ANG UNANG PAMBANSANG ASAMBLEA’Y
MAY BAHID NG DUGO NI MACARIO SAKAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
may dapat na ipagpasalamat ang buong bayan
sa pagkakatatag ng unang pambansang asamblea
mula sa dugo ni Sakay ay nasakatuparan
unang pambansang asamblea’y naidaos nila
dapat nating alalahaning may bahid ng dugo
ni Sakay ang pagtitipon nitong ating ninuno
taksil nga ba si Dominador Gomez na kadugo
at humimok kina Sakay upang sila’y sumuko
tanging rebelyon nina Sakay lang daw ang balakid
upang matupad ang pambansang asambleang asam
kumagat sa pain, ngunit sa bitayan nabulid
subalit sakripisyo niya’y di dapat maparam
rebolusyonaryo siyang dapat kilanling tunay
tunay ngang bayani si Pangulong Macario Sakay
Linggo, Hulyo 30, 2017
Biyernes, Hulyo 28, 2017
Bato
BATO
galit si Heneral Bato sa mga nagbabato
galit sa mga sugapang dumudurog ng bato
galit sa mga durugistang nahaling sa bato
kung sinong may kasalanan ba'y dapat binabato
salot sa mamamayan ang mga adik na hibang
na pag wala sa huwisyo sa kapwa'y nanlalamang
mga nagnanakaw, nanggagahasa, pumapaslang
mga tulad nila ang puntirya ng Oplan Tokhang
paminsan-minsan nakakaramdam ng pagkabato
walang magawa sa buhay, naiinip ang tao
ibang karanasan pa ang hanap ng mga ito
bakasakaling may langit sa kabila ng bato
ang iba'y may problemang nais nilang matugunan
at kung di man masolusyunan, ito'y mawakasan
animo'y nasa bato ang hanap na kasagutan
iba'y nag-iisip na bato'y pagkakaperahan
ngunit malaking kasalanan ba ang pagbabato
na dapat agad patayin ang gumagamit nito
di ba't may karapatan sila sa tamang proseso
kung mapatunayang nagkasala'y ipiit ito
bawat bumulagta'y dapat dumaan sa due process
pagkat sila'y tao rin at di kutong tinitiris
may akibat na karapatan, di sila ipis
pagkat sila'y may pamilya pa ring maghihinagpis
- gregbituinjr.

Huwebes, Hulyo 27, 2017
Mga larawan ng kamatayan
MGA LARAWAN NG KAMATAYAN
naglalabanan noon ang mga sadyang bihasa
pawang gladyador, mga napiit na mandirigma
nakikipaglaban nang manonood ay matuwa
at makamit ang kanilang minimithing paglaya
naganap ang mga iyon sa sinaunang Roma
na pininta sa kambas ng sikat na Juan Luna
yaong mga natalo't napaslang na'y hinihila
ililibing kung saan habang iba'y nagsasaya
animo'y guniguning nagbalik ang kanyang pinta
sa paglalarawan ng isang Christopher Zamora
tila ba parak ang sa mga bangkay humihila
ang isang pinaslang sa gilid ay may karatula
ikalwa'y naganap sa panahong kasalukuyan
kung saan dukha'y itinuring na parang ipis lang
walang proseso, biktima ng tokbang (tok-tok-bang-bang)
di na nililitis kung talagang may kasalanan
dalawang larawan iyong animo'y magkakambal
larawan ng mga pangyayaring karumal-dumal
tila ba iyon ay katuwaan ng mga hangal
na tila buhay ng tao'y kapara ng animal

Spolarium - Guhit ni Juan Luna, 1884 |
Guhit ni Christopher Zamora ng Manila Today, 2017 |
Martes, Hulyo 25, 2017
Itigil ang tokbang!
ITIGIL ANG TOKBANG!
ang tokhang ay pagkatok upang makiusap
nangyari'y di tokhang kundi tokbang nang ganap
ang buhay na'y nawawala sa isang iglap
nangyari'y tok! tok! bang! bang!, walang usap-usap
ganito ba ang mundong iyong nais, sinta?
mamulat sa karahasan ang iyong kapwa
kalaban ng krimen ay kriminal din pala
walang proseso't nakapiring ang hustisya
walang paki sa buhay, basta tinitiris
ang buhay ng dukhang itinulad sa ipis
sa nanonokbang, di na uso ang due process
sinumang pinuntirya'y di na malilitis
proseso'y igalang, litisin ang maysala
panagutin sa krimeng kanilang nagawa
huwag tularan ang mga tusong kuhila
na naglalaway na sa dugo't tuwang-tuwa
wala na bang budhi silang paslang ng paslang?
o makikinig pa ang mga pusong halang:
may karapatan sa buhay bawat nilalang
kaya itigil ang tokbang, ang tok! tok! bang! bang!
- tula't litrato ni gregbituinjr., SONA 2017

Lunes, Hulyo 24, 2017
Martsa ng mga hindi makapag-martsa
MARTSA NG MGA HINDI MAKAPAG-MARTSA
di sila makapag-martsa pagkat patay na
patay na sila kaya di makapag-martsa
ngunit guniguni't panawagang hustisya
ay naririto pa't amin silang kasama
mga sapatos lang at tsinelas na luma
doon sa lansangan inihilerang sadya
may mga magkapares, may walang kabika
simbolong sa SONA, sila'y nagugunita
ang pinairal na'y kultura ng pagpatay
sa bansang ginawang barya-barya ang buhay
tila berdugo'y uhaw sa dugo ng bangkay
tokbang, tokbang, libu-libo'y naging kalansay
nagdodroga raw kaya sila'y iniligpit
nagdodroga ba pati mga batang paslit?
na napaslang dahil namumuno’y kaylupit
bakit due process sa kanila'y pinagkait?
walang paglilitis, sila'y pinagpapaslang
silang biniktima ng tokbang (tok,tok, bang, bang)
naroon ma'y sapatos at tsinelas lamang
tandang dapat managot ang sinumang halang

Biyernes, Hulyo 21, 2017
Tula laban sa tokbang
kaninumang buhay na nalihis
di dapat tirising parang ipis
respetuhin ang right to due process
tiyaking may wastong paglilitis
- gregbituinjr.
- No to tokbang! No to EJK!
- Igalang ang karapatang pantao!
di dapat tirising parang ipis
respetuhin ang right to due process
tiyaking may wastong paglilitis
- gregbituinjr.
- No to tokbang! No to EJK!
- Igalang ang karapatang pantao!
Huwebes, Hulyo 20, 2017
Nilay at danas sa kumukulong diktadura
NILAY AT DANAS SA KUMUKULONG DIKTADURA
libu-libo'y pinaslang sa unang taon pa lamang
turing sa dukha'y ipis, buhay nila'y di ginalang
maginoong sukab na'y talipandas na nahirang
masa'y di maisip sa sariling dugo lulutang
animo'y isang sumpa sa bayan ng magigiting
na pati tusong pulitiko'y nagsipagbalimbing
inidolo'y dating diktador ng pinunong praning
na sa Libingan ng mga Bayani inilibing
mga sugapa'y maysakit ang diwa't kaluluwa
walang proseso't pagpaslang ba agad ang sentensya?
utos ng hari nang di mabali, nag-martial law na
ang lupang pangako'y nilason ng sukab at bomba
ang martial law'y gagawin pa nilang pambuong bansa
baka marami na namang matortyur, mangawala
nakababahala ngang tunay ang pinaggagawa
karapatang pantao'y sadyang binabalewala
hindi tulog ang bayan, naririto't nagtitipon
nakahanda sa pagharap sa panibagong hamon
di papayag mabalik ang bangungot ng kahapon
masa'y pipiglas sa pangil ng bagong panginoon
- gregbituinjr.
(nilikha para sa National Conference Against Dictatorship o NCAD na ginanap sa Benitez Hall, College of Education, UP Diliman, Hulyo 20-21, 2017)

Linggo, Hulyo 16, 2017
Si Juan "Tamad" at ang makata
nakilala si Juan na sa bayabas nag-abang
kung kailan sa lupa'y lalagpak na manibalang
habang patuloy ang nilay ng makata sa ilang
lumilipad ang isip at naroong naglilinang
tambay si Juan, nakikipaghuntahan sa kanto
paano raw kabit niya'y bibigyan ng sustento
tambay rin ang makatang ang baon ay pulos kwento
tinitirintas sa buhangin ang mata ng bagyo
di sila mga tamad pagkat pawang malikhain
bawat bagay sa daigdig ay nais maeksamin
bagsak ng bayabas ay siyentipikong suriin
habang anumang tuklas ng makata'y kakathain
si Juan gayong nagsusuri'y tinuring na tamad
tulad ng iba pang siyentipikong kapuspalad
habang isip ng makata'y ibong lilipad-lipad
sa mga tirong at katunggali'y nakikitalad
- gregbituinjr.
Talasalitaan:
manibalang - malapit nang mahinog
huntahan - kwentuhan
tirintas - paglubid ng tatlo o higit pang hibla
tirong - taong nagkukunwaring matapang o makapangyarihan at nananakot ng kapwa
talad - manu-manong paglalaban na gamit ang espada o itak

Sabado, Hulyo 15, 2017
Ayaw namin, ayaw namin sa droga't tokbang
ayaw namin, ayaw namin sa droga't tokbang
huwag mong patayin ang sugapang tikbalang
mahalaga ang buhay ng bawat nilalang
bakit buhay ng kapwa'y basta pinapaslang
alam mo, ang droga't tokbang ay ayaw namin
karapatan sa buhay ay huwag siilin
sugapa'y maysakit kaya dapat gamutin
at hindi mga kutong basta titirisin
ayaw namin sa tokbang, ayaw din sa droga
dukha lang naman ang laging inaasinta
panginoon ng droga'y dapat mapuntirya
pagkat sila'y malaya pa't tatawa-tawa
kung sakaling mang mga aso'y umalulong
yaong mga sugapa'y tiyak nabuburyong
minumulto ng buhawi ng pagkakulong
habang doon sa sulok ay bubulong-bulong

Biyernes, Hulyo 14, 2017
Di bale nang umawit ka ng sintunado
di bale nang umawit ka ng sintunado
kaysa magtalumpati nang wala sa tono
masaya naming pakikinggan ang awit mo
subalit sa talumpati'y dapat seryoso
ang sintunadong awit ay mapapatawad
pagkat bayan ay patuloy pa ring uusad
sa talumpati'y mahalaga ang dignidad
pagkat prinsipyo't pagkatao'y nalalantad
tiyak namang gaganda rin ang iyong tinig
pag nasanay ka't marami nang nakikinig
sa talumpati'y mensahe ang dinirinig
di dapat sintunado't baka ka mausig

Huwebes, Hulyo 13, 2017
Demonyo akong kalaban na ng kapwa demonyo
(In Every Angel, A Demon Hides. In Every Demon, An Angel Strides.)
demonyo akong kalaban na ng kapwa demonyo
tunggalian itong patay kung patay hanggang dulo
demonyo akong umaayaw sa hudas at gulo
sapagkat nais ko'y pantay na lipunan sa mundo
ngunit mga kalabang demonyo'y talagang hudas
pagkat di sila marunong lumaban ng parehas
tubo't salapi'y sa puso nila nakatirintas
pati buhay at karapata'y kanilang inutas
demonyo akong sa mundo'y nais magpakabuti
sa puso'y maglingkod sa higit na nakararami
subalit kung kapwa demonyo ako na'y kinanti
baka pangil ko'y ipansakmal sa demonyong imbi
demonyo man ako'y kapayapaan ang hangarin
sa mundong dukha'y kayrami't masa'y inaalipin
demonyo akong pawang kabutihan ang mithiin
at ang kasamaan sa mundo'y laging babakahin

Miyerkules, Hulyo 12, 2017
Kahit ako'y lupa
kahit ako'y lupa't ikaw naman ang bagyo
gaano man kalakas ang mga patak mo
sa pagbagsak mo'y ako pa rin ang sasalo
habang may bahagharing lilitaw sa dulo
ganyan kaming lupa kapag puso'y umibig
sa gaya mong nais kong ipiit sa bisig
bahain man ang lansangan, panay ang kabig
kabuuan mo'y hahagkan ko't magniniig
bagyo kang kaylakas, sa akin din ang bagsak
tinitingala kang gagapang din sa lusak
habang pinalulusog ang mga pinitak
upang isa't isa'y ipagbunying di hamak
ating damhin sa ulan ang bawat tikatik
at sa nilalandas nating lupang maputik
pusong sumisinta'y nagnakaw man ng halik
halik kong ninakaw ay pilit ibabalik

Martes, Hulyo 11, 2017
Kayraming dagdag-singil, walang dagdag-sahod
kayraming dagdag-singil, walang dagdag-sahod
presyo ng tubig, kuryente'y nakalulunod
presyo ng bigas, langis nakapipilantod
anong klaseng sistema ba ang sinusunod
walang dagdag-sahod, kayraming dagdag-singil
ganyan ba'y batas ng lipunang mapaniil
sa negosyo, tubo'y laging umuukilkil
masa'y balewala sa bayang sinusupil
kayraming dagdag-singil, walang dagdag-sweldo
bakit ganito ang palakad sa gobyerno
pabor sa negosyo, obrero'y agrabyado
ganyan nga ba sa lipunang kapitalismo
bakit nagtatrabaho'y nasa karukhaan
gayong di nagtatrabaho'y nagbubundatan
laksa'y naghihirap, nagpapasasa'y ilan
aba'y ganyang lipunan na'y dapat palitan

Lunes, Hulyo 10, 2017
Linggo, Hulyo 9, 2017
Sinong maysakit?
SINONG MAYSAKIT?
sino kang nakahawak ng kapangyarihan
na sa baril inaasa ang "katarungan"
atas mong pagpaslang ay anong kahulugan
kundi magtanggal ng buhay at karapatan
bakit nais na hustisya'y walang proseso
iyon ba ang kahulugan ng pagbabago
walang proseso'y kaparaanan ng gago
walang paggalang sa buhay ng kapwa tao
sa mga nakagawa ng sala'y may batas
at may mga proseso upang maging patas
ang hustisya't di basta na lamang uutas
hatol na batay sa ebidensyang malakas
ang nagdroga'y sa karamdaman nakapiit
at may karapatang di dapat ipagkait
sugapa'y kriminal na kung nakapanakit
kung wala pang sala'y inosente't maysakit
sugapa'y sa halusinasyon nakaratay
kaya gamutin sila't huwag gawing bangkay
bawat buhay ay igalang, at sunding tunay
ang ikalimang utos: Huwag kang papatay!

Sabado, Hulyo 8, 2017
Maligayang kaarawan sa iyo, Ate Jackie
Maligayang kaarawan sa iyo, Ate Jackie
Kalagayan mo nawa'y lalaging nasa mabuti
Pagkilos mo para sa karapatan ng marami
Ay dama ng masa kaya po nagpupugay kami
Sa iyo na isa sa aming magaling na Ate.
- Si Ate Jackie ay isa sa aming mga kasama sa human rights, kumikilos sa IDefend at PAHRA (Philippine Alliance of Human Rights Advocates)

Miyerkules, Hulyo 5, 2017
Kwento ng tatlong unggoy
"Putang ina!", ang agad tungayaw ng Haring Unggoy
sa harap ng Dukeng Matsing na kanyang tinutukoy
ang Ministrong Tsonggo'y nagtakip ng ilong sa amoy
ng naglipanang bangkay na nabaon sa kumunoy
sa krimen sa bayan, sila lang daw ay naniningil
ng mga utang ng inaakala nilang sutil
tila "See No Evil, Hear No Evil, Speak No Evil"
ang pakana ng tatlong pinunong kapara'y taksil
atas nila'y bawat pusakal ay dapat mapaslang
pagkat maraming salang ginawa ang mga halang
subalit tatlong pinuno'y buhay ang inuutang
walang proseso't karapatan ang bawat nilalang
ginawang bayani ang diktador na mapang-imbot
batas-militar ay tama, hukuman man ay takot
pasismo’y wasto’t taumbayan na’y nangingilabot
habang dayo'y sinakop ang mga isla sa laot
niyurakan ang karapatan, wala bang magawa
katunggali nga’y dinuduro ng mga kuhila
dapat magsuri't kumilos ang marangal na madla
upang mga pagkakamaling ito'y maitama

Martes, Hulyo 4, 2017
Isipin mo silang umukit ng lipunan
magsasaka'y iyo ring isipin
kapag kumakain ka ng kanin
silang mga nagsaka't nagtanim
hanggang sa ang palay ay anihin
upang ang bayan ay may makain
isipin ang humukay ng balon
kapag tubig ay iyong ininom
manggagawa'y kayganda ng layon
upang magkatubig itong nayon
at lunasan ang uhaw at gutom
isipin mo rin ang mangingisda
kapag iyong inulam ay isda
lagi sa laot, hindi sa lupa
minsan nakatira na sa bangka
kahit daanan sila ng sigwa
isipin mo rin ang magtutubó
kapag asukal ay ginamit mo
sa kape o matamis na bao
nagtanim at nag-ani ng tubó
nang malasap ang tamis na puro
isipin mo rin ang mananahi
suot natin ay sila ang sanhi
baro man ng pulubi o hari
sinulsi ma'y marami't kaunti
gawain nila'y kapuri-puri
isipin mo rin ang manininda
lalo't naglalako sa bangketa
marangal ang hanapbuhay nila
kaunti man yaong kinikita
basta't di magutom ang pamilya
- gregbituinjr.
kapag kumakain ka ng kanin
silang mga nagsaka't nagtanim
hanggang sa ang palay ay anihin
upang ang bayan ay may makain
isipin ang humukay ng balon
kapag tubig ay iyong ininom
manggagawa'y kayganda ng layon
upang magkatubig itong nayon
at lunasan ang uhaw at gutom
isipin mo rin ang mangingisda
kapag iyong inulam ay isda
lagi sa laot, hindi sa lupa
minsan nakatira na sa bangka
kahit daanan sila ng sigwa
isipin mo rin ang magtutubó
kapag asukal ay ginamit mo
sa kape o matamis na bao
nagtanim at nag-ani ng tubó
nang malasap ang tamis na puro
isipin mo rin ang mananahi
suot natin ay sila ang sanhi
baro man ng pulubi o hari
sinulsi ma'y marami't kaunti
gawain nila'y kapuri-puri
isipin mo rin ang manininda
lalo't naglalako sa bangketa
marangal ang hanapbuhay nila
kaunti man yaong kinikita
basta't di magutom ang pamilya
- gregbituinjr.
Lunes, Hulyo 3, 2017
Ano mang lalim ng balon
ano mang lalim ng balon
tiyak ding makaaahon
pito'y hindi malululon
ng taginting ng kahapon
anong tayog ng kawayan
ay yumuyuko rin naman
tulad ng hari't sakristan
lalo't unos ang dumaan
puso ng ama'y pipintig
sa pakakaining bibig
pagkat buo ang pag-ibig
