Martes, Disyembre 10, 2013

Karapatang Pantao, Ikasampu ng Disyembre

KARAPATANG PANTAO, IKASAMPU NG DISYEMBRE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Karapatang Pantao, ikasampu ng Disyembre
Araw ng taon, paggunita sa dangal at puri
May proseso ang bawat pagkatao ng marami
Pagkat iba-iba ang kultura ng bawat lipi
Marapat nating ipagtanggol ang ating sarili
Laban sa sinumang sa atin ay nang-aaglahi
Ang ginawa ni A ay di dapat ibintang kay B
Iwaksi na yaong ang mga asal ay kadiri
Sa sala ni X, bakit nagdurusa'y si Y at Z
Hindi natin dapat ihasik yaong maling binhi
Dapat loob natin ay nabubuhay sa mabuti
Ito ang sa araw ng karapata'y aking bati!

Walang komento: