Para sa akin, yaong totoong mabait
Ang gawang kabutihan sa kapwa'y di pilit
Kahit na walang ipinapangakong langit
Mabuti kaninuman, matanda o paslit.
Iba'y kaya gumagawa ng kabutihan
Ay dahil sa pangakong kaluwalhatian
Iniisip lang ay sariling kaligtasan
Habang sa kanyang kapwa'y walang pakialam.
Sariling kapakanan lang ang iniisip
May pangakong langit, sarili'y sinasagip
Tila kay Bathala'y talagang sumisipsip
Habang sa kapwa, puso niya'y naiidlip.
Ang mabait, wala mang langit na pangako
Tutulong wala mang kapalit na mahango
Gagawin ang mabuti sa lahat ng dako
Wala mang langit, kabutiha'y taos puso.
Subalit nasaan kaya ang ganyang tao?
Nasa simbahan ba, sinagoga o templo?
Nasa iskwater ba, pabrika o gobyerno?
Baka sila'y nasa puso ng kapwa tao.
- gregbituinjr.
Lunes, Abril 27, 2015
Sabado, Abril 25, 2015
Mga David ng maralita
MGA DAVID NG MARALITA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
maraming David sa aming mga mahihirap
nakahandang humarap sa maraming Golayat
na nais wasakin ang aming mga tahanan
huwag magtaka kung bato'y aming pananggalang
pabahay ay karapatan naming maralita
bakit nila kami pinalalayas ng lubha
sa mundong ito, maging dukha ba'y isang sumpa
bakit ba kami tinataboy na parang daga
tama lamang magtanggol kami pag ginigipit
lalaban pag karapatan ay pinagkakait
tulad ni David, bato’y tangan naming mahigpit
malalaking Golayat ay duduruging pilit
armado man ang mga Golayat na may sungay
at David kaming bato lang ang armas na taglay
may karapatan din kaming dukha sa pabahay
at ang tahanan nami'y ipaglalabang tunay
titigil din itong bato naming mga David
kung kami'y di na gigipitin at igigilid
igagalang itong karapatan naming batid
nitong gobyerno't mga taong di naman manhid
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
maraming David sa aming mga mahihirap
nakahandang humarap sa maraming Golayat
na nais wasakin ang aming mga tahanan
huwag magtaka kung bato'y aming pananggalang
pabahay ay karapatan naming maralita
bakit nila kami pinalalayas ng lubha
sa mundong ito, maging dukha ba'y isang sumpa
bakit ba kami tinataboy na parang daga
tama lamang magtanggol kami pag ginigipit
lalaban pag karapatan ay pinagkakait
tulad ni David, bato’y tangan naming mahigpit
malalaking Golayat ay duduruging pilit
armado man ang mga Golayat na may sungay
at David kaming bato lang ang armas na taglay
may karapatan din kaming dukha sa pabahay
at ang tahanan nami'y ipaglalabang tunay
titigil din itong bato naming mga David
kung kami'y di na gigipitin at igigilid
igagalang itong karapatan naming batid
nitong gobyerno't mga taong di naman manhid
Biyernes, Abril 24, 2015
Ang tagapagsalaysay
ANG TAGAPAGSALAYSAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
walang magandang ikwento sa aking buhay
na sa masa'y tiyak patok na isalaysay
wala kasing aksyon, buhay ay di makulay
ismoltaym lang kasi't walang bertud na taglay
kaya papel ko'y naging tagapagsalaysay
buhay ng iba ang ikinukwentong tunay
ganito ang gawa naming panitikero
nagsasaliksik, nagsusulat, nagkukwento
kaninong kwento’y kagigiliwan ng tao?
sinong barumbado na kapara'y delubyo?
ang may makulay na karanasan ba'y sino?
inspirasyon ba sa kapwa ang buhay nito?
ang kwento kayang ito ay pampelikula
kikita ba tayo't tatabô sa takilya
kung kwentong ito'y di naman, para saan pa
ang kwentong isinusulat kung walang kwenta
tagapagsalaysay ay nahihirinan na
sa trabahong ito ba'y susuko pa siya?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
walang magandang ikwento sa aking buhay
na sa masa'y tiyak patok na isalaysay
wala kasing aksyon, buhay ay di makulay
ismoltaym lang kasi't walang bertud na taglay
kaya papel ko'y naging tagapagsalaysay
buhay ng iba ang ikinukwentong tunay
ganito ang gawa naming panitikero
nagsasaliksik, nagsusulat, nagkukwento
kaninong kwento’y kagigiliwan ng tao?
sinong barumbado na kapara'y delubyo?
ang may makulay na karanasan ba'y sino?
inspirasyon ba sa kapwa ang buhay nito?
ang kwento kayang ito ay pampelikula
kikita ba tayo't tatabô sa takilya
kung kwentong ito'y di naman, para saan pa
ang kwentong isinusulat kung walang kwenta
tagapagsalaysay ay nahihirinan na
sa trabahong ito ba'y susuko pa siya?
Huwebes, Abril 23, 2015
Bugbugin sila bago mulatin
BUGBUGIN SILA BAGO MULATIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
astig sila, siga ng lansangan
hilig nila'y makipagbanatan
ngunit sila ba'y dapat patulan
upang matigil ang kalokohan
tanong namin: bakit lalabanan
kung wala kang mapapala riyan
lagi silang nasa kaguluhan
di maawat kahit ng magulang
liban kung may layuning mataman
tulad ng pagbago ng lipunan
mga maton na totoong lumpen
nais lagi'y pumormang tigasin
kami'y tibak, may prinsipyong angkin
nais na lipunan ay baguhin
sa kanila'y anong dapat gawin
siga'y paano pasusunurin
bugbugin sila bago mulatin
alikabok, sila’y palamunin
pag bugbog na, sila’y kausapin
sa pagkilos ay agad himukin
kaya sila'y pinagkaisahang
iwasto ang angkin nilang tapang
organisahin at direksyunan
hanggang lipunan ay pag-aralan
bakit may mahirap, may mayaman
bakit nagpapasasa'y iilan
bakit may lumpen sa kadawagan
hanggang kanilang maunawaan:
dapat kumilos sa tamang daan
tungo sa pagbago ng lipunan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
astig sila, siga ng lansangan
hilig nila'y makipagbanatan
ngunit sila ba'y dapat patulan
upang matigil ang kalokohan
tanong namin: bakit lalabanan
kung wala kang mapapala riyan
lagi silang nasa kaguluhan
di maawat kahit ng magulang
liban kung may layuning mataman
tulad ng pagbago ng lipunan
mga maton na totoong lumpen
nais lagi'y pumormang tigasin
kami'y tibak, may prinsipyong angkin
nais na lipunan ay baguhin
sa kanila'y anong dapat gawin
siga'y paano pasusunurin
bugbugin sila bago mulatin
alikabok, sila’y palamunin
pag bugbog na, sila’y kausapin
sa pagkilos ay agad himukin
kaya sila'y pinagkaisahang
iwasto ang angkin nilang tapang
organisahin at direksyunan
hanggang lipunan ay pag-aralan
bakit may mahirap, may mayaman
bakit nagpapasasa'y iilan
bakit may lumpen sa kadawagan
hanggang kanilang maunawaan:
dapat kumilos sa tamang daan
tungo sa pagbago ng lipunan
Miyerkules, Abril 22, 2015
Ang mga pusakal
ANG MGA PUSAKAL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
ganda ng daigdig ay pinapaslang
ng mga pusakal na puso'y halang
kay-itim na ng mga kailugan
basurahang plastik ang karagatan
pulos usok sa buong kalangitan
pulos dapog ang buong kalawakan
binutas ang bundok sa pagmimina
ang bansa'y basurahan ng Canada
sa polusyon, di ka na makahinga
kaytinding usok sa mga pabrika
binabaha na ang mga kalsada
dahil sa mga plastik na bumara
kayraming pinagpuputol na puno
ginagawang troso para sa tubo
lumulubog na ang maraming pulo
mundo'y sira na sa maraming dako
anong ginawa ng mga pinuno
kalikasan ba'y saan patutungo
pagkasira ng mundo'y halukipkip
sa bisig at puso kong naninikip
daigdig ba'y atin pang masasagip
sana, ito'y isa lang panaginip
magigising tayong ang nasa isip
mundong kayganda yaong nalilirip
panahon na upang tao'y umangal
sinong sumira sa mundong pedestal
anong parusa sa pangit na asal
na yumurak sa kagubatang basal
sinong darakip sa mga pusakal
na nagdala sa mundo sa marawal
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
ganda ng daigdig ay pinapaslang
ng mga pusakal na puso'y halang
kay-itim na ng mga kailugan
basurahang plastik ang karagatan
pulos usok sa buong kalangitan
pulos dapog ang buong kalawakan
binutas ang bundok sa pagmimina
ang bansa'y basurahan ng Canada
sa polusyon, di ka na makahinga
kaytinding usok sa mga pabrika
binabaha na ang mga kalsada
dahil sa mga plastik na bumara
kayraming pinagpuputol na puno
ginagawang troso para sa tubo
lumulubog na ang maraming pulo
mundo'y sira na sa maraming dako
anong ginawa ng mga pinuno
kalikasan ba'y saan patutungo
pagkasira ng mundo'y halukipkip
sa bisig at puso kong naninikip
daigdig ba'y atin pang masasagip
sana, ito'y isa lang panaginip
magigising tayong ang nasa isip
mundong kayganda yaong nalilirip
panahon na upang tao'y umangal
sinong sumira sa mundong pedestal
anong parusa sa pangit na asal
na yumurak sa kagubatang basal
sinong darakip sa mga pusakal
na nagdala sa mundo sa marawal
Biyernes, Abril 17, 2015
Pagbabalik mula sa relokasyon
PAGBABALIK MULA SA RELOKASYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
at sila'y nakita kong muli, isang dapithapon
sa dating lugar na pinagtirahan nila noon
kung saan naganap yaong madugong demolisyon
hanggang sila'y itapon sa malayong relokasyon
doon, may bahay nga, mamamatay naman sa gutom
bahay na di mailuto, gagawin bang panggatong
sa pamilyang nagugutom, anong ipalalamon
ito ang klasikong mula danger zone hanggang death zone
kaya di na kataka-takang sila'y magdesisyon
babalik sila sa lungsod, ang dating buhay doon
malapit sa trabaho, pamilya'y di magugutom
lalo na't ang ikinabubuhay nila'y naroon
babalik sa dati kahit bahay nila'y di mansyon
may timyas din ng pag-ibig kahit sa barungbarong
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
at sila'y nakita kong muli, isang dapithapon
sa dating lugar na pinagtirahan nila noon
kung saan naganap yaong madugong demolisyon
hanggang sila'y itapon sa malayong relokasyon
doon, may bahay nga, mamamatay naman sa gutom
bahay na di mailuto, gagawin bang panggatong
sa pamilyang nagugutom, anong ipalalamon
ito ang klasikong mula danger zone hanggang death zone
kaya di na kataka-takang sila'y magdesisyon
babalik sila sa lungsod, ang dating buhay doon
malapit sa trabaho, pamilya'y di magugutom
lalo na't ang ikinabubuhay nila'y naroon
babalik sa dati kahit bahay nila'y di mansyon
may timyas din ng pag-ibig kahit sa barungbarong
Lunes, Abril 13, 2015
Kung taglagas ang buhay
KUNG TAGLAGAS ANG BUHAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
kung ang buhay ko'y isa lang panahon
tiyak taglagas ang buhay kong iyon
ngunit nais ko pa ring makabangon
mula sa pagkasawi ng kahapon
nais kong dumagta na yaong dapo
sa kahuyan ng aking pagkahapo
gigilas ang inaaglahing puno
sa pagdatal ko sa ilaya't hulo
kung taglagas lamang ang iwing buhay
kamagong ba o kugon ang dadantay
sa taglagas kong sakbibi ng lumbay
habang doon sa banig nagninilay
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
kung ang buhay ko'y isa lang panahon
tiyak taglagas ang buhay kong iyon
ngunit nais ko pa ring makabangon
mula sa pagkasawi ng kahapon
nais kong dumagta na yaong dapo
sa kahuyan ng aking pagkahapo
gigilas ang inaaglahing puno
sa pagdatal ko sa ilaya't hulo
kung taglagas lamang ang iwing buhay
kamagong ba o kugon ang dadantay
sa taglagas kong sakbibi ng lumbay
habang doon sa banig nagninilay
Linggo, Abril 12, 2015
In Chess
IN CHESS
a poem by Gregorio V. Bituin Jr.
9 syllable per line
in chess, we must think tactically
knowing every move, strategy
as if being a master should be
what's the move against the enemy
an strategic defense is one
tactical offensive should be done
every move should be in our hand
because in every game we must won
a poem by Gregorio V. Bituin Jr.
9 syllable per line
in chess, we must think tactically
knowing every move, strategy
as if being a master should be
what's the move against the enemy
an strategic defense is one
tactical offensive should be done
every move should be in our hand
because in every game we must won
Sabado, Abril 11, 2015
Sa namayapang kasama
SA NAMAYAPANG KASAMA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
(Handog sa isang kasamang kasapi ng GPNAI sa Catmon, Malabon na namayapa sa gulang na 37. Binasa sa luksang parangal ng Abril 11, 2015.)
may namamatay, may nawawala
mahalaga'y ang kanyang nagawa
sa pamilya, sa kapwa, sa madla
dahil doon ay pinagpapala
salamat, kaibigan, sa lahat
lalo sa pagsasamang maluwat
at sa pakikibaka'y namulat
upang lipuna'y mabagong sukat
lumaban para sa pagbabago
baguhin na ang lipunang ito
palitan na ang kapitalismo
ng pangarap nating sosyalismo
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
(Handog sa isang kasamang kasapi ng GPNAI sa Catmon, Malabon na namayapa sa gulang na 37. Binasa sa luksang parangal ng Abril 11, 2015.)
may namamatay, may nawawala
mahalaga'y ang kanyang nagawa
sa pamilya, sa kapwa, sa madla
dahil doon ay pinagpapala
salamat, kaibigan, sa lahat
lalo sa pagsasamang maluwat
at sa pakikibaka'y namulat
upang lipuna'y mabagong sukat
lumaban para sa pagbabago
baguhin na ang lipunang ito
palitan na ang kapitalismo
ng pangarap nating sosyalismo
Miyerkules, Abril 8, 2015
Pagpupugay sa ikasiyam na anibersaryo ng TDC
PAGPUPUGAY SA IKASIYAM NA ANIBERSARYO NG TDC
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Teachers' Dignity Coalition, tunay kayong ginto
sadyang kayo’y samahan ng magagaling na guro
mahinahon, mapanuri, at mahusay magturo
prinsipyado, marangal, matatag sa pamumuno
ang inyong pagkakaisa'y tunay na inspirasyon
sa maraming inaba upang sila’y magsibangon
butihing samahan nyo'y patuloy na sumusulong
pagkat kayo'y nagkakaisa sa bawat desisyon
maalab na pagbati sa mga gurong palaban
sa bawat problema'y tunay kayong mapamaraan
di nagpapaapi't ayaw mapagsamantalahan
di sumusuko, tunay na lingkod sa sambayanan
pagpupugay sa ikasiyam n’yong anibersaryo
at magtagumpay nawa bawat adhikain ninyo!
- 8 Abril 2015
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Teachers' Dignity Coalition, tunay kayong ginto
sadyang kayo’y samahan ng magagaling na guro
mahinahon, mapanuri, at mahusay magturo
prinsipyado, marangal, matatag sa pamumuno
ang inyong pagkakaisa'y tunay na inspirasyon
sa maraming inaba upang sila’y magsibangon
butihing samahan nyo'y patuloy na sumusulong
pagkat kayo'y nagkakaisa sa bawat desisyon
maalab na pagbati sa mga gurong palaban
sa bawat problema'y tunay kayong mapamaraan
di nagpapaapi't ayaw mapagsamantalahan
di sumusuko, tunay na lingkod sa sambayanan
pagpupugay sa ikasiyam n’yong anibersaryo
at magtagumpay nawa bawat adhikain ninyo!
- 8 Abril 2015
Huwebes, Abril 2, 2015
Mas maigi ang dangal kaysa yaman
MAS MAIGI ANG DANGAL KAYSA YAMAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
mas maigi ang dangal kaysa yaman
mabuting ito'y di nayuyurakan
mabuting may malinis na pangalan
kaysa ito'y tuluyang marungisan
mas maiging mabuhay akong dukha
ngunit marangal at di hampaslupa
prinsipyado at nakikipagkapwa
dangal ay yamang tatanganang kusa
kami'y lalaging marangal, pangako
ngunit dangal itong di isusuko
ilalaban dumanak man ang dugo
magtatanggol mabasag man ang bungo
di karangalan ang gawang baluktot
at walang dangal ang mga kurakot
mahirap kung sa ginto'y mapag-imbot
pagkat mayaman nga ngunit may buntot
mas maigi ang dangal kaysa yaman
naroon ang tunay na kasiyahan
marangal kang malinis ang pangalan
kaya taas-noo ka kaninuman
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
mas maigi ang dangal kaysa yaman
mabuting ito'y di nayuyurakan
mabuting may malinis na pangalan
kaysa ito'y tuluyang marungisan
mas maiging mabuhay akong dukha
ngunit marangal at di hampaslupa
prinsipyado at nakikipagkapwa
dangal ay yamang tatanganang kusa
kami'y lalaging marangal, pangako
ngunit dangal itong di isusuko
ilalaban dumanak man ang dugo
magtatanggol mabasag man ang bungo
di karangalan ang gawang baluktot
at walang dangal ang mga kurakot
mahirap kung sa ginto'y mapag-imbot
pagkat mayaman nga ngunit may buntot
mas maigi ang dangal kaysa yaman
naroon ang tunay na kasiyahan
marangal kang malinis ang pangalan
kaya taas-noo ka kaninuman
Kaming mga mandirigma
KAMING MGA MANDIRIGMA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
oo, ganito kaming mga mandirigma
ng kilusang may adhikang mapagpalaya
di matitibag ng anumang pagbabanta
di isusuko ang niyakap na adhika
sa bawat nakakatunggali'y laging handa
may prinsipyo kaming tinatanganang tunay
dito umiikot ang aming iwing buhay
kaya sa bawat hakbang, aming inaalay
ang panahon, pagsisikap, talinong taglay
upang maging ganap ang asam na tagumpay
nakahandang mamatay para sa prinsipyo
may patakarang tulad sa Hapong Bushido
pati sa Yuropyano'y pagkakabalyero
gabay din ang kartilya nina Bonifacio
taglay ang aral, dangal, pagpapakatao
di kami tatanggi sa anumang pagsubok
di kami susuko sa pag-abot sa tuktok
di kami aatras gaano man kabulok
ang sistemang sa bawat tao'y naglulugmok
mandirigma kaming lalaban hanggang rurok
mandirigmang marubdob sa anumang laban
maginoo'y dumudurog ng lapastangan
mabait ngunit lumalaban ng sabayan
asahan ang aming taos na katapatan
sa adhika para sa kapwa't daigdigan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
oo, ganito kaming mga mandirigma
ng kilusang may adhikang mapagpalaya
di matitibag ng anumang pagbabanta
di isusuko ang niyakap na adhika
sa bawat nakakatunggali'y laging handa
may prinsipyo kaming tinatanganang tunay
dito umiikot ang aming iwing buhay
kaya sa bawat hakbang, aming inaalay
ang panahon, pagsisikap, talinong taglay
upang maging ganap ang asam na tagumpay
nakahandang mamatay para sa prinsipyo
may patakarang tulad sa Hapong Bushido
pati sa Yuropyano'y pagkakabalyero
gabay din ang kartilya nina Bonifacio
taglay ang aral, dangal, pagpapakatao
di kami tatanggi sa anumang pagsubok
di kami susuko sa pag-abot sa tuktok
di kami aatras gaano man kabulok
ang sistemang sa bawat tao'y naglulugmok
mandirigma kaming lalaban hanggang rurok
mandirigmang marubdob sa anumang laban
maginoo'y dumudurog ng lapastangan
mabait ngunit lumalaban ng sabayan
asahan ang aming taos na katapatan
sa adhika para sa kapwa't daigdigan
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)