SA IKA-68 KAARAWAN NI INAY
Setyembre 6, 2014
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
maligayang kaarawan po, aking inang mahal
ikaw na di ko nakikita nang napakatagal
nawa'y lagi kang nasa mabuti, ang aking usal
pagkat ina kitang lagi kong ikinararangal
iba man sa iyo ang landas na tinatahak ko
tanda kong lagi ang mga bilin at pangaral mo
na mahalaga ang dangal at pagpapakatao
na mahalagang maging mabuti sa mundong ito
mabuti ang pakikipagkapwa't pakikisama
mabuting maging marangal at di magsamantala
mabuting laging nag-iingat nang di madisgrasya
tunay ngang sa gabay mo, napakabuti mong ina
sa pagdagdag ng taon, uban at gatla sa noo
ina kayong naging moog sa aming pagkatao
dahil sa iyo'y nakatindig kaming taas-noo
dahil pinalaki kaming ginabayang totoo
salamat po, inay, sa pagmamahal mo't pangaral
sakali mang dumako na ako sa aking pinal
dahil aktibista akong may adhikaing banal
tandaan mo, mahal kita, inay, mahal na mahal
Sabado, Setyembre 6, 2014
Martes, Setyembre 2, 2014
Sa ika-25 anibersaryo ng IID
SA IKA-25 ANIBERSARYO NG I.I.D.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
sa inyo po'y maalab kong pagbati
hanga ako sa mabuti nyong mithi
na magkasundo ang maraming lahi
upang sila'y magbigayan ng ngiti
noon, ako'y sinama nyo sa Baguio
sa karabana hanggang Cotabato
Duyog Mindanao ang gawaing ito
adhika'y kapayapaang totoo
kasama sa Free Burma Coalition
malayang bansa ang magandang layon
walang diktadura ang ating hamon
ito'y nagkakaisa nating tugon
ako'y inyong pinadala sa Mae Sot
mga nakita'y sa puso kumurot
kayraming tanong na dapat masagot
kayraming aral na doon napulot
makikita sa IID ang diwa
at adhikaing tunay na dakila
pag-uusap sa harap man ng digma
upang daigdig ay maging payapa
tunay ngang di natutulog ang gabi
pagkat patuloy kayong nagsisilbi
marami pong salamat, O, IID
sa adhika nyong tunay na mabuti
* IID = Initiatives for International Dialogue
** Binasa ang tulang ito sa pagtitipon ng IID sa Adarna Restaurant sa Kalayaan Ave. Lungsod Quezon, Setyembre 2, 2014, 6:30 n.g.. hanggang 9 n.g. Isa sa mga naging bisita doon si Daw Seng Raw Lahpai, ang 2013 Ramon Magsaysay Awardee mula sa bansang Burma (Myanmar)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
sa inyo po'y maalab kong pagbati
hanga ako sa mabuti nyong mithi
na magkasundo ang maraming lahi
upang sila'y magbigayan ng ngiti
noon, ako'y sinama nyo sa Baguio
sa karabana hanggang Cotabato
Duyog Mindanao ang gawaing ito
adhika'y kapayapaang totoo
kasama sa Free Burma Coalition
malayang bansa ang magandang layon
walang diktadura ang ating hamon
ito'y nagkakaisa nating tugon
ako'y inyong pinadala sa Mae Sot
mga nakita'y sa puso kumurot
kayraming tanong na dapat masagot
kayraming aral na doon napulot
makikita sa IID ang diwa
at adhikaing tunay na dakila
pag-uusap sa harap man ng digma
upang daigdig ay maging payapa
tunay ngang di natutulog ang gabi
pagkat patuloy kayong nagsisilbi
marami pong salamat, O, IID
sa adhika nyong tunay na mabuti
* IID = Initiatives for International Dialogue
** Binasa ang tulang ito sa pagtitipon ng IID sa Adarna Restaurant sa Kalayaan Ave. Lungsod Quezon, Setyembre 2, 2014, 6:30 n.g.. hanggang 9 n.g. Isa sa mga naging bisita doon si Daw Seng Raw Lahpai, ang 2013 Ramon Magsaysay Awardee mula sa bansang Burma (Myanmar)
Mas nais ko pang magsulat kaysa...
MAS NAIS KO PANG MAGSULAT KAYSA...
ni Gregorio V. Bituin Jr.
mas nais ko pang magsulat
kaysa damhin ang sakit ng ngipin
kaysa damhin ang kalam ng tiyan
kaysa damhin ang ginaw ng gabi
kaysa damhin ang init ng araw
mas nais ko pang magsulat
kaysa dinggin ang pagyayang kumain
kaysa lumabas upang magpahangin
kaysa kausapin ang dalaginding
kaysa labanan ang mga pasaring
mas nais ko pang magsulat
kaysa umawit ng magagandang himig
kaysa sayawin ang magagandang tugtog
kaysa panoorin ang paboritong "Bubble Gang"
kaysa titigan ang magandang litrato ni Ara Mina
mas nais ko pang magsulat
dahil dama ko'y gahol na sa panahon
upang iba't ibang obra ay makatha
batay sa plano kong apatnapung aklat
ng sanaysay, kwento't limanglibong tula
ni Gregorio V. Bituin Jr.
mas nais ko pang magsulat
kaysa damhin ang sakit ng ngipin
kaysa damhin ang kalam ng tiyan
kaysa damhin ang ginaw ng gabi
kaysa damhin ang init ng araw
mas nais ko pang magsulat
kaysa dinggin ang pagyayang kumain
kaysa lumabas upang magpahangin
kaysa kausapin ang dalaginding
kaysa labanan ang mga pasaring
mas nais ko pang magsulat
kaysa umawit ng magagandang himig
kaysa sayawin ang magagandang tugtog
kaysa panoorin ang paboritong "Bubble Gang"
kaysa titigan ang magandang litrato ni Ara Mina
mas nais ko pang magsulat
dahil dama ko'y gahol na sa panahon
upang iba't ibang obra ay makatha
batay sa plano kong apatnapung aklat
ng sanaysay, kwento't limanglibong tula
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)