masipag, nagsisigasig
ibon ng kapayapaan
naligalig ang tahanan
umalpas sa kalawakan
lumipad na't may digmaan
bangkay sa gilid ng kanal
walang anumang balabal
iyon kaya'y ibinuwal
ng katarungang di banal
budhi rin ay nanunumbat
pag sa kapwa'y di matapat
ang gulok mang anong bigat
may kaluban ding katapat
- gregbituinjr.
tiyak ding makaaahon
pito'y hindi malululon
ng taginting ng kahapon
anong tayog ng kawayan
ay yumuyuko rin naman
tulad ng hari't sakristan
lalo't unos ang dumaan
puso ng ama'y pipintig
sa pakakaining bibig
pagkat buo ang pag-ibig
masipag, nagsisigasig
ibon ng kapayapaan
naligalig ang tahanan
umalpas sa kalawakan
lumipad na't may digmaan
bangkay sa gilid ng kanal
walang anumang balabal
iyon kaya'y ibinuwal
ng katarungang di banal
budhi rin ay nanunumbat
pag sa kapwa'y di matapat
ang gulok mang anong bigat
may kaluban ding katapat
- gregbituinjr.
Hindi sila mga ipis
hindi sila mga ipis
na basta lang tinitiris
dukha silang nagtitiis
sa dusa, hirap at amis
hindi sila mga lisa
na basta lang pinipisa
nagkataong sila'y dukha
hindi dapat pinupuksa
sila'y kapwa natin tao
na maaaring magbago
kung nagkasala ang tao
ay idaan sa proseso
sino bang dapat mausig
budhi ba'y nakaririnig
sino bang dapat malupig
puso mo ba’y naaantig
- gregbituinjr.
na basta lang tinitiris
dukha silang nagtitiis
sa dusa, hirap at amis
hindi sila mga lisa
na basta lang pinipisa
nagkataong sila'y dukha
hindi dapat pinupuksa
sila'y kapwa natin tao
na maaaring magbago
kung nagkasala ang tao
ay idaan sa proseso
sino bang dapat mausig
budhi ba'y nakaririnig
sino bang dapat malupig
puso mo ba’y naaantig
- gregbituinjr.
Linggo, Hulyo 2, 2017
Pangako ng kuhila
bakit ba karaniwang ang mga pangako
sa bungad pa lang ng sabana'y napapako?
kapara'y nasa bulwagang nakatalungko
o kaya'y doon sa kalbaryo'y nakayuko
nangako'y anong tapang na kapara'y leyon
wawakasan na raw ang kontraktwalisasyon
pagkat sa buhay ng obrero'y lumalamon
sa bituka’t balat nila’y diskriminasyon
kahit langit na'y pinangako ng kuhila
upang himagsik ng obrero'y mapahupa
napapatid ba bawat guhit ng panata?
nang kuyom nilang kamao'y mapatirapa
santaong nagdaan, pangako'y nasaan na?
sa obrero’y naglubid lang ba ng pag-asa?
pinangako ba’y sadyang nilunok na niya?
buntot nga ba’y nabahag sa kapitalista?

Sabado, Hulyo 1, 2017
Sino ang sukab na laging pananakot ang alam
sino ang sukab na laging pananakot ang alam
pulos banta, papatay, papaslang, o kaya'y kulam
mahilig manungayaw at sa kritiko'y mang-uyam
isyu laban sa kontraktwalisasyon nga'y naparam
namamayagpag pa rin ang oligarkiya't pulpul
habang mga dukha'y talikurang pinapalakol
karapatang pantao'y papel na kinukulapol
habang putik ang sa bunganga niya'y nakadunggol
mga monghe'y nagsipagdasal na raw ng taimtim
upang makontra ang nagdulot ng salot at lagim
habang hari'y kayraming rosas na balak masimsim
upang sa huli'y iwanan at sa iba lumimlim
dagok ng palad, hindi, baka dagok ng kapital
habang patuloy ang pag-alulong ng laksang askal

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)