lalaki man kami'y tinig din ng kababaihan
kung ako'y haligi, asawa'y ilaw ng tahanan
dapat lamang ipagtanggol ang bawat kasarian
aba'y tingni ang nasa Kartilya ng Katipunan
kaya pagbibirong apatnapu't dalawang birhen
ang sa banyaga'y pasalubong at dapat maangkin
ay di katanggap-tanggap, kahit pagbibiro man din
ang mga kababaihan ay di dapat bastusin
dapat maging tinig din ng babae ang lalaki
pagkat noong nanliligaw pa lang sa binibini
ay binigkas na ng puso ang pagsintang kaylaki
kaya puri ng babae'y ipagtatanggol dini
baliw man ang hari ay hari pa ring naghahari
may tatalima pa rin sa utos na di mabali
ngunit ang hari'y di bathalang di maduduhagi
babagsak din siya sa gawaing kamuhi-muhi
- gregbituinjr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento