SA BALINTATAW NG ISANG GUTOM SA MAUNLAD NA LUNGSOD
magtanim ta ng kamote sa lungsod
bakasakaling anak ay malugod
nang sa kalaunan ay may matisod
kulang-kulang man yaong sinasahod
magtanim ng kamote sa semento
o kaya'y sa lansangang aspaltado
bakasakaling may kamote tayo
sa kalunsurang ang lupa'y ganito
magtanim ng punong mangga sa highway
at punong santol naman sa skyway
tamnan ng punong akasya sa subway
o di kaya'y punong ipil sa hallway
kaysarap mamuhay sa kalunsuran
kaya makagagawa ng paraan
upang maging bukid itong lansangan
at ang lungsod ay maging kadawagan
- gregbituinjr.
Martes, Pebrero 28, 2017
Lunes, Pebrero 27, 2017
Maglagak sa tibuyô
MAGLAGAK SA TIBUYÔ
Tikatik man kung patuloy yaong pag-ulan
Ang malalim mang ilog ay mapapaapaw
Kahit piso-piso ang tibuyo'y lagakan
At mapupuno mo rin ito balang araw
Maglaan lagi para sa kinabukasan
Upang magandang palad ang iyong matanaw
- gregbituinjr.
Tikatik man kung patuloy yaong pag-ulan
Ang malalim mang ilog ay mapapaapaw
Kahit piso-piso ang tibuyo'y lagakan
At mapupuno mo rin ito balang araw
Maglaan lagi para sa kinabukasan
Upang magandang palad ang iyong matanaw
- gregbituinjr.
Linggo, Pebrero 26, 2017
Kasaysayang dinuhagi
sepulturero akong handa nang maghukay
sa lupang nilalason ng toksikong bangkay
nais mo bang makiisa sa pagsisikhay
upang iwasto ang kasaysayang binistay
ng mga ulupong na nanalasang tunay
tapos na ang lamay, marapat lang hukayin
ang mapagsamantala sa lahing magiting
ibalik sa dating libingan ang salarin
nang diwa nito'y di na makapang-alipin
kasaysayang dinuhagi’y iwasto natin

Biyernes, Pebrero 24, 2017
Harangin ang diktadurya! Baguhin ang sistema!
HARANGIN ANG DIKTADURYA! BAGUHIN ANG SISTEMA!
nailibing na ang diktador, tunay na kuhila
ngunit may namumuong panibagong pagbabanta
na dala'y ligalig, luha, sadyang kasumpa-sumpa
kaya dapat paghandaan ang daratal na sigwa
bago ubusin nito ang naghihingalong madla
inaadhika nilang baguhin ang kasaysayan
burahin sa historya ang mga katampalasan
ng diktadurya kaya ang diktador na gahaman
sa Libingan ng Bayani'y nilibing nang tuluyan
na totoong dagok sa demokrasya't kalayaan
dulot ng diktadurya'y yaman ng kauri't kabig
habang bulok na sistema ang kanilang panglupig
bayan ay di papayag sa parating na ligalig
harangin ang diktadurya, ang budhi'y nang-uusig
adhika't hiyaw ng masa'y dapat nating marinig
naghahari pa rin sa bayan ang oligarkiya
ekonomya't pulitika'y kontrol din ng burgesya
dukha't manggagawa'y api, may bantang diktadurya
kaya halina't makiisa sa sigaw ng masa:
"Harangin ang diktadurya! Baguhin ang sistema!"

Huwebes, Pebrero 23, 2017
Huwag n'yong dalhin sa Balaak ang aba kong tula
HUWAG N'YONG DALHIN SA BALAAK ANG ABA KONG TULA
huwag n'yong dalhin sa Balaak ang aba kong tula
pagkat si Taning ay tatawanan lang iyong lubha
iwi kong tula'y para sa bayan at manggagawa
at di sa impyernong ang buhay ay kasumpa-sumpa
tula'y aring dalhin sa Devas na puno ng anghel
pagkat doon ay wala nang pagdurusa't hilahil
kahit ipaabot sa Sangreng aking napipisil
diwatang kahit isang halik ay di ko masiil
ang bawat tula'y katas ng pawis, luha ko't dugo
na nagmula sa haraya't danas sa bawat yugto
kathang sa alapaap at laot na'y bumubugso
upang bigkasing malumanay sa mahal kong bunso
di bagay sa Balaak ang mga tulang kinatha
pagkat bawal doon ang kahit isa mang makata
ayaw ni Taning na sa kanya'y may manunuligsa
na tulad naming makatang kanyang isinusumpa
- gregbituinjr.
* sa teleseryeng Encantadia, ang Balaak ang siyang impyerno at ang Devas ang kalangitan

Miyerkules, Pebrero 22, 2017
Hukayin!
HUKAYIN!
"Hukayin!" itong hinihiyaw ng grupong Block Marcos
Doon sa People Power Monument ay nagsikilos
"Hukayin!" sa banner, inilipad ng laksang lobo
Na tangan ng magigiting, tunay na prinsipyado
"Hukayin!" Doon sa Edsa'y kitang-kita sa ere
"Hukayin" ang diktador na di tunay na bayani
Kinabukasa'y bumungad sa mga pahayagan
Litrato ng "Hukayin" kasama ng banner headline
Pagkilos na ito'y sadyang makasaysayang tagpo
Na tunay na naninindigan yaong bagong dugo
Pakikibaka'y dumaratal na sa bagong yugto
Mula sa sistemang bulok ang masa'y hinahango
Magigiting na aktibista, Mabuhay! Mabuhay!
Sa prinsipyo't pagkilos ninyo kami'y nagpupugay!

Lunes, Pebrero 20, 2017
Ang tattoo ni Ellen Adarna
ANG TATTOO NI ELLEN ADARNA
kaygandang tatô sa kahubdan ni Ellen Adarna
ang maamo pa niyang mukha'y kahali-halina
tila isang tula ang tatô pag iyong binasa
isang inspirasyon sa puso't diwang anong ganda
tulad ng kagandahan niyang kapara'y diyosa
"Binigyan ako ni Bathala ng kahinahunan
at tanggapin ang di kayang baguhin sa lipunan,
Ako rin ay pinagkalooban ng katapangan
upang baguhin ang kayang mabago't kainaman,
At karunungang mabatid ang anumang kaibhan"
iyan ang sinabi ni Reinhold Niebuhr noon pa
sa kalunos-lunos na buhay na puno ng dusa
ay mayroon pa palang pagbabago at pag-asa
salamat sa pinili mong tatô, Ellen Adarna,
payo itong maaaring magbunga ng maganda
- tula ni gregbituinjr.
mga litrato mula sa google

Linggo, Pebrero 19, 2017
Kahit hindi ispesyal, basta regular
kahit di ispesyal, basta regular ang trabaho
ito ang hinahangad natin, ng uring obrero
kontraktwal ay walang seguridad at benepisyo
obrero'y di nireregular, alam ng gobyerno
regular ang upa sa bahay, tubig at kuryente
tumaas na ang presyo ng pamasahe't tuition fee
ngunit di pa rin regular ang obrero, ang tindi
habang ganid na kapitalista'y ngingisi-ngisi
di mabayarang tama ang lakas-paggawa, di ba?
nilulumpo tayo ng kapitalistang sistema
pinipilay pa nito ang mahal nating pamilya
kinokontraktwal tayo tungo sa hirap at dusa
binubuhay ng manggagawa ang laksang kapital
kaya manggagawa'y gawing regular, di kontraktwal
- gregbituinjr.
* sinulat at binasa sa founding general assembly ng LAICO (Labor Against Injustices and Contractualization), Pebrero 19, 2017, sa Caritas, Manila.

Sabado, Pebrero 18, 2017
Wala nang personal ang makata, walang personal
wala nang personal ang makata, walang personal
sapagkat buong buhay niya'y pawang pulitikal
kaya pag tumula ng personal ay naduduwal
itong masang tumitingala sa makatang hangal
tula ng tula ng kalagayan ng sambayanan
tinutula papaano baguhin ang lipunan
ganitong katha ang nais basahin nitong bayan
di yaong personal na halos ay himutok naman
subalit makata'y tao ring may puso’t pandama
personal niyang nadarama ang dusa ng masa
nasusugatan din ang puso lalo't sumisinta
dahil kabilang siya sa masang puno ng dusa
may personal ding buhay ang makata, may personal
personal niyang tula'y di pawang tula ng hangal

Biyernes, Pebrero 17, 2017
Pag-ibig sa isang sangre
PAG-IBIG SA ISANG SANGRE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
dinadalaw akong lagi sa aking panaginip
ng larawan mo, Sangre Danaya, sa puso't isip
kung bakit ikaw ang sinisinta'y di ko malirip
ngunit sa puso ko'y ligaya kang kahalukipkip
hanga ako sa iyong galing sa pakikidigma
sa arnis, katunggali'y tiyak kakain ng lupa
anong tamis ng iyong ngiti, mahal kong diwata
kaakit-akit kahit marami kang kasagupa
sa panawagang hustisya'y tunay kang inspirasyon
pagkat magkatugma tayo ng mithi't nilalayon
sa aming mundo'y kayraming dapat tugunang hamon
lalo't pinapaslang akala'y buhay na patapon
atas ng nakaupo'y walang habas na pagpatay
walang paggalang sa karapatang pantao't buhay
at nais din nilang ibalik ang parusang bitay
at ituring na kriminal ang batang walang malay
walang proseso, walang patumanggang karahasan
sa daigdig naming tila walang pagmamahalan
sa mundo mo'y batid kong iyong ipinaglalaban
dapat makatarungang palakad sa mamamayan
isang aktibista't isang diwata'y tumitindig
para sa hustisya't layuning dulot ng pag-ibig
kaya paghanga sa iyo sa puso ko'y pumintig
ikaw, aking diwata, ang nais kong makaniig
pagkat sa pagtudla mo puso ko ang tinamaan
iwing mong ganda't tapang ano't di ko maiwasan
ang prinsipyo't tindig mo'y tunay kong hinahangaan
hangad kong makasama ka, O, diwata kong hirang
ilang bundok ma'y tatawirin ko, Sangre Danaya
karagatan ma'y lalanguyin, makita lang kita
tayo na'y magsama sa anumang pakikibaka
nang kamtin ng ating mundo ang asam na hustisya
* binasa ang tulang ito sa isang kulturang pagtatanghal na pinangunahan ng grupong KAUSAP (Kapatirang Umuugnay sa Sining at Panitikan) na ginanap sa Rizal Park Open Air Auditorium, Pebrero 17, 2017, araw ng Biyernes

Laksang buhay na pinuti
luha'y dahil sa laksang buhay na pinuti
na di makuro bakit dukha'y dinuhagi
patapon daw at nagkalat ang mga labi
maralitang sa lupa na'y nagsilupagi
di madalumat ang dulo ng bahaghari
habang binulay-bulay ang sermon ng pari
naglalaro sa kisame'y laksang butiki
pinupuknat ang putong ng berdugong hari
langaw ay naglalaro sa dalagang binti
nagkakamot ang rilag, di na makangiti
ang madlang umiidolo sa hari'y hati
pagkat sa buhay ay naninindigang sidhi
pagkaisahin na ang kinawawang uri
nang bukangliwayway sa atin ay bumati
halina't ibagsak ang naghaharing imbi
pagkat sistemang bulok ay sila ang sanhi

Miyerkules, Pebrero 15, 2017
Babalik din at babalik ang mga estudyante
BABALIK DIN AT BABALIK ANG MGA ESTUDYANTE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
"The students will come back again and again... and again." ~ Lean Alejandro
patuloy ang mga mag-aaral na prinsipyado
sa pakikibaka taglay ang maraming konsepto
sa pangarap na lipunang tunay na makatao
diktadura'y haharapin humantong man sa dulo
estudyante'y nagsipaglabasan sa pamantasan
pagkat nais nilang paglingkuran ang sambayanan
pinapangarap nila'y pantay-pantay na lipunan
nais nilang lipunang makatao'y ipaglaban
marami pa ring naghihirap sa lungsod at liblib
pagkat diktadura'y patuloy na naninibasib
estudyanteng kumikilos kaharap ay panganib
ang paglingkuran ang bayan sa puso nila'y tigib
nandadaluhong ang burukrata-kapitalismo
magsasaka'y walang lupa dahil sa pyudalismo
patuloy nilang babakahin ang imperyalismo
nang marating ng bayan ang asam na sosyalismo
babalik din at babalik ang mga estudyante
at handang makibaka't yugyugin ang laksang peste
sa bayang dinuhagi ng diktadura't biningi
ng mga hinaing pagkat masa'y di mapakali
Martes, Pebrero 14, 2017
Sa pakakaining bibig
amasona siyang sa layon ay kakapitbisig
habang sa kanya ako'y mandirigmang umiibig
ang tinig niring uri'y magkaisa naming dinig
at kapwa kumikilos para sa prinsipyo't tindig
subalit naiisip ko'y pakakaining bibig

Kaylamig ng gabing ang kayakap ko’y hangin
kaylamig ng gabing ang kayakap ko’y hangin
habang nakatingala sa mga bituin
iwing sinisinta'y inaalala man din
upang panata sa kanya'y lagi kong tupdin
- gregbituinjr.
habang nakatingala sa mga bituin
iwing sinisinta'y inaalala man din
upang panata sa kanya'y lagi kong tupdin
- gregbituinjr.
Lunes, Pebrero 13, 2017
sa aking musa
o, dilag, nang makilala kita
sabi ko sa sarili: ikaw na
ang makasama ka lang tuwina
ay sadyang tunay ko nang ligaya
pagkat natatangi kitang musa
-gregbituinjr
sabi ko sa sarili: ikaw na
ang makasama ka lang tuwina
ay sadyang tunay ko nang ligaya
pagkat natatangi kitang musa
-gregbituinjr
Miyerkules, Pebrero 8, 2017
Saksi ang rebulto ni Ka Popoy sa Marikina
SAKSI ANG REBULTO NI KA POPOY SA MARIKINA
kapitbisig ang nag-aaklasang uring obrero
upang panata nilang dalisayin ang prinsipyo
na tuluy-tuloy ang pagbakbak sa kapitalismo
ay maging ganap at huwag mahulog sa rahuyo
ng animo'y nagkikislapang tanso ng negosyo
naghahanda sa laban ang hukbong mapagpalaya
naroroon at nagmartsa ang mga manggagawa
habang nangingilid ang tinig ng kinakawawa
isinisigaw ang adhika't sosyalistang diwa
nang sa pakikibaka'y samahan sila ng madla
at kumukulo pa ang poot sa dibdib ng masa
na kung uunawain lamang sila'y makikita
upang bulok na sistema'y palita, sigaw nila
saksi ang rebulto ni Ka Popoy sa Marikina
sa kanilang pagkilos upang alpasan ang dusa
pulang-pula ang lansangan, kamao'y nakataas
pulu-pulutong laban sa sistemang anong dahas
nagkukulay-dugo ang silanganing nilalandas
upang itindig ang lipunang ang lahat ay patas
kapitbisig ang obrero bulsa man nila'y butas
- gregbituinjr.
* ang litrato ay mula sa fb ni MELF Feds

Martes, Pebrero 7, 2017
Ang matagumpay na Himagsikang Edsa 1986
ANG MATAGUMPAY NA HIMAGSIKANG EDSA 1986
Tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
1
ispontanyong damdamin ang nagpakilos sa bayan
upang patalsikin na ang diktador na gahaman
sa laksang galit, nais lumaya ng sambayanan
sama-samang kumilos sa ngalan ng katarungan
2
ilang dekadang lumipas, nagka-martial law noon
bawal kang manuligsa, tahimik ng ilang taon
masa'y naghirap, sa balita'y umuunlad iyon
nangutang ang diktador, hanggang bayan ay nabaon
3
ang dinanas nilang diktadurya animo'y sumpa
mga lumaban ay dinahas, pamilya'y lumuha
karapatan ay niyurakan, laksa'y nangawala
kayraming di nakita, ibinaon ba sa lupa?
4
kayraming institusyong sinara tulad ng midya
matindi ang paggawa ng mga imprastraktura
hawak sa leeg ang batasan at hudikatura
hanggang baya'y yanigin ng welga sa La Tondeña
5
mga manggagawa'y nagtagumpay sa pag-aaklas
ngunit sa maraming lugar ay patuloy ang dahas
kung ano ang nais ng diktador, siya ang batas
tila di alam ng rehimen kung ano ang patas
6
patuloy ang pamamayagpag ng tusong diktador
sa mga kalaban ay pangunahing kumpiskador
hanggang mapaslang sa tarmak ang kalabang Senador
na umuwi ng bansang ang dala'y dangal at balor
7
nagising ang bayan, madla'y nagprotesta't kumilos
nagkaisa ang mayayaman at naghihikahos
nais nilang lupit ng diktadura na'y matapos
hanggang bagong halalan ay pinatawag ni Marcos
8
ang diktador ay muling kumandidatong pangulo
kanyang kalaban ay ang balo ni Ninoy Aquino
inilunsad ang halalan, laksang tao'y bumoto
sa Comelec, si Marcos ang deklaradong panalo
9
ngunit sa Namfrel, si Cory Aquino ang nagwagi
siya ang sa puso ng masa'y agad nanatili
pagnanasa ng bayan sa pagbabago'y masidhi
ngunit pagnanasang ito'y hindi naging madali
10
oposisyo'y nanawagan ng malawakang boykot
huwag tangkilikin ang mga crony at kurakot
hanggang sina Enrile at Ramos ay pumalaot
sa EDSA, kumalas kay Marcos, suporta'y hinakot
11
nais ng diktador na si Marcos na sila'y dakpin
ngunit nanawagan ng suporta si Cardinal Sin
tao'y nagdagsaan sa EDSA, may dalang pagkain
gamot, tubig, mga taong may pangarap na angkin
12
kasama ko noon si ama at kanyang barkada
upang mamigay ng maraming pandesal sa EDSA
dumagsa ang tao, tangke, sundalo, madre, masa
tila nagmamahalan bawat isa't nagkaisa
13
at si Cory Aquino bilang pangulo'y nanumpa
kinagabihan, si Marcos na'y umalis ng bansa
naitaboy na ng bayan ang nanagasang sigwa
at ang unos na yumurak sa bayan ay nawala
14
nagtagumpay ang nagkakaisang bayan sa mithi
diktador ay lumayas, sa bansa'y di nanatili
sa buong mundo, ginawa ng Pinoy ay pinuri
at ito sa rebolusyon ng ibang bansa'y binhi
- 7 Pebrero 2017, Lungsod Quezon

Naging halimbawa sa mamamayan ng daigdig ang Pag-aalsang Edsa noong 1986 na nagpatalsik kay Marcos. Nasundan ito ng Singing Revolution sa Estonia, Latvia at Lithuania (1988), Pagbagsak ng Berlin Wall sa Germany (1989), Velvet Revolution sa Czechoslovakia (1989), Bulldozer Revolution sa Yugoslavia (2000), Pag-aalsang Edsa 2 sa Pilipinas (2001), Rose Revolution sa Georgia (2003), Orange Revolution sa Ukraine (2004), Cedar Revolution sa Lebanon (2005), Tulip Revolution sa Kyrgystan (2005), Jasmine Revolution sa Tunisia (2011), at Day of Anger Revolution sa Egypt (2011). Ngunit may mga pagkatalo rin, tulad ng 8888 Uprising sa Burma (1988), Tiananmen Students Protest sa Tsina (1989), Edsa 3 Urban Poor Revolution sa Pilipinas (2001), at Saffron Revolution sa Burma (2007). Tunay na naging inspirasyon ng mamamayan ng mundo ang Edsa People Power Revolution ng 1986.
Lunes, Pebrero 6, 2017
Sariwain ang kagitingan ni Ka Popoy
sariwain ang kagitingan ni Ka Popoy Lagman
elitistang paghahari'y dapat nating labanan
lalo't banta ng pasismo ng estado'y nariyan
na maaaring magdulot ng laksang kamatayan
ang pamana ni Ka Popoy sa uring manggagawa
ay mga dalisay na aral na sadyang dakila
anya'y organisahin ang hukbong mapagpalaya
pagtayo ng sosyalistang lipunan ay ihanda
dapat nang durugin ang elitistang paghahari
silang sakim sa lupain, pribadong pag-aari
lalo't nasa pamahalaan din silang tiwali
ito sa laksang dukha'y tunay na nakamumuhi
mahigpit nating tinutuligsa ang pamamaslang
ng bagong gobyernong kayraming buhay na inutang
laksang inosente'y binulagta dahil tinokbang
banta ng pasismo'y naging binhi sa lupang tigang
paninibasib ng kapitalismo'y nasa rurok
kaya ang lipunang ito'y sinawi't inuuk-ok
sigaw ng madla: baguhin na ang sistemang bulok
at mga walang pag-aari'y ilagay sa tuktok
- tula’t litrato ni gregbituinjr. / 020617

Sabado, Pebrero 4, 2017
Ang kailangan
ANG KAILANGAN
kailangan mo'y taong turing sa iyo'y tahanan
di yaong pag bagyo'y tumila agad kang iiwan
di yaong hahayaan kang malugmok sa putikan
kailangan mo'y isang dalagang sadyang mahinhin
kahit na di ginto ang pustiso ng kanyang ngipin
ang mahalaga'y iniibig ka niyang taimtim
kailangan mo ang isang tunay na kaibigan
na iyong maaasahan di lang sa kagipitan
kundi sa pagbaka upang baguhin ang lipunan
kailangan mo'y misis na ina ng iyong anak
kahit na ang mukha niya't kutis ay lubak-lubak
mahalaga'y mahal ka't di ka ipinapahamak
di mo kinakailangan ang maraming kalaban
pagkat nasa isip mo'y paano susolusyonan
ang pinagsusuong na laksa-laksang kagipitan

Biyernes, Pebrero 3, 2017
Pagninilay ng isang dukha sa Kalye Mayaman
PAGNINILAY NG ISANG DUKHA SA KALYE MAYAMAN
bakit sa bayan ko'y kayrami nang naghihikahos
umunlad ang iilan, mayorya'y buhay-busabos
may pagkakataon bang guminhawa't makaraos
ang dukhang nagdurusa, sawi’t laging kinakapos
bakit turing ng marami, iyang dukha'y pusakal
habang sa iba, tila banal ang trapong kriminal
bakit asal ng ilan, mabaho pa sa imburnal
at sa iba pagpapakatao’y dapat na asal
bakit di binabayarang tama ang manggagawa
kaybaba ng presyo ng kanilang lakas-paggawa
bakit tinatanggalan ng bahay ang mga dukha
pinapalayas sa lungsod na tila baga daga
dama mong sistemang bulok ay tigib ng pasakit
kailangang mag-aklas kahit nais mong pumikit
upang pansamantalang di masilayan ang lupit
ng sistemang kayraming ginhawang ipinagkait
- tula’t litrato ni gregbituinjr.

Huwebes, Pebrero 2, 2017
Sa sinisinta kong sangre
SA SINISINTA KONG SANGRE
inaabangan kang lagi sa aking panaginip
upang sambahin ka, Danaya, ng puso ko't isip
kung bakit ikaw ang inibig ay di ko malirip
ngunit ligaya kita't puso'y ikaw ang nahagip
hanga ako sa iyong galing sa pakikidigma
sa arnis, kalaban ay tiyak kakain ng lupa
sadyang kaytamis ng ngiti mo, magandang diwata
habang tunay akong naakit sa iyong pagtudla
pagkat sa pagtudla mo puso ko ang tinamaan
habang iwing ganda mo'y ano't di ko maiwasan
magkaiba man tayo ng mundong kinalalagyan
hangad kong makaisang-dibdib ka, diwatang hirang
ilang bundok ma'y tatawirin ko, Sangre Danaya
dagat man ay lalanguyin ko, makita lang kita
iwing buhay ko man ay tigib ng siphayo't dusa
gagawin ang lahat pagkat ikaw ang aking musa
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)