di ako mahilig mag-inom, wala akong bisyo
hilig ko lang ay tulaan ang sinusuyong mutya
habang kinakatha ang ninanasang pagbabago
na dapat mapangunahan ng uring manggagawa
wala akong bisyo, di ako naninigarilyo
hilig ko lang na pagsinta'y bigkasin sa diwata
habang nagsisikap itayo ang bahay na bato
at inaawat ang demolisyon sa maralita
anumang bisyo'y wala, di rin ako babaero
ang tanging bisyo ko lamang ay kumatha ng tula
para sa mga babae, maralita, obrero
para sa bayan, sa masa, sa mga walang-wala
ako'y makatang dukha man ay nagpapakatao
kahit na walang kaalwanan kundi pulos luha
- gregbituinjr.
Huwebes, Hunyo 28, 2018
Miyerkules, Hunyo 27, 2018
Kapirasong dangal
Kapiraso mang dangal ang mayroon ako
Ay ipaglalaban ko ito hanggang dulo
Pagkat ito ang buod niring pagkatao
Iyong yurakan at magpapatayan tayo
Rinig mo ba bawat bulong ng iyong budhi
At ramdam ba ng puso mo ang pagkasawi
Sa dangal naroon ang pagkatao't binhi
Oo, ipaglalaban anuman ang sanhi
Na kapirasong dangal man ay mahalaga
Gaano man kaliit ay makikibaka
Dapat ipagtanggol at bantayan tuwina
Ang dangal ay huwag yuyurakan ng iba
Nararapat ipaglaban kahit ng hangal
Gagawin ang dapat bilang mabuting asal
Ang dangal na sa puso't diwa'y nakakintal
Lulupigin sinumang mangyurak sa dangal
- gregbituinjr

Huwebes, Hunyo 21, 2018
Patay kang tambay ka
PATAY KANG TAMBAY KA
akala ko ba, ayaw mo sa naglipanang tambay
gayong dahil sa utos mo'y kayrami nang pinatay
at mga tambay ngayon ay iyo pang inaakay
upang holdapin ang mga obispo at mapatay
praning talaga ang tulad mong pangulong manyakis
epekto na ba ng fentanyl, naging utak-ipis
sa ganito bang pangulo, masa pa'y magtitiis
mahilig magbanta habang maliit tinitiris
ayaw sa tambay dahil walang mabuting magawa
ngunit ngayon inaakay ang tambay sa masama
pag ginawa'y krimen, ang umakay ba ang maysala
o ang mismong gumawa ang mabibilanggong lubha
pag pagpaslang sa kapwa tao'y iyong isinulsol
ano nang tawag sa iyo, di ba't isa kang ulol
para kang nang asong praning na iba kung kumahol
buti sana kung ikaw na nanulsol ang madedbol

Martes, Hunyo 19, 2018
Alab ng pagsinta ang samo ko't adhika
Pinipintuho kita, mahal kong diwata
Alab ng pagsinta ang samo ko't adhika
Gawin natin ang isang magandang simula
Ikaw lamang ang aking tinatangi't mutya
Babagtasin natin ang landas ng pag-ibig
Iisipin ka hanggang puso'y makarinig
Gagawin lahat upang kita'y makaniig
Kaharapin man ay dusa'y di palulupig.
O, sinta, pag-ibig nati'y di maglalaho
Yayakapin kita ng buo kong pagsuyo
Iwing pagsinta sa pamilya'y magbubuo
Kahit puno pa ng sakripisyo't siphayo
Ating buuin ang ating anak na bugtong
Wagas na pag-ibig nawa ang sumalubong.
Alab ng pagsinta ang samo ko't adhika
Gawin natin ang isang magandang simula
Ikaw lamang ang aking tinatangi't mutya
Babagtasin natin ang landas ng pag-ibig
Iisipin ka hanggang puso'y makarinig
Gagawin lahat upang kita'y makaniig
Kaharapin man ay dusa'y di palulupig.
O, sinta, pag-ibig nati'y di maglalaho
Yayakapin kita ng buo kong pagsuyo
Iwing pagsinta sa pamilya'y magbubuo
Kahit puno pa ng sakripisyo't siphayo
Ating buuin ang ating anak na bugtong
Wagas na pag-ibig nawa ang sumalubong.
Lunes, Hunyo 18, 2018
Ang masarap hagkan
Mas masarap hagkan ang kanyang pawis
Kaysa sa amoy-sabon niyang kutis
- gregbituinjr.
Kaysa sa amoy-sabon niyang kutis
- gregbituinjr.
Biyernes, Hunyo 15, 2018
Pagpapatiwakal ng dalawang kabataan
kahindik-hindik ang nangyaring pagpapatiwakal
pagkat di na nila napahalagahan ang buhay
sa mga danas na problema ba'y natitigagal?
at dahil sa sama ng loob nagpapakamatay?
estudyanteng labinlimang taon ang binatilyo
at labing-anim na taon ang dalagitang yaya
ang una'y sinturon ang pinambigti diumano
sa harap ng mga bata'y nagbigti ang ikalwa
di na ba nakayanan ang kanilang suliranin
kaybabata pa'y sariling buhay na ang kinitil
anong nangyari't nagawa ito'y pakasuriin
o baka naman sa kanila'y may ibang sumiil
nahan na ang pag-ibig sa puso ng mga iyon
kung winala'y sariling buhay nang gayon na lamang
nahan ang mga magulang na dapat pumroteksyon
sa tulad nilang buhay ay di sinaalang-alang
- gregbituinjr.
- tula'y batay sa dalawang ulat sa pahayagang Bulgar, Hunyo 14, 2018, p. 2

Miyerkules, Hunyo 13, 2018
Sa mamamaslang
SA MAMAMASLANG
anong karapatan mong manghusga
at walang awa pang pumapatay
dahil tingin mo'y ipis lang sila
at hindi taong dapat mabuhay
ngunit bakit ka paslang ng paslang
imbes na sila muna'y malitis
ang buhay ng iba'y inuutang
dahil daw bayan ay nililinis
halang ang naglilinis sa bayan?
upang bansa raw ay pumayapa?
halang, halang sa kapangyarihan
kapwa'y ibinabaon sa lupa!
utos umano ng nasa taas
kaya huwag daw silang sisihin
di bale nang butasan ang batas
basta't para sa bansa'y gagawin
ang dukha'y pinalutang sa dugo
sa harap ng pamilya'y bulagta
siya daw kasi ang itinuro
mamamaslang nga'y kasumpa-sumpa
- gregbituinjr.
anong karapatan mong manghusga
at walang awa pang pumapatay
dahil tingin mo'y ipis lang sila
at hindi taong dapat mabuhay
ngunit bakit ka paslang ng paslang
imbes na sila muna'y malitis
ang buhay ng iba'y inuutang
dahil daw bayan ay nililinis
halang ang naglilinis sa bayan?
upang bansa raw ay pumayapa?
halang, halang sa kapangyarihan
kapwa'y ibinabaon sa lupa!
utos umano ng nasa taas
kaya huwag daw silang sisihin
di bale nang butasan ang batas
basta't para sa bansa'y gagawin
ang dukha'y pinalutang sa dugo
sa harap ng pamilya'y bulagta
siya daw kasi ang itinuro
mamamaslang nga'y kasumpa-sumpa
- gregbituinjr.
Martes, Hunyo 12, 2018
Ang tanong niya sa akin
Ito'ng tanong niya sa akin: Komunista ka ba?
Sabi ko: Ang sagot ko'y depende sa nagtatanong...
Komunista ba ako pagkat naglingkod sa masa?
O dapat kong paglingkura'y kapitalistang buhong?
Kung komunista ang pagtulong sa dukha't pulubi
Komunista pala'y makatao't mapagkalinga
Kung komunista ang pagtulong sa kawawa't api
Komunista pala ako't dapat pinagpapala
Sa katagang komunista ba'y magagalit ka rin?
Gayong ginawa mo lang ang tamang kilos at asal
Komunista ba'y dapat katakutan o mahalin?
Gayong sila'y kapwa tao ring marunong magmahal
Magpakatao ka lang at makipagkapwa-tao
Ang mahalaga'y ginagawa mo sa kapwa'y wasto.

Sabado, Hunyo 9, 2018
Aking hangarin ang kabutihan nating dalawa
Aking hangarin ang kabutihan nating dalawa
Kaya magsikap para sa bubuuing pamilya
Oo, mahal ko, gagawin lahat ng makakaya
Yamang kitang dalawa ngayon na'y magiging isa
Suntok sa buwan ang pangangarap ng barang ginto
O kaya'y nais tumama sa lottong niluluto
Sipag at tiyaga ang gawin nang hindi susuko
Yariin ang mga proyektong dapat mapalago
Ako'y magsisipag, tayo'y magkasamang gagawa
Laging nating pahalagahan yaong pang-unawa
Iwasan ang mga bisyong sa pamilya'y sisira
Sunggaban ang pagkakataong kamtin ang ginhawa
Tanging sa pagtutulungan lang natin makakamit
Ang ginhawa't kaalwanang pangarap na masapit

Martes, Hunyo 5, 2018
Aking paraluman
AKING PARALUMAN
(acrostic sonnet)
Ako'y bubuyog sa talulot mo'y dumapo
Kita'y kinakasi sa ubod niring puso
Isa kang bulaklak na aking nakatagpo
Nang panahong nasa dusa't nasisiphayo
Gaano kahalagang ukulan ang sinta
Pagsuyo'y ubod-tamis na ipakikita
Aking gagawin ang lahat ng makakaya
Rosas kang sa puso ko'y kahali-halina
Aariing langit ang kabiguang angkin
Lunas sa dusa'y kung ako'y iyong lingapin
Unos ma'y anong tindi ikaw'y iibigin
Matayog mang bundok ay aking lalakbayin
Ako ang bubuyog sa rosas na matinik
Na sa puso mo'y pag-ibig ang ihahasik

Lunes, Hunyo 4, 2018
Pagkat inasawa ko rin ang bayan
ako'y tibak na di isang uhugin
katapatan ko'y sa aking tungkulin
nag-asawa ma'y tapat sa tungkulin
sa mga niyakap na simulain
pagkat inasawa ko rin ang bayan
pagkat ako'y sadyang anak ng bayan
babaguhin ang bulok na lipunan
tungkulin ito hanggang kamatayan
di magpapadagit sa tusong lawin
kahit pa unos ay sasalungain
kahit sampung bundok ay tatawirin
malalim mang ilog ay lalanguyin
pagkat inasawa ko rin ang bayan
pagkat ako'y sadyang anak ng bayan
ang tungkulin ko hanggang kamatayan
ay baguhin ang bulok na lipunan
- gregbituinjr.
katapatan ko'y sa aking tungkulin
nag-asawa ma'y tapat sa tungkulin
sa mga niyakap na simulain
pagkat inasawa ko rin ang bayan
pagkat ako'y sadyang anak ng bayan
babaguhin ang bulok na lipunan
tungkulin ito hanggang kamatayan
di magpapadagit sa tusong lawin
kahit pa unos ay sasalungain
kahit sampung bundok ay tatawirin
malalim mang ilog ay lalanguyin
pagkat inasawa ko rin ang bayan
pagkat ako'y sadyang anak ng bayan
ang tungkulin ko hanggang kamatayan
ay baguhin ang bulok na lipunan
- gregbituinjr.
Sabado, Hunyo 2, 2018
Mula nang makilala kita
Mula nang makilala kita, aking amasona
Aktibista akong napaibig sa iyo, sinta
Kinakasi kita sa bawat kong pakikibaka
Ibig kong sa habambuhay kita ang magkasama
Berdugo man ako ng mga surot ng lipunan
Ang prinsipyong tangan ko'y sadyang di mapipigilan
Kita'y magbubuo ng isang bagong pamayanan
Adbokasya'y para sa hustisya at karapatan
Hindi tayo tatahimik sa panahong ligalig
Upang itama ang mga mali, di palulupig
Wastong makapiling ang proletaryong kapitbisig
At sama-samang buuin ang bukas ng daigdig
Gawin natin kung anong talagang makabubuti
Maging makatwiran sa ating mga sinasabi
Angkinin ang proletaryadong diwa, aking kasi
Tahakin ang wastong landas, panganib ma'y sakbibi
Aking sinta, kakaharapin ma'y sanlibong sigwa
Kikilos tayo, sangkaterba ma'y makasagupa
Obrero'y kasama bilang hukbong mapagpalaya
Tungo sa sistemang ang pagsasamantala'y wala.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)