pati pabrika'y sinalsal ng trapo
pigang-piga ang lakas ng obrero
sa hangad na tubo'y nagpakatuso
nagpaalipin sa kapitalismo
pulpol na pulitiko'y mga maton
na buwis ng bayan ang nilalamon
di malutas ang kontraktwalisasyon
pagkat ayaw ng mga panginoon
bakit sa ganid sila naglilingkod
at sa dukha kunwari'y nakatanghod
mga budhi ba nila'y nauupod
kaya batas na’y nagtila pilantod
minsan dapat din tayong tumingkayad
upang matanaw ang dapat malantad
sa harap ng bayan nga'y nakatambad
ang kanilang budhing animo'y bayad
- gregbituinjr.
Biyernes, Hunyo 30, 2017
Huwebes, Hunyo 29, 2017
Tunggalian ng uri
di nagtatrabahong amo’y bundat sa kabusugan
bundat na bundat sa pagsagpang, di mabilaukan
obrero'y gawa ng gawa, sadyang nahihirapan
nagugutom na pamilya’y laging nasa isipan
- gregbituinjr.
bundat na bundat sa pagsagpang, di mabilaukan
obrero'y gawa ng gawa, sadyang nahihirapan
nagugutom na pamilya’y laging nasa isipan
- gregbituinjr.
Miyerkules, Hunyo 28, 2017
Kuryente'y serbisyo, di negosyo
nagsalita na ang sambayanan
sila na'y pawang nahihirapan
kuryenteng mahal ay tinutulan
pagkat dagdag pasanin sa bayan
kuryente'y serbisyo, di negosyo
sa plantang coal, bayan ay dehado
ngala-ngala'y magiging barado
sa bulsa at baga pa'y perwisyo
kalikasa'y kaytagal nagtiis
sa maruming karbong labis-labis
ang buhay ng tao'y numinipis
dahil karbon na ang tumutugis
renewable energy'y gamitin
at plantang coal ay iwaksi na rin
presyo ng kuryente'y pababain
pati buwitre sa bayan natin
budhi ng negosyo'y tila hubad
naglalaway lang sa tubong hangad
hustisya'y pagong pa ring umusad
sa bayang iniikot sa palad
- tula't litrato ni gregbituinjr.
sila na'y pawang nahihirapan
kuryenteng mahal ay tinutulan
pagkat dagdag pasanin sa bayan
kuryente'y serbisyo, di negosyo
sa plantang coal, bayan ay dehado
ngala-ngala'y magiging barado
sa bulsa at baga pa'y perwisyo
kalikasa'y kaytagal nagtiis
sa maruming karbong labis-labis
ang buhay ng tao'y numinipis
dahil karbon na ang tumutugis
renewable energy'y gamitin
at plantang coal ay iwaksi na rin
presyo ng kuryente'y pababain
pati buwitre sa bayan natin
budhi ng negosyo'y tila hubad
naglalaway lang sa tubong hangad
hustisya'y pagong pa ring umusad
sa bayang iniikot sa palad
- tula't litrato ni gregbituinjr.
Martes, Hunyo 27, 2017
Maligayang kaarawan sa aming guro
MALIGAYANG KAARAWAN SA AMING GURO
Para kay Mam Lorna Josue
maligayang kaarawan po sa dakilang guro
na noong bata pa kami'y matatag na nagturo
mula sa labong, nagsanga hanggang sa maging puno
sadyang sa payo ng aming guro kami'y lumago
tinuruan nyo akong maging matapang, di dungo
kayang harapin anumang pagsubok at siphayo
ang inyong lingkod po'y nasa lugar mang anong layo
ay nagsasabing maraming, maraming salamat po!
nawa lagi kayong malusog, tumatag pang lalo
pagmamahal ng estudyante nyo'y di maglalaho
taas-kamao pong pagpupugay mula sa puso
para sa isa sa mga nakilala kong guro
HAPPY BIRTHDAY PO!
- mula po sa inyong estudyante sa elementarya, Gregorio V. Bituin Jr.

Hinggil sa komentula
Poetic justice for a poet?
HINGGIL SA KOMENTULA
Ang tula ay tula bagamat nakasusugat din
Kung libelo ang komentula, hinay-hinay na rin
Baka pati ang pluma ko'y kung saan lang pupulutin
Kung ipipiit ang komentulang isa bang krimen
Ngunit kahanga-hanga ang kaibigang makata
Kahit pangunahing biktima ng alon ng sigwa
Ganyan na ba sa bayan kong sawi at napapatda
Sa samutsaring isyung sa madla animo'y sumpa
Halina't patuloy tayong magsabi ng totoo
Makata'y di tulad ng tuwid-ang-tinging kabayo
Kundi kritikal sa baya't lipunang nilulumpo
Hindi bulag sa harapang nakikitang abuso
Mga komentula natin ay dapat magpatuloy
Mensahero'y di dapat magapos sa punungkahoy
Ang mga titik at katha'y di nila maluluoy
Lalo't si Hustisya'y kakamping di dapat palaboy

Lunes, Hunyo 26, 2017
Tungkulin ng makata
tungkulin ng makatang ilantad ang anumang mali
lalo na ang panggugulang ng naghaharing uri
lalo na't pagpapakatao'y pinagbali-bali
kaya dapat matatag sa harap ng laksang imbi
ilantad anumang gawa ng mga salanggapang
lalo't buhay at dignidad ang kanilang inutang
makata'y mapipiit o patay sa pananambang
ngunit tula ng makata'y di nila mapapaslang
kung agad kinukumpuni ang makinang nasira
ngunit sa obrerong naputlan ng daliri'y ngawa
kapitalistang switik ay dapat lang matuligsa
pagkat makina'y una kaysa kanyang manggagawa
magsasaka'y kayod-kalabaw sa di-aring bukid
lupa'y inararo, pagkain sa hapag ang hatid
manggagawa sa pabrika'y nakatutok sa ikid
ngunit sa katusuhan ng puhunan nangabulid
nahirati sa pananambang ang mga ulupong
patuloy ang pag-asinta sa mga dukha't lulong
pag walang salapi'y ayaw gamutin ang kurikong
sa transakyon sa pamahalaan kayraming patong
hindi ba't ganyan ay marapat lamang tuligsain
upang maitama ang palakad sa bayan natin
di ba't makata'y kakampi mo sa budhi't mithiin
lalo't tangka ng sukab na karapata'y lumpuhin

Linggo, Hunyo 25, 2017
Makata ng lumbay
Makata ng lumbay ang taguri sa inyong lingkod
At lagi umanong sa kawalan ay nakatanghod
Kung susuriin, ang katha mismo'y pila-pilantod
Animo'y alaga sa kirot ang mga taludtod
Tula'y di madalumat, animo'y hitik sa dusa
Ang kalungkutan ng makata'y tanging kanyang-kanya
Nanlalamig ang kalooban, bangkay ang kapara
Ganggamunggo ang luha pagkat sinawi ng musa
Lupit ng kahapon ang humehele sa damdamin
Umaasang ang musa'y kanya pa ring maaangkin
Makatang sawimpalad ba'y nakasusulat pa rin?
Bakit sa kasawian siya'y nalulunod man din?
Ang tangi niyang magagawa habang nagninilay
Yapusin ang mga titik kahit nakahingalay

Sabado, Hunyo 24, 2017
Pagsakol ng kanin
"mas nais kong sakulin ang kanin
kaysa naman ito'y kutsarahin"
anang isang matandang ubanin
habang sa labas nagpapahangin
dama ang dulot ng kalikasan
tingni ang tanim at kaparangan
magsasaka'y nagkakapatiran
sa paggapas ng palay, tulungan
ang pagsakol ng kanin ay damhin
at hanging amihan ay samyuin
bawat butil ay ating nguyain
at mumo'y huwag hayaan man din
damhin ang pintig ng magsasaka
at tiyak na iyong madarama
pulso ng buhay ay tangan nila
sila at ang bukid ay iisa
- gregbituinjr.
kaysa naman ito'y kutsarahin"
anang isang matandang ubanin
habang sa labas nagpapahangin
dama ang dulot ng kalikasan
tingni ang tanim at kaparangan
magsasaka'y nagkakapatiran
sa paggapas ng palay, tulungan
ang pagsakol ng kanin ay damhin
at hanging amihan ay samyuin
bawat butil ay ating nguyain
at mumo'y huwag hayaan man din
damhin ang pintig ng magsasaka
at tiyak na iyong madarama
pulso ng buhay ay tangan nila
sila at ang bukid ay iisa
- gregbituinjr.
Biyernes, Hunyo 23, 2017
Ngayong Hunyo, dalawang tula sa Liwayway
Dalawang kaibigan sa pagtula
sa Liwayway ay muling nalathala.
Mabuhay kayo, mga kamakata
sa inyong marurubdob na pagkatha!
- gregbituinjr.
sa Liwayway ay muling nalathala.
Mabuhay kayo, mga kamakata
sa inyong marurubdob na pagkatha!
- gregbituinjr.
Huwebes, Hunyo 22, 2017
Usapan ng maya at ng agila
ang bulong ng maya sa agilang pilantod:
bakit naman kaybaba niring sinasahod
kailangan ba naming sa iyo'y lumuhod
araw-gabi nga kami'y iyong pinapagod
aba'y sigaw agad ng agilang sukaban:
kontraktwal kasi kayo't walang karapatan
iyang amo ninyo'y kontraktor na gahaman
kaya gutom ng pamilya nyo'y pagtiisan
hilakbot ang maya sa tugon ng agila:
di ka pala agila kundi buwitre ka
na kaysaya sa pinaghirapan ng iba
kayong maypagawa'y sa iba ipinasa
agila'y sinigawan ang mayang tulala:
kami ang may-ari, wala kang magagawa
ari mo lang ay ang iyong lakas-paggawa
pagpaumanhi't isinilang kang kawawa
masama man ang loob, ang maya'y tumugon:
alam mo, di ka nariyan habang panahon
balang araw, kami rin ay makakaahon
lalo't nagkaisa kaming magrebolusyon

Martes, Hunyo 20, 2017
Siyang Tunay, Kamahalan
SIYANG TUNAY, KAMAHALAN
sadya ngang tunay ang pagmamahal
oo, tunay ngang may nagmamahal
pagmamahal sa puso'y nagwarat
nagmamahal na di madalumat
nagmahal ang presyo ng bilihin
pati pamasahe'y nagtaas din
dagdag sa baon, saan kukunin
kung sa munting sahod ay gipit din
kamahalan, anong 'yong pananaw
iyang puhunan ba'y sadyang bakaw
sa manggagawang gutom at uhaw
baka sa kamahalan, papanaw
karapatan ba'y nabubusalan
kaya di makaangal ang bayan
kaymahal ng pangangailangan
oo, siyang tunay, kamahalan
- gregbituinjr.
sadya ngang tunay ang pagmamahal
oo, tunay ngang may nagmamahal
pagmamahal sa puso'y nagwarat
nagmamahal na di madalumat
nagmahal ang presyo ng bilihin
pati pamasahe'y nagtaas din
dagdag sa baon, saan kukunin
kung sa munting sahod ay gipit din
kamahalan, anong 'yong pananaw
iyang puhunan ba'y sadyang bakaw
sa manggagawang gutom at uhaw
baka sa kamahalan, papanaw
karapatan ba'y nabubusalan
kaya di makaangal ang bayan
kaymahal ng pangangailangan
oo, siyang tunay, kamahalan
- gregbituinjr.
Sa Lungsod ng Putik
maganda pa rin ba ang lungsod na puno ng putik
na ang kalsada'y lubog agad sa ulang tikatik
lungsod ng kaunlarang sa pag-asa sana'y hitik
ngunit sagana sa dukhang sa gutom humihibik
nasaan na ang pag-asang inaasam ng dukha
mula sa gobyernong animo'y pugad ng kuhila
bakit ang pamahalaan ay nagiging pabaya
hinahayaang mamamayan niya'y hampaslupa
sa danas na kaunlaran, lungsod daw ang gulugod
upang ipakitang ang bansa'y maunlad, malugod
kaya pala maraming bahay kaytaas ng bakod
kaya pala mga obrero'y kaybaba ng sahod
gusali'y nagtatayugan, dukha'y walang matirhan
bawat isa'y nagkanya-kanya bunsod ng puhunan
mundo'y pinaiikot lang sa palad ng iilan
nasa may salapi lamang ba iyang kaunlaran?

Lunes, Hunyo 19, 2017
Tungkulin ng propagandista
sumisikdo ang dibdib, utak at dugo'y tumigis
puso'y nalulumpo ngunit umaarteng kaybangis
sa harap ng iba, kabiguan ay nililihis
propagandista pa rin kahit labis ang pagtangis
kahit sariling buhay ng propagandista'y lugmok
luha'y nilalagok at kasawia'y nilulunok
sa tungkuling magpropaganda pa rin nakatutok
upang moral ng masa'y iangat hanggang sa tuktok
kaytalim ng mga katagang kapara ay lintik
kalabang kaytalino'y nilalampaso sa putik
sa bawat sulok, propaganda niya'y natititik
sa diwa't kalooban ng kapwa'y isinisiksik
propagandista'y di dapat makitang isang sawi
kahit na buong buhay niya'y pawang luha't hapdi

Dinadaan na lang sa tula ang buhay na hungkag
dinadaan na lang sa tula ang buhay na hungkag
pumapalaot sa talampas ng isang lagalag
patuloy ang laban, ayaw maging kahabag-habag
niyayapos pa rin yaong prinsipyong di matibag
lakad ay kilo-kilometro't walang pamasahe
matikas kahit pagod sa harap ng binibini
kahit walang salapi'y ayaw magmukhang pulubi
habang mumunting mumo't latak ay isinusubi
pinanday ng karanasan ang iwing kalooban
kaya nahaharap anumang pagsubok pa iyan
nalalakad kahit na kasukalan ng kawalan
nang makitang matatag sa harap ng kabiguan
kahit na iwing puso'y patuloy na nananangis
malunod man sa luha'y matikas pa rin ang bihis

Linggo, Hunyo 18, 2017
Balangis
kaytinding sandata ng mandirigma ang balangis
dalawang patpat na matigas na kapara'y arnis
pag si Sanggre Danaya ang gumamit anong bilis
pananggol laban sa mga kaaway na kaybangis
sintigas yaon ng kahoy na naga o kamagong
pag tinamaan ang ulo'y puputok, balagoong
maaaring pag-isahin pag ito'y pinagdugtong
mapapabagsak sa iglap sinumang dumaluhong
balangis ay ariing asawa o kaibigan
kakampi, kasama, sa pagtulog man o digmaan
hindi ka matitinag ng kalaban mong sukaban
kapag balangis ay kinasanayan mong tanganan
balangis ay sagisag ng mandirigma ng lahi
pag-ibig, katapatan, tagapagtanggol ng puri
uuwing luhaan sinumang makakatunggali
kung sa pagtangan ng balangis nagsasanay lagi

Biyernes, Hunyo 16, 2017
Tula sa unli-rice
UNLI-RICE
mula nang pangalanang Philippine rise ang Benham rise
saka napabalitang bawal na raw ang unli-rice
malalim ang dagat, puno ng biyodibersidad
masama raw sa kalusugan kung sa kanin mabundat
ngunit yung maypakana ng panukalang iyon
ay may alam bakit bukid ay naging subdibisyon
wala nang mabungkal, wala nang matamnan ng palay
tapos unli-rice pa'y ipagbabawal nilang tunay
hay buhay, tinamaan ba tayo ng mga lintik
masa'y tinatamaan di pa ba tayo iimik
lupa ng magsasaka na nga'y kinuhang tuluyan
pati ba naman sa unli-rice tayo'y babawalan

Huwebes, Hunyo 15, 2017
Tumbang Preso
TUMBANG PRESO
tinumba na nila bago pa maging preso
tinokbang na nila kahit walang proseso
wala nang magawa, sila na'y binabraso
tila manok ang pinaslang, ito ang uso
di na lata ang kanilang inaasinta
kundi ulo na ang kanilang pinuntirya
dati't tsinelas lang, ngayon ay pulos bala
dahil talagang salot daw pag durugista
kumakalam ang tiyan, bato'y dudurugin
durog na durog hanggang ito na'y singhutin
wala nang katinuan, ang isip na'y praning
mag-ingat baka gahasain ka't patayin
noong bata pa, tumbang preso'y laro lamang
sinasapul ang lata doon sa may bambang
ngayon, bago pa maging preso'y pinapaslang
para raw maging payapa ang bayang hirang
may proseso ang batas pag nagkasala ka
dapat kang managot, dapat ay may hustisya
sa piitan dapat matantong magbago na
mabuti nang maging preso kaysa itumba

Miyerkules, Hunyo 14, 2017
Isa man akong animal
isa man akong animal, ay, oo, isang hayop
marunong din akong tumanaw ng utang na loob
lalo na sa tulad nilang sa akin ay kumupkop
sa panahong ako'y nasa dusa at nagdarahop
- gregbituinjr.
marunong din akong tumanaw ng utang na loob
lalo na sa tulad nilang sa akin ay kumupkop
sa panahong ako'y nasa dusa at nagdarahop
- gregbituinjr.
Lunes, Hunyo 12, 2017
Hunyo 12, 1898 - Deklarasyon lang ng kalayaan?
araw ng kalayaan daw dahil bansa'y lumaya
mula sa pagsiil ng mananakop na Kastila
ngunit napailalim sa Amerikang kuhila
naging malaya na nga ba ang tinubuang lupa?
hindi, pagkat nagpalit lang ng bagong panginoon
mula Espanya'y naging Amerika naman iyon
bansa'y binili ng dolyar na dalawampung milyon
iyan ba, iyan ba, ang paglaya nilang nilayon?
nagpalit lang ng panginoon, naging malaya na?
tuwang-tuwa sila't tinanggap nila'y "demokrasya"
kaya marami pa rin ang totoong nakibaka
pagkat bagong poon ang namahala sa kanila
nagdeklara ng paglaya'y isang pangulong sutil
may alam sa Supremo't Heneral Luna'y pagkitil
tinamong “laya” ng bayan ay patuloy na sikil
na tila minana ng mga pulitikong taksil
araw lang iyon ng deklarasyon ng kalayaan
deklarasyon lang kahit di pa lumaya ang bayan
kaydilim pa rin ng kalagayan ng sambayanan
milyon pa rin ay dukha't walang pagkain sa pinggan
- gregbituinjr.
12 Hunyo 2017

Sabado, Hunyo 10, 2017
Panahon ng ligalig noon at ngayon
noon, panahon ni Makoy, panahon ng ligalig
yurak ang karapatan, laksa'y nawalan ng tinig
lagim ng diktadura'y kayrami nang pinag-usig
maraming nangawala, pinaslang, laya'y nilupig
ngayon, panahon ng ligalig ay muling naulit
bagong namumuno'y diktador palang anong lupit
kayraming mahihirap ang pinaslang, iniligpit
ang bagong lider animo'y nawalan na ng bait
sa pagbabalik ngayon ng panibagong ligalig
ang sambayanan ay dapat muling magkapitbisig
upang tiranya'y labanan hanggang ito'y malupig;
sa prinsipyo, dangal at paglaya tayo sasandig
huwag tayong manghina, patuloy tayong lumaban
ang bayan nating ito'y iligtas sa kasawian
- gregbituinjr.
* ang tulang ito na may 15 pantig bawat taludtod, ay nilikha at binasa sa harap ng mga dumalo sa aktibidad ng People's Campaign Against Tyranny (PCAT) sa Bantayog ng mga Bayani, Hunyo 10, 2017
* maraming salamat sa PCAT sa pagbibigay ng pagkakataon upang makapag-alay ng tula sa nasabing aktibidad
Huwebes, Hunyo 8, 2017
Buwan, buwan, huwag mo silang hulugan ng sundang
buwan, buwan, huwag mo silang hulugan ng sundang
at baka gamitin nila iyon upang manokbang
nagkalat na ang mga dugo sa sabana't ilang
kayrami nang inulila ng patakarang hibang
laksa-laksa’y tinokbang, di na mahapayang gatang
buwan, buwan, huwag mo silang hulugan ng sundang
kung buhay ng tao'y di na nila iginagalang
dapat mag-ingat baka berdugo na'y nakaabang
sa mga nakikibaka para sa karapatang
pantao na dapat lamang nating ipagsanggalang

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)