MEMENTO MORI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig
Babalik na ako sa aking pinagmulan
Upang di na lumisan magpakailanman
Ako'y aapak sa lupang sinapupunan
Naghihinagpis ngunit maligaya naman
At lilikha ng tulang walang kamatayan
Para sa aking kapwa sa sandaigdigan
Mga labi ko'y nais kong maging pataba
Nang makapagdulot ng ginhawa sa kapwa
Ayokong ako'y ikukulong lang sa kaha
Kahit walang puntod ako na'y maligaya
Linggo, Marso 22, 2009
Huwag Sumapi sa Tropang Lie-Low
HUWAG SUMAPI SA TROPANG LIE-LOW
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Huwag tayong sumapi sa tropang lie-low
Pagkat myembro dito'y pawang palasuko
Dati silang aktibistang masisikhay
Na sumumpang buhay man ay iaalay
Nuong una'y masisigasig sa layon,
Bandang huli'y iniwan ang rebolusyon.
Uunahin daw ang kanilang pamilya
At ang rebolusyon ay saka na muna.
Ganito ang prinsipyo ng tropang lie-low
Sa gitna ng laban, iniiwan tayo!
Huwag sundin ang kanilang halimbawa
Na sa apoy ng rebo ay patang-pata
Pag nang-iiwan sa ere ang kasama
Aba'y iwan na't pabayaan na sila.
Paano susulong itong rebolusyon?
Kahit wala sila tayo ay susulong!
Patuloy ang rebo't aabante tayo
Hanggang makamit ang mithing pagbabago.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Huwag tayong sumapi sa tropang lie-low
Pagkat myembro dito'y pawang palasuko
Dati silang aktibistang masisikhay
Na sumumpang buhay man ay iaalay
Nuong una'y masisigasig sa layon,
Bandang huli'y iniwan ang rebolusyon.
Uunahin daw ang kanilang pamilya
At ang rebolusyon ay saka na muna.
Ganito ang prinsipyo ng tropang lie-low
Sa gitna ng laban, iniiwan tayo!
Huwag sundin ang kanilang halimbawa
Na sa apoy ng rebo ay patang-pata
Pag nang-iiwan sa ere ang kasama
Aba'y iwan na't pabayaan na sila.
Paano susulong itong rebolusyon?
Kahit wala sila tayo ay susulong!
Patuloy ang rebo't aabante tayo
Hanggang makamit ang mithing pagbabago.
Uwak at Pulitiko
UWAK AT PULITIKO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Uwak lamang ang tumatawag
Sa sarili niyang pangalan
Kapara nitong pulitiko
Na ang bukambibig ay "Ako"
"Ako ang nagpagawa niyan
Ako rin ang nagpondo riyan
Sa akin ang ganyang proyekto
At yaon ay pinagawa ko.
Pinasemento ko ang daan
Pati na iyang basketbulan.
Ako'y inyong dapat iboto
Pagkat ako nga'y makatao!"
Siya ba'y talagang seryoso
Na makapaglingkod sa tao?
Tingin sa maralita'y boto
Tingin sa serbisyo'y negosyo
Istorbo ang tingin sa masa
Pag nilapitan sa problema
Pulos "Ako" ang maririnig
Tila uwak ay dinadaig
Kapwa parehong sinasambit
Ngalan nila sa lumalapit.
"Uwak, uwak" sabi ng isa
"Ako, ako" anang isa pa.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Uwak lamang ang tumatawag
Sa sarili niyang pangalan
Kapara nitong pulitiko
Na ang bukambibig ay "Ako"
"Ako ang nagpagawa niyan
Ako rin ang nagpondo riyan
Sa akin ang ganyang proyekto
At yaon ay pinagawa ko.
Pinasemento ko ang daan
Pati na iyang basketbulan.
Ako'y inyong dapat iboto
Pagkat ako nga'y makatao!"
Siya ba'y talagang seryoso
Na makapaglingkod sa tao?
Tingin sa maralita'y boto
Tingin sa serbisyo'y negosyo
Istorbo ang tingin sa masa
Pag nilapitan sa problema
Pulos "Ako" ang maririnig
Tila uwak ay dinadaig
Kapwa parehong sinasambit
Ngalan nila sa lumalapit.
"Uwak, uwak" sabi ng isa
"Ako, ako" anang isa pa.
Sa Lipunang Salat
SA LIPUNANG SALAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Sa lipunang kayrami ng salat
Maraming namamatay ng dilat
Mga mata pa'y nakamulagat
Kaginhawaa'y di nalalambat
Inuulam na'y asing maalat.
Pag may isang lihim na naungkat
Hinggil sa taong nagpakabundat
Habang lipunan ay nagsasalat
Ito'y uusiging walang puknat
Pagkat ginawa niya'y salungat.
Kung may anumang nakakasapat
Ay dapat ibahagi sa lahat
Ito ang panuntunang marapat
Ipatupad sa lipunang salat.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Sa lipunang kayrami ng salat
Maraming namamatay ng dilat
Mga mata pa'y nakamulagat
Kaginhawaa'y di nalalambat
Inuulam na'y asing maalat.
Pag may isang lihim na naungkat
Hinggil sa taong nagpakabundat
Habang lipunan ay nagsasalat
Ito'y uusiging walang puknat
Pagkat ginawa niya'y salungat.
Kung may anumang nakakasapat
Ay dapat ibahagi sa lahat
Ito ang panuntunang marapat
Ipatupad sa lipunang salat.
Sa Bentador ng Laban ng Manggagawa
SA BENTADOR NG LABAN NG MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig
Sino ka mang bentador ng laban ng manggagawa
Sa aming mga obrero'y huwag kang magpapakita
Tiyak ibubuhos namin ang aming poot sa iyo
Pagkat ang ginawa mo'y kapahamakan sa obrero.

Walang Kibo
WALANG KIBO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan
Ang tao raw na walang kibo
Nasasa loob daw ang kulo.
Ang utak ba niya'y tuliro
O puso niya'y nagdurugo?
Kung may poot sa kanyang puso
Dapat na iyon ay maglaho
Baka yaong tao'y kumibo.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan
Ang tao raw na walang kibo
Nasasa loob daw ang kulo.
Ang utak ba niya'y tuliro
O puso niya'y nagdurugo?
Kung may poot sa kanyang puso
Dapat na iyon ay maglaho
Baka yaong tao'y kumibo.
Laban sa Hustisyang Pangmayaman
LABAN SA HUSTISYANG PANGMAYAMAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig
Ang awiting "Tatsulok" ay sadyang malamàn
Sa mensahe nitong napakalinaw naman:
"Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman."
Kung mayaman lang pala ang makakatanggap
Ng hustisyang sa maralita ay kay-ilap
O, kawawang sadya ang mga mahihirap
Sadyang ang gobyerno'y di sila nililingap.
Ang pagkatao nila'y mistulang alipin
Ng sistemang bulok na dapat nang baguhin
Kaya maralita'y dapat nang pangarapin
Ang isang sistemang di sila mamatahin.

Utang
UTANG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Anumang tinawag na utang
Ay sapilitang babayaran
Salapi man o kagamitan
Katumbas noo'y ibalik lang.
Utang ay matinong usapan
Ng nanghiram at hiniraman
Pag utang mo'y di binayaran
Parang nagnakaw ka rin niyan.
Pagbabayad ay katapatan
Sa anumang napag-usapan
Bayad dapat ay walang kulang
Bayaran anumang hiniram.
May mga bagay na inutang
Kahit hindi napag-usapan
Ngunit dapat lamang bayaran
Pagkat ito'y utang rin naman.
Pag salapi yaong inutang
Ibalik ang katumbas niyan
Ngunit pag buhay ang inutang
Buhay rin yaong kabayaran.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Anumang tinawag na utang
Ay sapilitang babayaran
Salapi man o kagamitan
Katumbas noo'y ibalik lang.
Utang ay matinong usapan
Ng nanghiram at hiniraman
Pag utang mo'y di binayaran
Parang nagnakaw ka rin niyan.
Pagbabayad ay katapatan
Sa anumang napag-usapan
Bayad dapat ay walang kulang
Bayaran anumang hiniram.
May mga bagay na inutang
Kahit hindi napag-usapan
Ngunit dapat lamang bayaran
Pagkat ito'y utang rin naman.
Pag salapi yaong inutang
Ibalik ang katumbas niyan
Ngunit pag buhay ang inutang
Buhay rin yaong kabayaran.
Pag Nangusap ang Salapi
PAG NANGUSAP ANG SALAPI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig, soneto
Karaniwang natatalo ng imbi
Ang mga taong may mabuting sanhi
Kapag nangusap na yaong salapi
Bigla silang magtetengang-kawali
Nauumid na pati mga labi
Magbubulag-bulagan kahit hindi
At naglulumuhod pang dali-dali.
Nang dahil sa pera'y nananaghili
Sila'y pawang nagbabakasakali
Na mabiyayaan kahit kaunti.
Prinsipyong tangan nila'y napapawi
Agad nang isinasangla ang puri
Tulad nila'y sadyang kamuhi-muhi
Mga hunyango'y kanilang kawangki.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig, soneto
Karaniwang natatalo ng imbi
Ang mga taong may mabuting sanhi
Kapag nangusap na yaong salapi
Bigla silang magtetengang-kawali
Nauumid na pati mga labi
Magbubulag-bulagan kahit hindi
At naglulumuhod pang dali-dali.
Nang dahil sa pera'y nananaghili
Sila'y pawang nagbabakasakali
Na mabiyayaan kahit kaunti.
Prinsipyong tangan nila'y napapawi
Agad nang isinasangla ang puri
Tulad nila'y sadyang kamuhi-muhi
Mga hunyango'y kanilang kawangki.
Sabado, Marso 21, 2009
Wika ni FPJ, Idolo
WIKA NI FPJ, IDOLO
ni Greg Bituin Jr.
Tagahanga kami kapwa ng aking ama
At laging nanonood ng mga pelikula
Ni FPJ pagkat ito'y pawang pangmasa
Tulad ng Panday, Asedillo't Ako ang Huhusga
Bata pa ako'y naging tatak ko na rin
Na pelikula niya'y agad kong panoorin
Marami nga siyang magagandang sawikain
Na hanggang ngayon ay tanda ko pa rin
"Ako ang isda" ang sabi sa pelikulang Asedillo
"San Antonio, hindi ako magtataksil sa iyo
Mga taong batis, ilog at dagat kayo
Kung wala kayo'y papaano na ako!"
Sa isang pelikula'y nakaharap niya'y marahas
At sinabihan siyang marami pang kakaining bigas
Aniya'y 'bigas ay sinasaing muna, di tulad ng hudas
Na bigas pa lang ay nilalamon agad ng pangahas.
Kadalasang sa pelikula siya'y nagdarahop
Bayani siyang naaapi saanmang lupalop
Ngunit kapag soba na't napuno yaong salop
Kakalusin ang mga kalaban niyang natututop.
Bilang si Aguila, anak niya'y kanyang pinayuhan
Na parang ako ang pinayuhan ng makatuturan:
"Di ako ang hanap mo sa lakbayin mong kabuuan
Ang tunay na hinahanap mo ay kahulugan."
At bilang gerilya sa bundok ay kanyang tinuran
Matapos bombahin ang isang eskwelahan
Na naglalaman ng guro't mga kabataan
Sa isang umaasang babae doon sa kabundukan:
"Hindi ako tatakas sa aking mga kagagawan
Ngunit tatalikod ako sa labanang walang katuturan
Na ang tanging dulot sa mga inosente'y kamatayan
Pawang walang malay ang biktima ng digmaan."
May mga pelikula ng pag-ibig din naman siya
At bilang Delfin ay sinabi kay Sharon Cuneta
"Ang hirap sa iyo, huli kang ipinanganak, Georgia"
At sinagot ng "Delfin, ipinanganak ka ng mas maaga."
Ilan lamang iyan sa mga natatandaan ng tao
Mula sa pelikula nitong aming iniidolo
Kaybilis bumunot ng kalibre kwarenta'y singko
Ngunit sadya namang bayani siya't makatao.

Biyernes, Marso 20, 2009
Lumbay
LUMBAY
ni Greg Bituin Jr.
nakatarak sa kaluluwa ko ang iyong pangalan
nakaukit sa dibdib ko ang iyong kagandahan
ginising mo ang nahihimbing kong kaibuturan
tila di ka na mawawaglit sa aking isipan
ngunit lumbay ang dulot mo sa aking kawalan

Ang Tanga sa Sabungan
ANG TANGA SA SABUNGAN
ni Greg Bituin Jr.
9 pantig
Isang kwentong katatawanan
Ng palabirong kaibigan:
Paano raw ba malalaman
Kung tanga ang nasa sabungan.
Madali raw makikilala
Ang nasa sabungan ay tanga
Pagkat imbes tandang ang dala
Ang kilik niya'y itik pala.
At mas may tanga pa raw diyan
Itik ay kanyang ilalaban
At ito pa ay tatarian
Upang labanan yaong tandang.
At yaon daw pinakatanga
Ay ang sa itik ay pupusta.
ni Greg Bituin Jr.
9 pantig
Isang kwentong katatawanan
Ng palabirong kaibigan:
Paano raw ba malalaman
Kung tanga ang nasa sabungan.
Madali raw makikilala
Ang nasa sabungan ay tanga
Pagkat imbes tandang ang dala
Ang kilik niya'y itik pala.
At mas may tanga pa raw diyan
Itik ay kanyang ilalaban
At ito pa ay tatarian
Upang labanan yaong tandang.
At yaon daw pinakatanga
Ay ang sa itik ay pupusta.
Miyerkules, Marso 18, 2009
Wasakin ang Gintong Tanikala
WASAKIN ANG GINTONG TANIKALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig
anumang pagkatao mayroon ang kapitalista
sa ginagawa niya'y sadya itong walang konsensya
kompetisyong malupit ang sa kanya'y nag-oobliga
sa manggagawa'y patuloy na makapagsamantala
kapitalistang walang budhi'y ayaw ding makawawa
malupit ding negosyante ang kanya mismong kabangga
di baleng magutom itong pamilya ng manggagawa
talagang sa manggagawa'y wala silang pagkalinga
di makakanti kung meron mang katiting na konsensya
itong mga negosyante't hunghang na kapitalista
sa kanila'y di baleng obrero'y tuluyang magdusa
huwag lang mabawasan anumang tutubuin nila
kapitalistang ito'y sadyang walang ginawang tama
masarap pa ang pagkain ng kanilang aso't pusa
kaysa kinakain ng kanilang mga manggagawa
sa kapitalista'y wala ngang mabuting mapapala
ngunit kayhirap kung manggagawa'y lalabang mag-isa
dapat lang silang magsama-sama sa pakikibaka
di lang sa pag-uunyon kundi pagbago ng sistema
mula sa pagiging unyonista'y maging sosyalista
kaya panawagan natin sa lahat ng manggagawa
huwag pakintabin ang tanikalang kumakawawa
putulin ang kadenang dahilan ng maraming luha
magsama-sama na't wasakin ang gintong tanikala

Linggo, Marso 15, 2009
Kalaban at Sarili, ayon kay Sun Tzu
KALABAN AT SARILI, AYON KAY SUN TZU
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig, soneto
Pakinggan itong magandang payo
Ng mandirigmang Sun Tzu na guro
Upang buhay di agad maglaho
At di agad tumagas ang dugo
Sa digmaang nakakatuliro:
"Kilalanin mo yaong kalaban
Sarili'y kilalanin din naman."
At tiyak na sa bawat digmaan
Hindi ka agad mapupuruhan
At ito'y mapapagtagumpayan.
Kaya payo ni Sun Tzu'y isipin
At sa kalooban ay angkinin
Nang matiyak ang tagumpay natin
Laban sa uring mapang-alipin.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig, soneto
Pakinggan itong magandang payo
Ng mandirigmang Sun Tzu na guro
Upang buhay di agad maglaho
At di agad tumagas ang dugo
Sa digmaang nakakatuliro:
"Kilalanin mo yaong kalaban
Sarili'y kilalanin din naman."
At tiyak na sa bawat digmaan
Hindi ka agad mapupuruhan
At ito'y mapapagtagumpayan.
Kaya payo ni Sun Tzu'y isipin
At sa kalooban ay angkinin
Nang matiyak ang tagumpay natin
Laban sa uring mapang-alipin.
Bayaning Matang Apoy ng Sobyet noong WWII
Bayaning Matang Apoy ng Sobyet noong WWII
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Sa kasaysayan ng Ruso pag pinag-aralan
Na noong Ikalawang Daigdigang Digmaan
Kinikilalang malaking ambag sa paglaban
Laban sa mga manlulusob na Aleman
Ang mga matang apoy na riple ang tangan.
Ipinagtanggol ang bayan ng buong tapat
Ng mga may riple nilang maninipat
Tangan ang ripleng tulad ng Mosin-Nagant
Nag-aapoy ang riple ng buong bigat
Sa lupa'y dugo ng kalaban ang lumapat.
Ayon pa sa aking nasaliksik
Sinisipat ang kaaway nilang mabagsik
Ng matang apoy nilang mabalasik
Pagkalabit ng gatilyo'y parang lintik
Itinumba ang sa bayan nila'y tinik.
Isnayper silang asintado't pinupuntirya
Yaong mga kaaway na sadyang itinutumba
Parang batong hindi matinag-tinag sila
Lalo't nakatitig ang matang apoy sa largabista
Halina't tunghayan ang dalawampung nangunguna
Tunghayan din natin pati ang bilang
Ng napatay nilang kalaban ng bayan
Sa nasaliksik kong naritong talaan
Sila'y mga bayaning dapat parangalan
Sa pagtatanggol laban sa mga dayuhan.
Mikhail Surkov - 702
Vasily Shalvovich - 534
Ivan Sidorenko - 542 - bayani ng Unyong Sobyet
Nikolai Ilyin Y - 494 - bayani ng Stalingrad
Ivan Kulbertinov - 487
Vladimir Pchelintsev - 456
Petr Goncharov - 445
Mikhail Budenkov - 437
Fyodor Okhlopov - 429
Fedor Dyachenko - 425
Stepan Petrenko - 422
Vasily Votes - 422
Nikolai Galushkin - 418
Afanasy Gordienko - 417
Vassili Zaitsev - 400+ - bida sa pelikulang "Enemy at the Gates"
Tuleugali Abdybekov - 397
Theodore Kharchenko - 387
Semen Nomokonov - 368
Viktor Medvedev - 362 - nakasama ni Zaitsev
Gennady Velichko - 360
Ivan Antonov - 352
Matapos ang digmaan Unyong Sobyet ay nagkaloob
Ng turing na pambansang bayaning marubdob
Kina Sidorenko, Budenkov, Zaitsev at Okhlopov
At sa iba pang nagtanggol sa bayang nilusob
Na inisa-isa ang mga kaaway na naglugmok.

Miyerkules, Marso 11, 2009
Obispong Komunista
OBISPONG KOMUNISTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
Minsan nga'y sinabi ni Obispo Camara:
"Nang bigyan ko ng pagkain ang maralita
Tinawag nila akong santong pinagpala.
Sa tanong kong 'Bakit pagkain dukha'y wala?'
Aba't tinawag agad akong komunista!"
Pagtanong ng 'Bakit?' ba'y isang kahangalan?
Komunista ka na kung nais mong malaman
Kung bakit may naghihirap at may mayaman
Kung bakit sa gobyerno'y maraming kawatan
Kung bakit ang serbisyo'y pinagtutubuan?
Bakit umiiral ang pagsasamantala?
Bakit naghahari'y uring kapitalista?
Bakit pawang tubo ang nasa isip nila?
Bakit laging kinakawawa itong masa?
Bakit dapat baguhin na itong sistema?
Ang pagtatanong ng 'Bakit?' ay tama lamang
Ito'y upang malaman ang mga dahilan
Ng mga nangyayari sa ating lipunan.
Pagtatanong na ito'y isang karapatan
Ng mga taong may tunay na karangalan.
* Obispo Helder Camara (1909-1999) ng Brazil, inihandog niya ang kanyang buong buhay para sa demokrasya't karapatan ng mga maralita

Pasakalye sa mga Hambog
PASAKALYE SA MGA HAMBOG
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
O, kayo diyang mga hambog
Ako man ay inyong madurog
Prinsipyo ko'y di maaalog
At diwa ko'y di malalasog.
Ulo ko'y di n'yo mabibilog
Kayo pa'y aking ilulubog
Sa inyong mga pagkahambog.
tulang siyampituhan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
O, kayo diyang mga hambog
Ako man ay inyong madurog
Prinsipyo ko'y di maaalog
At diwa ko'y di malalasog.
Ulo ko'y di n'yo mabibilog
Kayo pa'y aking ilulubog
Sa inyong mga pagkahambog.
Sabado, Marso 7, 2009
Kapangyarihan sa mga Alipin
KAPANGYARIHAN SA MGA ALIPIN
ni Greg Bituin Jr.
Habang nagbabaga ang talim ng aking pinsel
Namasdan ko ang maraming nagmistulang alipin
Mga aliping pinagsamantalahan ng naghaharing uri
Mga aliping sadyang umukit sa kasaysayan ng daigdig
Silang dinuhagi't inaalipusta ng nagmamagaling
Silang mga aliping dapat ay kapwa tao ang turing
Silang gumawa ng Dambuhalang Pader ng Tsina
Silang gumawa ng kinikilalang Piramide ng Ehipto
Silang lumikha ng marami pang bagay sa mundo
Silang mga kapwa tao rin natin
Hindi lamang para sa naghaharing uri ang mundo
Kundi para sa lahat ng nabuhay dito
May karapatan ang lahat
Maging ang mga alipin
Kaya ang sigaw namin at hiling
Kapangyarihan sa mga umugit ng kasaysayan
Kapangyarihan sa mga inapi't pinagsamantalahan
Kapangyarihan sa mga alipin

Diwang Bolshevismo
DIWANG BOLSHEVISMO
ni Greg Bituin Jr.
Nananalaytay sa ugat ng bawat manggagawa
Ang nasang palayain sa pagkaduhagi ang paggawa
Silang umaangkin ng mapagpalayang diwa
Diwang Bolshevismo ang tangan nila't adhika
Sadyang mapang-alipin ang barbarong diwa
Ng mga elitistang akala mo'y mapagkawanggawa
Diwang Bolshevismo ang aming ninanasa
Diwang nakasusugat ng diwa ng burgesya
Na ang sadyang layunin para sa masa
Ay ang durugin ang kapitalistang sistema
Halina't diwang Bolshevismo'y atin nang yakapin
Samahan ang uring manggagawa sa kanilang tungkulin
Na ang lumang sistema ng lipunan ay baguhin
At ang mga api'y tuluyang palayain sa pagkaalipin.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)