Sabado, Oktubre 24, 2015

Problema'y positibong harapin

PROBLEMA'Y POSITIBONG HARAPIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod

naroon siyang umakyat na sa mataas
problema'y inisip paano magwawakas
subalit tulad ba niya'y sanlibong ungas
buhay n'ya't di ang problema ang matatagpas
pagkawala n'ya'y di pa rin makalulutas
sa suliraning mahahanapan ng lunas

ang bawat pagsubok ay suriing maigi
bakit nagkaganoon, ano bang nangyari
sinong mga sangkot, anong mga alibi
sinong maysala, bakit nag-aatubili
nagtangka bang lutasin, saan nagsilsibi
ika nga, laging sa huli ang pagsisisi

mabanas man ang araw, iyong salubungin
ng positibong pananaw ang suliranin
at huwag mag-alinlangang malulutas din
iyang problemang di mo sukat akalain
mahalaga'y positibo itong harapin
upang kalutasan ay iyo ring maangkin

Walang komento: