Linggo, Disyembre 31, 2017
Nawa sa pagsalubong sa Bagong Taon 2018
NAWA SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON 2018
sadyang napakamadugo nitong nagdaang taon
kayrami ng patayan, umaga, tanghali, hapon
gabi, animo'y karaniwan lang ang mga iyon
na nangyayari, mga dukha'y sinagpang ng leyon
hilakbot ang itinititik niyon sa kasaysayan
nagpasimuno'y kasalukuyang pamahalaan
na dapat ay nagtatanggol sa ating karapatan
tulad na lamang ng nangyari sa batang si Kian
libo'y pinaslang, di dumaan sa tamang proseso
ng hustisya, na sadya namang nakapanlulumo
pinaslang na lamang ng naglalaway na berdugo
walang kara-karapatan sa mga tsonggong ito
sa maraming komunidad, pamilya'y lumuluha
pagkat ang buhay ng minamahal nila'y nawala
sa pagtambang at pagpaslang, kayraming napinsala
buhay at puso, mga kapamilya'y natulala
ngayong Bagong Taon, nawa'y mayroong pagbabago
kung may kasalanan, idaan sa tamang proseso
kung kinakailangan, maysala'y makalaboso
huwag paslangin kundi panagutan ang asunto
ngayong Bagong Taon, tamang proseso'y bigyang puwang
karapatan sa buhay ng kapwa tao'y igalang
kung nararapat, ibagsak na ang gobyernong hibang
at huwag nang hayaang ang bayan ay nililinlang
- gregbituinjr.
#NoToSalvagings #StopTheKillings #EJKnotOK #RespectTheRightToLife
Sabado, Disyembre 30, 2017
Sa mga manggagawa ng minahan
SA MGA MANGGAGAWA NG MINAHAN
marami na kayong nagtatrabahong manggagawa
minimina ang bundok, ginagalugad ang lupa
upang matagpuan ang mineral na pinagpala
kahit ang kalupaa'y patuloy na lumuluha
pikitmata sa nangyayari dahil sa trabaho
walang pakialam sa kinabukasan ng tao
gumuho man ang bundok, para sa kapitalismo
mabutas man ang lupa, para sa tubo at sweldo
bakit kayo'y manggagawang tila walang magawa
upang kalikasan ay di na tuluyang masira
kasi pag walang trabaho, pamilya nyo'y kawawa
mina ng mina, kalikasan ma'y mapariwara
mga manggagawa kayong dapat organisahin
alang-alang sa pamilya at kalikasan natin
at para sa kinabukasan ng lahing magiting
makiisa na kayo sa pakikibaka namin
lupa't tao'y wasak dahil sa asam nilang tubo
kalikasa'y labis-labis na ang damang siphayo
huwag nang sirain ang bundok at lupang ninuno
pagmina'y itigil sa panig na ito ng mundo
magkaisa lahat ng manggagawa sa minahan
pamilya't kalikasa'y sabay nating alagaan
halina't itindig ang makakalikasang bayan
at sabay na itayo ang makataong lipunan

Biyernes, Disyembre 29, 2017
Kay Libay
KAY LIBAY
Ligaya ang idinulot niring pag-ibig
Inspirasyon kita't nais kong makaniig
Buhat nang makilala ka'y iyo bang dinig
Ang hiyaw ng puso't nais ipahiwatig
Yapusin ako't kukulungin ka sa bisig
Maging sino ka man, minahal kitang tunay
Ang maging akin ka'y kaytagal kong hinintay
Huli man daw at magaling, di maglulubay
Ang larawan mo'y nasa puso't laging taglay
Lingapin mo ako't mawawala ang lumbay
Kung sakaling di mo suklian ng pagsinta
Iwing puso'y di na alam saan papunta
Tandaan mong sa puso ko'y nag-iisa ka
At di magmamaliw ang aking nadarama

Miyerkules, Disyembre 27, 2017
Pangarap kong maglayag ng isang taon sa laot
PANGARAP KONG MAGLAYAG NG ISANG TAON SA LAOT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Pangarap kong maglayag ng isang taon sa laot
Doon lilikhain ang paraisong walang takot
Marahil doon makikita ang hanap na sagot
Habang nagmumuni ng walang balakid, bantulot.
Sa pagitan ni Taning at bughaw na karagatan
Pinagninilayan ang suliranin ng lipunan
Subalit di ko pa maarok ang kailaliman
Kaya aking tinutuos ng agham at sipnayan.
Hanap ng aking mata’y samutsaring konstelasyon
Ang sinturon ni Hudas ba'y nasaan naroroon
Gabay ang mga tala umaraw man o umambon
Habang kinakatha ang ibig sa paglilimayon.
Maglalayag akong sinisinta ang nasa diwa
Sisisirin ang inaasam na perlas na mutya
Handog sa magandang dilag na may lakip na tula
Habang sa kawalan, abang lingkod ninyo'y tulala.

Martes, Disyembre 26, 2017
Tumigil na akong magsulat ng tula subalit
tumigil na akong magsulat ng tula subalit
nabuhay akong mag-uli, inspirasyon kang pilit
na pinapapasok sa aking puso't inuukit
pagkat ikaw ang diwata kong sadyang anong rikit
nang maupos na ang kandila ng pagsusumamo
upang musa nitong panitik ay dalawin ako
lumayo ako't tumungo sa ilang, walang tao
puso'y nahimbing, namuhay tulad ng ermitanyo
mutya kang dumating, binalik ako sa pagtula
ang lumang papel at pluma'y hinarap kong tulala
tila ako'y nakatitig sa damong makahiya
lilikhain ang pag-ibig sa bundok ng hiwaga
mga naipon kong taludtod ay aking hinango
sa baul ng kawalan, sa palumpong ng siphayo
salamat, mutyang mahal, diwata ka niring puso
nawa'y lalagi ka sa piling ko't di na maglaho
- gregbituinjr.
Linggo, Disyembre 24, 2017
Bati ko'y Maligayang Pasko
Bati ko'y Maligayang Pasko
Wala man akong Aguinaldo.
Kung regalo mo'y Bonifacio
Malugod na tatanggapin ko!
- gregbituinjr.
Wala man akong Aguinaldo.
Kung regalo mo'y Bonifacio
Malugod na tatanggapin ko!
- gregbituinjr.
Sabado, Disyembre 23, 2017
Ang pagpepedikab man ay marangal na hanapbuhay
ANG PAGPEPEDIKAB MAN AY
MARANGAL NA HANAPBUHAY
mumo lang kung tutuusin ang kinikita nila
sa paghatid ng pasahero, tanggap nila'y barya
sariling kayod upang makakain ang pamilya
ngayon, kabuhayan nila'y napagdiskitahan pa
ang pagpepedikab ay marangal na hanapbuhay
sa tatlong gulong man, may ngiti silang nasisilay
araw-gabi'y nagsisikap na magtrabahong tunay
ngayon, bakit kabuhayan nila ang niluluray
kung yaong bakal na ibon ay malaking negosyo
natatanggap lang ng mga pipit ay pawang mumo
di naman sila mayang paaapi sa kung sino
o baka maging langay-langayan ang mga ito
may karapatang mabuhay ang mga maralita
hayaan silang marangal na magtrabahong kusa
kahit tatlong gulong ay may hatid na ngiti't tuwa
pagkat marangal ang ginagawa nila sa madla

Miyerkules, Disyembre 20, 2017
Kumunoy na lupa
KUMUNOY NA LUPA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 na pantig bawat taludtod
nakapaglalakad pa noon sa lupang kinagisnan
ngunit ngayon, isa na iyong malagim na putikan
winasak, binaboy ng mga suwitik na minahan
ang kabukiran ay nagmistula nang isang libingan
nawasak ang lupa, dahil sa lintik na pagmimina
nawasak ang bukas, dahil sa lintik na pagmimina
nasira na ang kalikasan, dahil sa pagmimina
nasira na ang kabukiran, dahil sa pagmimina
kumunoy na ang lupang dating masayang tinatahak
kumunoy na ang lupa't nagmistula na itong lusak
sa kalansing ng ginto, minahan ay nagsihalakhak
walang pakialam kung buhay at lupa na'y mawasak
bago mahuli ang lahat, lumubog ang buong bayan
tutulan na at labanan ang ganitong kahayukan
ibaon na ang mga kapitalista ng minahan
doon sa kumunoy na lupang kanilang kagagawan

Martes, Disyembre 19, 2017
Naroroon ang alaala ng pakikibaka
patuloy pang kumikilos ang mga aktibista
isinasabuhay bawat prinsipyong tangan nila
upang maipagwagi ang lipunang sosyalista
maraming aktibistang nangalagas sa panahon
ng kahayupan, diktadura't pagsakmal ng leyon
maraming aktibistang sa ilang ay ibinaon
tanging nagugunita'y alaala ng kahapon
magbalikwas kita, ipakitang tuloy ang laban
bagong diktadura'y sa kumunoy tangay ang bayan
ibinabaon tayo sa kawalang katarungan
ibinubulid tayo sa balon ng kamatayan
panahon nila ngayon, subalit atin ang bukas
para sa katarungan, halina't magsibalikwas
- gregbituinjr.
Sabado, Disyembre 16, 2017
Ang mga Kaaway - salin ng tula ni Pablo Neruda
Ang mga kaaway
ni Pablo Neruda
Isinalin ni Greg Bituin Jr.
Dito, dinala nila ang kanilang mga baril na puno
ng pulbura at iniatas ang matinding paglipol,
Dito, natagpuan nila ang sambayanang umaawit, sambayanang muling pinagkaisa
Ng pangangailangan at pag-ibig,
At ang payat na batang babaeng may tangan ng watawat ay nahulog,
At ang isang minsang-nakangiting batang lalaki’y gumulong at nasugatan sa tagiliran
At minasdan ng natatarantang bayan ang patay na nalugmok
Sa galit at sakit.
Pagkatapos, doon
Kung saan ang patay ay nahulog, pinaslang,
Ibinaba nila ang kanilang mga watawat at ibinabad sa dugo
Upang itaas muli at ipamukha sa mga pumaslang sa kanila.
Para sa aming mga patay, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagkalat ng dugo sa aming bansa, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa pumaslang na nagdala sa amin ng pagpatay,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga taong umunlad mula sa pagkitil sa amin,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa nagbigay ng atas na naging sanhi ng aming pagdurusa,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagtatanggol sa pagkakasalang ito,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Ayokong alukin nila kami
Ng kanilang kamay - na nabubo ng
Dugo: nais ko silang parusahan.
Hindi ko sila nais na maging kinatawan,
O kaya'y manirahan sila ng maalwan sa kanilang mga tahanan:
Nais ko silang makitang nililitis
sa liwasang ito, dito sa lugar na ito.
Hinihiling ko’y kaparusahan.
The Enemies
by Pablo Neruda
Here, they brought their guns filled
With powder and ordered callous extermination,
Here, they found a people singing, a people reunited
By necessity and love,
And the skinny girl fell with her flag,
And the once-smiling boy rolled wounded to his side
And the dazed town watched the dead fall
In fury and pain.
Then, there
Where the dead fell, murdered,
They lowered their flags and soaked them in blood
To raise them again in the face of their murderers.
For these our dead, I ask for punishment.
For those who spilled blood in our country,
I ask for punishment.
For the executioner who sent us murder,
I ask for punishment.
For those who prospered from our slaughter,
I ask for punishment.
For he who gave the order that caused our agony,
I ask for punishment.
For those that defended this crime,
I ask for punishment.
I don't want them to offer us
Their hands - soaked in our own
Blood: I want them punished.
I don't want them as ambassadors,
Or living comfortably in their homes:
I want to see them tried
here in this plaza, here in this place.
I demand punishment.

Linggo, Disyembre 10, 2017
Sa panahon ng mga rampador
naglalambing yaong mga punglo
tila berdugong nais ng dugo
kamay ng rampador ang susugpo
kung nagdroga'y di nagsisisuko
dibdib ng rampador pag kumulo
manghahanting ng mga hunyango
aba'y kayraming magsisilaho
makikitang sa dugo naligo
tiyak yao'y di magandang tagpo
rampador na nakasisiphayo
bagong sistema ba'y mahahango
pag krimen ay kanilang nasugpo?
tila berdugong nais ng dugo
kamay ng rampador ang susugpo
kung nagdroga'y di nagsisisuko
dibdib ng rampador pag kumulo
manghahanting ng mga hunyango
aba'y kayraming magsisilaho
makikitang sa dugo naligo
tiyak yao'y di magandang tagpo
rampador na nakasisiphayo
bagong sistema ba'y mahahango
pag krimen ay kanilang nasugpo?
Biyernes, Disyembre 8, 2017
Di ka na mawawala sa aking gunita
di ka na mawawala sa aking gunita
lagi ka nang nasa diwa tulad ng tala
kahit pa baunan mo pa ako ng luha
ikaw ang mutya'y di na maikakaila
sa balisbis man ng talampas, nariyan ka
sa daloy ng ilog, nagtatampisaw kita
kasabay kitang naglalakad sa aplaya
naroroon ka sa bawat pakikibaka
kahit sinusumpong ako't lulugo-lugo
buryong man itong buong araw ko't tuliro
kahit na sa akin lagi kang nagtatampo
nakaukit ka na sa diwa't pusong ito
katinuan ko'y sa iyo lamang nabaliw
tila tibok ng puso'y sa batis aliw-iw
damhin mo iring taospuso kong paggiliw
pagkat pagsinta sa iyo'y di magmamaliw

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)