RALI
AGAD SA MAYNILA PAGKAGALING SA TACLOBAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
madaling araw na nang makabalik
sa Maynila
matapos ang limang araw ng aming
paglalakbay
ngunit kinaumagahan ay agad
sumagupa
sa rali sa di-es-dobol-yu-di
(DSWD), ako'y nagnilay
ayon sa ahensya'y ititigil na raw
ng Disyembre
ang pagbibigay ng relief goods
doon sa Tacloban
anang Partido Lakas ng Masa'y
dapat nagsisilbi
ang ahensya lalo't nasalanta'y
ang mamamayan
kahit pagod na sa biyahe'y tuloy
ang pagkilos
at dalhin sa pamahalaan ang mga
hinaing
ng mga nasalantang marapat ding
makaraos
mula sa trahedyang sa buong bayan
ay gumising
di sapat ang rali, tuluy-tuloy
dapat ang tulong
upang sa buhay ng nasalanta'y may
maidugtong
*
ang litrato'y kuha ng may-akda noong Disyembre 6, 2013 sa harap ng tanggapan ng
DSWD sa Lungsod Quezon
*
mangyaring tingnan ang kaugnay na ulat mula sa Partido Lakas ng Masa sa kawing
na http://masa.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=230&Itemid=1
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento