating hinahanap
tungo sa pagtahak sa landas na makabuluhan
kasama sila sa pagbuo ng mga pangarap
tungo sa pagharap sa bukas na makahulugan
guro silang pinatalas ang aming pang-unawa
pagsusuri sa paligid, paggamit ng pandama
at natutong mangarap sa bansang puno ng dukha
habang aming pinaunlad ang dunong na nakuha
sa patuloy na pag-igting ng sanlaksang labanan
gabay anumang aral at danas na natutunan

Martes, Hunyo 14, 2016
Takdang aralin
TAKDANG ARALIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ibinigay ni Mam sa amin ang takdang aralin
upang doon sa tahanan amin itong lutasin
mula sa turo niya'y paano na sasagutin
at kinabukasan sagot ay ipapasa namin
inaalam ng guro, nag-aaral nga ba kami
kami kaya'y kuwago o tulad ng kalapati
sa gitna ng karukhaan, nagsisikap maigi
upang umahon sa hirap, nag-aaral mabuti
kayraming magkaklase ngunit sa upuan salat
nagsisiksikan kami pagkat kulang din sa aklat
sa isang silid-aralan, naturuan bang lahat
alam ng guro, paano ba kami sinusukat
takdang aralin, tatapusin at dapat magawa
upang makapasa sa klase ng di pasang-awa

Ikalawang magulang
IKALAWANG MAGULANG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
noon, inihahatid ako ng aking magulang
sa pagpasok sa ekswela upang may matutunan
pagsusulat, pagbabasa, pati na pagbibilang
kabutihang asal, ano ang bayan at lipunan
doon, ikalawang magulang yaong nakatagpo
na sa katulad kong kabataan ay nagtuturo
matematika, agham, doon ako'y napanuto
laking pasasalamat ko't nakilala ang guro
ikalawang magulang na kalakbay sa pangarap
upang sapuhin ang patak na nagmula sa ulap
upang sa mata'y mahawi ang bumukol na asap
upang mapasakamay kaytaas mang alapaap
sa aming mga guro'y taos-pusong pasalamat
sa hatid na karunungang sa diwa nagpabundat
ikalawang magulang kayong naging kabalikat
sa bukas at sa suliraning daratal mang sukat

Lunes, Hunyo 13, 2016
salin - Ang mga naghahanap ng trabaho
ANG MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
(15 pantig bawat taludtod)
Matapos ang matagal na kawalan ng trabaho
napasok akong tagaluto sa isang kapihan
kung saan tao'y nagdatingan para sa serbesa
ngunit atas ng lokal na batas, kumain muna
ang sinuman bago tumagay. Monay o may kesong
tinapay ang karaniwan, na pag di na nakain
ay nililipat ng pinggan upang muling ihain,
ngunit dapat kong buksan, ilalim ng keso'y tingnan
nang tiyaking walang nilagay doong anupaman
tulad ng upos ng yosi't iba pa. Aking batid
ang galawan pagkat dating mananagay hanggang sa
mawalan ng trabaho nang lagyan ng saklob yaong
lata ng sardinas at alumahan. Ayos lamang
maging uring manggagawa pag panaho'y maganda,
ngunit sa malao't madali'y may kapanganiban
at pag walang aral, tiyak sa karukhaan sadlak.
JOB SEEKERS
A poem by Jan Oskar Hansen
After being unemployed for a long time I got
a job as a cook in a cafe where people came
for the beer, but the local law demanded
drinkers had to order something to eat before
drinking. Usually, it was a burger or a cheese
sandwich. If a sandwich came back uneaten
it was moved to another plate and served again,
but I had to open look under the cheese to be
sure no one had put something there, like
the butt of cigarette and so on. I knew the game
having been a drinker there until I lost my job
of putting a lid on tins of sardines and mackerel.
To be working class when time is good is Ok, but
but sooner or later there will be a downturn
and without proper education poverty beckons.

Sabado, Hunyo 11, 2016
Ang timang, mapanlait
ANG TIMANG, MAPANLAIT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
nananalasa na naman ang timang, mapanlait
lagi-lagi na lang, ugali niya'y magparunggit
tingin yata sa sarili, siya'y napakarikit
akala'y laging tama yaong sinasambit-sambit
timang na mapanlait ba'y bakit nagkaganoon
tila di niya unawa ano ang rebolusyon
pati kawawang masa'y nilalait dito't doon
gayong di siya marikit at mukha namang maton
siya'y timang na may sariling pamantayang angkin
na tinutulak niyang dapat lang naming yapusin
pamantayang elit na huwag mong palalampasin
pag di mo ginawa, aba'y makuha ka sa tingin
isinusuka ng madla ang timang, mapanlait
tila walang pakiramdam ang timang na kaysungit
di na yata magbabago't laging nagpaparunggit
unawain na lang natin, baka siya'y maysakit

Kung sa rali'y ayaw mapiktyuran
kung sa rali'y ayaw mo palang mapiktyuran
aba'y ano't padispley-displey ka pa riyan
dapat handa ka sa rali mong sinamahan
mapiktyuran ka man, ito'y para sa bayan
kung ayaw mapiktyuran, huwag kang sumama
para sa TV't dyaryo'y di ka na makita
ngunit kung napiktyuran at nalathala ka
aba'y huwag kang umangal, simpleng lohika
ayaw mapiktyuran, bakit ka nasa rali
baliw ka pala't patagu-tago kang letse
sa kamera pala'y takot ka nang mahuli
baka sa rebo'y wala ka rin palang silbi

Biyernes, Hunyo 10, 2016
Marami pang hakbang ang ating tatahakin
MARAMI PANG HAKBANG ANG ATING LALAKARIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
marami pang hakbang ang ating tatahakin
upang tagumpay na minimithi'y tamuhin
di natin papayagang ang bawat panimdim
sa atin ay dumapo't magdulot ng dilim
halina't magpatuloy tayo sa paghakbang
upang landas ng katwiran ay di maharang
nitong mga tiwali't salanggapang habang
mabuting bakas ang taas-noong iiwan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
marami pang hakbang ang ating tatahakin
upang tagumpay na minimithi'y tamuhin
di natin papayagang ang bawat panimdim
sa atin ay dumapo't magdulot ng dilim
halina't magpatuloy tayo sa paghakbang
upang landas ng katwiran ay di maharang
nitong mga tiwali't salanggapang habang
mabuting bakas ang taas-noong iiwan
Huwebes, Hunyo 9, 2016
Ang upuang nawawala
ANG UPUANG NAWAWALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sambuwan matapos ang botohan, narito kami
sa harap ng tanggapan ng halalan, naninisi
kung bakit ang ahensyang ito'y tila baga bingi
sa pagharap sa katotohanan ay napipipi
kinukuha lang naman namin yaring karapatan
yaong upuang sa halalan napagtagumpayan
ngunit may nagtago niyon, yaon kaya'y nasaan?
ibinenta na ba kaya di maupu-upuan?
aba'y di sadyang maiwasang tanong ng marami
ang ahensyang ito kaya'y kanino nagsisilbi?
palengke na ba ito’t upuan mo'y pinagbili
o upuan mo'y tuluyang tinangay ng buwitre?
nawawala ang upuan, sino kayang nagtago?
iyon bang ungas na sa pinagbentahan nalango?

Miyerkules, Hunyo 8, 2016
Payo ng isang guro
PAYO NG ISANG GURO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
isang butihing guro'y aking nakausap
aniya, paano kakamtin ang pangarap
kundi sa sarili'y lubos ang pagsisikap
upang marating ang asam na alapaap
aniya pa, angking talino'y pagyamanin
at sa mabuting adhika ito'y gamitin
tulad ni Rizal na bayaning anong giting
sa patuloy na sikap ay may mararating
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
isang butihing guro'y aking nakausap
aniya, paano kakamtin ang pangarap
kundi sa sarili'y lubos ang pagsisikap
upang marating ang asam na alapaap
aniya pa, angking talino'y pagyamanin
at sa mabuting adhika ito'y gamitin
tulad ni Rizal na bayaning anong giting
sa patuloy na sikap ay may mararating
Martes, Hunyo 7, 2016
Sa tama ng bala
SA TAMA NG BALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sakali mang mamatay ako sa tama ng bala
tanging hiling ko lamang ay panigan ng hustisya
sapagkat ako'y walang pagkakasala sa masa
ninais ko lang baguhin ang bulok na sistema

Lunes, Hunyo 6, 2016
Kuwitib sa pusod ng dusa
KUWITIB SA PUSOD NG DUSA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
sa bawat pusikit ng ating takipsilim
lumalaginit sa puso yaong panimdim
animo di maarok ang balong kaylalim
na pinaglalaruan ng kampon ng lagim
sa bawat takipsilim sa ating lipunan
may bukangliwayway kayang maaasahan
may kamtin kaya sa patuloy na paglaban
o dadapurakin na lang ng kabiguan
lalambi-lambitin sa diwa ang pangarap
habang mga inakay ay siyap ng siyap
masarap na pandesal kaya'y malalanghap
sa pagitan ng karukhaang nalalasap
araw-gabi pa rin tayong nakikibaka
tila baga kuwitib sa pusod ng dusa
kahit lumbay sa puso'y laging nakaamba
umaasang daratal pa rin ang umaga
* kuwitib = pulang langgam na masakit mangagat

Linggo, Hunyo 5, 2016
Ang minamahal ko'y naghihintay sa alapaap
ang minamahal ko'y naghihintay sa alapaap
sa umagang kayliwanag ay parang nangangarap
paano kaya kung dalawang puso'y maging ganap
kung naghahanapan ang bawat isa sa hinagap
- gregbituinjr.
sa umagang kayliwanag ay parang nangangarap
paano kaya kung dalawang puso'y maging ganap
kung naghahanapan ang bawat isa sa hinagap
- gregbituinjr.
Sabado, Hunyo 4, 2016
salin - Ang Lipunang Walang Uri
ANG LIPUNANG WALANG URI
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Opisyal na ito ngayon, patay na ang uring manggagawa
tayong lahat ay panggitnang uri maliban sa mga
naglalampaso ng sahig ng tanggapan, lumilikha ng mga produkto
at gumagawa ng mumurahing damit, wala silang karapatan
o kinabukasan, tinatanggap natin na kung kailangan
ang malaking minorya ng kasalukuyang alipin upang magpatuloy
ang ating kahibangan bilang isang modernong bayan.
Ang minoryang ito - na kaypalad para sa atin - ay di nakikita
ang kanilang kapangyarihan pag walang nilikhang anuman o
naglinis ng lansangan at mga tanggapan, tayo'y malulunod
sa masasamang salita at nag-uumapaw na padaluyan;
babayaran natin sila ng sapat at igagalang yaong mga
nagpapanatiling buhay ng ating mga lungsod.
THE CLASSLESS SOCIETY
A poem by Jan Oskar Hansen
It is now official the working class is dead
we are all middle class except for those
who clean the office floors, make products
and make cheap clothes, they have no right
nor a future, we accept that as we need
this big minority of current slaves to keep up
our illusion we are a modern nation.
This minority -luckily for us –does not see
their power if no one produced anything or
cleaned streets and offices, we would drown
in filth and overflowing sewers; we would
pay them handsomely and respect those who
keep our cities livable.

Biyernes, Hunyo 3, 2016
Ang mga lumpen proletaryado
ANG MGA LUMPEN PROLETARYADO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
nabubuhay sa ilalim ng bulok na lipunan
tinapal-tapal na barungbarong yaong tahanan
nabubuhay sa diskarte sa sentrong kalunsuran
subalit masakit sa mata ng pamahalaan
sila ang tinatawag na lumpen proletaryado
tinuringang walang pinag-aralan, magugulo
lulong sa sugal, droga, mabisyo, sakit ng ulo
kayrami nilang ipinanganak sa mundong ito
isang uri ng mga taong ugali'y magaspang
pagkat sa lipunang ito'y kailangang lumaban
pusakal, buriki, puta't pulubi sa lansangan
manginginom, nangingikil nang makakain lamang
durugista, kriminal, kahit ano'y papasukin
upang mga tiyan nila'y malagyan ng pagkain
walang pagkakataong ang dignidad nila'y dinggin
tingin ng marami'y daga ang tulad nilang lumpen
sila daw ang nasa mababang uring manggagawa
na kamalayang makauri'y di mauunawa
di makatulong sa rebolusyonaryong adhika
nabubuhay ng patapon ng di nila sinadya
kung maoorganisa ang lumpen proletaryado
may kakayahan kayang makatulong sa obrero
upang mapalitan ang sistemang kapitalismo
at bakasakaling maitayo ang sosyalismo
ngunit tanging sagot ko lamang sa ngayon ay ewan
paano matitiyak na sila'y di mang-iiwan
lalo na kapag umiigting ang mga labanan
o uring manggagawa ang tanging maaasahan
* ang salitang Aleman na lumpen o "basahan" sa kalaunan ay naging mga taong animo'y nakasuot ng basahan, at ginamit ito ni Marx sa kanyang akdang "Ang Ideyolohiyang Aleman".

Huwebes, Hunyo 2, 2016
Tuyo man ang ulam
TUYO MAN ANG ULAM
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
hindi ako bumibili ng pandesal at mamon
pagkat ika nga nila, "Man does not live by bread alone"
kakarampot na tuyong hawot man ang ulam ngayon
nabusog din kami't ngiti sa labi’y nagsiahon
ganyan ang pamumuhay naming mga maralita
masaya sa munti man, kahit laging dusa't luha
kalunos-lunos man ang lagay naming mga dukha
ngunit nakatindig kaming may dangal at adhika

Miyerkules, Hunyo 1, 2016
Pag nakibaka ang guro
PAG NAKIBAKA ANG GURO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
pag nakibaka ang guro, hangad nila'y hustisya
nais nilang makita mismo ng sariling mata
na hustisya'y totoo ngang dumadapo sa masa
ngunit sawimpalad kung di nila ito makita
anong ituturo nila sa mga kabataan
kung sila'y biktima rin ng kawalang-katarungan
ituturo bang paraiso ang pamahalaan
o pinamumugaran na ng tiwali't kawatan
pag nakibaka ang guro, sa dibdib na'y mabigat
guro, nakibaka, bakit, di agad madalumat
tagahubog ng kabataan at tagapagmulat
ay inapi rin ng sistemang sa hustisya'y salat
pag nakibaka ang guro, dapat samahan natin
silang mga nagtuturo sa mga anak natin
upang ang hustisyang ituturo nila'y may diin
pagkat tunay, naranasan at kanilang naangkin

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)