Huwebes, Pebrero 1, 2018

Salin ng panalangin ni Pope Francis laban sa fake news


Panalangin ni Papa Francisco upang Labanan ang mga "Huwad na Balita"
Malayang salin mula sa wikang Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Panginoon, gawin mo kaming instrumento ng iyong
kapayapaan.

Tulungan mo po kaming makilala ang nakakubling
kasamaan sa isang pag-uusap na hindi nagtatatag
ng pagkakaisa.

Tulungan mo po kaming tanggalin ang lason sa aming mga paghuhusga.

Tulungan mo po kaming magsalita hinggil sa aming
kapwa bilang aming mga kapatid.


Kayo po ay matapat at mapagkakatiwalaan;
nawa ang aming mga salita'y maging binhi ng kabutihan sa daigdig:

Kung saan may sigawan, nawa'y masanay po kaming makinig;

Kung saan may kaligaligan, nawa'y makapagbigay po
kami ng inspirasyon ng pagkakasundo;

Kung saan may kalabuan, nawa'y makapagdala po kami ng kalinawan;

Kung saan may pagbubukod, nawa'y makapag-alay po
kami ng pagkakabuklod;

Kung saan may makapukaw-damdaming usapin, nawa'y magkaroon po ng kahinahunan;

Kung saan may kalabisan, nawa'y maibigay po namin
ang totoong mga tanong;

Kung saan may kapinsalaan, nawa'y makapukaw po kami
ng pagtitiwala;

Kung saan may paglalabanan, nawa'y makapagdala po kami ng paggalang;

Kung saan may kasinungalingan, nawa'y madala po namin ay katotohanan.  Amen.

- Papa Francisco, pahayag sa Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon 2018

Walang komento: