TORTYUR NGA BA ANG PAGTULA?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
tortyur nga ba ang pagtula, di ba nakasisindak?
hindi, bagamat minsan, gumagapang ka sa lusak
ang pagtula'y tila pag-aararo ng pinitak
bagamat minsan ay paduguan ito ng utak
habang sa guniguni'y may sundang na nakatarak
habang pinagmamasdan ang gubat na nawawasak
habang kalbong bundok ay di mapigil sa paglawak
habang dinig mo ang pagaspasan ng mga uwak
habang lambat sa aplaya'y kanilang binabatak
habang bagong aning palay sa kamalig inimbak
habang bawat butil ng pawis ay tumatagaktak
habang binabagtas ang mga talampas at lambak
upang kathain ang tulang di nila mahahamak
di man ito manalo sa anumang patimpalak
Sabado, Hunyo 13, 2015
Martes, Hunyo 9, 2015
Walang pangalan ang mga namatay sa sunog sa Kentex
WALANG PANGALAN ANG MGA NAMATAY SA SUNOG SA KENTEX
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
sa Kentex, wala pang pangalan ang mga namatay
sinu-sino silang mga nangasunog ng buhay
mga pangalan nila'y sinong makapagbibigay
anong pangalan noong pitumpu't dalawang bangkay
mga manggagawang nawalan ng kinabukasan
silang may pangarap ngunit ngayon ay tinangisan
silang obrerong dapat makilala nitong bayan
na bawat puntod ay dapat malagyan ng pangalan
kaiba sa mga pulis na SAF na nangasawi
may pangalan ang mga iyon, at nananatili
kinilala ng marami, bayan ay namighati
sa naiwang pamilya, ramdam ng bayan ang hapdi
manggagawa'y nasawi sa apoy, at di sa bala
nagtrabaho sila para buhayin ang pamilya
dapat batid ng bayan ang mga pangalan nila
pagkat sila'y kapwa tao, di lang estadistika
pagpugayan natin ang mga nasawing obrero
lalo ang mga kontraktwal na walang benepisyo
silang mga nagtiis sa kakarampot na sweldo
silang binuhay ang pamilya't nagtiis ng todo
napakapayak na hiling ang ipinahiwatig
na mga pangalan nila'y makilala't marinig
mga bayaning obrerong di dapat nalulupig
ng sistemang itong dapat palitan at mausig

Linggo, Hunyo 7, 2015
Sa punong ito
SA PUNONG ITO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sa punong ito'y inukit ko ang iyong pangalan
tila ba pagsinta't ngalan mo'y walang kamatayan
pagsintang iniuugoy niring hangin, O hirang
patungo sa aking pisngi, diwa't kaibuturan
inukit ko ang iyong pangalan sa punong ito
na tinanim ng isang mapagpalang kamay dito
punong saksi sa pagsuyong aking alay sa iyo
at pagbuo ng ating pangarap sa lilim nito
puno yaong sumagip sa marami nang magbaha
nagpapagunitang puno’y mahalaga sa madla
kaya pagtatanim ng puno'y gawin nating lubha
bago pa ang mga delubyo'y lalo pang lumala
punong saksi sa pagsinta ang ngayo'y nasa krisis
tulad nilang puno'y pinagtatagpas ng mabangis
punong walang magawa kundi lagi nang magtiis
sa lupit ng taong pulos tubo lamang ang nais
ngayon nama'y damhin natin ang pagdurusa nila
ipagtanggol natin silang mga puno, O sinta
di sila dapat mawala bagkus paramihin pa
nang marami pang pusong maiukit sa kanila

Huwebes, Hunyo 4, 2015
Sa katanghaliang tapat
SA KATANGHALIANG TAPAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
tanghaling tapat na, kaylayo pa ng lalakarin
habang pinagmamasdan ang kapaligiran natin
walang laman ang tiyan, nagdidildil na ng asin
habang palipad-lipad ang ibon sa papawirin
mabuti na lamang at may dala akong inumin
tirik ang araw kaya dama ng tao'y kaybanas
paano bang sa init na ito'y makaaalpas
mga pawis na tagaktak, sipag ay mababakas
di dapat na pintuan ng bahay ay laging bukas
sa naglipanang pusakal ay dapat makaiwas
nasa katanghaliang tapat akong patuloy pa
sa mahabang paglalakbay na patungo sa masa
sa paglalakad ay masid ang bayang nagdurusa
tirik ang araw gayong naglalagablab ang nasa
habang ikinakalat ang nalalabing pag-asa
paano pag tayo'y nasa katanghaliang tapat
sisilong, magpapayong, habang mga mata'y dilat
mabuti't sa init, di nawawalan ng ulirat
kahit patuloy silang naninisi't nanunumbat
sa mabanas na panahon, tubig ang nararapat

Miyerkules, Hunyo 3, 2015
Pagtira sa ilalim ng tulay
PAGTIRA SA ILALIM NG TULAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
kaming mga dukha’y walang sariling bahay
at nakatira lang sa ilalim ng tulay
sa papag na karton lang kami humihimlay
habang kisame'y sementong napakaingay
araw at gabi'y niyuyugyog ang tahanan
lalo na't malalaking trak ang nagdaraan
mahimbing na pagtulog ay bihira lamang
wala kasing maayos, totoong tirahan
ganito'y ayaw namin pagkat pagdurusa
doon nga’y sadyang mapanganib sa pamilya
magkasariling bahay kaya'y may pag-asa?
dukhang tulad namin ba'y may magagawa pa?
pagtira ba rito'y pagsumbat sa sarili?
bakit ba nagkaganito, anong nangyari?
di ba nagsikap kaya sa dusa'y sakbibi?
o ang sistema mismo'y sadyang walang silbi?

Martes, Hunyo 2, 2015
Ang maging badyetaryan (budgetarian)
ANG MAGING BADYETARYAN (BUDGETARIAN)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
may mga kakilala ako, mga vegetarian
ayaw kumain ng karne, ang gusto'y gulay lamang
mayroon namang gusto’y isda sa hapag-kainan
iba't ibang panlasa kaya iba't ibang ulam
at mayroon namang tinatawag na budgetarian
depende sa badyet sa araw gabi’y gagastusin
kung magkano ang badyet, iyon ang pagkakasyahin
ika nga, basta may oras ka, tipid-tipid ka rin
pag maiksi ang kumot, ang tuhod ay baluktutin
bawal ang maluho, pag-aaksaya'y huwag gawin
ang maging budgetarian ay karaniwan sa tibak
bihira ang alawans at nabubuhay ng hamak
inoorganisa’y mga gumagapang sa lusak
na pawang biktima rin ng sistemang mapangyurak
na dulot ay karukhaan na sadya ngang palasak
kailangang maging budgetarian, mga kapatid
bawal maging maluho, halina’t magtipid-tipid
mag-impok, salapi sa kamay ay dapat isilid
paano maging budgetarian ay dapat mabatid
nang sa anumang kagipitan, di basta mabulid

Lunes, Hunyo 1, 2015
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
SIBUYAS, KAMATIS, BAWANG AT LUYA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
totoo bang ang bawang
ay panlaban sa aswang
at ito bang kamatis
pampaganda ng kutis
sa sibuyas ba'y bakit
napapaluhang pilit
sa boses ba ang luya
ay sadyang pampaganda
kayrami palang kwento
nitong apat na ito
na sadyang pampasarap
sa lutong ating hanap
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
totoo bang ang bawang
ay panlaban sa aswang
at ito bang kamatis
pampaganda ng kutis
sa sibuyas ba'y bakit
napapaluhang pilit
sa boses ba ang luya
ay sadyang pampaganda
kayrami palang kwento
nitong apat na ito
na sadyang pampasarap
sa lutong ating hanap
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)