ANG PAGPASLANG SA AGILANG SI PAMANA, AGOSTO 19, 2015
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
tatlong taong gulang na ang agilang si Pamana
nang siya'y matagpuang may tama ng bala
sa gubat ay walang awang binaril siya
at sa agilang ito'y wala pang hustisya
agilang si Pamana'y pamana ng lahi
di dapat inuubos ang kanilang uri
sa kanila'y ilan na lang ang nalalabi
lahi nila'y mapreserba ang aming mithi
di dapat nangyaring napaslang si Pamana
di dapat mangyaring mapaslang ang pamana
ng lahi, ipagtanggol ang ating kultura,
ang kalikasan, espesye, wika, historya
* Ang tulang ito'y nirebisang tula mula sa orihinal na nasulat ng may-akda noong Agosto 19, 2015, na may anim na saknong, 24 na taludtod. Ang pagrebisang ito'y bilang paghahanda sa pagtula sa isang konsyertong pangkalikasan sa Conspiracy Bar nitong Hunyo 24, 2016. Tinula ito ng inyong lingkod sa pagitan ng pag-awit ni Joey Ayala ng awitin niyang pinamagatang "Agila".
* Ayon sa mga ulat, ang agilang si Pamana, 3 tatlong gulang, ay natagpuang wala nang buhay at may tama ng bala, pinaslang siya sa kagubatan ng Davao Oriental, Agosto 19, 2015.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento