SA BAYAN NG MAGIGITING
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
sa bayan ng magigiting
diktador ay ililibing
papupurihang bayani
masa'y nanggagalaiti
di bayani ang diktador
"Di bayani ang diktador!"
bakit muling ililibing
ang dati nang nakalibing
sa lalawigang Ilokos
ng tatlong dekada halos
ngunit masa'y tumatanggi
kung Libingan ng Bayani
si Makoy ay ililibing
di payag, iiling-iling
mga bayaning nabaon
baka mag-alisan doon
"ayaw naming makasama
ang kumawawa sa masa
daming nawala, tinortyur
sa panahon ng diktador
di siya isang bayani
huwag sa aming itabi!"
Lunes, Agosto 29, 2016
Linggo, Agosto 28, 2016
Tuwang-tuwa kahit walang due process
TUWANG-TUWA KAHIT WALANG DUE PROCESS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
maraming tuwang-tuwang tuluyan nang inuubos
sanhi ng sangkaterbang krimen, kaya kinakalos
sobra na raw ang mga salbaheng naghihikahos
mabawasan man lamang sila't bayan ay umayos
upang komunidad naman ay pumayapang lubos
nagsasaya sa pagpatay kahit walang due process
sige, patayin na lahat iyan tulad ng ipis
di na magbabago iyan, pulbusin silang labis
nagbibilang ng bangkay yaong mga mababangis
parang ipis kung tao'y paslangin, walang due prosess
patayin sila, patayin lahat ng nagsashabu
kailangang tumahimik ang bayan nating ito
due process? wala iyan! patay doon, patay dito
silang sanhi ng mga krimen ay ubusing todo
wala na! wala na iyang karapatang pantao!
napapanahon na ang kultura ng impunidad
mga sugapa'y sa sariling dugo nabababad
wala nang due process, hustisya na'y nababaligtad
tuwang-tuwa pa ang madlang sa katarungan hubad
pag sa pamilya nangyari'y matuwa kaya agad?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
maraming tuwang-tuwang tuluyan nang inuubos
sanhi ng sangkaterbang krimen, kaya kinakalos
sobra na raw ang mga salbaheng naghihikahos
mabawasan man lamang sila't bayan ay umayos
upang komunidad naman ay pumayapang lubos
nagsasaya sa pagpatay kahit walang due process
sige, patayin na lahat iyan tulad ng ipis
di na magbabago iyan, pulbusin silang labis
nagbibilang ng bangkay yaong mga mababangis
parang ipis kung tao'y paslangin, walang due prosess
patayin sila, patayin lahat ng nagsashabu
kailangang tumahimik ang bayan nating ito
due process? wala iyan! patay doon, patay dito
silang sanhi ng mga krimen ay ubusing todo
wala na! wala na iyang karapatang pantao!
napapanahon na ang kultura ng impunidad
mga sugapa'y sa sariling dugo nabababad
wala nang due process, hustisya na'y nababaligtad
tuwang-tuwa pa ang madlang sa katarungan hubad
pag sa pamilya nangyari'y matuwa kaya agad?
Sabado, Agosto 27, 2016
Danica Mae Garcia, 5
DANICA MAE GARCIA, 5
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ah, kay-agang nawala ng kanyang kinabukasan
bala ang pumugto sa hininga niya't katawan
ang buhay niya'y di man lang isinaalang-alang
nadamay sa anumang wala siyang kinalaman
ayon sa balita, sinalo ng bata ang bala
na laan daw sa kanyang lolo, ngunit si Danica,
ang mahal na munting prinsesa ng kanyang pamilya,
ang nawala, kaya halina't isigaw: HUSTISYA!
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ah, kay-agang nawala ng kanyang kinabukasan
bala ang pumugto sa hininga niya't katawan
ang buhay niya'y di man lang isinaalang-alang
nadamay sa anumang wala siyang kinalaman
ayon sa balita, sinalo ng bata ang bala
na laan daw sa kanyang lolo, ngunit si Danica,
ang mahal na munting prinsesa ng kanyang pamilya,
ang nawala, kaya halina't isigaw: HUSTISYA!
http://www.abante.com.ph/bala-kay-lolo-nasalo-ng-apo.htm
BALA KAY LOLO NASALO NG APO
ni Richard Buenaventura, pahayagang ABANTE
August 25, 2016
DAGUPAN CITY, Pangasinan — Hustisya ang hiling ng pamilya ng napatay na batang edad limang taong gulang matapos nang mistulang saluhin ang bala para sa kaniyang lolo mula sa dalawang hindi pa nakikilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo kamakalawa dito.
Nakilala ang biktima na si Danica Mae Garcia, kindergarten pupil sa East Central Integrated School, residente ng Sitio Kamangaan, Bgy. Mayombo ng lungsod na ito.
Sinasabing ang talagang pakay ng mga suspek ay ang lolo ng bata na si Maximo Garcia, alias ‘Ama Jun’, 53-anyos subalit ang tinamaan sa mukha ay ang kanyang apo na noon ay naliligo.
Huminto umano ang motorsiklo sabay pagbaba ng suspek at nagpaputok ng baril. Inaalam na ng kapulisan ang motibo ng krimen kung may kaugnayan ito sa personal na alitan.
Biyernes, Agosto 26, 2016
Pagtitig ni Medusa sa mga sugapa
PAGTITIG NI MEDUSA SA MGA SUGAPA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
sa pagtitig ni Medusa'y nagiging bato
ang sugapang sa mga bato nagkagusto
animo'y grabang nagsama-sama ng husto
tulala, kaipala'y magngingising aso
hahalakhak ay biglang magiging seryoso
aandap-andap ang kanilang mga titig
tila si Medusa'y naroong nakatindig
ang taumbayan kaya'y kanino papanig
sa sugapang sa mga bato nagpalupig
o sa sambayanang sa kanila'y umusig
nagiging bato sa pagtitig ni Medusa
madalas sa sarili'y nawawala sila
nagiging halang na ang puso't kaluluwa
putla na't namayat, nanlalaki ang mata
animo'y pating ang tingin sa lumba-lumba
sa titig ni Medusa ba'y mayroong lunas
o dapat si Medusa'y tuluyang mautas
bunutin ang ugat at tiyak malulutas
nang di maging bato ang madla, pati pantas
nang di masira ang pangarap nila't bukas
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
sa pagtitig ni Medusa'y nagiging bato
ang sugapang sa mga bato nagkagusto
animo'y grabang nagsama-sama ng husto
tulala, kaipala'y magngingising aso
hahalakhak ay biglang magiging seryoso
aandap-andap ang kanilang mga titig
tila si Medusa'y naroong nakatindig
ang taumbayan kaya'y kanino papanig
sa sugapang sa mga bato nagpalupig
o sa sambayanang sa kanila'y umusig
nagiging bato sa pagtitig ni Medusa
madalas sa sarili'y nawawala sila
nagiging halang na ang puso't kaluluwa
putla na't namayat, nanlalaki ang mata
animo'y pating ang tingin sa lumba-lumba
sa titig ni Medusa ba'y mayroong lunas
o dapat si Medusa'y tuluyang mautas
bunutin ang ugat at tiyak malulutas
nang di maging bato ang madla, pati pantas
nang di masira ang pangarap nila't bukas
Huwebes, Agosto 25, 2016
Nagsasaya ang bayan sa maraming patay?
NAGSASAYA ANG BAYAN SA MARAMING PATAY?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
nagsasaya na itong bayan sa maraming patay
habang kayrami na ng katawang pinagbibistay
mga bala na'y nagsipanahan sa laksang bangkay
mga sugapa sa bato'y tuluyang nangahimlay
kultura ng impunidad ba'y umiral nang tunay
sa bayan ng dukhang pagkatao na'y niluluray
nagbabakasakaling sa kanilang pagkamatay
sambayanan na'y papayapa't ligtas na ang buhay
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
nagsasaya na itong bayan sa maraming patay
habang kayrami na ng katawang pinagbibistay
mga bala na'y nagsipanahan sa laksang bangkay
mga sugapa sa bato'y tuluyang nangahimlay
kultura ng impunidad ba'y umiral nang tunay
sa bayan ng dukhang pagkatao na'y niluluray
nagbabakasakaling sa kanilang pagkamatay
sambayanan na'y papayapa't ligtas na ang buhay
Miyerkules, Agosto 24, 2016
Minsan na akong naligaw
minsan na akong naligaw
nang minsan akong nanligaw
di makita ang pauwi
pagkat ako'y isang sawi
animo'y isang diwata
ang dalagang minumutya
subalit ang binibini
sa pagsinta ko'y tumanggi
may iba palang nanuyo
lalamunan ko'y nanuyo
ang nangyari sa pag-ibig
nayari't iba'ng nandilig
minsan lang akong nanligaw
nabigo ako't naligaw
- gregbituinjr.
nang minsan akong nanligaw
di makita ang pauwi
pagkat ako'y isang sawi
animo'y isang diwata
ang dalagang minumutya
subalit ang binibini
sa pagsinta ko'y tumanggi
may iba palang nanuyo
lalamunan ko'y nanuyo
ang nangyari sa pag-ibig
nayari't iba'ng nandilig
minsan lang akong nanligaw
nabigo ako't naligaw
- gregbituinjr.
Sabado, Agosto 20, 2016
Biktima nga lang ba ang durugistang duwag?
BIKTIMA NGA LANG BA ANG MGA DURUGISTA?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
biktima nga lang ba ang mga durugista
ng kahirapang kinasasadlakan nila?
wala nga ba silang ibang pagpipilian
kaya pagdodroga'y niyakap nang tuluyan?
dahil ba sila'y nawawala sa sarili
ay tanggapin na lang ang kanilang sinabi?
dahil ba sila'y may karapatang pantao
kaya dapat dumaan sa due process of law?
sila'y atin lang bang laging uunawain
dahil maysakit kaya nga iintindihin?
ang sugapa'y duwag, maraming sinusuwag
sa droga nanghiram ng tapang pagkat duwag
dumatal na problema'y di kayang harapin
nandadamay ng iba't gagawa ng krimen
kaya dapat pigilan ang mga sugapa
nang di mambiktima't maraming makawawa
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
biktima nga lang ba ang mga durugista
ng kahirapang kinasasadlakan nila?
wala nga ba silang ibang pagpipilian
kaya pagdodroga'y niyakap nang tuluyan?
dahil ba sila'y nawawala sa sarili
ay tanggapin na lang ang kanilang sinabi?
dahil ba sila'y may karapatang pantao
kaya dapat dumaan sa due process of law?
sila'y atin lang bang laging uunawain
dahil maysakit kaya nga iintindihin?
ang sugapa'y duwag, maraming sinusuwag
sa droga nanghiram ng tapang pagkat duwag
dumatal na problema'y di kayang harapin
nandadamay ng iba't gagawa ng krimen
kaya dapat pigilan ang mga sugapa
nang di mambiktima't maraming makawawa
Biyernes, Agosto 19, 2016
Sa wika ng mananakop
SA WIKA NG MANANAKOP
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
hanggang ngayon ba'y alipin pa rin ang diwa
ng mga kababayang animo'y tulala
sa diwa ng umapi't sumakop sa bansa
sinasamba itong katulad sa Bathala
wala na ba tayong sariling kalinangan
kaya sinasalita'y wika ng dayuhan
at pinaiikot ang ating kamalayan
na wika ng dayo ang gamiting tuluyan
nais nilang mamatay ang sariling wika
upang ugnay sa nakalipas ay mawala
at makaalpas umano sa dusa't luha
na karaniwang nararanasan ng madla
nais ba nilang sariling wika'y mamatay
upang dayuhan ang sambahin nating tunay?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
hanggang ngayon ba'y alipin pa rin ang diwa
ng mga kababayang animo'y tulala
sa diwa ng umapi't sumakop sa bansa
sinasamba itong katulad sa Bathala
wala na ba tayong sariling kalinangan
kaya sinasalita'y wika ng dayuhan
at pinaiikot ang ating kamalayan
na wika ng dayo ang gamiting tuluyan
nais nilang mamatay ang sariling wika
upang ugnay sa nakalipas ay mawala
at makaalpas umano sa dusa't luha
na karaniwang nararanasan ng madla
nais ba nilang sariling wika'y mamatay
upang dayuhan ang sambahin nating tunay?
Miyerkules, Agosto 17, 2016
Pamahalaang mapagkunwari
may proseso, pag nahuli'y mayayaman
ganyan daw ang war on drugs ng kapulisan
patay agad, pag nahuli'y mahihirap
di man nakitang dukha'y sisinghap-singhap
komento ko lang pag sila’y nakaharap:
bakit di sampolan din ang mga corrupt?
ubusin na rin iyang mga gahaman
lalo't nangurakot sa kaban ng bayan
kung itinutumba lang ay pinipili
at di madale ang mga masalapi
pamahalaang ito'y mapagkunwari
sila'y tapat lamang sa kanilang uri
- gregbituinjr.
ganyan daw ang war on drugs ng kapulisan
patay agad, pag nahuli'y mahihirap
di man nakitang dukha'y sisinghap-singhap
komento ko lang pag sila’y nakaharap:
bakit di sampolan din ang mga corrupt?
ubusin na rin iyang mga gahaman
lalo't nangurakot sa kaban ng bayan
kung itinutumba lang ay pinipili
at di madale ang mga masalapi
pamahalaang ito'y mapagkunwari
sila'y tapat lamang sa kanilang uri
- gregbituinjr.
Martes, Agosto 16, 2016
Wakasan na ang dinastiyang pulitikal
iisang apelyido ang nasa pedestal
magkakakamag-anak, animo'y isang kural
ang dinastiyang tinayo ng mga hangal
paglilingkod sa bayan ang kinakalakal
masa ba'y may napala sa trapong garapal
wakasan na ang dinastiyang pulitikal!
- gregbituinjr.
magkakakamag-anak, animo'y isang kural
ang dinastiyang tinayo ng mga hangal
paglilingkod sa bayan ang kinakalakal
masa ba'y may napala sa trapong garapal
wakasan na ang dinastiyang pulitikal!
- gregbituinjr.
Droga't Pokemon Go
ngayon ang mga panghuhuli'y usong-uso
hinuhuli'y nagdodroga o nagbabato
ang bago'y ang panghuhuli ng pokemon go
kahit nagbabaha sa kalsada’t may bagyo
gawaing ito'y parehong paghahanapan
puntiryang hulihin ang pinagdududahan
aba'y bubulagta na agad pag lumaban
lalo't droga ang salot sa kinabukasan
habang pokemon go ay isang bagong laro
na sa sambayanan ngayon ay gumogoyo
nang pansumandaling tanggalin ang siphayo
at problemang gumagahasa na sa mundo
nagbabato't pokemon go'y dapat hulihin
bigyan ng due process, huwag agad patayin
sa laro man o sa totoong buhay natin
makatarungan dapat ang ating gagawin
- gregbituinjr.
hinuhuli'y nagdodroga o nagbabato
ang bago'y ang panghuhuli ng pokemon go
kahit nagbabaha sa kalsada’t may bagyo
gawaing ito'y parehong paghahanapan
puntiryang hulihin ang pinagdududahan
aba'y bubulagta na agad pag lumaban
lalo't droga ang salot sa kinabukasan
habang pokemon go ay isang bagong laro
na sa sambayanan ngayon ay gumogoyo
nang pansumandaling tanggalin ang siphayo
at problemang gumagahasa na sa mundo
nagbabato't pokemon go'y dapat hulihin
bigyan ng due process, huwag agad patayin
sa laro man o sa totoong buhay natin
makatarungan dapat ang ating gagawin
- gregbituinjr.
Linggo, Agosto 14, 2016
Patayin ang droga, hindi ang tao
PATAYIN ANG DROGA, HINDI ANG TAO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
naglipana sa bansa ang mga sugapa
sa drogang kaulayaw nilang tila sumpa
maysakit sila't dapat lang inuunawa
alam naman nila anong mali sa tama
subalit bakit sa labi'y namumutawi
nag-iba na ang unawa sa tama't mali
bakit ba sa droga sila'y nananatili?
bakit ba ang buhay nila'y pinadadali?
ang sistema ba ng lipunan ang dahilan?
nagdodroga ba upang gutom ay maibsan?
tanggap ba nilang sila'y latak ng lipunan?
walang makitang magandang kinabukasan?
sa pagtanggal ng droga'y walang pagtatalo
patayin na ang droga, ngunit di ang tao
bakasakaling mga sugapa'y magbago
at karapatang pantao'y nirerespeto
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
naglipana sa bansa ang mga sugapa
sa drogang kaulayaw nilang tila sumpa
maysakit sila't dapat lang inuunawa
alam naman nila anong mali sa tama
subalit bakit sa labi'y namumutawi
nag-iba na ang unawa sa tama't mali
bakit ba sa droga sila'y nananatili?
bakit ba ang buhay nila'y pinadadali?
ang sistema ba ng lipunan ang dahilan?
nagdodroga ba upang gutom ay maibsan?
tanggap ba nilang sila'y latak ng lipunan?
walang makitang magandang kinabukasan?
sa pagtanggal ng droga'y walang pagtatalo
patayin na ang droga, ngunit di ang tao
bakasakaling mga sugapa'y magbago
at karapatang pantao'y nirerespeto
Sabado, Agosto 13, 2016
Dapat nang tumiwasay ang mga lansangan
DAPAT NANG TUMIWASAY ANG MGA LANSANGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
iyang mga durugista'y nagiging praning
kaya nagagawa ang samutsaring krimen
dapat lang silang mawala't dapat durugin
bago pa mabiktima'y kapamilya natin
ang pagkalat ng droga'y nakababahala
sarili't utak ng sugapa'y lumulubha
babae'y pinatay matapos magahasa
nagnakaw, nanaksak, adik ay nagwawala
biktima'y nagsiluha, pawang natulala
droga'y dapat tuluyang mawala sa bansa
dapat nang tumiwasay ang mga lansangan
upang di ka matatakot sa daraanan
walang naglipanang durugistang kawatan
nang bansa'y magkaroon ng kapayapaan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
iyang mga durugista'y nagiging praning
kaya nagagawa ang samutsaring krimen
dapat lang silang mawala't dapat durugin
bago pa mabiktima'y kapamilya natin
ang pagkalat ng droga'y nakababahala
sarili't utak ng sugapa'y lumulubha
babae'y pinatay matapos magahasa
nagnakaw, nanaksak, adik ay nagwawala
biktima'y nagsiluha, pawang natulala
droga'y dapat tuluyang mawala sa bansa
dapat nang tumiwasay ang mga lansangan
upang di ka matatakot sa daraanan
walang naglipanang durugistang kawatan
nang bansa'y magkaroon ng kapayapaan
Huwebes, Agosto 11, 2016
Payag si Money Pakyaw sa parusang bitay
payag si Money Pakyaw sa parusang bitay
sa Senado nga'y panukala niyang tunay
sa Diyos daw ito galing, may basbas, gabay
mga kriminal sa bitay daw nababagay
malakas na birang pang-knockout habambuhay
lethal injection, firing squad, alin diyan
bigti raw at sisipain lang ang upuan
kaysa lethal injection, matipid daw iyan
tulad kay Macario Sakay sa kasaysayan
binitay ng Kano’t lumaban sa dayuhan
totoo namang dapat bigyan ng parusa
ang mga nagkasala para sa hustisya
paano kung binitay, inosente pala?
buhay kayang nawala’y maibabalik pa?
panukala niya'y marapat bang mapasa?
- gregbituinjr.
sa Senado nga'y panukala niyang tunay
sa Diyos daw ito galing, may basbas, gabay
mga kriminal sa bitay daw nababagay
malakas na birang pang-knockout habambuhay
lethal injection, firing squad, alin diyan
bigti raw at sisipain lang ang upuan
kaysa lethal injection, matipid daw iyan
tulad kay Macario Sakay sa kasaysayan
binitay ng Kano’t lumaban sa dayuhan
totoo namang dapat bigyan ng parusa
ang mga nagkasala para sa hustisya
paano kung binitay, inosente pala?
buhay kayang nawala’y maibabalik pa?
panukala niya'y marapat bang mapasa?
- gregbituinjr.
Di papayag ang bayang madungisan
kaybait ni "Do Dirty" sa mga sundalo
at bumibisita siya sa mga kampo
dahil ba nasa isip na niya'y martial law
pag ganyan, magagalit si CJ Sereno
pati na ang bayang nakaranas na nito
tiyak di papayag ang bayang madungisan
muli ang bansa ng madugong nakaraan
di na papayag maulit ang karahasan
at muling masalaula ang karapatan
kaya pagbabalik ng martial law'y labanan
ang taong sa kasaysayan umuunawa
ay marunong at ayaw bumalik sa sigwa
siya'y may prinsipyo't may dala ring adhika
para sa kapwa, dukha, manggagawa, madla
at di sumusuko, martial law man ang banta
- gregbituinjr.
at bumibisita siya sa mga kampo
dahil ba nasa isip na niya'y martial law
pag ganyan, magagalit si CJ Sereno
pati na ang bayang nakaranas na nito
tiyak di papayag ang bayang madungisan
muli ang bansa ng madugong nakaraan
di na papayag maulit ang karahasan
at muling masalaula ang karapatan
kaya pagbabalik ng martial law'y labanan
ang taong sa kasaysayan umuunawa
ay marunong at ayaw bumalik sa sigwa
siya'y may prinsipyo't may dala ring adhika
para sa kapwa, dukha, manggagawa, madla
at di sumusuko, martial law man ang banta
- gregbituinjr.
Miyerkules, Agosto 10, 2016
Ilibing si Macky sa Libingan ng mga Salbahe
anang madla, di dapat ilibing si Macky
doon sa Libingan nitong mga Bayani
dapat siyang ilibing, ayon sa marami
doon daw sa Libingan ng mga Salbahe!
nilabag ang mga karapatang pantao
laksang tibak ang tinortyur, nagsakripisyo
kayraming nangawala, desaparesido
diktador na gahaman, liko ang prinsipyo
pag-aralan natin ang ating kasaysayan
noong martial law, wala tayong karapatan
kamatayan ng marami'y kinahantungan
animo'y Diyos ang diktador na gahaman
di bagay sa Libingan ng mga Bayani
ang mandarambong at diktador na si Macky
ngunit kung sa Libingan ng mga Salbahe
siya ilibing, tiyak payag ang marami
- gregbituinjr.
doon sa Libingan nitong mga Bayani
dapat siyang ilibing, ayon sa marami
doon daw sa Libingan ng mga Salbahe!
nilabag ang mga karapatang pantao
laksang tibak ang tinortyur, nagsakripisyo
kayraming nangawala, desaparesido
diktador na gahaman, liko ang prinsipyo
pag-aralan natin ang ating kasaysayan
noong martial law, wala tayong karapatan
kamatayan ng marami'y kinahantungan
animo'y Diyos ang diktador na gahaman
di bagay sa Libingan ng mga Bayani
ang mandarambong at diktador na si Macky
ngunit kung sa Libingan ng mga Salbahe
siya ilibing, tiyak payag ang marami
- gregbituinjr.
Martes, Agosto 9, 2016
Katarungan kay Ate Glo Capitan!
KATARUNGAN KAY ATE GLO CAPITAN!
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ikaapatnapung araw ni Ate Glo Capitan
magmula nang siya'y paslangin sa kanilang bayan
ay naroon kami sa pangkalikasang tanggapan
upang gunitain siya't isigaw: Katarungan!
mga pakikibaka niya'y aming pinagmuni
kung paanong sa masa si Ate Glo ay nagsilbi
bawat talumpati'y dama ang panggagalaiti
puso’y nagliliyab, nag-aapoy bawat sinabi
pagpaslang sa kanya'y tunay na nakasisiphayo
subalit sa pagbaka'y di tayo dapat manlumo
gunitain natin si Ate Glo sa diwa't puso
pagkat ang kasaysayan niya'y inukit sa dugo
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ikaapatnapung araw ni Ate Glo Capitan
magmula nang siya'y paslangin sa kanilang bayan
ay naroon kami sa pangkalikasang tanggapan
upang gunitain siya't isigaw: Katarungan!
mga pakikibaka niya'y aming pinagmuni
kung paanong sa masa si Ate Glo ay nagsilbi
bawat talumpati'y dama ang panggagalaiti
puso’y nagliliyab, nag-aapoy bawat sinabi
pagpaslang sa kanya'y tunay na nakasisiphayo
subalit sa pagbaka'y di tayo dapat manlumo
gunitain natin si Ate Glo sa diwa't puso
pagkat ang kasaysayan niya'y inukit sa dugo
Lunes, Agosto 8, 2016
A Nobody
A NOBODY
13 syllables per line
I am a nobody, just one in the working class
a proletarian with no face, only sweat that last
united in struggle for this system to crash
a capitalist society which we should lambast
‘coz under this rotten system workers were harass
we should be united so this system will not last
fighting for a new world against capitalist class
- gregbituinjr.
13 syllables per line
I am a nobody, just one in the working class
a proletarian with no face, only sweat that last
united in struggle for this system to crash
a capitalist society which we should lambast
‘coz under this rotten system workers were harass
we should be united so this system will not last
fighting for a new world against capitalist class
- gregbituinjr.
Huwebes, Agosto 4, 2016
Ugat ng kahirapan
UGAT NG KAHIRAPAN
Ugat ng kahirapan ay pribadong pag-aari
Gutom na masa ang talagang pinapanatili
At kaya may mayama't mahirap, ito ang sanhi.
Tigpasin ang ugat na dahilan ng mga uri
Na dapat mawasak ang elitistang paghahari
Gising na, bayan, laban sa pag-aaring pribado
Kumilos na laban sa kaapihang dulot nito
Ang burgesya'y ito ang kanilang pribilehiyo
Hayo't pribadong pag-aari'y wasaking totoo
Ito'y dakilang pagkilos para sa tao't mundo
Rebolusyon ang tugon laban sa sistemang bugok
At dapat nang palitan ang kapitalismong bulok
Pribadong pag-aari'y dahilan ng pagkahayok
At kasakiman ng burgesyang dapat mailugmok
Nawa makataong lipunan ang ating maluklok
- gregbituinjr.
Ugat ng kahirapan ay pribadong pag-aari
Gutom na masa ang talagang pinapanatili
At kaya may mayama't mahirap, ito ang sanhi.
Tigpasin ang ugat na dahilan ng mga uri
Na dapat mawasak ang elitistang paghahari
Gising na, bayan, laban sa pag-aaring pribado
Kumilos na laban sa kaapihang dulot nito
Ang burgesya'y ito ang kanilang pribilehiyo
Hayo't pribadong pag-aari'y wasaking totoo
Ito'y dakilang pagkilos para sa tao't mundo
Rebolusyon ang tugon laban sa sistemang bugok
At dapat nang palitan ang kapitalismong bulok
Pribadong pag-aari'y dahilan ng pagkahayok
At kasakiman ng burgesyang dapat mailugmok
Nawa makataong lipunan ang ating maluklok
- gregbituinjr.
Miyerkules, Agosto 3, 2016
Sa panahon ng hilakbot
SA PANAHON NG HILAKBOT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
maraming timbuwang, patay nang patay
pinagdudahan kasing nagdodroga
duda pa lang pero agad pinatay
ang due process of law ba'y nawala na?
tungkol sa droga'y mahirap itula
baka makata'y mapagdiskitahan
ngunit kailangan itong itula
upang ipagtanggol ang karapatan
duda pa lang ba'y papaslangin agad?
paano na kung sila'y inosente?
hustisya ba sa bansa'y umuusad?
o inis tayo't ito'y binibili?
mahirap kung pluma'y patulog-tulog
sa panahong masa'y tigib ng takot
dapat mulat na bayan ay mayugyog
nang pumayapa ang bayang hilakbot
droga sa bansa'y dapat lang linisin
pagkat sanhi ng krimeng tambak-tambak
napatunayang sangkot ay hulihin
parusahan, pagapangin sa lusak
subalit alalahanin palagi
ang due process of law sa ating batas
karapatang pantao'y manatili
paglilitis nawa'y pantay at patas
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
maraming timbuwang, patay nang patay
pinagdudahan kasing nagdodroga
duda pa lang pero agad pinatay
ang due process of law ba'y nawala na?
tungkol sa droga'y mahirap itula
baka makata'y mapagdiskitahan
ngunit kailangan itong itula
upang ipagtanggol ang karapatan
duda pa lang ba'y papaslangin agad?
paano na kung sila'y inosente?
hustisya ba sa bansa'y umuusad?
o inis tayo't ito'y binibili?
mahirap kung pluma'y patulog-tulog
sa panahong masa'y tigib ng takot
dapat mulat na bayan ay mayugyog
nang pumayapa ang bayang hilakbot
droga sa bansa'y dapat lang linisin
pagkat sanhi ng krimeng tambak-tambak
napatunayang sangkot ay hulihin
parusahan, pagapangin sa lusak
subalit alalahanin palagi
ang due process of law sa ating batas
karapatang pantao'y manatili
paglilitis nawa'y pantay at patas
Martes, Agosto 2, 2016
Pagninilay sa isyung droga
PAGNINILAY SA ISYUNG DROGA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
I
may karapatan din ba iyang mga adik?
na sugapa sa droga't mata'y mabalasik
biktima raw kasi ng hirap silang lintik
na araw-gabi na lamang sa droga'y sabik
hanggang nagawa ang krimeng kahindik-hindik
II
kayraming rason, nawala raw sa sarili
kaya nasaksak si ganito o ganire
kaya nagahasa ang magandang babae
kaya ninakawan ang matandang lalaki
kaya pinatulan ang dalagang pulubi
III
totoo namang problema ang kahirapan
subalit bakit droga ang naging sandalan
tapos ay nakakagawa ng kasalanan
wala na ba silang ibang maaasahan
upang kagutuman ng pamilya'y maibsan
IV
hilig nilang manghiram ng tapang sa droga
pag nakagawa ng krimen, nadakip sila
di raw nila alam ang ginagawa nila
kaya patawarin nyo daw po sila, ama
pagkat sila naman daw ay mga biktima
V
di lang simpleng biktima silang mga adik
kung gumawa ng krimen, sila'y mga suspek
dakpin sila't huwag nang magpatumpik-tumpik
ngunit huwag papaslanging tulad ng biik
bigyang pagkakataong litisin ang lintik
VI
mayroon naman daw karapatang pantao
unawain ang mga pusakal na ito
dahil daw sa karukhaan ay naging gago
isaalang-alang daw ang due process of law
sige, ipagtanggol natin ang mga ito
VII
sadyang masalimuot ang problemang droga
gayong di tugon sa karukhaan ng masa
nais lang dusa'y alpasang pansamantala
subalit laksang problema'y naririyan pa
sa mga mahihirap ay nananalasa
VIII
rehabilitasyon, nais na raw magbago
o baka natakot pasabugin ang ulo
sa bala, ngayon lang daw nila napagtanto
droga pala'y masama, ows, di nga, totoo?
kahit nakinabang sila dito ng husto
IX
ugat daw ng drogang iyon ay karukhaan
rehabilitasyon naman ang katugunan
parang hindi yata, malaki ang kaibhan
rehabilitasyon, tugon sa kahirapan?
pag na-rehab ba, adik na'y magsisiyaman?
X
gayunman, adik ay bigyang pagkakataon
sa mga programa ng rehabilitasyon
bakasakali ngang magbago sila roon
habang pag-aralan ang totoong solusyon
panlipunang problema'y anong tamang tugon
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
I
may karapatan din ba iyang mga adik?
na sugapa sa droga't mata'y mabalasik
biktima raw kasi ng hirap silang lintik
na araw-gabi na lamang sa droga'y sabik
hanggang nagawa ang krimeng kahindik-hindik
II
kayraming rason, nawala raw sa sarili
kaya nasaksak si ganito o ganire
kaya nagahasa ang magandang babae
kaya ninakawan ang matandang lalaki
kaya pinatulan ang dalagang pulubi
III
totoo namang problema ang kahirapan
subalit bakit droga ang naging sandalan
tapos ay nakakagawa ng kasalanan
wala na ba silang ibang maaasahan
upang kagutuman ng pamilya'y maibsan
IV
hilig nilang manghiram ng tapang sa droga
pag nakagawa ng krimen, nadakip sila
di raw nila alam ang ginagawa nila
kaya patawarin nyo daw po sila, ama
pagkat sila naman daw ay mga biktima
V
di lang simpleng biktima silang mga adik
kung gumawa ng krimen, sila'y mga suspek
dakpin sila't huwag nang magpatumpik-tumpik
ngunit huwag papaslanging tulad ng biik
bigyang pagkakataong litisin ang lintik
VI
mayroon naman daw karapatang pantao
unawain ang mga pusakal na ito
dahil daw sa karukhaan ay naging gago
isaalang-alang daw ang due process of law
sige, ipagtanggol natin ang mga ito
VII
sadyang masalimuot ang problemang droga
gayong di tugon sa karukhaan ng masa
nais lang dusa'y alpasang pansamantala
subalit laksang problema'y naririyan pa
sa mga mahihirap ay nananalasa
VIII
rehabilitasyon, nais na raw magbago
o baka natakot pasabugin ang ulo
sa bala, ngayon lang daw nila napagtanto
droga pala'y masama, ows, di nga, totoo?
kahit nakinabang sila dito ng husto
IX
ugat daw ng drogang iyon ay karukhaan
rehabilitasyon naman ang katugunan
parang hindi yata, malaki ang kaibhan
rehabilitasyon, tugon sa kahirapan?
pag na-rehab ba, adik na'y magsisiyaman?
X
gayunman, adik ay bigyang pagkakataon
sa mga programa ng rehabilitasyon
bakasakali ngang magbago sila roon
habang pag-aralan ang totoong solusyon
panlipunang problema'y anong tamang tugon
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)