Freedom from Debt Coalition
ay isang organisasyong
palaban at mahinahon
lahat ng pagkakataon
ang bayan ay ibabangon
kayraming isyu ng madla
kuryente, tubig ang paksa
presyo'y nagtaasang pawa
tila ito'y mga sumpa
sa ating bayang kawawa
paano maitatawid
ang buhay na may balakid
gobyerno'y tila kaykitid
buhay natin pinapatid
sila nga ba’y di matuwid?
lumaking lalo ang utang
nitong bansang tinubuan
nasaan ang pakinabang
ano ang pinaggamitan
bakit hirap pa ang bayan
lumalala na ang klima
epekto'y isang Yolanda
kinawawa'y libong masa
nawalan ng bahay sila
nawalan ng buhay sila
sa isang gobyernong manhid
sa problema'y nauumid
madla'y saan binubulid
ito ba'y kanilang batid?
mali ba'y kayang ituwid?
ang sinabi ng Pangulo:
"O, bayan, Kayo ang Boss ko"
ngunit anong ginawa mo
lagi nang nasa kalbaryo
ang buhay nitong obrero
ang kawawang manggagawa
kanilang lakas-paggawa
di mabayaran ng tama
pulos sila dusa't luha
manggagawa silang dukha
kontraktwalisasyon, salot
ang kapitalista'y salot
sila nama'y isang dakot
ngunit sila ang kilabot
halina at makisangkot
yaong mga maralita
ang buhay ay dusa't luha
gutom lagi't walang-wala
api na't kinakawawa
bakit ito ang napala
tama na ang kahirapan
sobra na ang karukhaan
na aming nararanasan
panahon nang mapalitan
ang sistema ng lipunan
ngunit isang insidente
ang naganap na kaytindi
isyu iyong sadyang grabe
di madalumat ng gabi
kung ano nga bang nangyari
apatnapu't apat na SAF
yaong bumulagtang sukat
labingwalo pang rebelde
pati na limang sibilyan
yaong totoong nasilat
ngunit sabi ng Pangulo
sa tonong tila palalo
wala siyang sala, wala
kundi tauhan sa baba
yaong totoong may sala
sinungaling si PNoy-kyo
masa'y binobolang todo
di ba't siya ang pangulo
ulat sa kanya'y diretso
binibilog ating ulo
pangulong inuulatan
wala bang pananagutan
danas ng SAF kamatayan
kayraming kamag-anakan
ang naulilang lubusan
maysala'y dapat usigin
dapat silang panagutin
hustisya sa masa'y dinggin
si PNoy-kyong sinungaling
ay dapat nang patalsikin
Freedom from Debt Coalition
at sa buong madla'y hamon
hirap ang buong nasyon
pagbabago, rebolusyon
ay dapat nang gawin ngayon
Biyernes, Marso 27, 2015
Miyerkules, Marso 25, 2015
Sa Lungsod ng Baha
SA LUNGSOD NG BAHA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
lumaki ako sa palaging nagbabahang lungsod
naglalakad sa lansangang tubig ay hanggang tuhod
mabuti't mababa lang, di ka rito malulunod
naglipana ang mga lubak, asong nakatanghod
pati mga litrato ng trapong kunwari'y lingkod
lumaki ako sa lungsod na panay ang delubyo
taun-taon na lang, mga bagyo'y namemerwisyo
basa ang gamit, lubog sa putik, lito ang tao
walang isang salita, hanggang pangako ang trapo
tila paraan na ng pamumuhay ang ganito
lumaki ako sa lungsod na palaging binabaha
papasok sa paaralang ang sapatos ay basa
bubuti pa ba ang lungsod na tila isinumpa?
nahan ang pondo upang kalsada'y maipagawa?
napunta ba sa bulsa ng mga trapong kuhila?
umuunlad ang lungsod, tao'y napag-iiwanan
ang umaasenso lamang ay ang mamumuhunan
bakit di kasabay sa pag-unlad ang sambayanan?
bakit nariyan pa rin ang tiwaling lingkodbayan?
mababago pa ba ang ating dustang kalagayan?

Martes, Marso 24, 2015
Ang sulo
ANG SULO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ilawan yaong sinindihan nang dahil sa poot
na sama-samang tangan upang puksain ang salot
habang buong pamayanan sa lagim nababalot
mamamaslang na may pangil ay saan napasuot
panahon yaong una, sa malayong lalawigan
na tanging sulo lamang ang liwanag sa karimlan
na sa paglubog ng araw ay tulog din ang buwan
kaya hilakbot ng lagim yaong danas ng bayan
ang buong bayan na'y sa mamamaslang nanggigigil
nais nilang mawala na ang nilalang na sutil
pupuksain nila ang paninibasib ng pangil
na sa bayan nila'y kayraming buhay na kinitil
ang liwanag ng sulo'y sadyang nakabibighani
titigan mo't tila nagsasayaw na binibini
ngunit yaon lang ang tanglaw sa karimlan ng gabi
na sa panahong kailangan ay isang bayani

Lunes, Marso 23, 2015
Kapitalismong mapagbalatkayo
KAPITALISMONG MAPAGBALATKAYO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
aalwan na raw ang buhay ng sintang sambayanan
ang hatid daw ng kapitalismo'y kaginhawahan
gagawin daw moderno ang buong sangkapuluan
pagkatali sa lupa'y mawawala nang tuluyan
lahat daw ay kasama sa asam na kaunlaran
bumilis ang pag-unlad, naglalakihan ang tubo
ngunit hinati nito sa uri ang buong mundo
obrero'y naghirap, yumaman ang tusong hunyango
lakas-paggawa'y binarat, sila'y pinagkanulo
at natantong kapitalismo'y mapagbalatkayo
para sa ilan lang pala ang pangakong pag-unlad
sa kaalwanan ang madla'y nananatiling hubad
hanggang kabulukan nito'y unti-unting nalantad
pagkat pangako pala ng kapitalismo'y huwad
pagkat nakikinabang pala'y mga tusong tamad
ang mapagbalatkayong kapitalismo'y wasakin
at buong uring manggagawa na'y pagkaisahin
panahon nang rebolusyong sosyalista't tahakin
upang isang bagong lipunan ang ating buuin
at kapitalismong imbi'y tuluyan nang ilibing

Sabado, Marso 21, 2015
Ang Panghilagpos
ANG PANGHILAGPOS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
yari iyon sa malapad na piraso ng balat
o kaya'y telang nakakabit sa dalawang tali
dito'y inilalagay ang isang batong makinis
o kaya'y batong kasinlaki ng isang dalandan
paiikutin ito sa taas ng kanyang ulo
saka naman niya bibitiwan ang isang tali
at hihilagpos ang bato ng pagkalakas-lakas
sa sinumang puntirya'y kaytindi kung makasapol
panghilagpos na sandatang ginamit noong una
na siyang nagpatumba sa higanteng si Gulayat.

Pagkabayubay sa tulos
PAGKABAYUBAY SA TULOS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
binabali ang binti ng mga kriminal
na nakabayubay sa pahirapang tulos
pinabibilis daw nito ang kamatayan
ng nagkasalang dorobong animo'y palos
tulad nila'y doon sa tulos ipinako
kanilang kamay at paang nakabayubay
bibitin ang buong bigat nila sa pako
at daranasin yaong kaytinding pag-aray
upang makahinga, katawa'y iaangat
sa pamamagitan ng nakapakong paa
ngunit pag buto sa binti'y binaling sukat
di nila maaangat ang katawan nila
kaya dugo'y di na dadaloy sa katawan
dahil di na makahinga'y mamamatay na lang

Biyernes, Marso 20, 2015
Sa anibersaryong pilak ng Kamayan Forum
SA ANIBERSARYONG PILAK NG KAMAYAN FORUM
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
salamat sa Kamayan Forum
sa tuwinang buwanang pulong
kayrami ninyong naitulong
sa paliwanag at paglagom
nitong isyung pangkalikasan
na matamang pinakinggan
upang aming maunawaan
kung bakit dapat pangalagaan
ang iisa nating daigdig
lupa, araw, hangin at tubig
klima, at iba pang nadinig
patuloy na magkapitbisig
salubungin nating may galak
itong anibersaryong pilak
ng Kamayan, kayraming pitak
sa maraming isyung palasak
alagaan natin ang mundo
dahil nag-iisa lang ito
Kamayan, salamat sa inyo
mabuhay, O, mabuhay kayo!
Huwebes, Marso 19, 2015
Sikmura ng mangangatha
SIKMURA NG MANGANGATHA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
mas nais ko pang langit ay pagmasdan
gutom ay tiis, imbes mag-agahan
musa ng panitik na laging asam
ang hinihintay na dumalaw naman
upang kami rito'y muling magniig
siya'y ikulong ko sa aking bisig
minumutya ng haraya ko't himig
mag-uusap ang aming mga titig
ah, bihira na akong mag-agahan
naroon ba siya sa kagutuman
madalas pag sikmura'y kumakalam
saka mutyang ito'y dadalaw naman
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
mas nais ko pang langit ay pagmasdan
gutom ay tiis, imbes mag-agahan
musa ng panitik na laging asam
ang hinihintay na dumalaw naman
upang kami rito'y muling magniig
siya'y ikulong ko sa aking bisig
minumutya ng haraya ko't himig
mag-uusap ang aming mga titig
ah, bihira na akong mag-agahan
naroon ba siya sa kagutuman
madalas pag sikmura'y kumakalam
saka mutyang ito'y dadalaw naman
Miyerkules, Marso 18, 2015
Ang makata'y iba sa persona sa tula
ANG MAKATA'Y IBA SA PERSONA SA TULA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
sari-sari ang persona sa tula
na naliliha ng abang makata
narinig natin ang hikbi ng dukha
pati na panaghoy ng manggagawa
patay na'y kanyang napagsasalita
pati hibik ng bawat nangawala
sari-sari ang bidang nalilikha
manggang hilaw na binabad sa suka
kawayang sa langit nakatingala
mabibining anghel na isinumpa
babaeng kiri, mga dalahira
pati mga nag-aaral na bata
pag nagsalita ang dukha sa tula
nakasalubong mo'y tinig ng dukha
di iyon tinig ng abang makata
siya lamang ang sa tula'y kumatha
kung ang makata'y isang aktibista
siya lamang ang lumikha ng bida
bidang may tindig, sariling pag-asa
kaya makata'y iba sa persona
sino ang persona sa tula? dukha!
anak-dalita ang nagsasalita
makata ba'y dukha? hindi, di dukha!
siya lamang ang sa tula'y kumatha
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
sari-sari ang persona sa tula
na naliliha ng abang makata
narinig natin ang hikbi ng dukha
pati na panaghoy ng manggagawa
patay na'y kanyang napagsasalita
pati hibik ng bawat nangawala
sari-sari ang bidang nalilikha
manggang hilaw na binabad sa suka
kawayang sa langit nakatingala
mabibining anghel na isinumpa
babaeng kiri, mga dalahira
pati mga nag-aaral na bata
pag nagsalita ang dukha sa tula
nakasalubong mo'y tinig ng dukha
di iyon tinig ng abang makata
siya lamang ang sa tula'y kumatha
kung ang makata'y isang aktibista
siya lamang ang lumikha ng bida
bidang may tindig, sariling pag-asa
kaya makata'y iba sa persona
sino ang persona sa tula? dukha!
anak-dalita ang nagsasalita
makata ba'y dukha? hindi, di dukha!
siya lamang ang sa tula'y kumatha
Lunes, Marso 16, 2015
Kay Celia
KAY CELIA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
Sino ang Célia nina Balagtas at Jonson?
Tila sila'y magandang dilag ng kahapon!
Natititik sa diwa't puso nilang yaon
Ang Céliang walang kamatayan ng panahon!
Ang ngalang Célia ba'y simbolo ng siphayo?
O ito'y tatak ng sanlaksang panibugho?
Tulad nila'y may Célia akong nasa puso
Na buong pag-ibig ang ipinangangako!
Ang Célia'y simbolo, iba man ang pangalan
Ng babaing sinisinta't iniingatan
Kung diwata siya ng buong kagiliwan
O, kaysarap ibigin ng Céliang naturan.
Sa Célia ng makatang Jonson at Balagtas
Ang pagsinta nga'y inspirasyong walang kupas
Na maaaring mawala sa maling landas
Ngunit sa sugatang puso pa rin ay lunas.

Awit: Kay Celia - salin ng tula ni Ben Jonson
AWIT: KAY CELIA
Ni Ben Jonson
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Tagayan mo ako ng iyong mga mata lamang
At ako'y mamamanata nitong abang sarili;
O mag-iwan kaya ng halik subalit sa tasa,
At ako'y hindi na maghahagilap pa ng basi.
Ang uhaw na mula sa aking kaluluwa'y buhat
Sa inaasam-asam na basing may pagkasanto:
Subalit ako man sa lagdò ni Jove'y hihigop
Ako'y hindi magbabago alang-alang sa iyo.
Pinadalhan kita nito lang ng rosas na putong,
Ito'y hindi upang ikaw ay bigyang-karangalan,
Na animo'y nagbibigay ng pag-asa, na roon
Ay hindi na nga malalanta-lanta pang tuluyan.
Ngunit ikaw kapagdaka'y humihinga na lamang,
At iyong ibinalik iyon sa aba mong lingkod;
Subalit nang lumago iyon at humalimuyak,
Ako'y sumusumpa, hindi roon, kundi sa iyo.
SONG: TO CELIA (1616)
Ben Jonson (1572-1637)
Drink to me only with thine eyes,
And I will pledge with mine;
Or leave a kiss but in the cup,
And I'll not look for wine.
The thirst that from the soul doth rise,
Doth ask a drink divine:
But might I of Jove's nectar sup,
I would not change for thine.
I sent thee late a rosy wreath,
Not so much honoring thee,
As giving it a hope, that there
It could not withered be.
But thou thereon didst only breath,
And senst it back to me;
Since when it grows and smells, i swear,
Not of thyself, but thee.

Linggo, Marso 15, 2015
Sugat
SUGAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
malalim na ang sugat ng damdaming iwi
di madalumat kung bakit lagi nang sawi
gayon bang sadya ang pagsintang anong sidhi
ilang ulit mang mabigo'y tanggap ng budhi

Isang tula sa polygon
ISANG TULA SA POLYGON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
ano ba ang polygon
yaong kanilang tanong:
ito'y magkakarugtong
na iba't ibang guhit
paikot bawat gilid
at yaong gitna'y pinid
bilang ng sulok nito
at gilid ay pareho
tatlo ang sa tatsulok
apat sa parisukat
lima ang sa pentagon
anim ang sa heksagon
sa heptagon ay pito
sa oktagon ay walo
siyam ang sa nonagon
at sampu sa dekagon
maaaring lumabis pa
sa sampu bilang nila
ngunit ang mahalaga
di nagkakasalabid
ito lang ay paikot
walang makalulusot
polygon ay paksain
ng alhebrang mithiin
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
ano ba ang polygon
yaong kanilang tanong:
ito'y magkakarugtong
na iba't ibang guhit
paikot bawat gilid
at yaong gitna'y pinid
bilang ng sulok nito
at gilid ay pareho
tatlo ang sa tatsulok
apat sa parisukat
lima ang sa pentagon
anim ang sa heksagon
sa heptagon ay pito
sa oktagon ay walo
siyam ang sa nonagon
at sampu sa dekagon
maaaring lumabis pa
sa sampu bilang nila
ngunit ang mahalaga
di nagkakasalabid
ito lang ay paikot
walang makalulusot
polygon ay paksain
ng alhebrang mithiin
Sabado, Marso 14, 2015
Salin ng Soneto 50 ni William Shakespeare
GAANO KABIGAT ANG PAGLALAKBAY KO SA DAAN
ni William Shakespeare (Soneto 50)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Gaano kabigat ang paglalakbay ko sa daan,
Noong ang hanap ko’y wakas ng patang paglalakbay.
Tinuro’y alwan at sa pahinga’y sabing mataman
‘Milya-milya’y sinukat ng kaibigan mong tunay!’
Ang hayop sa loob ko, pagod na sa’king pighati
Pagkayod na matamlay, atang-atang yaong bigat
At tila ba likas na ugali, batid ng imbi
Lulan niya’y ayaw ng bilis na sa iyo’y buhat:
Hindi siya mapagagalit ng madugong tahid
Na minsan tinutulak ng poot magkubli siya;
Na mabigat niyang tinutugunan ng may impit,
Sa akin mas matalim kaysa pumanig sa kanya;
Tulad ng impit na yaong sa isip ko’y nalagak;
Ang pighati ko’y sumulong at naiwan ang galak.
-
-
-
How heavy do I journey on my way
By William Shakespeare (Sonnet 50)
How heavy do I journey on my way,
When what I seek, my weary travel’s end,
Doth teach that ease and that repose to say
‘Thus far the miles are measured from thy friend!’
The beast that bears me, tired with my woe,
Plods dully on, to bear that weight on me,
As if by some instinct the wretch did know
His rider loved not speed, being made from thee:
The bloody spur cannot provoke him on
That sometimes anger thrusts into his hide;
Which heavily he answers with a groan,
More sharp to me than spurring to his side;
For that same groan doth put this in my mind;
My grief lies onward and my joy behind.

Pag hinog na ang pag-ibig
PAG HINOG NA ANG PAG-IBIG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
kasingrupok ng kastilyong buhangin ang pag-ibig
kung ito'y pagkahumaling lang at hindi pa hinog
madaling guguho sa hampas ng ragasang tubig
pagkat bubot pa ang pag-ibig niyang inihandog
ang pag-ibig ay di panibugho ng isang maton
na sa sinag ng araw ay maningning palang bubog
ang pag-ibig ay di matatangay ng laksang alon
na pag tumimo sa puso'y di basta malalasog
pag-ibig ay di dapat isang kastilyong buhangin
kundi muog na di basta na lang mapalulubog
pagkat pag-ibig ay rosas sa mayabong na hardin
gaano man katinik ay pinagpalang kaytayog

Biyernes, Marso 13, 2015
Matisod man sa pagtakbo
MATISOD MAN SA PAGTAKBO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
matisod ka man habang tumatakbo
di ka tatakbong muli sa simula
titindig ka kung saan ka nadapa
at muli'y tumakbo kang taas-noo
isiping kung tumakbo ng matulin
malalim daw ang tinik kung bumaon
sa pagtakbo'y tiyakin ang direksyon
daang matinik ay lagpasan man din
makailang ulit ka mang mabuwal
ay muli kang bumangon at tumayo
nabubuwal yaong naninibugho
subalit tumindig ka ng may dangal
matisod ka man sa pagtakbo, bangon!
sumulong ka kung saan paroroon!
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
matisod ka man habang tumatakbo
di ka tatakbong muli sa simula
titindig ka kung saan ka nadapa
at muli'y tumakbo kang taas-noo
isiping kung tumakbo ng matulin
malalim daw ang tinik kung bumaon
sa pagtakbo'y tiyakin ang direksyon
daang matinik ay lagpasan man din
makailang ulit ka mang mabuwal
ay muli kang bumangon at tumayo
nabubuwal yaong naninibugho
subalit tumindig ka ng may dangal
matisod ka man sa pagtakbo, bangon!
sumulong ka kung saan paroroon!
Bato sa guho
BATO SA GUHO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
naroroon lang iyon, naghihintay
na muli'y maging bahagi ng muog
nang gumuho ang pader na matibay
dahil sa lindol, kayraming lumubog
may silbi pa ba ang bato sa guho
wala nang muog na kinakutaan
mapapansin ba ang kanyang siphayo
o siya'y aapak-apakan na lang
marahil, batang dukha pa'y kikita
kung yaong mga bato'y iipunin
ibebenta niya sa naggagraba
may pambili na siya ng pagkain
minsan, tayo ang batong guhong iyon
ngunit siphayo'y di naman palagi
sasapit ding tayo'y dapat bumangon
sa muog ay muling maging bahagi
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
naroroon lang iyon, naghihintay
na muli'y maging bahagi ng muog
nang gumuho ang pader na matibay
dahil sa lindol, kayraming lumubog
may silbi pa ba ang bato sa guho
wala nang muog na kinakutaan
mapapansin ba ang kanyang siphayo
o siya'y aapak-apakan na lang
marahil, batang dukha pa'y kikita
kung yaong mga bato'y iipunin
ibebenta niya sa naggagraba
may pambili na siya ng pagkain
minsan, tayo ang batong guhong iyon
ngunit siphayo'y di naman palagi
sasapit ding tayo'y dapat bumangon
sa muog ay muling maging bahagi
Huwebes, Marso 12, 2015
Bantayog ng mga Bayani: Isang Pagninilay
BANTAYOG NG MGA BAYANI: ISANG PAGNINILAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
kayraming pangalang doon ay nakaukit
ngalan ng namayapang may prinsipyong bitbit
mga aktibistang inalay yaong buhay
para sa bukas ng bayang inaping tunay
nabuhay sila noong panahon ng unos
namatay silang ang adhikain ay taos
kumilos noon upang bayan ay lumaya
mula sa mga ganid at trapong kuhila
kanilang dugo'y nabubo sa lupang tigang
ipinagtanggol ang bayan sa mga halang
nilabanan ang diktadurang ala-Hitler
nakibaka sila't itinuring na martir
estado'y gumanti, dala nito'y bangungot
ngunit ang bayan ay di marunong lumimot
mga sakripisyo sa panahong ligalig
ay dapat ikwento sa bayang iniibig
itinayo ng bayan ang isang bantayog
bilang alaala sa buhay nilang handog
naukit sa bantayog ang mga pangalan
nilang mga bayani ng lupang hinirang

Nakapagpiyansa ang suspek sa masaker
NAKAPAGPIYANSA ANG SUSPEK SA MASAKER
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Napalaya ang suspek sa pagpaslang ng marami
Bakit? Tanong ng madla. Tugon: Nagpiyansa kasi
Laya na ang suspek. Sa bayan ba ito'y mabuti?
Makakatulog ka pa ba ng mahimbing sa gabi?
Piyansa'y labing-isang milyong piso, anang ulat
Na mismong hukuman ay pinayagan itong sukat
Kaya ayun, dahil sa pera'y laya na ang lekat
Habang mga namatayan ay tiyak nangagulat
Magkano ba ang kalayaan, aking natatanong
Pag dukha, walang pampiyansa, walang laya, kulong
Pag may pera, may pampiyansa, laya nang ganoon
May presyo nga ba ang paglaya, anong itutugon?
Ang namamayapa'y tiyak di na natatahimik
Silang tanging saksi sa araw na ang bala'y hitik
SIlang nasang hustisya'y tila nabaon sa putik
Silang ang mga buhay ay di na maibabalik

MANILA, Philippines – Pinayagan ng korte ngayong Lunes ang isa sa mga suspek sa Maguindanao massacre na makapagpiyansa para sa kasong multiple murder.
Nagbayad ng P11.6 milyon si dating provincial officer-in-charge Sajid Islam Ampatuan upang pansamantalang makalaya matapos aprubahan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang kanyang bail petition. (mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Marso 9, 2015, na may kawing sa http://www.philstar.com/bansa/2015/03/09/1431728/sajid-ampatuan-nakapagpiyansa-ng-p11.6m-sa-maguindanao-massacre)
Miyerkules, Marso 11, 2015
Sa ikaapat na anibersaryo ng trahedya sa Japan
SA IKAAPAT NA ANIBERSARYO NG TRAHEDYA SA JAPAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
tsunami, tulad ni Yolanda'y kayraming biktima
lumindol din, plantang nukleyar ay apektado na
di mawaring tadhana, nakagigitlang trahedya
ah, kayrami ng bayang pinawi nito sa mapa...
mundo nila'y nagbago, tila nawalan ng silbi
mga nakaligtas ay tulala, tila napipi
maibabalik pa kaya ang ningning ng Iwate,
Sendai, at Fukushima, naiisip ko sa gabi...
at yaong naganap ay may aral na naipundar
dapat nang pawiin ang lahat ng plantang nukleyar
panahon nang matigil ang dito'y pagpapaandar
nang di madagdagan ang nasakripisyo sa altar
sumisikdo yaring dibdib sa parang ng kawalan...
makababangon pa kaya ang nasalantang bayan?
mga gintong uhay kung tutubo kaya'y kailan?
doon kaya'y may mga ibon pang nagliliparan?

Martes, Marso 10, 2015
Kalatas sa Chronic Incorporated
KALATAS SA CHRONIC INCORPORATED
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
bakit nyo kami pinagtatapunan ng basura
aba'y iyang ugali n'yo'y sadyang hindi maganda
dumayo pa kayo rito, magtatapon lang pala
kami'y nilinlang, kunwari'y panresiklo ang dala
bakit ba ang aming bansa'y inyong inaaglahi
inyong ginawa'y sadyang mali at kamuhi-muhi
sa Canada'y iuwi nyo ang basurang kadiri
pagkat iyang Canada angsa basura'y may-ari
di nyo ba alam, kayganda ng Perlas ng Silangan
mapuno, may palayan, may maayang kalikasan
ngunit unti-unti'y nasisira itong tuluyan
dahil sa tulad nyong marahas, walang pakialam
di kami basurahan, bansang ito'y di alipin
lapastangan kayong dapat patuloy na usigin
kami'y nagpapakahinahon, ngunit inyong dinggin
ang basura nyo'y inyo, iuwi na't dito'y kunin!

Ang bayang ginawang basurahan ng Canada
ANG BAYANG GINAWANG BASURAHAN NG CANADA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ang Pilipinas ay di basurahan ng Canada
Perlas ng Silangan ay di tapunan ng basura
ngunit bakit bansa'y napiling pagtapunan nila?
tiwaling gobyerno ba'y isang malaking basura?
repleksyon ng pamahalaan ang mga basura
matitinong batas nga'y binabasura pa nila
kadalasan batas na kanilang ipinapasa
ay para lang sa kapitalista, at di pangmasa
kayraming pulitikong ang gawi'y sadyang kayrumi
madla’y nagtitimpi sa katiwaliang kayrami
mga pulitiko’y lingkod ng mga negosyante
at nagpapabaya sa mga kababayang pobre
lingkod bayang huwad silang pulitikong gahaman
na nasa diwa'y ang magpayaman sa katungkulan
dapat itapon sila sa Canadang basurahan
pagkat gobyernong malinis ang hangarin ng bayan
kaya akala ng Canada'y basurahan tayo
dahil basura ang utak ng ating pulitiko
batas nila'y laging pakinabang lang sa negosyo
ngunit inutil sa kabutihan ng simpleng tao
gobyerno'y maglinis upang bayan ay di mahapis
dapat katiwalian ay tuluyan nang mapalis
upang Canada'y di tayo pagtapunan nang labis
at bansa’y respetuhin pagkat marangal, malinis

Lunes, Marso 9, 2015
Ang ilaw
ANG ILAW
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
may nagagawa ang ilaw
na di magawa ng araw
ito'y ang magsilbing tanglaw
sa karimlang anong panglaw
ang ilaw man ay maliit
tanglaw siyang anong rikit
karimlan ay pinupunit
at sa gabi'y siyang damit
maliit man ay may silbi
na di kaya ng malaki
walang araw dahil gabi
kaya ilaw ay maigi
huwag isiping maliit
ang mundo'y di pulos pait
kahit puno ng pasakit
pagkat may silbi ka't bait
huwag kang mag-alinlangan
tayo man ay karaniwan
may magagawang mataman
sa kabutihan ng bayan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
may nagagawa ang ilaw
na di magawa ng araw
ito'y ang magsilbing tanglaw
sa karimlang anong panglaw
ang ilaw man ay maliit
tanglaw siyang anong rikit
karimlan ay pinupunit
at sa gabi'y siyang damit
maliit man ay may silbi
na di kaya ng malaki
walang araw dahil gabi
kaya ilaw ay maigi
huwag isiping maliit
ang mundo'y di pulos pait
kahit puno ng pasakit
pagkat may silbi ka't bait
huwag kang mag-alinlangan
tayo man ay karaniwan
may magagawang mataman
sa kabutihan ng bayan
Paghahanda sa malayong paglalakbay
PAGHAHANDA SA MALAYONG PAGLALAKBAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig bawat taludtod
dalawang buwan din tayong maglalakad
sa malayong lupang adhikang mapadpad
sa mga landasing di naman banayad
sa mga bulaklak na namumukadkad
tangan ang adhikang dapat isatinig
dala ang mensaheng puno ng pag-ibig
pagkat nagbabagong klima ng ligalig
ay dapat tugunan ng buong daigdig
o, nakasisindak ang Yolandang lasap
ang tugon sa klima'y dapat mahagilap
sapat at totoong tugon ma'y kay-ilap
seryoso na sanang ang mundo'y mag-usap
maglalakbay tayong tangan ang adhika
kaya dapat lamang puspusang maghanda
mula sa lupaing batbat na ng sigwa
tungo sa bulwagan ng lupang banyaga
halina't atin nang tanganang mahigpit
itong paghahandang tiyak anong lupit
tahakin man nati'y puno ng pasakit
mairaraos din natin bawat saglit
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig bawat taludtod
dalawang buwan din tayong maglalakad
sa malayong lupang adhikang mapadpad
sa mga landasing di naman banayad
sa mga bulaklak na namumukadkad
tangan ang adhikang dapat isatinig
dala ang mensaheng puno ng pag-ibig
pagkat nagbabagong klima ng ligalig
ay dapat tugunan ng buong daigdig
o, nakasisindak ang Yolandang lasap
ang tugon sa klima'y dapat mahagilap
sapat at totoong tugon ma'y kay-ilap
seryoso na sanang ang mundo'y mag-usap
maglalakbay tayong tangan ang adhika
kaya dapat lamang puspusang maghanda
mula sa lupaing batbat na ng sigwa
tungo sa bulwagan ng lupang banyaga
halina't atin nang tanganang mahigpit
itong paghahandang tiyak anong lupit
tahakin man nati'y puno ng pasakit
mairaraos din natin bawat saglit
Linggo, Marso 8, 2015
O, Pagsintang Labis...
O, PAGSINTANG LABIS...
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
panutsa bang sintamis ng pulot
ang pagsintang aking masasambot
o ito'y ampalayang kulubot
mapakla na't sa puso 'y makirot
may pagsintang anaki'y balatong
lutuing husto nang di magtutong
may pagsintang animo'y bagoong
maalat na't sawsawan ng kangkong
may pagsintang animo'y sorbetes
langgam kung yumakap, anong tamis
may pagsinta namang lasang patis
kailangang maging mapagtiis
may pagsintang bati-galit-bati
simangot-ngiti, simangot-ngiti
mayroon namang di ka hihindi
pagkat kaysarap hagkan ng labi
may pagsintang animo'y Chicken Joy
may tamis-anghang tulad ng tsampoy
mahalaga'y pagsintang may latoy
nang sa kasalan ito matuloy
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
panutsa bang sintamis ng pulot
ang pagsintang aking masasambot
o ito'y ampalayang kulubot
mapakla na't sa puso 'y makirot
may pagsintang anaki'y balatong
lutuing husto nang di magtutong
may pagsintang animo'y bagoong
maalat na't sawsawan ng kangkong
may pagsintang animo'y sorbetes
langgam kung yumakap, anong tamis
may pagsinta namang lasang patis
kailangang maging mapagtiis
may pagsintang bati-galit-bati
simangot-ngiti, simangot-ngiti
mayroon namang di ka hihindi
pagkat kaysarap hagkan ng labi
may pagsintang animo'y Chicken Joy
may tamis-anghang tulad ng tsampoy
mahalaga'y pagsintang may latoy
nang sa kasalan ito matuloy
Sabado, Marso 7, 2015
Pangungulila kay Ms. M.
PANGUNGULILA KAY MS. M.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
damang-dama ko ang abang pangungulila
dahil sa pansamantala mong pagkawala
nawa'y lalagi kang gabayan ni Bathala
upang pagbalik mo, ako'y muling sumigla
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
damang-dama ko ang abang pangungulila
dahil sa pansamantala mong pagkawala
nawa'y lalagi kang gabayan ni Bathala
upang pagbalik mo, ako'y muling sumigla
Sandaling pagkawalay
SANDALING PAGKAWALAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
sandali lang tayong nagkawalay, mahal ko
pagkat may kanya-kanyang pinuntahan tayo
sa paglalakbay mo'y ingat ka, aking mahal
habang ako'y sa ibang dako pa daratal
aking hihintayin ang iyong pagbabalik
sa ngiti mo't presensya'y lagi akong sabik
at patuloy ako sa malayong lakbayin
kukunin ang alay ko sa iyong bituin
isang talang sa iyo'y aking ikukwintas
ikaw na sa aking sugatang puso'y lunas
mahal ko, ikaw lamang hanggang kamatayan
sabay nating itayo ang bagong lipunan

Pagtingin
PAGTINGIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sa iyo'y hindi maglalaho ang aking pagtingin
kahit maglaho pa, sinta, ang aking paningin
maagnas man itong buto, ikaw ay iibigin
madurog man akong pino, ikaw ay mamahalin
sa pag-iisa ko, ngalan mo'y laging sinasambit
sa puso ko ngalan mo'y mag-isa kong isasabit
ukol sa iyo ang pag-ibig kong di magmamaliw
para sa iyo ang buhay ko't bukas, aking giliw

Biyernes, Marso 6, 2015
Kaibhan ng ibon at isda
KAIBHAN NG IBON AT ISDA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
I
lumilipad ang ibon / doon sa himpapawid
habang ang mga isda'y / sa dagat sumisisid
magkaibang nilalang, / magkaibang paligid
galaw nilang dalawa'y / atin din namang batid
ngunit nais ng isang / pamunuan ang isa
ang una'y maging amo, / alipin ang ikalwa
magkaibang paraan / sa buhay at pagsinta
magkaiba ng uri / at kinalakhan sila
paanong ang agila'y / mamumuno sa mundô
kung ang karagatan nga'y / di niya mapayukô
lalo na ang balyena, / dagat ay walang punò
sa ibong lumilipad, / siya'y nasisiphayò
ibon ay paano bang / mamumuno sa isda
gayong kanilang uri'y / magkaiba ngang sadya
di maaring magsama / ang ibon at ang isda
paano magniniig / ang dalawang nilikha
II
nais ng elitistang / pamunuan ang dukha
at ng kapitalista / ang mga manggagawa
magkaiba ng uri / magkaibang nilikha
sinong karapat-dapat / na mamuno sa madla
kongresista't senador / ay pawang mayayaman
batas para sa dukha'y / ginagawa raw naman
ngunit laban sa dukha / yaong kinalabasan
nitong kayraming batas / na anti-mamamayan
pangulong elitista'y / nagtatago sa muog
ang hukumang pananggol / ano't binabantayog
karapatan ng madla'y / bakit ba lasug-lasog
sa kalagayang ito'y / kailan mauuntog
kung magkaibang uri / itong ibon at isda
di lalo ang burgesya't / ang mga manggagawa
pawiin ang burgesyang / sa manggagawa'y sumpa
kung nais na ang mundo'y / di na mapariwara

Huwebes, Marso 5, 2015
Sa kamatayan ng isang makata - salin ng tula ni Ruben Dario
Sa kamatayan ng isang makata
Ni Ruben Dario, makata ng Nicaragua
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
Tanging mga sisne lang ng araw na iyon
Ang nakakita sa lumikha ng diwang angkin
At doon sa Lawa ng Hiwaga’y naglaho
Yaong barkong itim na tumahak sa dilim.
Ang kasuotan ng bunying makata’y kanya
Na nakatahi’y bunying bulaklak ng flordelis
At gayak yaong dahon ng lawrel at tinik
Nakalarawan sa noo niyang mapanglaw.
Sa malayong Lungsod ng Bathala’y natayo
Ang tronong may katiwasayang walang hanggan
Sa rabaw ng opyo - sa parang ng pahinga;
At habang palapit sa balabal ng nasa,
Pinatunayan niya ang dakilang lugod,
Habang batid yaong biyayang di mabunyag
Pinagmamasdan ang kurus na pasan-pasan
At bago pa yaong banal na Mananakop
Bangkay nang malamig ang bumagsak na Ispingks.
On the Death of a Poet
By Ruben Dario
Only the Swans that day
Saw the high maker of our thoughts embark
And on the Lake Mysterious fade away
In the black ship that crosses to the dark.
The poet's robe was his,
Embroidered with illustrious fleurs-de-lys;
And laurel leaf and thorn
His sad prefigured forehead did adorn.
Afar God's City rose,
Where everlasting Peace her throne has reared
Above the poppy-meadows of repose;
And as the coat of his desire he neared,
He proved divine delight, knew grace untold,
Beheld the Cross uplifted and, before
That sacred Conqueror,
The fallen Sphinx, a corpse already cold.
* Ruben Dario (January 18, 1867 – February 6, 1916) was a Nicaraguan poet who initiated the modernismo (modernism) that flourished at the end of the 19th century. He has influence on 20th-century Spanish literature and journalism.
Miyerkules, Marso 4, 2015
Kami man ay dukha
KAMI MAN AY DUKHA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
pinagtatawanan nila ang mga dukha
sapagkat kami raw ay pawang hampaslupa
walang alam sa buhay, sa lipunan, wala
kaya dapat itaboy sa malayong lupa
di raw kami bagay sa mararangyang lungsod
sa mata nila'y di kami nakalulugod
ang nais lang nila, kami'y mapahinuhod
sila'y Bathalang dapat kami ay lumuhod
mga dukha nga kami, oo, mga dukha
nakagisnan na naming mabuhay sa wala
ngunit huwag yurakan kaming maralita
pagkat tao rin kaming di dapat isumpa
dukha kami, marangal, nagpapakatao
karapatan din naming kami'y irespeto

Martes, Marso 3, 2015
Pagsampalataya sa manggagawa
PAGSAMPALATAYA SA MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
di totoong kami'y may sampalataya sa wala
o kaya naman ay wala kaming sampalataya
may sampalataya kami sa uring manggagawa
pag sila'y nagsibangon, di basta mapapahupa
ang sama-samang lakas nilang babago sa bansa
lipunang bago'y nasa ng hukbong mapagpalaya
mahirap sumampalataya sa wala, mahirap
pagkat kawalan nito'y kawalan din ng pangarap
pangarap naming bagong mundo'y dapat maging ganap
at ang uring manggagawa ang ating hinaharap
sa pagtatayo ng bagong sistema'y magsisikap
upang kaginhawahan sa daigdig ay malasap

Lunes, Marso 2, 2015
Sa paglisan ng isang kasama
SA PAGLISAN NG ISANG KASAMA
15 pantig bawat taludtod
di malubos-maisip ang pagdatal ng karimlan
sa alagad ng sining na naglakbay sa kawalan
biglaan, sikdo ang dibdib ng mga kaibigan
di madalumat ang dapat dalumating dahilan
ikaw ba'y natighaw sa kawalan ng katarungan
sa iyong nakikita sa mapang-aping lipunan
dibdib mo ba'y nawarat sa kayraming karahasan
puso ba'y naliligalig na sa nasasaksihan
mga suliranin ba'y pilit mo nang nilayuan
imbes na mga ito'y hanapan ng kalutasan
lagi ka namang nakangiti, lagi sa tawanan
ngayon, ngiti mo'y naroroon na lang sa larawan
ikaw na kilala sa matimyas na halakhakan
tanong na bakit ay sadyang di namin maiwasan
kasama ko, bakit biglaan ang iyong paglisan
tila anghel sa langit ay nais nang masilayan
- gregbituinjr/030215

Linggo, Marso 1, 2015
Pagtunganga
PAGTUNGANGA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
hindi tamad ang manunulat na nakatunganga
lalo ang makatang nasa alapaap ang diwa
o isipang nasa laot, di maarok ng madla
pagtunganga'y kasama sa proseso ng pagkatha
upang bigyang buhay, kahulugan ang bawat akda
ngunit kung tambay kang nakatunganga araw-araw
di naman nagsusulat, diwa'y gubat na mapanglaw
laging kain-tulog-gala, katuga na'y palayaw
tamad nga't ayaw magtrabaho, laki ba sa layaw?
ingat, baka ma-istrok, maari namang gumalaw
ngunit makata'y hindi tambay na walang magawa
kahit dama'y masaya, inaakda'y dusa't luha
kahit nalulungkot, nakakatha'y ligaya't tuwa
bawat tinta'y kaysaya, minsan nama'y nagluluksa
sa pagtunganga'y humahabi ng mga salita
makata'y hayaang nakatunganga sa kisame
habang masid ang buwan at mga tala sa gabi
habang pinagtatanggol ang bayan mula sa bwitre
hayaan silang naroroon lang sa isang tabi
hintay ang musa ng panitik, mutyang binibini

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)