Sabado, Disyembre 16, 2017

Ang mga Kaaway - salin ng tula ni Pablo Neruda

Ang mga kaaway
ni Pablo Neruda
Isinalin ni Greg Bituin Jr.

Dito, dinala nila ang kanilang mga baril na puno
ng pulbura at iniatas ang matinding paglipol,
Dito, natagpuan nila ang sambayanang umaawit, sambayanang muling pinagkaisa
Ng pangangailangan at pag-ibig,

At ang payat na batang babaeng may tangan ng watawat ay nahulog,
At ang isang minsang-nakangiting batang lalaki’y gumulong at nasugatan sa tagiliran
At minasdan ng natatarantang bayan ang patay na nalugmok
Sa galit at sakit.

Pagkatapos, doon
Kung saan ang patay ay nahulog, pinaslang,
Ibinaba nila ang kanilang mga watawat at ibinabad sa dugo
Upang itaas muli at ipamukha sa mga pumaslang sa kanila.

Para sa aming mga patay, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagkalat ng dugo sa aming bansa, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa pumaslang na nagdala sa amin ng pagpatay,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga taong umunlad mula sa pagkitil sa amin,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa nagbigay ng atas na naging sanhi ng aming pagdurusa,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagtatanggol sa pagkakasalang ito,
hinihiling ko’y kaparusahan.

Ayokong alukin nila kami
Ng kanilang kamay - na nabubo ng
Dugo: nais ko silang parusahan.
Hindi ko sila nais na maging kinatawan,
O kaya'y manirahan sila ng maalwan sa kanilang mga tahanan:

Nais ko silang makitang nililitis
sa liwasang ito, dito sa lugar na ito.

Hinihiling ko’y kaparusahan.


The Enemies
by Pablo Neruda

Here, they brought their guns filled
With powder and ordered callous extermination,
Here, they found a people singing, a people reunited
By necessity and love,

And the skinny girl fell with her flag,
And the once-smiling boy rolled wounded to his side
And the dazed town watched the dead fall
In fury and pain.

Then, there
Where the dead fell, murdered,
They lowered their flags and soaked them in blood
To raise them again in the face of their murderers.

For these our dead, I ask for punishment.
For those who spilled blood in our country,
I ask for punishment.
For the executioner who sent us murder,
I ask for punishment.
For those who prospered from our slaughter,
I ask for punishment.
For he who gave the order that caused our agony,
I ask for punishment.
For those that defended this crime,
I ask for punishment.

I don't want them to offer us
Their hands - soaked in our own
Blood: I want them punished.
I don't want them as ambassadors,
Or living comfortably in their homes:

I want to see them tried
here in this plaza, here in this place.

I demand punishment.

Walang komento: