Sa tula ko’y sino ang maniniwala pagdating ng araw
ni William Shakespeare (Soneto 17)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
18 pantig bawat taludtod
Sa tula ko’y / ang maniniwala / pagdating ng araw
Kung ito’y naglaman / ng sukdulang tayog / mong mga disyerto?
Gayunman ay alam / ng langit na iyon / ay isang libingan
Buhay mo’y kinubli’t / anumang bahagi / mo’y di pinakita.
Kung ganda ng iyong / mga mata’y akin / lang maisusulat
Sa sariwang bilang / ay bibilangin ko / ang lahat mong grasya,
Panahong daratal / ay magturing: ‘Yaring / makata’y humilig:
Haplos na panlangit / ay di hihipo ng / makamundong mukha.’
Tulad din ng papel / kong nanilaw na sa / kanilang pagtanda
Hahamaking tulad / ng gurang na walang / saysay kundi dila
Ang karapatan mong / sadya’y naturingang / poot ng makata
At pinag-unat na / sukatan ng isang / awitin nang luma:
Subalit ikaw ba’y / may anak nang buháy / nang panahong yaon,
Dapat kang mabúhay / ng dalawang ulit / doo’t sa’king tugma.
Who will believe my verse in time to come
By William Shakespeare (Sonnet 17)
Who will believe my verse in time to come,
If it were fill'd with your most high deserts?
Though yet, heaven knows, it is but as a tomb
Which hides your life and shows not half your parts.
If I could write the beauty of your eyes
And in fresh numbers number all your graces,
The age to come would say 'This poet lies:
Such heavenly touches ne'er touch'd earthly faces.'
So should my papers yellow'd with their age
Be scorn'd like old men of less truth than tongue,
And your true rights be term'd a poet's rage
And stretched metre of an antique song:
But were some child of yours alive that time,
You should live twice; in it and in my rhyme.
Sabado, Pebrero 28, 2015
Biyernes, Pebrero 27, 2015
Awitan ng madla’y iyo bang dinig? - salin ng theme song ng Les Miserables
Awitan ng madla’y iyo bang dinig?
(mula sa pelikulang Les Miserables)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
Enjolras:
Awitan ng madla’y iyo bang dinig?
Kinakanta’y himig ng napopoot?
Iyon ang musika ng taumbayang
Ayaw nang muli pang magpabusabos!
Kapag ang pagpintig ng iyong puso
Ay alingawngaw ng tunog ng tambol
May bagong buhay na mag-uumpisa
Kapag dumatal ang bagong umaga.
Combeferre:
Sasama ka ba sa aming krusada?
Sinong malakas, sa aki’y sasama?
Sa kabila ng mga barikada
May daigdig ka bang nais makita?
Courfeyrac:
Kung gayon, sumama na sa paglaban
Pagkat paglaya’y iyong karapatan!
Lahat:
Awitan ng madla’y iyo bang dinig?
Kinakanta’y himig ng napopoot?
Iyon ang musika ng taumbayang
Ayaw nang muli pang magpabusabos!
Kapag ang pagpintig ng iyong puso
Ay alingawngaw ng tunog ng tambol
May bagong buhay na mag-uumpisa
Kapag dumatal ang bagong umaga.
Feuilly:
Ibibigay mo ba lahat ng kaya
Upang sumulong ang ating bandila
Iba’y babagsak, iba’y mabubuhay
Titindig ka ba’t kukunin ang tsansa?
Sa kaparangan ng Pransya’y babaha
Ng dugo ng sanlaksang mga martir!
Lahat:
Awitan ng madla’y iyo bang dinig?
Kinakanta’y himig ng napopoot?
Iyon ang musika ng taumbayang
Ayaw nang muli pang magpabusabos!
Kapag ang pagpintig ng iyong puso
Ay alingawngaw ng tunog ng tambol
May bagong buhay na mag-uumpisa
Kapag dumatal ang bagong umaga.
Do You Hear The People Sing
from the movie Les Miserables
Enjolras:
Do you hear the people sing?
Singing the song of angry men?
It is the music of the people
Who will not be slaves again!
When the beating of your heart
Echoes the beating of the drums
There is a life about to start
When tomorrow comes.
Combeferre:
Will you join in our crusade?
Who will be strong and stand with me?
Beyond the barricade
Is there a world you long to see?
Courfeyrac:
Then join in the fight
That will give you the right to be free!
All:
Do you hear the people sing?
Singing the song of angry men
It is the music of the people
Who will not be slaves again!
When the beating of your heart
Echoes the beating of the drums
There is a life about to start
When tomorrow comes!
Feuilly:
Will you give all you can give
So that our banner may advance
Some will fall and some will live
Will you stand up and take your chance?
The blood of the martyrs
Will water the meadows of France!
All:
Do you hear the people sing!

Huwebes, Pebrero 26, 2015
Payo ni Bruce Lee hinggil sa búhay
PAYO NI BRUCE LEE HINGGIL SA BUHAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
"Do not pray for an easy life, pray for the strength to endure a difficult one." Bruce Lee
huwag mong ipagdasal ang maalwang buhay
kundi ipanalangin mo'y tatag at tibay
ng loob sa pagharap sa mga pagsubok
upang malagpasan ito't di ka malugmok
ito'y payo sa atin ng dakilang Bruce Lee
payong may alab at sa dibdib ay may sindi
pagkat tao'y di dapat gumapang sa lusak
tayo'y makaaahon, di basta babagsak
ang litrato'y mula sa:

https://www.facebook.com/BruceLee/photos/a.184478615633.250170.184049470633/10154785927130634/?type=1
Miyerkules, Pebrero 25, 2015
Darang
nakadadarang ang init ng magdamag
tila nagdeliryo ang buhay kong hungkag
sanlaksang danas yaong sa puso'y latag
sa batas ng puso'y bakit may paglabag
- greg 022515
tila nagdeliryo ang buhay kong hungkag
sanlaksang danas yaong sa puso'y latag
sa batas ng puso'y bakit may paglabag
- greg 022515
Martes, Pebrero 24, 2015
Payo ng isang ermitanyo
PAYO NG ISANG ERMITANYO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
lumayo ka sa lupain ng mga málas
isang dako iyong may dahong walang katas
at laging tambayan ng mga talipandas
baka sagpangin ka roon ng mga ahas
dumako ka sa lupain ng mapapalad
isang dako iyong may dahong malalapad
at sakali mang doon ikaw na'y napadpad
swerte mo'y ipamahagi't iyong ilipad

Lunes, Pebrero 23, 2015
Suntok man sa buwan
SUNTOK MAN SA BUWAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
masusuntok mo nga ba ang buwan
di mo iyon kayang patamaan
nilalambing yaring kabaliwan
at di takot na mapagtawanan
paano ba natin masasapol
ang buwang di man lang tumututol
kanino nga ba ang suntok ukol
sa buwan o sa ulong mapurol
bakit ba buwan ay susuntukin
karahasan nama'y ayaw natin
buti pa'y matulog ng mahimbing
at doon, buwan ay kausapin
di ako galit sa buwan, hindi
pagkat sa gabi'y tanglaw ng lahi
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
masusuntok mo nga ba ang buwan
di mo iyon kayang patamaan
nilalambing yaring kabaliwan
at di takot na mapagtawanan
paano ba natin masasapol
ang buwang di man lang tumututol
kanino nga ba ang suntok ukol
sa buwan o sa ulong mapurol
bakit ba buwan ay susuntukin
karahasan nama'y ayaw natin
buti pa'y matulog ng mahimbing
at doon, buwan ay kausapin
di ako galit sa buwan, hindi
pagkat sa gabi'y tanglaw ng lahi
Linggo, Pebrero 22, 2015
Sa kagubatan ng lungsod
SA KAGUBATAN NG LUNGSOD
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig bawat taludtod
akala nila'y kayganda / ng aming buhay sa lungsod
gayong sobrang hirap pala / pagkat di kalugod-lugod
sa balita'y may patayan / usong-uso ang kurakot
sira ang mga tahanan / mga namumuno'y buktot
nais lamunin ang kapwa / nang dahil lang sa salapi
mga dukha'y balewala / sa lipunang dinuhagi
tila gubat na mapanglaw / di makatulog ng himbing
pati budhi'y nasisilaw / anong dapat nating gawin

Sabado, Pebrero 21, 2015
Ang Dilag
ANG DILAG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
lagi ko na siyang nakikita
ngunit di kami magkakilala
labis ang paghanga ko sa kanya
sa puso'y itinitibok siya
rosas siyang kaysarap diligin
bango niya'y kaysarap simsimin
paano ko kaya maaangkin
ang dilag na kaysarap mahalin
siya'y hanap ko't pinapangarap
kaya ako'y laging nagsisikap
ngunit bakit pagsinta'y kay-ilap
pagdiga sa kanya'y anong hirap
dahil ba siya'y isa nang ginang
na di na iibig kaninuman
maliban sa bana niyang hirang?
oo, akong ito'y naunahan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
lagi ko na siyang nakikita
ngunit di kami magkakilala
labis ang paghanga ko sa kanya
sa puso'y itinitibok siya
rosas siyang kaysarap diligin
bango niya'y kaysarap simsimin
paano ko kaya maaangkin
ang dilag na kaysarap mahalin
siya'y hanap ko't pinapangarap
kaya ako'y laging nagsisikap
ngunit bakit pagsinta'y kay-ilap
pagdiga sa kanya'y anong hirap
dahil ba siya'y isa nang ginang
na di na iibig kaninuman
maliban sa bana niyang hirang?
oo, akong ito'y naunahan
Biyernes, Pebrero 20, 2015
Sa sulok na iyon
SA SULOK NA IYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sa sulok na iyon sa tuwina'y nakasalampak
hinahabi sa guniguni ang laksang pangarap
gubat na mapanglaw ay maging lungsod ng liwanag
at isang lipunang ang madla'y panatag at ligtas
iwing apoy sa puso'y nakatalagang mag-alab
upang mapagsamantala'y ating magaping ganap
pangarap ay binubuo ko sa sulok na iyon
habang hukbo nitong langgam ay parito't paroon
di man gaanong tahimik, madalas may alulong
nasa puso'y itinitik, kahit na nagugutom
sinusuri ang lipunan, diwa'y batbat ng tanong
kayraming kataga sa sala-salabat na saknong
ah, ang sulok na iyong sakbibi ng laksang lumbay
sa pagsuyo'y sawi, ang pagkabigo'y lumalatay
habang puno 'y lagas na ang dahon sa mga tangkay
bawat pagkabalisa, puso'y tila naluluray
hihip ng hangin sa balat ay kaylamig dumantay
sa sulok na iyon, iwi kong haraya'y may buhay

Huwebes, Pebrero 19, 2015
Ang buhay ko'y tinik
ANG BUHAY KO'Y TINIK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
ang buhay ko'y tinik sa lalamunan nila
dahil tibak akong mapagmulat sa masa
ang buhay ko'y di rosas na lagi sa saya
pagkat nasa hukay na ang isa kong paa
iwing buhay ko'y tinik sa mga kuhila
pagkat ako'y kumakampi sa manggagawa
ang buhay ko'y di langit na tinitingala
pagkat nagdurusa ring kapiling ng dukha
ang buhay ko'y tinik sa rosas na kaybango
pagkat ang adhika'y lipunang makatao
ang buhay ko'y di pulot pagkat walang tamis
kundi pulos dusa dahil sa pagtitiis
mahirap mabuhay kapag ikaw ay tinik
baka sarili mo na rin ang nabibikig
gayunman, sa laban, dapat maging matinik
upang sa huli, ikaw naman ang manaig

Miyerkules, Pebrero 18, 2015
Nasa loob ng bagay ang paliwanag
NASA LOOB NG BAGAY ANG PALIWANAG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
huwag hanapin ang paliwanag mula sa labas
nasa loob ng bagay ang sagot para malutas
ang anumang suliraning kinaharap sa landas
paliwanag ay sa loob ng bagay mababakas
paano ba tamang alagaan yaong halaman
sagot ba'y nasa labas nito? naroon sa kalan ?
paano ba lulutuin ang dapat sa handaan?
doon ba sa tanggapang pulos papeles ang laman?
pareho mo man ang problema ng kapitbahay mo
tiyak na hindi eksaktong magkapareho kayo
ang mga pagkakatulad ninyo'y ilang porsyento
at sa maraming salik ay magkaibang totoo
ayaw kumilos, gustong damhin na lamang ang sagot
kongretong pagsusuri ay madalas nililimot
bakit tamad suriin ang mga pasikut-sikot
dinama lang ang problema habang sa ulo'y kamot
pulos "wishful thinking," pulos sana, ayaw magsuri
nahirati sa "wishful thinking," gayon ang ugali
kaya problema'y di nalulutas, nananatili
ayaw kumilos batay sa kongkretong pagsusuri

Martes, Pebrero 17, 2015
Kawa, kawal, kawala
KAWA, KAWAL, KAWALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
may kawala ba ang kawal na nalagay sa kawa
bakit nasa kawa yaong kawal na kumawala
ang kawal ba na nasa kawa ay kaawa-awa
kakawala ba ang kawal sa kawa at lalaya

Lunes, Pebrero 16, 2015
Luha ng araw
LUHA NG ARAW
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat araw
nagisnan ko ang araw, lumuluha
siya ba'y hindi na pinagpapala
tila ba pag-ibig niya'y nawala
nasaan na ang minumutyang tala
sakbibi ng lumbay ang abang araw
sa pagkabigo'y nais nang pumanaw
tila siya'y may tarak na balaraw
ano't ang mundo niya'y nagugunaw
luha niring araw anaki'y unos
na buong bayan ay binubusabos
iwing damdamin niya'y nauupos
tao itong dinedelubyong lubos
ano nang palad ang kakaharapin
wala na yaong talang mamahalin
lumisan na't wala sa papawirin
may pagsinta pa kayang paparating
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat araw
nagisnan ko ang araw, lumuluha
siya ba'y hindi na pinagpapala
tila ba pag-ibig niya'y nawala
nasaan na ang minumutyang tala
sakbibi ng lumbay ang abang araw
sa pagkabigo'y nais nang pumanaw
tila siya'y may tarak na balaraw
ano't ang mundo niya'y nagugunaw
luha niring araw anaki'y unos
na buong bayan ay binubusabos
iwing damdamin niya'y nauupos
tao itong dinedelubyong lubos
ano nang palad ang kakaharapin
wala na yaong talang mamahalin
lumisan na't wala sa papawirin
may pagsinta pa kayang paparating
Sabado, Pebrero 14, 2015
Bigo ba ako, aking mahal?
in your loving heart I'm having a tour
but when I'm nearing you, you closed the door
what's happening? why do things became sour
coz I'm nothing but a poet so poor?
I felt sick while passing that corridor
felt weak, dying due to pain my heart bore
felt like teared apart by claws of condor
coz I can't accept I'll see you no more
- greg somewhere

Huwebes, Pebrero 12, 2015
Hustisya
higit pa sa pagtindig ng balahibo
kundi halos makawasak ng kalamnan
lumutang sa madla'y marahas na bidyo
ng labanan, kasuka-sukang pagpaslang
sa nangyari, madla'y dapat makabatid
may isa raw teroristang bumulagta
ngunit bakit dugo'y sa lupa bumahid
apatnapu't apat silang nangapuksa
palipad-lipad ang humuhuning uwak
habang kalapati'y nanatiling kimi
hustisya ba'y pagong, naroon sa lusak
o ito ba'y leyon, kahit humihikbi
- gregbituinjr/021215
kundi halos makawasak ng kalamnan
lumutang sa madla'y marahas na bidyo
ng labanan, kasuka-sukang pagpaslang
sa nangyari, madla'y dapat makabatid
may isa raw teroristang bumulagta
ngunit bakit dugo'y sa lupa bumahid
apatnapu't apat silang nangapuksa
palipad-lipad ang humuhuning uwak
habang kalapati'y nanatiling kimi
hustisya ba'y pagong, naroon sa lusak
o ito ba'y leyon, kahit humihikbi
- gregbituinjr/021215
Miyerkules, Pebrero 11, 2015
Sa aking bituin
SA AKING BITUIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
hindi ba't ikaw ang aking bituin
na tinitingala sa kalangitan
tulad mo'y tila modelong pigurin
si Venus, diyosa ng kagandahan
paano bang puso mo'y maaangkin
kung ako'y isang hampaslupa lamang
lagi sa lansangan, wala sa hardin
habang sa ulap, ikaw'y dinuduyan
sakaling ikaw pa rin ang bituin
niring puso, ako kaya'y may puwang
upang manahan sa iyong damdamin
nang iwing puso'y di na maging tigang
bituin kang tuwina'y sasambahin
bituin kang lagi kong panambitan
reyna kita sa aking toreng garing
reyna kita sa bawat panagimpan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
hindi ba't ikaw ang aking bituin
na tinitingala sa kalangitan
tulad mo'y tila modelong pigurin
si Venus, diyosa ng kagandahan
paano bang puso mo'y maaangkin
kung ako'y isang hampaslupa lamang
lagi sa lansangan, wala sa hardin
habang sa ulap, ikaw'y dinuduyan
sakaling ikaw pa rin ang bituin
niring puso, ako kaya'y may puwang
upang manahan sa iyong damdamin
nang iwing puso'y di na maging tigang
bituin kang tuwina'y sasambahin
bituin kang lagi kong panambitan
reyna kita sa aking toreng garing
reyna kita sa bawat panagimpan
Martes, Pebrero 10, 2015
Halaga ng Rosas
HALAGA NG ROSAS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
kayraming rosas na binebenta
nagbabakasakaling kumita
tila rosas ang magpapasya
at tatanggapin siya ng sinta
magkano ang rosas, ang pag-ibig
habang iwing puso'y nakatitig
sa rosas ba sinta'y maaantig
habang sa presyo'y naliligalig
iwing pag-ibig ay may halaga
pagkat pag-ibig ay walang presyo
may pag-ibig na nakatalaga
sa bawat isa dito sa mundo
pagsinta'y singhalaga ng rosas?
hindi, tanging puso'y nag-aatas
dalawang puso'y aaliwalas
pag pagsinta'y tigib at parehas
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
kayraming rosas na binebenta
nagbabakasakaling kumita
tila rosas ang magpapasya
at tatanggapin siya ng sinta
magkano ang rosas, ang pag-ibig
habang iwing puso'y nakatitig
sa rosas ba sinta'y maaantig
habang sa presyo'y naliligalig
iwing pag-ibig ay may halaga
pagkat pag-ibig ay walang presyo
may pag-ibig na nakatalaga
sa bawat isa dito sa mundo
pagsinta'y singhalaga ng rosas?
hindi, tanging puso'y nag-aatas
dalawang puso'y aaliwalas
pag pagsinta'y tigib at parehas
Lunes, Pebrero 9, 2015
Palayain ang isip sa mga haka at kutob
PALAYAIN ANG ISIP SA MGA HAKA AT KUTOB
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
palayain ang isip sa mga haka at kutob
kongkretong suriin yaong bagay mula sa loob
anong kalakasan ng problemang nakakubakob
anong kahinaan nitong sa inyo'y nakalukob
kontradiksyon ang batayan ng pag-unlad ng bagay
may tunggalian sa loob nitong sadyang masikhay
dapat unawain ang tunggaliang sumisilay
dahil sa bawat pagsusuri'y naroon ang saysay
di mga kutob at haka ang tugon sa problema
at di rin dahil sa haka't kutob dapat magpasya
paano ba dapat ilapat ang wastong taktika
o sa pangmatagalan ay wastong estratehiya
may tunggalian ng manggagawa't kapitalista
gayundin ang panginoong maylupa't magsasaka
kung ang mga kontradiksyong ito'y mareresolba
magwawakas ang panlipunang pagsasamantala
nilikha ng manggagawa ang yaman ng lipunan
kapitalista'y inaangkin ang nalikhang yaman
manggagawa ang lumikha ng laksa-laksang yaman
na inaagaw nitong kapitalistang gahaman
dapat tapusin ang rimarim na sistemang ito
di ng haka't kutob kundi pagkilos na kongkreto
ibabangon ng manggagawa ang dangal ng tao
wawakasan ang pandaigdigang kapitalismo

Linggo, Pebrero 8, 2015
Kapatid natin ang bawat manggagawa
KAPATID NATIN ANG BAWAT MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
kauri natin sila, kapwa manggagawa
ngunit higit sa lahat, kapatid din natin sila
sa bawat pulso at lagutok ng ating kalamnan
tila baga isang ina ang ating pinagmulan
iisa lang ang pinanggalingan ng ating pusod
kaya isang layunin din ang sa atin nagbunsod
upang magkaisa bilang tunay na magkapatid
bituka'y magkadugtong sa buhay na walang patid
tayong manggagawa'y magkapatid at magkauri
kapwa nagnanasang lipulin na ang naghahari
na ang pribadong pag-aari'y tuluyang wakasan
at isang pamilya'y itayo sa bagong lipunan

Nakatarak na balaraw iyang kapitalismo
NAKATARAK NA BALARAW IYANG KAPITALISMO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
nakatarak na balaraw iyang kapitalismo
sa ating lalamunan, prinsipyo't pagkatao
sa sisikdo-sikdong dibdib ito'y namumuro
at ginagawang lantang-gulay ang mga obrero
pati sa likuran ay balaraw na nakatarak
ang kapitalismong sa dangal natin yumuyurak
ito ang sistemang sa ating kapwa'y humahamak
at sa lakas-paggawa, dugo ang pinaaantak

Sabado, Pebrero 7, 2015
Ganito ko nais malagutan ng buhay
GANITO KO NAIS MALAGUTAN NG BUHAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
ganito ko nais malagutan ng buhay
buong pagkatao'y ginagalang na tunay
makatang marangal at sa dangal namatay
puso't diwa'y payapa sa aking paghimlay
kung sakaling hininga ko'y agad malagot
sa harap ng digma't kayraming mga gusot
ay propagandista pa ring kayang masagot
ang anumang suliraning prinsipyo'y sangkot
patuloy pa rin sa kabila ng libingan
sa pagpopropagandang mataman sa bayan
maraming maghahangad sa akdang naiwan
upang kumilos ding baguhin ang lipunan

Biyernes, Pebrero 6, 2015
Pamana ni Ka Popoy
PAMANA NI KA POPOY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
lumipas ang labing-apat na taon
ngunit aral mo'y sa diwa bumaon
habang namamahinga ka na roon
patuloy kaming nagrerebolusyon
kaya, Ka Popoy, hindi ka nawala
nariyan pa ang mga manggagawa
pinagpapatuloy ang iyong diwa
diwang hindi nailibing sa lupa
haligi ka ng sambayanang api
ng mga obrero't simpleng kawani
pagkat naiwan mong akda'y nagsilbi
sa manggagawang sa mundo'y kayrami
nasa langit ka man, buwan, o laot
malalalim na tanong ay nasagot
katwirang sa salapi'y bumaluktot
mga trapong may sakit na kurakot
pagkat mga akda mo kung basahin
pamana mo'y madaling unawain
sinliwanag ng araw ang sulatin
paliwanag mong kaysarap namnamin
saan ka man naroroon, Ka Popoy
binhing inihasik mo'y di naluoy
nag-ugat, nagbunga itong patuloy
at sanga-sanga itong sumusuloy
mga akda mo'y walang kamatayan
ikaw na lingkod ng sangkatauhan
gabay sa pagbabago ng lipunan
ang sosyalismong iyong tinanganan
6 Pebrero 2015
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
lumipas ang labing-apat na taon
ngunit aral mo'y sa diwa bumaon
habang namamahinga ka na roon
patuloy kaming nagrerebolusyon
kaya, Ka Popoy, hindi ka nawala
nariyan pa ang mga manggagawa
pinagpapatuloy ang iyong diwa
diwang hindi nailibing sa lupa
haligi ka ng sambayanang api
ng mga obrero't simpleng kawani
pagkat naiwan mong akda'y nagsilbi
sa manggagawang sa mundo'y kayrami
nasa langit ka man, buwan, o laot
malalalim na tanong ay nasagot
katwirang sa salapi'y bumaluktot
mga trapong may sakit na kurakot
pagkat mga akda mo kung basahin
pamana mo'y madaling unawain
sinliwanag ng araw ang sulatin
paliwanag mong kaysarap namnamin
saan ka man naroroon, Ka Popoy
binhing inihasik mo'y di naluoy
nag-ugat, nagbunga itong patuloy
at sanga-sanga itong sumusuloy
mga akda mo'y walang kamatayan
ikaw na lingkod ng sangkatauhan
gabay sa pagbabago ng lipunan
ang sosyalismong iyong tinanganan
6 Pebrero 2015
Huwebes, Pebrero 5, 2015
Maiibig mo kaya ang tulad kong aktibista
MAIIBIG MO KAYA ANG TULAD KONG AKTIBISTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
maiibig mo kaya ang tulad kong aktibista
ngunit kayraming agad-agam at tanong tuwina
kakayanin mo bang mamuhay kapiling ng masa
sa uring manggagawa ba'y kaya mong makiisa
o marahil, sinta, di mo ako kayang ibigin
kayrami mo ring tanong na di maubos-isipin
sa mundong ito'y paano ba kita bubuhayin
tanong mo pa, plakard at polyeto ba'y makakain
alam mo bang kayrami ng gabing lungkot ay lasap
pagkat di man lang kita nakita o nakausap
tigib sa puso kong ikaw ang tanging pinangarap
aktibista man ako'y lubos akong nagsisikap
marahil ay di mo ako iibigin, tanong ko
sa sarili, dahil ang isip lagi'y pagbabago
ng sistema't pagkaisahin ang mga obrero
sana, sana, aktibista man ako'y ibigin mo

Miyerkules, Pebrero 4, 2015
Ang hangin, ang tubig, at ang bato - salin ng tula ni Octavio Paz
ANG HANGIN, ANG TUBIG, AT ANG BATO
Tula ni Octavio Paz
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
Inuuka ng tubig ang bato,
ikinalat ng hangin ang tubig,
pinigilan ng bato ang hangin.
Ang tubig, ang hangin, at ang bato.
Inuukit ng hangin ang bato,
ang bato'y isang tasa ng tubig,
naubos ang tubig at yaong hangin.
Ang bato, ang hangin, at ang tubig.
Umaawit ang hangin pag-ikot,
lumalagaslas naman ang tubig,
payapa ang batong walang tinag.
Ang hangin, ang tubig, at ang bato.
Isa'y ang isa, o kaya'y hindi:
sa kanilang ngalang walang laman
ay tumatahak sila't nawala,
ang tubig, ang bato at ang hangin.
-
-
-
WIND AND WATER AND STONE
by Octavio Paz (1914 - 1998), Mexican poet
The water hollowed the stone,
the wind dispersed the water,
the stone stopped the wind.
Water and wind and stone.
The wind sculpted the stone,
the stone is a cup of water,
The water runs off and is wind.
Stone and wind and water.
The wind sings in its turnings,
the water murmurs as it goes,
the motionless stone is quiet.
Wind and water and stone.
One is the other and is neither:
among their empty names
they pass and disappear,
water and stone and wind.

Isang punong nakalalason - salin ng tula ni William Blake
ISANG PUNONG NAKALALASON
Tula ni William Blake (1757-1827)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
Galit ako sa aking kaibigan:
Galit ko'y sinabi't agad nawala.
Galit ako sa aking nakalaban,
Di ko sinabi't galit ko'y lumubha.
At sa pangamba, ito'y diniligan
Sa araw at gabi ng aking luha;
At may ngiting ito'y pinaarawan
At nang may lambot, sadyang pandaraya.
At lumago ito araw at gabi
Hanggang binunga'y kaygandang mansanas.
At kaaway ko'y masid 'yong maigi
At yaon ay akin, kanyang natuklas.
At sa aking hardin bumalabal
Nang gabing nalambungan ang haligi
Sa umagang kaysaya kong minasdan
Ang kaaway ko sa puno'y duhagi.
-
-
-
A POISON TREE
Poem by William Blake (1757-1827)
I was angry with my friend:
I told my wrath, my wrath did end.
I was angry with my foe:
I told it not, my wrath did grow.
And I watered it in fears,
Night and morning with my tears;
And I sunned it with smiles,
And with soft deceitful wiles.
And it grew both day and night,
Till it bore an apple bright.
And my foe beheld it shine.
And he knew that it was mine,
And into my garden stole
When the night had veiled the pole;
In the morning glad I see
My foe outstretched beneath the tree.

Martes, Pebrero 3, 2015
Republikang Trapo
REPUBLIKANG TRAPO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Republika baga itong busabos tayo ng trapo?
Ang tingin sa tanikala'y uliran ng pagbabago?
Kasarinlan baga itong ang trapo ang naghahari
Habang inaapi naman ang hindi nila kauri
Ang buhay ng dukha'y laging naroroon sa hilahil
Mga ibinotong trapo sa bayan ay nagtataksil.
Kalayaan! Republika! Naghahari'y dinastiya!
Kalayaan lamang ito sa naghaharing burgesya
Pagmasdan mo't dinastiya'y naglipana sa gobyerno
Bayan ba'y may napapala sa paghahari ng trapo
Namamahala sa tao'y bakit iisang pamilya
Ganito ang nangyayari sa iba’t ibang probinsya
Ang tatay ay kongresista, ang anak niya'y senador
Asawa'y siyang alkalde, kapatid ay gobernador
Kada eleksyon na lamang ay wala nang pagbabago
Kilalang apelyido lang ang lagi nang nananalo
Wala kasing pagpilian pag dumatal ang halalan
Pulos kasi mayayaman ang nagsisipagtakbuhan
Ang dukha ba dahil dukha'y di maaaring tumakbo
May puso sa paglilingkod, wala ba silang talino
Ang mga trapong may pera, dahil ba nakapag-aral
Dadalhin na tayo nito sa kaunlarang pedestal
Ngunit hindi, dukha pa rin iyang mga mahihirap
Pangarap nilang pag-ahon, nananatiling pangarap
Subalit laging pangako ng trapo pag kampanyahan
Iboto sila'y aahon ang dukha sa kahirapan
Pag-ahon na ba sa hirap kung di binayarang tama
Ang pinagpagurang sahod nitong mga manggagawa
Pag-ahon na ba sa hirap kung ang dukha'y tinataboy
Winawasak ang tahanan, dukha'y nagiging palaboy
Pag-ahon na ba sa hirap kung pamasahe't bilihin
Ay patuloy sa pagtaas, lalo't presyo ng pagkain
Pag-ahon na ba sa hirap ang mahal na edukasyon
Bata pa'y manggagawa na, walang aral, walang baon
Ngunit trapo'y naroroon, sa masa'y ngingiti-ngiti
Lalo't apelyido nila't pamilya'y nabotong muli
Kung trapo ang pinagpala, tao ba'y may napapala
Ang trapo'y tusong kuhila, serbisyo'y di ginagawa
Ngunit tao'y malaya daw, depensa ng mga trapo
Paglayang iyan ay iyo, bahala ka sa buhay mo
Ngunit paglaya ba yaong wala kang pagpipilian
Iboboto'y mga hangal, kandidatong mayayaman
Sa kasaysayan ng bansa, ang masa'y anong napala
Karukhaan ba'y naibsan, ano't kayrami pang dukha
Pagdating ng kampanyahan, trapo'y kayraming pangako
Sa hirap, ang mga dukha'y kanila raw mahahango
Parating ganito na lang, ganito bawat eleksyon
Pangako'y pinako't dukha'y sa dusa ibinabaon
Pag-aralan ang lipunan, bakit trapo'y nahahalal
Dukha'y naghihirap pa rin, at naghahari'y kapital
Kunwari tayo'y malaya sa halalan ng burgesya
Pinipili'y ang papalit, bagong magsasamantala
Kung ganito ang sistema, masa'y walang pakinabang
Republikang trapo'y bulok kaya't dapat nang palitan
Kaya manggagawa, kayong sa lipunan bumubuhay
Magkaisa pagkat kayo'y may lakas na tinataglay
Ang maso'y inyong hawakan, doon sa trapo'y ipukpok
Durugin ang tanikala, lalo ang sistemang bulok
Halina't ating wakasan itong republikang trapo
At sama-samang itayo ang lipunang makatao.

Lunes, Pebrero 2, 2015
Kayrami pang dapat mamulat
KAYRAMI PANG DAPAT MAMULAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
kayhirap talagang masdan ang kahirapan
matindi man ang titig mo sa karukhaan
mapupuwing ka sa sadyang katotohanan
may kahirapan sa gitna ng kaunlaran
dapat bang maawa, kaawaan ang dukha?
habang ngingisi-ngisi ang mga kuhila
sistemang bulok ba'y kailan isusumpa?
kailan kikilos ang laksang manggagawa?
ang pagdurusa ng dukha'y kaytinding danas
malabo pa rin ang mata ng matataas
lango sa kapangyarihan ang mararahas
aasahan ba silang sa dukha'y magligtas
ngunit sadyang magkaiba sila ng uri
yaong nasa taas, sa dukha'y nandidiri
panahon nang wakasan iyang paghahari
nilang mapagsamantalang nakamumuhi
delubyo kung manghawi ang sistemang bulok
ipu-ipong mapangwasak ang nasa tuktok
sa unos nila, mga dukha'y nilulugmok
araw ng paglaya'y kailan maaarok
o, talagang kayrami pang dapat mamulat
paanong dukha'y maghimagsik, maging dilat
manggagawa, papel mo'y pangunahang sukat
ang pagtayo ng lipunang para sa lahat

Linggo, Pebrero 1, 2015
Sana'y makasama kita, sinta, ngayong Pebrero
SANA'Y MAKASAMA KITA NGAYONG PEBRERO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sana'y makasama kita, sinta, ngayong Pebrero
ikaw na diwata kong sa puso'y nagpasilakbo
ikaw na sinusuyo ng pagsintang hanggang dulo
ikaw na kasama sa pakikibaka't prinsipyo
ikaw na dahilan bakit ako'y nagiging ako
ikaw na hangad kong makasama sa buong taon
pagkat di lang Pebrero tayo nagrerebolusyon
pagkat nananatili kang tunay kong inspirasyon
nagkapira-piraso man ang kaysidhing kahapon
ay atin pa ring mabubuo itong bagong ngayon

Salamisim sa Pebrero
SALAMISIM SA PEBRERO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Pebrero, di lang ito panahon ni Valentino
panahon din ito ng pakikibaka't prinsipyo
napalaya ang diktadura noong Edsa Uno
nadeklara ring pambansang buwan ng sining ito
ngunit sa isyung panlipunan, tila di makinig
itong madla pagkat sila'y di rito kinikilig
pagkat Pebrero'y alala lang dahil sa pag-ibig
pagkat sa pagsinta't kaya nilang magkapitbisig

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)