tanong ng anak, "Bakit po / nila pinatay si Itay?"
nang makitang ama niya'y / duguang nakahandusay
gayong kanina'y tahimik / lamang itong nagninilay
nang may pumasok sa bahay / at ama niya'y binistay
may hikbing tugon ng ina, / "Di ko alam, di ko alam
iyan na ba'y katarungan, / wala silang pakialam
dapat ay nilitis muna / kung sadyang may kasalanan
nang maipagtanggol naman / ang sarili sa hukuman"
"Ano po bang kahulugan / ng katarungan, O, Inay?
kung si Itay hinusgahan / na lang ng kung sinong kamay?"
"Ama mo'y may karapatang / magtanggol at magsalaysay
kung may nagawa ngang sala / ay ipagsakdal kung tunay."
"Dapat dumaan sa tamang / proseso, anak, due process
may dudulugan kang batas, / dadaan sa paglilitis
at di agad parusahan / ng kung sinumang herodes
sa hukuman ang pasiya," / anang inang tumatangis.
"Ngunit ang nangyari, anak, / basta lang siya binaril
extrajudicial killing daw, / isang klaseng paniniil."
"Inay, hustisya kay Itay," / tinig niya'y gumagaril
"Parusahan ang pumatay / at nag-utos ng pagkitil."
- gregbituinjr.
Linggo, Setyembre 30, 2018
Sabado, Setyembre 29, 2018
Huwag paslangin ang kapaligiran!
"Huwag paslangin ang kapaligiran!"
Ito'y isang seryosong panawagan.
May karapatan din ang kalikasan
na ito'y huwag sirain ninuman.
Ingatan natin ang kapaligiran
at mapanira'y duruging tuluyan!
Dapat magkaisa ang buong bayan
upang ating mundo'y maprotektahan!
- tula't litrato ni gregbituinjr.
(Kuha sa paglulunsad ng kampanyang "Rights of Nature" sa Arroceros Forest Park sa Maynila, Setyembre 29, 2018.

Biyernes, Setyembre 28, 2018
Pagbati kay Ms. Joan Carling
Lifetime achievement award ang alay kay Joan Carling
Na ang gobyerno sa kanya'y terorista ang turing
Champion of the Earth Award sa tulad niyang magiting
Pangangalaga sa kalikasa'y sadyang masining
Sa karapatan ng katutubo'y doon kumiling
Pinagtanggol ang kalikasan, ang puno, ang lupa
Katutubo'y di hinayaang magdusa't lumuha
Laban sa mga mapag-imbot, mga dambuhala
Aktibistang tunay, congrats po sa iyong nagawa
Mabuhay ka, Ms. Joan Carling, tunay kang dakila
- gregbituinjr.
* mula sa ulat ng ABS-CBN na may pamagat na "Activist tagged 'rebel' by Philippine gov't wins UN award", Setyembre 27, 2018
- mula sa kawing na https://news.abs-cbn.com/news/09/27/18/activist-tagged-rebel-by-philippine-govt-wins-un-award

Huwebes, Setyembre 27, 2018
Huwag kitang tamarin sa gawaing dakila
huwag kitang tamarin sa gawaing dakila
na para sa bayan at uring manggagawa
huwag makasarili't magdusa't lumuha
gawin ang para sa bukas ng mga bata
gawin ang tama't wala namang mawawala
kalikasa'y dapat laging inaalaga
dalhan ng pag-asa ang kapwa't naulila
diligan ng pag-ibig ang duguang lupa
- gregbituinjr.
na para sa bayan at uring manggagawa
huwag makasarili't magdusa't lumuha
gawin ang para sa bukas ng mga bata
gawin ang tama't wala namang mawawala
kalikasa'y dapat laging inaalaga
dalhan ng pag-asa ang kapwa't naulila
diligan ng pag-ibig ang duguang lupa
- gregbituinjr.
Miyerkules, Setyembre 26, 2018
Ayon sa isang pahayagang Pranses
di ako nakakaunawa ng salitang Pranses
bagamat nakapunta na roon ng isang beses
ngunit madali kong naunawa ang paninikis
nasa Pranses subalit may bahid ng wikang Ingles
sa kanilang dyaryo'y mababasa agad sa kober
"Rodrigo Duterte: Le president serial killer"
na nagsasabing ang pangulo'y kayraming minarder
na animo ginagawa niya'y nag-ala-Hitler
mabigat ang paratang, kung iyon ay paratang man
at mabigat din kung iyon nga ang katotohanan
ang tulad ba niya'y walang galang sa karapatan
at maraming kababayan ang nagtitimbuwangan
iyang dyaryong Pranses ba'y nagsasabi ng totoo
o mas makapagsasabi'y Pilipino't di dayo?
kahiya-hiya sa bansa kung iya'y panggugulo
mas kahiya-hiya sa bayan ang ganyang pangulo
- gregbituinjr.
* Mula sa ulat sa pahayagang Philippine Daily Inquirer na pinamagatang French paper banners Duterte as ‘serial killer president’, Oktubre 9, 2016
mula sa kawing na: http://globalnation.inquirer.net/146418/french-paper-banners-duterte-as-serial-killer-president

Martes, Setyembre 25, 2018
Isang sulyap sa kamatayan
ISANG SULYAP SA KAMATAYAN
(batay sa isang sikat na litrato hinggil sa EJK)
hindi siya pinaslang dahil siya'y pasahero
na nilabag yaong babala sa batas-trapiko
gaya ng pinahihiwatig doon sa litrato
na yakap ng babae ang duguang mahal nito
sa lansangan ba ang tulad niya'y isang balakid?
siya ba'y itinumba dahil sa maling pagtawid
o maling pagbaba o pagsakay? bakit hinatid
sa kamatayan ng kung sinong sukab na di batid?
kung may sala sa batas, bakit di muna nilitis?
bakit ang tulad niya'y tiniris na parang ipis?
nasaan ang proseso't di ginalang ang due process?
bakit sa kapangyarihan sila'y nagmamalabis?
hustisya'y gigil na hiyaw ng kanilang pamilya
anila'y dapat munang nilitis ang mahal nila
kung may pagkakasala nga'y sa piitan magdusa
at huwag basta hatulan ng punglo sa kalsada

Lunes, Setyembre 24, 2018
Nakaratay ang kalikasan
Ang kalikasan
sa karamdaman
ay naparatay.
May kagagawan
ay mapag-imbot
sa gandang taglay
nitong daigdig
na pilit sinira
ng mga sakim.
Kaya ialay
natin ang lakas,
isip, sarili,
upang ingatan
ang kalikasang
dugtong ng buhay.
Poprotektahan
ito upang di
masirang tunay.
- gregbituinjr.
sa karamdaman
ay naparatay.
May kagagawan
ay mapag-imbot
sa gandang taglay
nitong daigdig
na pilit sinira
ng mga sakim.
Kaya ialay
natin ang lakas,
isip, sarili,
upang ingatan
ang kalikasang
dugtong ng buhay.
Poprotektahan
ito upang di
masirang tunay.
- gregbituinjr.
Linggo, Setyembre 23, 2018
Mga ligaw na tanim
MGA LIGAW NA TANIM
Maraming naglipanang ligaw na tanim sa syudad
Gayong tanim ay doon sa semento nakalantad
Animo'y sinaka itong sadya't namumukadkad
Ligaw man silang mga tanim na napadpad dito
Imburnal man ay natirahan ding nilang totoo
Gagawin lahat kahit buhay man dito'y magulo
Ang tanim mang laking gubat, saan man mapadako
Walisin man ng masamang damo'y kusang tutubo
Ningning ng kapalarang papawiin ang siphayo
Ating masdan, bakit tumubo ang ligaw na tanim
Tinahak ang kagubatan ng lungsod at sinimsim
At tiniyak mabubuhay sila kahit sa dilim
Nakikipagkarerahan sa kay-init mang lungsod
Iniinda ang banas kahit nadarama'y pagod
Makita lang buháy ang pamilya'y nakalulugod

Sabado, Setyembre 22, 2018
Sa mga manhid
"This world is dangerous not because of many evil but because of those who do not do anything and just watching while others are suffering." ~ Albert Einstein
SA MGA MANHID
nakatunganga lang, di baleng maraming mamatay
di man lang kumilos at pahalagahan ang bùhay
nakatanghod lang kahit kapwa na'y nakahandusay
ngingisi-ngisi kahit mga dukha'y pinapatay
tuod na animo kalooban nila'y palagay
ang natokhang ay di isang sineng pinanonood
na dapat palakpakan habang iba'y nakatanghod
nakadudurog ang pangil ng buwaya sa tuod
tumatagos din ang kuko ng lawin sa gulugod
sa sariling bayan kayraming sa dugo nalunod
sa kababayang pinapaslang, walang pakiramdam
basta di sila ang ginalaw, walang pakialam
sa karapatang mabuhay ng dukha'y nang-uuyam
tingin pa na tokhang sa dukha'y tama at mainam
ganyang baluktot nilang katwira'y kasuklam-suklam
kayraming inosenteng sa karimlan ibinulid
wala nang paglilitis, ang hininga pa'y pinatid
walang awang pinaslang ng kung sinong di mabatid
katarungan ba'y kilala ng isipang makitid
kung karapatang mabuhay nga'y di dama ng manhid

Biyernes, Setyembre 21, 2018
Magulang na Nanggulang ng mga Anak
MAGULANG NA NANGGULANG NG MGA ANAK
(mula sa ulat na "Anak 4, 6, 10, at 12, Gamit sa Live Show",
pahayagang Bulgar, Setyembre 21, 2018, p. 2)
kaylulupit ng mga magulang ng mga batang ito
ginagamit sila sa internet para sa live show
katwiran ng inang suspek, siya'y walang trabaho
kaya binugaw ang anak nang kumitang totoo
bata'y edad apat, anim, sampu't labindalawa
anang ulat, malalaswang palabas sila
artista sa operasyon ng walanghiyang ina
walang muwang na pinagkakakitaan na pala
nang dahil sa gutom, mga anak ang pinahamak
magulang pa ang nagsipitas sa mga bulaklak
nang dahil sa hirap, niluray ang mga pinitak
kawalang dangal na di pa madalumat ng anak
nahan na ang liwanag, bakit nawalan ng bait
na upang kumita'y ginamit ang sariling paslit
ginawa nila sa anak ay sadyang anong lupit
walanghiyang magulang ay dapat lamang mapiit

Huwebes, Setyembre 20, 2018
Pagpapatawaran
matingkad na nagkukulay-dugo ang puso
tatalbog-talbog lang na parang bolang bungo
naroon ang binata sa kanyang pagsuyo
sabik marating ang kanyang pinipintuho
"mahal kita", sabi niya sa iniibig
"galit ako", tugon sa kanyang nang-uusig
pakikipag-ugnayan sa kanya'y kaylamig
dapat nang magkasundo upang magkaniig
may mga sumusugat sa kaibuturan
may mga pagdurugo rin ng kalooban
subalit may daan sa pagpapatawaran
kung mag-uusap lang sila't mag-iibigan
balang araw, makakamit din ang pagsinta
malilipad ang ulap, tulad ng agila

Miyerkules, Setyembre 19, 2018
Ang payapang langgam
ANG PAYAPANG LANGGAM
ako'y isang langgam
doon sa kantina
ang iba pang guyam
ay kasa-kasama
hanap ay matamis
tulad ng asukal
masipag magtiis
kahit sa masukal
nagsisipag kami
at nagtutulungan
sa araw at gabi
walang kapaguran
kami'y walang puknat
sa pagtatrabaho
ngunit mangangagat
pag iyong ginulo
- gregbituinjr.
ako'y isang langgam
doon sa kantina
ang iba pang guyam
ay kasa-kasama
hanap ay matamis
tulad ng asukal
masipag magtiis
kahit sa masukal
nagsisipag kami
at nagtutulungan
sa araw at gabi
walang kapaguran
kami'y walang puknat
sa pagtatrabaho
ngunit mangangagat
pag iyong ginulo
- gregbituinjr.
litrato'y kuha ng makata |
Biyernes, Setyembre 14, 2018
Tula sa ika-25 anibersaryo ng BMP
TULA SA IKA-25 ANIBERSARYO NG BMP
ni Greg Bituin Jr.
- tulang akrostika, binubuo ng 15 pantig bawat taludtod
Pagpupugay sa Anibersaryong Pilak (ika-25) ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Bukluran ng Manggagawang Pilipino - B.M.P.
Unyunismo, sosyalismo, taas-kamao kami
Kapitalismong salot ang kalabang anong tindi
Lulupigin ito kaya kami'y nagpaparami
Upang itayo ang lipunang tunay na may silbi
Rebolusyon ay isang daan tungong pagbabago
At edukasyon ay paraan para sa obrero
Na ang welga'y paaralan na dapat unawa mo
Na pagkakaisa nila'y mahalagang totoo
Gaano man kahirap ay magwawagi rin tayo
Manggagawa, magkaisa, ang aming panawagan
At manggagawa ang magpapalaya nitong bayan
Na kahit na matindi ang mga nararanasan
Ginagawa ang nararapat ng may katapatan
Ginigising ang bayan nang mabago ang lipunan
Ating itataguyod ang kapakanan ng uri
Gulugod ang prinsipyong tangan, layunin at mithi
Atin ding dudurugin ang pribadong pag-aari
Wakasan ang burgesya't elitistang paghahari
At ibabagsak na ang sistemang mapang-aglahi
Nanggugulang lagi itong kapitalistang ulol
Ginugulangan ang masang di marunong tumutol
Pangil ng kapitalismo'y gawin nating mapurol
Ibagsak ang burgesyang may buntot na buhol-buhol
Lupigin ang kapital na asong kahol ng kahol
Igawad ang pamumuno sa uring manggagawa
Pagkaisahin natin ang hukbong mapagpalaya
Isipin natin paano haharapin ang sigwa
Ng kapitalismong nagdulot ng hirap at luha
Organisadong manggagawa ang ating adhika
* Ang tula'y nilikha ika-14 ng Setyembre 2018, kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 taon ng BMP.

LAHAT (Lupa, Araw, Hangin, Ako, Tubig)
LAHAT
13 pantig bawat taludtod
ni gregbituinjr.
L - Lupa
A - Araw
H - Hangin
A - Ako
T - Tubig
LUPA
mula sa lupa, pagkain ay nalilikha
halaman, palay, likas-yamang pinagpala
ito'y tahanan ng bawat buhay sa lupa
dapat pangalagaan, di dapat masira
sakahin at linangin, ingatan ang lupa
ARAW
araw ang dakilang apoy sa kalooban
nagbibigay-sustansya sa mga halaman
nagbibigay din ng init na katamtaman
araw ang bituin ng buong santinakpan
na atin ding gabay sa pusod ng karimlan
HANGIN
narito sa tabi natin, di nakikita
itong hanging karugtong ng ating hininga
ang nitroheno't oksiheno'y nadarama
dapat lagi itong malinis sa tuwina
nang lahat tayo'y mabuhay ng masagana
AKO
ako ay nilikha dito sa santinakpan
upang kapwa nilalang ay pangalagaan
hayop, halaman, gubat, dagat, kalikasan
itataguyod ang kanilang kapakanan
nang lahat tayo sa biyaya'y makinabang
TUBIG
tubig yaong bumubuhay sa mga isda
pandilig ng bukid, pampataba ng lupa
pantighaw din sa uhaw ng irog na mutya
may tubig sa katawan ng bawat nilikha
tubig ay ingatan at mahalagang sadya
LAHAT
lupa, araw, hangin, ako, tubig, ang LAHAT
sa buong daigdig ay sadyang nakakalat
ito'y narito sa atin ng sapat-sapat
pakamahalin ng may buong pag-iingat
marapat lang na ang bawat isa'y mamulat

Huwebes, Setyembre 13, 2018
Kung may pera'y gagawa ako ng sariling bahay
kung may pera'y gagawa ako ng sariling bahay
sa isang sabanang masarap magpahingang tunay
sa lindol man, unos o baha'y di basta bibigay
puno ng pagmamahalan at talagang matibay
kakaibang bahay na katatagpuan ng aya
at makakalikasan din pag nakita ng masa
isang tahanang dinulot ng tunay na pagsinta
at tila paraisong walang pagsasamantala

Miyerkules, Setyembre 12, 2018
Maliit man o malaki ang durungawan
Martes, Setyembre 11, 2018
Hibik ng isang bagong kasal
HIBIK NG ISANG BAGONG KASAL
wala pang trabahong sapat / sa bagong kasal tulad ko
na sadyang makabubuhay / kahit minimum ang sweldo
kaysipag magboluntaryo / sa may samutsaring isyu
at kaysipag ding tumula / wala namang bayad dito
makabubuhay ba naman / ng pamilya itong gawa
na gaano man kasipag / ay mauuwi sa wala
dapat kumayod ng todo / nang isip ay di tulala
magsipag na't magtiyaga / nang pamilya'y di lumuha
may abilidad din naman / subalit walang tumanggap
sa tulad kong aktibistang / masipag at may pangarap
sa isa kong inaplayan / ang sabi ng nakausap
baka tayuan ng unyon / ang opisinang lilingap
mag-buy-and-sell na lang kaya / dapat may pondo kang tangan
mag-konstruksyon na lang kaya / malusog ba ang katawan
magturo ng mathematics / di tapos sa pamantasan
mangolekta ng basura / baka may pagbebentahan
mag-araro na lang kaya / baka may buhay sa bukid
magtanim ng puno't baka / mabuting palad ang hatid
o maging marino't baka / may perlas na masisisid
magpaalila huwag lang / buhay na ito'y mapatid
nag-sekretaryo heneral / ng tatlong organisasyon
dapat pang ayusin ang SEC / nitong samahang may misyon
igalang ang karapatan / bagong lipunan ang bisyon
ngunit wala pa ring sahod / kailan ako aahon

Huwebes, Setyembre 6, 2018
Sa ika-72 kaarawan ng aking ina
SA IKA-72 KAARAWAN NG AKING INA
Setyembre 6, 2018
Taospusong pagbati sa mahal kong ina
At sa daigdig na ito'y natatangi ka
Mapagmahal sa asawa, anak at apo
Sadyang ipagmamalaki sa mundong ito
Tulad mo'y tala sa bilya ng santinakpan
Tulad mo'y bituin doon sa kalangitan
Akong anak nyo't ang asawa kong si Libay
Ngayon sa inyo'y taospusong nagpupugay
Aming pagbati'y maligayang kaarawan
Nawa'y laging nasa mabuting kalagayan
Matatag, masikap at mapagmahal man din
Salamat po sa mga payo't tagubilin
Taospuso naming pagbati, Mommy Virgie!
Nawa'y di magkasakit. Malusog kang lagi!

Miyerkules, Setyembre 5, 2018
Sa ika-65 kaarawan ng aking biyenan
SA IKA-65 KAARAWAN NG AKING BIYENAN
Setyembre 5, 2018
Pagbati ko po'y maligayang kaarawan, Nanay
Sa inyong bunying araw, taospusong pagpupugay!
Maraming salamat sa inyo't inyong ibinigay
Ang mahal ninyong anak, ang asawa kong si Libay!
Tulad nyo'y matatag na puno sa gubat ng lungsod
Kaharap man ang suliranin, matibay ang tuhod
Nanay Sophia, biyenang sadyang nagtataguyod
Ng magandang bukas, mga payo'y kalugod-lugod
Nawa'y lagi kayong nasa mabuting kalagayan
Di nagkakasakit at maayos ang kalusugan
Nawa buhay nyo'y humaba pa sa sandaigdigan
Salamat pong muli at maligayang kaarawan!

Sabado, Setyembre 1, 2018
Ang tato sa katawan ng dilag
ANG TATO SA KATAWAN NG DILAG
ano kayang nakasulat sa gilid ng katawan
ng magandang mutya sa tila pinintang larawan
nais kong mabasa iyon, aking pakatitigan
sa buhay niring dilag ay ano ang kahulugan
nangungusap ang mga mata ng magandang mutya
mapang-akit, sinumang lalaki'y matutulala
subalit di bagay ang mulang langit na diwata
sa tulad kong mahirap pa sa daga't hampaslupa
nais ko na lang mabasa ang nakasulat doon
baka matandang salawikain pa ito noon
baka makabagong payo sa modernong panahon
o di kaya'y sa tindig at tatag mo'y mapanghamon
nais kong mabatid ang mensahe, ako na'y sabik
bakit iyon ang isinulat, anong kanyang hibik
ah, nais kong masilayan kung anong natititik
baka isang payo sa gagawaran ko ng halik

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)