Lunes, Mayo 19, 2008

Salamat, Doktor Che

SALAMAT, DOKTOR CHE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(nalathala sa librong “Medisina at si Dr. Che Guevara” ni GBJ, p.29, at inilimbag ng Aklatang Obrero Publishing Collective)

(lalabindalawahing pantig bawat taludtod)

Salamat, Doktor Che, sa iyong pamana
Ang sistema ngayon na tinatamasa
Ay pinag-ukulan ng pansin ng Cuba
Salamat, salamat, sa iyong ginawa.

Isang karapatan itong kalusugan
Na sa bansang Cuba’y sadyang tinutukan
Di tulad sa aming bansang Pilipinas
Magagamot ka lang kapag may pambayad.

Ipinakita mo at ipinadama
Na ang kalusugan ay matatamasa
Kung may pagbabago sa mga sistema
Pawang kagalingan ng tao ang una.

Pamana sa Cuba ay di lilimutin
Na makahulugang inspirasyon namin
Upang ang lipunan ay aming baguhin
Gagampanang husay ang aming tungkulin

Na una ang tao at hindi kalakal
Kalusugang libre ang ipaiiral
Sa bagong lipunang aming iluluwal
Upang bawat isa’y aming maitanghal.

Walang komento: