NAHAN?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
(Sa pandaigdigang araw ng mga desaparesido o mga nangawala, International Day of the Disappeared tuwing Agosto 30)
kaytindi ng panahong pawa na lang lunggati
na yaring tanang buhay, puno ng dalamhati
tuliro na ang diwa, puso'y walang baluti
patuloy sa pagdugo, hustisya yaong mithi
sari-sari ang kwento, iba't iba ang bintang
ang mga nangawala'y tuluyan bang pinaslang
alaala'y kaypait, hanggang gunita na lang
nangyari sa kanila'y sino ba ang maylalang?
o, kayhirap mawalan ng ating minamahal
lalo't di natin alam paano ba napigtal
yaong kanilang buhay, kami'y natitigagal
katawan kaya nila'y saan na nangabuwal?
kahit anumang bakas, sasaliksiking pilit
hustisyang inaasam ay aming igigiit
nahan si ama't ina, pati aming kapatid?
sinong berdugo't bakit buhay nila'y pinatid?
para bagang sa likod, may tarak ng balaraw
bawat nilalakaran, kaydilim kahit araw
ang panahong ligalig, bakit nangingibabaw?
mailap na hustisya'y kailan matatanaw?
Sabado, Agosto 31, 2013
Martes, Agosto 27, 2013
Manininda laban sa pork barrel
MANININDA LABAN SA PORK BARREL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
mga manininda'y nakiisa rin doon
laban sa pork barrel na ugat ng kurapsyon
pork barrel daw ay ilaan sa edukasyon
at di sa bulsa ng mambabatas na maton
pork barrel, ilaan sa pagkain ng dukha
para sa pabahay ng mga maralita
para sa kalusugan ng mga kawawa
pork barrel, tanggalin sa kamay ng kuhila
tanggalin sa kamay ng mga mambabatas
pagkat ninanakaw ng mga mambubutas
iyang kabangbayan ay binabalasubas
ng mga kawatan at trapong talipandas
kayraming pera ng gobyerno, kitang-kita
ngunit sa serbisyo'y kulang, ibinubulsa
kaya panawagan ng mga manininda
pork barrel, ilaan sa serbisyo sa masa

Linggo, Agosto 25, 2013
Sa lakambining tinatangi
SA LAKAMBINING TINATANGI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
kaysarap pagmasdan ng kaytamis mong ngiti
kitang pareho ng adhikain at sanhi
sinta, nais kong nakikita kitang lagi
makasama ka'y aking pinakamimithi
kaysayang hagkan ng magaganda mong labi
lakambini kitang tunay kong tinatangi

Sabado, Agosto 24, 2013
Kung ako, aking mahal, ang iyong iibigin
KUNG AKO, AKING MAHAL, ANG IYONG IIBIGIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
kung ako, aking mahal, / ang iyong iibigin
ihahandog sa iyo / kahit isang bituin
pangarap nating lipunan / ang ating tatahakin
sasamahan kang lagi / landasin man ay bangin
kung ang iibigin mo, / aking mahal, ay ako
pakakasalan kita / saanman ang nais mo
at magkasama nating / bubuhaying totoo
ang ibinungang anak / na nanggaling sa iyo
kung ako, aking mahal, / ang pakamamahalin
dadalhin ka sa langit / ng bawat pangitain
bundok ay tatahakin / pati himpapawirin
lalo sa mga lugar / na sadyang matulain
kung ang mamahalin mo / ay ako, aking mahal
aking ipakikita / bawat mabuting asal
aking ipadarama / ang pag-ibig na bukal
kapwa natin gagawin / pamumuhay na banal
pag inibig mo ako, / sinisintang diyosa
hanggang sa kamatayan / tayo ay magkasama
tanging hiling ko lamang / sa iyo, aking sinta
ang matamis mong oo'y / huwag ipagkait pa

Biyernes, Agosto 23, 2013
Limang Tanaga sa Barungbarong
LIMANG TANAGA SA BARUNGBARONG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
DINGDING
yari sa tagpi-tagpi
ang dingding ko'y sawali
di malungkot, di sawi
ang tahanang may ngiti
BAHAY
sira na yaong bubong
ng aking barungbarong
kung bumagyo'y lulusong
pag baha na sa silong
TAHANAN
tahanan ko ma'y dampa
basta't walang kawawa
puso ko'y sumisigla
sa dampang maginhawa
KAHIRAPAN
nakatira'y mahirap
na laging nangangarap
makakaahong ganap
pag patuloy ang sikap
KARAPATAN
dukha'y may karapatang
magkaroong tahanan
bahay na pahingahan
ng pagod na katawan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
DINGDING
yari sa tagpi-tagpi
ang dingding ko'y sawali
di malungkot, di sawi
ang tahanang may ngiti
BAHAY
sira na yaong bubong
ng aking barungbarong
kung bumagyo'y lulusong
pag baha na sa silong
TAHANAN
tahanan ko ma'y dampa
basta't walang kawawa
puso ko'y sumisigla
sa dampang maginhawa
KAHIRAPAN
nakatira'y mahirap
na laging nangangarap
makakaahong ganap
pag patuloy ang sikap
KARAPATAN
dukha'y may karapatang
magkaroong tahanan
bahay na pahingahan
ng pagod na katawan
Limang Dalit sa Kalibre.45
LIMANG DALIT SA KALIBRE.45
ni Gregorio V. Bituin Jr.
PANANGGA
kalibre kwarenta'y singko
ang tangan niyang totoo
tsapa niya't abogado
sa sinong loloko-loko
LAYON
ano bang iyong adhika
ang magkabaril ba't tama
kung ang layon mo'y masama
kakamtin mo'y dusa't luha
PAGBUNOT
pag baril, iyong binunot
tiyakin mong ipuputok
pag ikaw ay nagbantulot
ikaw'y kanyang ilulugmok
ASINTADO
dapat pagtira'y di sablay
di nanginginig ang kamay
pag naunahan kang tunay
mababaon ka sa hukay
HUSTISYA
dapat laging isipin mo
pagkalabit ng gatilyo
may mapapatay kang tao
makatarungan ba ito?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
PANANGGA
kalibre kwarenta'y singko
ang tangan niyang totoo
tsapa niya't abogado
sa sinong loloko-loko
LAYON
ano bang iyong adhika
ang magkabaril ba't tama
kung ang layon mo'y masama
kakamtin mo'y dusa't luha
PAGBUNOT
pag baril, iyong binunot
tiyakin mong ipuputok
pag ikaw ay nagbantulot
ikaw'y kanyang ilulugmok
ASINTADO
dapat pagtira'y di sablay
di nanginginig ang kamay
pag naunahan kang tunay
mababaon ka sa hukay
HUSTISYA
dapat laging isipin mo
pagkalabit ng gatilyo
may mapapatay kang tao
makatarungan ba ito?
Linggo, Agosto 18, 2013
Kung dumiskarte ang mga kasama
KUNG DUMISKARTE ANG MGA KASAMA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
yaong mga kasama'y pawang maparaan
magaling dumiskarte sa pang-araw-araw
ngunit may sinusunod silang panuntunan
gabay ay kawastuhan, prinsipyadong galaw
anumang hiniram ay dapat mong ibalik
anumang iyong nasira'y bayarang pilit
ang paggalang sa kapwa'y nasa puso't isip
dito'y laging pagpapakatao ang salik
huwag lalamangan ang manggagawa't dukha
igalang ang mga babae't matatanda
maging makatwiran sa bawat pasya't gawa
maging makatarungan din sa puso't diwa
kapos ka man sa buhay sa araw at gabi
mabuhay lang ang pamilya'y dumidiskarte
nagtatrabaho't nagsisikap ng maigi
sa kapwa'y di nanlalamang, di nang-aapi
dumidiskarte ng maayos at marangal
binabayarang wasto ang perang hiniram
kung mangusap sa kapwa'y tunay na magalang
ang diskarte'y may pagpapakataong tunay
mabuhay kayong sa bayan ay nagsisilbi
nang walang pag-iimbot, may pagkabayani
kasama'y prinsipyado nga kung dumiskarte
at sa kanila'y hindi kayo magsisisi

Sabado, Agosto 17, 2013
Di ako nakikibaka upang magpasikat lang
Di ako nakikibaka upang magpasikat lang
Ito'y simulaing niyakap ko't pinaglalaban
Tunay ngang lumalaban kami dahil sa prinsipyo
At nang itayo ang isang lipunang makatao
Sosyalismo ay sistema ng lipunang pangarap
Rebolusyon ang tungkulin para sa hinaharap
Edukasyon ang susi upang mamulat ang masa
Pag-aralan itong lipunang mapagsamantala
Upang baguhin ito't tuluyan nating palitan
Yakap ang prinsipyo'y babaguhin ang kasaysayan
At kasama ang uring manggagawa'y magwawagi
Na tanging susi'y pagkakaisa ng buong uri
- gregbituinjr.

Biyernes, Agosto 9, 2013
Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya (Soneto 29)
Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya (Soneto 29)
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya
Mag-isa kong niluha ang hamak kong kalagayan
Nabingi ang langit sa walang silbi kong pagluha
Sa sarili'y tumingin, sinumpa ang kapalaran
Nais kong matulad sa may mayaman ang pag-asa
Maging tulad niya't dumami ang kaibigan ko
Nais ang sining niya't ang sakop pa ng iba
Di gaanong masaya sa kung anong mayro'n ako
Sa ganitong gunita'y sa sarili'y nasusuklam
Nagkataong lagay ko't ikaw yaring iniisip
Tulad ng biro'y bumangon sa pagputok ng araw
Mula sa mapanglaw, umawit sa pinto ng langit
Dahil pagsinta mo'y nagdulot ng ibayong saya
Kaya ayaw kong mga hari'y aking makasama

Ang hirap kapag umuulan
ANG HIRAP KAPAG UMUULAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
humaharurot ang sasakyan habang umuulan
kaya ang tubig-baha, ikaw pa'y matatalsikan
aba'y papasok pa lang ang bata sa paaralan
ikaw naman ay patungo na sa inyong tanggapan
at ang iba naman ay sa kanilang pagawaan
bago pumasok, para kayong nakipagbasaan
uniporme'y nababasa sa pagdatal ng ulan
dahil kaybilis ng andar noong isang sasakyan
dahil ang tsuper nito'y tila walang pakiramdam
sa mga papasok pa lang ay walang pakialam
anong ating dapat gamitin kapag umuulan
payong, kapote, dangkal ng mabuting kaasalan
disiplina ng bawat tsuper at ng mamamayan
nang makapasok ng maayos sa patutunguhan

Huwebes, Agosto 8, 2013
Ang lapis at ang pambura
ANG LAPIS AT ANG PAMBURA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig bawat taludtod
"Paumanhin," anang lapis sa pambura.
"Ha? Bakit? Wala kang nagawang masama,"
Ang pambura'y agad na tugon sa kanya.
Sumagot ang lapis na bago lang hasa:
"Pagkat katawan mo'y nababawasan na.
Sa mga mali kong sa tuwina'y gawa
Ay naririyan ka't bura na ng bura.
Ang pakiramdam ko ikaw'y lumuluha"
"Tinuran mo'y tunay," sabi ng pambura
"Ngunit ano pa bang aking magagawa
Sa tungkuling iyan ako tinalaga
At sanhi kung bakit tulad ko'y nilikha.
May papalit namang gaya kong pambura
Sakali mang ako'y tuluyang mawala.
Ang tungkuling aking sa kanya'y pamana
Buong tapat din n'yang gagampanang kusa.
Kaya, lapis, huwag ka nang mag-alala
Ako'y masaya sa tungkulin ko't gawa."

Martes, Agosto 6, 2013
Ako si Asoge
AKO SI ASOGE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
ako itong si Asogeng may dalang ulat
tila walang hapo, may kabal na akibat
para bang nakasakay sa talim ng kidlat
nang matuling maihatid ang nararapat
may kasabihan nga ang matatandang dukha
kaybilis mag-ulat, may pakpak ang balita
kaytuling kumalat, may taynga ang lupa
ganyan ang balita kung masagap ng madla
kayrami ng nangyayaring dapat mabatid
kung walang mga taong dito'y naghahatid
mula sa bulungan, anasan ng litid
ulat ay nalalaman ng mga kapatid
ito ang papel ng mga tagapag-ulat
mahalagang balita'y isinisiwalat
huwag lang kasinungalingan ang ikalat
dahil ganito'y pawang tsismis na maalat
* asoge - tagalog sa mercury

Lunes, Agosto 5, 2013
Kung ang kapitalismo'y...
KUNG ANG KAPITALISMO'Y...
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Kung ang kapitalismo'y napakalaking akasya
Obrero'y mga palakol na sisibak sa kanya
Unti-unti'y puputulin ang malalagong sanga
Mga sanga'y panggatong nang makakain ang masa.
Kung ang kapitalismo'y napakataas na tore
Buhay-hari ang kapitalistang ngingisi-ngisi
Toreng itinayo ng manggagawang nagsisilbi
Ay dapat nang buwagin ng mga obrerong api.
Kung ang kapitalismo'y agilang lilipad-lipad
Manggagawa'y di sisiw na dadagitin lang agad
Sila'y isniperong riple'y tangan, na tanging hangad
Na masapol pag ulo nitong agila'y lumantad.
Kung ang kapitalismo'y tulad ng isang buldoser
Na manggagawa sa pabrika ang minamasaker
Tanganan mo, manggagawa, laban sa mga Hitler
Iyang masong inyong dapat ipambuwag sa pader.

Linggo, Agosto 4, 2013
Pagbati
Kumusta na ba kayo, mga kaibigan?
Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan
Di naaapi't pinagsasamantalahan
Ginagalang lahat ng mga karapatan
Sapagkat kayo'y masunuring mamamayan.
Komunista ba kayo, mga kababayan?
Dahil kumikilos laban sa kahirapan?
Nais na kamtin ang pantay na karapatan
Nakikibaka upang lumaya ang bayan
Sa kuko ng mapagsamantalang lipunan.
Kumusta na kayo? Komunista ba kayo?
Bakit pinagtatanggol ang mga obrero?
Magsasaka, babae, karaniwang tao?
Laban sa mga mapagsamantala't tuso!
Bakit ang dukha'y ipinagtatanggol ninyo?
Kumusta na? Komunista ba pag nanaig
Ang paggalang sa dangal ng kapwa't pag-ibig?
Bakit ang mapagsamantala'y inuusig?
At hustisyang panlipunan ang bukambibig?
Bakit manggagawa'y dapat magkapitbisig?

Sabado, Agosto 3, 2013
Maging matanda'y di pases nang sundin lagi
MAGING MATANDA'Y DI PASES NANG SUNDIN LAGI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
Iyang pagsunod ay hindi simpleng paggalang
kailangang ito'y iyo ding pag-isipan
dahil matanda siya'y susundin na lamang
o dahil tama lang na siya'y paunlakan
Dahil ba matanda siya'y susundin mo na
kung sa pagsusuri mo'y mali naman siya
paggalang ba agad ang pagsunod sa kanya
at pag di ka tumalima'y masama ka na
Ang pagsunod ay dapat batay sa tama't mali
magpasya ka batay sa iyong pagsusuri
huwag sunod ng sunod para lang mapuri
maging matanda'y di pases nang sundin lagi
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)