kahit di ispesyal, basta regular ang trabaho
ito ang hinahangad natin, ng uring obrero
kontraktwal ay walang seguridad at benepisyo
obrero'y di nireregular, alam ng gobyerno
regular ang upa sa bahay, tubig at kuryente
tumaas na ang presyo ng pamasahe't tuition fee
ngunit di pa rin regular ang obrero, ang tindi
habang ganid na kapitalista'y ngingisi-ngisi
di mabayarang tama ang lakas-paggawa, di ba?
nilulumpo tayo ng kapitalistang sistema
pinipilay pa nito ang mahal nating pamilya
kinokontraktwal tayo tungo sa hirap at dusa
binubuhay ng manggagawa ang laksang kapital
kaya manggagawa'y gawing regular, di kontraktwal
- gregbituinjr.
* sinulat at binasa sa founding general assembly ng LAICO (Labor Against Injustices and Contractualization), Pebrero 19, 2017, sa Caritas, Manila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento