PANATA SA PAGLAYA NG URING MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(nalathala sa librong “Ningas-Bao” ni GBJ, p.67, at inilimbag ng Aklatang Obrero Publishing Collective)
mga manggagawa itong gumagawa
ng ekonomya ng bansa
alisin mo sila’t kapag nawala
itong mundo’y tiyak na titigil na
marami nang martir na manggagawa
ang nagsakripisyo, naghirap at nagdusa
napatotohanan namin ang mga aral nila
na ang paghihimagsik ay isang hustisya
makatarungang maghimagsik sa sistema
ng mga mapang-api at mapagsamantala
talastas naming may bagong mundo pa
na maitatayo itong uring manggagawa
kaya kaming mga sosyalista
ay nanumpang ioorganisa
at itutuloy ang mga pagbaka
ng mga martir na manggagawa
ipaglalaban namin ang mga obrero
pati kapakanan ng mga bagong tao
lalabanan namin ang kapitalismo
na siyang dahilan ng kasamaan sa mundo
bubuuin natin ang masayang mundo
mundong walang hayok sa tubo
kundi may sistemang sadyang matino
at mundong may bukas para kay bunso
nakatitik na sa aming sariwang dugo
ang mga aral ng marxismo at leninismo
kaya’t sosyalista kaming hindi susuko
hanggang sa lumaya ang mga obrero
mula sa kaibuturan ng aming puso’t isipan
sosyalismo’y aming ipaglalaban
panata itong aming panghahawakan
habang nabubuhay, maging sa kamatayan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento