SA AKING BITUIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
hindi ba't ikaw ang aking bituin
na tinitingala sa kalangitan
tulad mo'y tila modelong pigurin
si Venus, diyosa ng kagandahan
paano bang puso mo'y maaangkin
kung ako'y isang hampaslupa lamang
lagi sa lansangan, wala sa hardin
habang sa ulap, ikaw'y dinuduyan
sakaling ikaw pa rin ang bituin
niring puso, ako kaya'y may puwang
upang manahan sa iyong damdamin
nang iwing puso'y di na maging tigang
bituin kang tuwina'y sasambahin
bituin kang lagi kong panambitan
reyna kita sa aking toreng garing
reyna kita sa bawat panagimpan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
hindi ba't ikaw ang aking bituin
na tinitingala sa kalangitan
tulad mo'y tila modelong pigurin
si Venus, diyosa ng kagandahan
paano bang puso mo'y maaangkin
kung ako'y isang hampaslupa lamang
lagi sa lansangan, wala sa hardin
habang sa ulap, ikaw'y dinuduyan
sakaling ikaw pa rin ang bituin
niring puso, ako kaya'y may puwang
upang manahan sa iyong damdamin
nang iwing puso'y di na maging tigang
bituin kang tuwina'y sasambahin
bituin kang lagi kong panambitan
reyna kita sa aking toreng garing
reyna kita sa bawat panagimpan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento