mabuti na lamang at siya'y nakaligtas
laban sa mga taong sadyang mararahas
mabuti na lamang at siya'y nakaalpas
mula sa mga kidnaper na talipandas
sampung taong gulang ay kaybilis mag-isip
gamit ang bolpen, kanyang sarili'y sinagip
sa mga taong katinua'y di malirip
buti't nailigtas ang buhay ng gahanip
maging listo sa panahong ito ng sindak
kung saan namumuntirya ang mga uwak
mag-ingat upang di kayo mapapahamak
pag-ingatang lalo ang inyong mga anak
dapat pigilan ang tulad nilang kuhila
upang kabataan ay di mapariwara
- gregbituinjr.
Miyerkules, Pebrero 21, 2018
Sabado, Pebrero 17, 2018
Ulap at Puso
kaygandang salubong ng umagang sariwa
sa bagong kasal na anaki'y pinagpala
ulap nga'y sumaksi sa pagsintang dakila
pagkat nagsapuso sa pagpupulutgata
(greg and liberty bituin, 021518, nasugbu, batangas)
sa bagong kasal na anaki'y pinagpala
ulap nga'y sumaksi sa pagsintang dakila
pagkat nagsapuso sa pagpupulutgata
(greg and liberty bituin, 021518, nasugbu, batangas)
Miyerkules, Pebrero 14, 2018
Mga ngiti ng bagong kasal
Matatamis na ngiti
Namumula ang labi
Pagsinta'y naghahari
Sa pusong nagkatali
(Greg and Liberty Bituin, 021418, Tanay, Rizal)
Namumula ang labi
Pagsinta'y naghahari
Sa pusong nagkatali
(Greg and Liberty Bituin, 021418, Tanay, Rizal)
Martes, Pebrero 13, 2018
Sa huling araw ng pagiging binata
SA HULING ARAW NG PAGIGING BINATA
ang pagpapakasal ba sa sinta'y isang pagsubok?
o nakaamba rito'y di madalumat na dagok?
ang huling araw ng pagiging binata ba'y rurok?
magsasamang maluwat at problema'y malulunok?
subalit dapat kaming magsumikap at mag-impok
at tanggapin ang ganitong katotohanang tampok
ngayon nga ang huling araw ng pagiging binata
bukas magaganap na'y pag-iisang puso't diwa
bagamat ako'y karaniwang tao't maglulupa
na patuloy pa ring naglilingkod sa manggagawa
tinanggap ako't inibig ng sinta ko’t diwata
bituin sa langit ay ikukwintas ko sa mutya
tila baga ang tadhana sa amin umaayon
may banta mang unos, di nagsusungit ang panahon
senyales nga ba iyon ng magandang nilalayon
na pagsasama'y titibay sa hampas man ng alon
salamat sa pagiging binata ng laksang taon
ngayon na'y handang humarap sa panibagong hamon
- gregbituinjr./02132018

Biyernes, Pebrero 9, 2018
Aking babalikan ang pisika't matematika
AKING BABALIKAN ANG PISIKA'T MATEMATIKA
sa pag-aasawa, bagong buhay na ang kaharap
kaya nais kong balikan ang dati kong pangarap
pag-aralan ang pisika't matematika'y hanap
repasuhin ang mga paksa sa bawat hinagap
ang pisika'y pag-aaral ng mosyon at materya
paano ba ang daloy halimbawa'y enerhiya
pati dagsin o grabidad ay mapag-aralan pa
paano ba tumatakbo ang natural na pwersa
aldyebra ay parang mahikang kaysarap lutasin
pati na aritmetika'y anong gandang aralin
ang tatsulok sa trigonometriya'y susukatin
kumplikadong kalkulus ay muling rerepasuhin
kung sa pagtataling-puso'y iba na ang tinahak
pagbabalik sa asam na paksa'y dapat matiyak
kaya mag-aral muli, pumasa't huwag bumagsak
baka may trabahong ibubuhay sa mga anak

Huwebes, Pebrero 8, 2018
Rinig mo ba ang tibok niring aking puso?
Rinig mo ba ang tibok niring aking puso?
E, di ba't alam mong ika'y pinipintuho?
Bubusugin kita ng tamis ng pagsuyo
Oo, pagsinta ko sa iyo'y punumpuno
Lunas ka sa kalumbayang nararanasan
Umukit sa diwa ang iyong kagandahan
Sinusuyo kita kahit sa panagimpan
Yapos ng aking puso ang iyong larawan
O kaya'y ililipad kita sa mga bituin
Nang luningning mo'y sa langit bibitin-bitin
Ako'y bubuyog bang pulos palipad-hangin?
Ramdam mo ba ang pintig ng aking damdamin?
Yayakagin kita't tutungo ta sa langit
O, sinta't sa paraiso ko'y ipipiit

Miyerkules, Pebrero 7, 2018
Sa musa ng kariktan
SA MUSA NG KARIKTAN
tulad ka ba ng musa ng aking panitik
na aking inaalayan ng tula't halik
alam mo bang ako'y laging sa iyo'y sabik
pagkat sa puso ko, ngalan mo'y natititik
nadudurog ako pag di ka nasilayan
tamis mong ngiti'y laging pinananabikan
nais kong habambuhay na makatuluyan
ikaw na sinisintang musa ng kariktan
gabi'y kumikislap pag ating tingalain
suntok sa buwan kung langit pa'y lalakbayin
upang doon ay aking tuluyang pitasin
yaong ikukwintas ko sa iyong bituin
iilang araw na lang ang ipaghihintay
pagtataling-puso'y magaganap nang tunay

Lunes, Pebrero 5, 2018
Mag-amang magkaaway
bakit sa panahong ito mag-ama'y magkaaway
pamagat ng ulat: "sa anak, ama ang kumatay"
sa isa pang ulat: "sa ama, anak ang pumatay"
"ang anak, kinatay ng ama na galing sa lamay"
"anak na tumalon sa ilog, ama ang humalay"
ano nang nangyayari dito sa ating daigdig
mga balita'y sa lalamunan nakabibikig
mismong mag-ama, silang bawat isa'y nilulupig
sinong magwawagi kung wala na silang pag-ibig
bilang mag-amang usapin ay dapat dinirinig
dapat mag-usap, huwag daanin sa karahasan
dinggin pa rin ang pintig sa puso'y binubukalan
di ba't may pag-asa ang bulong ng kapayapaan
upang ang magkapamilya'y makapagpatawaran
sa mga salang dapat dinadaan sa usapan
wala na bang puwang ang pag-ibig sa inyong puso
huwag nyong payagang iduyan kayo ng siphayo
sa mga suliraning sa puso'y nagpapadugo
problema'y gawing palipad-hangin hanggang maglaho
upang bilang mag-ama, kayo'y manatiling buo

Biyernes, Pebrero 2, 2018
Lalaki man ay tinig din ng kababaihan
lalaki man kami'y tinig din ng kababaihan
kung ako'y haligi, asawa'y ilaw ng tahanan
dapat lamang ipagtanggol ang bawat kasarian
aba'y tingni ang nasa Kartilya ng Katipunan
kaya pagbibirong apatnapu't dalawang birhen
ang sa banyaga'y pasalubong at dapat maangkin
ay di katanggap-tanggap, kahit pagbibiro man din
ang mga kababaihan ay di dapat bastusin
dapat maging tinig din ng babae ang lalaki
pagkat noong nanliligaw pa lang sa binibini
ay binigkas na ng puso ang pagsintang kaylaki
kaya puri ng babae'y ipagtatanggol dini
baliw man ang hari ay hari pa ring naghahari
may tatalima pa rin sa utos na di mabali
ngunit ang hari'y di bathalang di maduduhagi
babagsak din siya sa gawaing kamuhi-muhi

Sabi mo, dreamer ako
sabi mo, dreamer ako, dahil manunulat
kaya kinakabahan kang ako'y masilat
na pag nagmaneho'y mabangga akong sukat
na pag malayo’y nilakad, paa'y bumigat
sabi mo, ako'y nangangarap kahit gising
nananaginip habang kita'y magkapiling
nakatunganga sa langit, animo'y himbing
ang isip ay malalim kahit nagsisiping
sabi ko, ikaw ang sa puso ko'y diwata
tunay ka ngang diyosang aking minumutya
sabi mo, dapat akong tumuntong sa lupa
pagkat pambili ng isasaing nga'y wala
kaya sabi ko, ako na'y magtatrabaho
tanong mo, mamamasukan ka bang obrero
sagot ko, nais kong magsulat sa diyaryo
napailing ka't naglambing na lang sa dulo

Huwebes, Pebrero 1, 2018
Salin ng panalangin ni Pope Francis laban sa fake news
Panalangin ni Papa Francisco upang Labanan ang mga "Huwad na Balita"
Malayang salin mula sa wikang Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.
Panginoon, gawin mo kaming instrumento ng iyong
kapayapaan.
Tulungan mo po kaming makilala ang nakakubling
kasamaan sa isang pag-uusap na hindi nagtatatag
ng pagkakaisa.
Tulungan mo po kaming tanggalin ang lason sa aming mga paghuhusga.
Tulungan mo po kaming magsalita hinggil sa aming
kapwa bilang aming mga kapatid.
Kayo po ay matapat at mapagkakatiwalaan;
nawa ang aming mga salita'y maging binhi ng kabutihan sa daigdig:
Kung saan may sigawan, nawa'y masanay po kaming makinig;
Kung saan may kaligaligan, nawa'y makapagbigay po
kami ng inspirasyon ng pagkakasundo;
Kung saan may kalabuan, nawa'y makapagdala po kami ng kalinawan;
Kung saan may pagbubukod, nawa'y makapag-alay po
kami ng pagkakabuklod;
Kung saan may makapukaw-damdaming usapin, nawa'y magkaroon po ng kahinahunan;
Kung saan may kalabisan, nawa'y maibigay po namin
ang totoong mga tanong;
Kung saan may kapinsalaan, nawa'y makapukaw po kami
ng pagtitiwala;
Kung saan may paglalabanan, nawa'y makapagdala po kami ng paggalang;
Kung saan may kasinungalingan, nawa'y madala po namin ay katotohanan. Amen.
- Papa Francisco, pahayag sa Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon 2018
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)