METAPISIKA SA MGA BIKTIMA NG TOKHANG
buti pa si Hesus, nabuhay muli, dahil Poon
yaong mga tinokhang, patay pa rin hanggang ngayon
buti pa si Lazaro, muling binuhay ni Hesus
ngunit patay pa rin ang dukhang buhay ay tinapos
buti pa si Hesus, nabuhay dahil pinagpala
subalit patay pa rin ang dukhang ibinulagta
ang mga tinokhang ng walang proseso'y pinatay
ngunit sa tatlong araw ay di naman mabubuhay
buti pa ang mga Bathala'y may kapangyarihan
kaya may takot ang lumalabag ng karapatan
ngunit kung karaniwang tao'y kaydaling labagin
ng karapatan nilang dapat lang pakamahalin
hustisya sa mga pinaslang ng walang proseso!
hustisya sa mga biktima ng tokhang na ito!
- gregbituinjr.
Sabado, Marso 31, 2018
Biyernes, Marso 30, 2018
Dadalhin kita sa paraiso
DADALHIN KITA SA PARAISO
"Dadalhin kita sa paraiso," anang makata
sa nililigawang dilag na animo'y diwata
na ang kagandahan sa iwing puso'y nagpapala
animo'y Eden ang paraisong pinapangarap
walang pang-aapi, pagkabigo o pagpapanggap
paraisong silang dalawa lang ang magkausap
dadalhin ka sa paraisong puno ng pag-ibig
pupupugin ka ng halik, kukulungin sa bisig
maglalapat ang ating katawan at magniniig
dalawang magnanakaw ang nakapako sa kalbaryo
isa'y taos-pusong nagsisi sa ginawa nito
sabi ni Hesus, "Dadalhin kita sa paraiso!"
- gregbituinjr.
(Biyernes Santo 2018)

Huwebes, Marso 29, 2018
Uulitin ko ng ilang ulit sa iyo
Uulitin ko ng ilang ulit sa iyo
Ramdam mo ba ang pagsintang inaalay ko?
Ikaw ang tanging mutya ng buhay kong ito
Na laging pinupukaw ang puso't diwa ko
Galing sa kaibuturan, ikaw ang sentro
Malayang tatahakin ang kinabukasan
Ang bawat hakbang ay tungo sa kaalwanan
Nang mabuong pamilya'y saya ang magisnan
Ginhawa't ligaya'y pangarap na makamtan
Gagawing magkatuwang ang makakayanan
Atin mang danasin ang pagdurusa't hirap
Gawin ang lahat ng uri ng pagsisikap
At nang pamilya'y araw-gabing nalilingap
Wari'y dulo ng bahaghari ang hagilap
Asahan mong ginhawa'y ating malalasap

Miyerkules, Marso 28, 2018
Humanap ka ng panget - mula sa survey
HUMANAP KA NG PANGET - MULA SA SURVEY
Ayon sa ulat ng Abante Tonite, sa isinagawang pag-aaral ng Florida State University, mas mahaba umano ang pagsasama ng isang magkasama kung ang napili ng babae ay hindi guwapo, at panget ang lalaki (Abante Tonite, Marso 26, 2018, p.3)
"humanap ka ng panget", ang pamagat ng balita
at umano'y pag-uusisa ng mga banyaga
sa unibersidad, ito raw ang nakitang tigib
tatagal daw ang pagsasama ng magkaisang-dibdib
aba'y inaawit na ito ni Andrew E. noon
higit na dalawang dekada nang lumipas ngayon
o baka napakinggan din ng banyaga ang awit
at ito ngayon ang kanilang saliksik na bitbit
sabi, "humanap ka ng pangit, ibigin mong tunay"
saliksik na tila payo, di kaya ito sablay?
- gregbituinjr.
Martes, Marso 27, 2018
Anak ba'y nais maging kontraktwal
ang mahal nyo bang anak ay inyong pinapag-aral
upang sa kalaunan sila ay maging kontraktwal
kontraktwal ay walang katiyakang pagtatrabaho
may kontrata, palipat-lipat, walang benepisyo
sa ekonomya'y manggagawa ang nagpapaandar
subalit sila pang kawawa, di na maregular
kapitalista nama'y panay tubo't tuwang-tuwa
bayarang makina lang ang tingin sa manggagawa
regular na pagtatrabaho'y laban ng pamilya
laban ng manggagawa, ng anak, at ng asawa
sistema'y palitan na't tumahak sa tamang landas
salot na kontraktwalisasyon, dapat nang magwakas

Lunes, Marso 26, 2018
Mabuti pa'y tutong kaysa panis na kanin
MABUTI PA'Y TUTONG KAYSA PANIS NA KANIN
13 pantig bawat taludtod
sino kayang matino pa yaong kakain
kung batid naman niyang panis yaong kanin
kahit na pulubing marahil walang kain
di gaganahan, di nila iyon kakanin
tanungin mo kaya, bakit ka napanisan
kaning kaysarap ay bakit pinabayaan
dahil maraming bigas na maisasalang
o dahil ito'y di mo naman pinaghirapan
marami nga riyan, sa gutom nagtitiis
kung may kanin man, kakainin kahit panis
di ba't ang gayon ay nakapaghihinagpis
lalo'y may anak pang sa gutom nananangis
huwag magpabaya, ang kanin man ay tutong
pagkat sa kalusugan, malaki ring tulong
sa oras ng kagipita'y lunas sa gutom
kaysa anak mo'y ang kamao'y nakakuyom

Linggo, Marso 25, 2018
Kung hari'y walang bait
matinding magparunggit
ang maghapong kaypait
tila ba nasa bingit
ang lumuluhang paslit
o, mahabaging langit
ang hari'y anong lupit
karapatan mong bitbit
ay di mo maihirit
buhay na pinagkait
anong dulot na sakit
ilan pang bubunghalit
sa buhay na inilit
tadhana ba'y ginuhit
na hari'y walang bait
- gregbituinjr.
ang maghapong kaypait
tila ba nasa bingit
ang lumuluhang paslit
o, mahabaging langit
ang hari'y anong lupit
karapatan mong bitbit
ay di mo maihirit
buhay na pinagkait
anong dulot na sakit
ilan pang bubunghalit
sa buhay na inilit
tadhana ba'y ginuhit
na hari'y walang bait
- gregbituinjr.
Sabado, Marso 24, 2018
Anak nawa'y laging ingatan
ANAK NAWA'Y LAGING INGATAN
ang pangyayari'y nakabibigla
nakaiiyak yaong balita
magdadalawang-anyos na bata
ay nalunod, buhay ay nawala
ang ama'y naghahanda pa naman
ng masarap na pananghalian
nang bata'y nagtungo sa pampang
tila naglaro sa katuwaan
subalit aksidenteng nahulog
ang bata sa malalim na ilog
namatay ang batang iniirog
sa puso'y sadyang nakadudurog
anak sana'y di napabayaan
siyang bunga ng pagmamahalan
anak sana'y dapat nabantayan
lalo't siya'y nasa kalikutan
O, Kamatayan, kaybata niya!
ngunit bakit agad mong kinuha?
magandang bukas niya'y wala ba
at siya'y iyong kinursunada?
- gregbituinjr.
Kahindik-hindik ang balitang namatay ang isang magdadalawang-anyos pa lang na bata nang mapabayaan ng ama. Abalang naghahanda noon ang ama ng pananghalian. Nakarating sa ilog ang bata at nilamon siya nito. Ayon sa balita, aksidenteng nahulog sa ilog at nalunod ang bata. (Pilipino Star Ngayon, Marso 24, 2018)
nakaiiyak yaong balita
magdadalawang-anyos na bata
ay nalunod, buhay ay nawala
ang ama'y naghahanda pa naman
ng masarap na pananghalian
nang bata'y nagtungo sa pampang
tila naglaro sa katuwaan
subalit aksidenteng nahulog
ang bata sa malalim na ilog
namatay ang batang iniirog
sa puso'y sadyang nakadudurog
anak sana'y di napabayaan
siyang bunga ng pagmamahalan
anak sana'y dapat nabantayan
lalo't siya'y nasa kalikutan
O, Kamatayan, kaybata niya!
ngunit bakit agad mong kinuha?
magandang bukas niya'y wala ba
at siya'y iyong kinursunada?
- gregbituinjr.
Biyernes, Marso 23, 2018
Pagyakap sa matandang puno
nais kong yakapin ang isa nang matandang puno
sa panahong di maganda ang aking pakiramdam
bakasakaling manumbalik ang sigla ng puso
pag nadarama kong sakit ay tuluyang maparam
nakaraang binaón ba'y maaaring mahango
nang di na manariwa ang kanilang pang-uuyam
pait ng mga danas ba'y ating mapaglalaho
habang nariyan ang bagong umagang inaasam
nanalasa ang bagyo't bubungan na'y tumutulo
baha ang paligid, naligo't ang mata'y nahilam
gusaling nagkalamat na'y nagbabantang gumuho
hayahay pa kahit nanganganib, di mo ba alam
ayaw kong yapusin ang nararanasang siphayo
na kapara'y alapaap sa maghapong kaylamlam
ginhawang sa pangarap ko nawa'y huwag maglaho
na bawat tagumpay ay kaytamis na mananamnam

Huwebes, Marso 22, 2018
FDC Pasyon 2018
FDC Pasyon 2018
ni Greg Bituin Jr.
Freedom from Debt Coalition
kasangga ng masa't nasyon
kayganda ng nilalayon
sadyang matatag ang misyon
sa lungsod man at sa nayon
misyon nilang ipagtanggol
ang bayan sa mga pulpol
lalo't namumuno'y ulol
kayraming dukhang nilipol
kinapos nga ang ataul
laksa ang isyung dumatal
na sadyang nakangangatal:
namaslang ang mga hangal
nambaboy ng mga dangal
pangulo'y samâ ng asal
buhay na kalunos-lunos
pagkat dukha'y laging kapos
masa'y di na makaraos
sa bayang naghihikahos
babae pa'y binabastos
ang pangulong mapanlinlang
karapatan di ginalang
pananalita'y maanghang
sa babae'y walang galang
Digong pala'y isang hunghang
pinauso ang pagpatay
ang pagkatao'y niluray
umiyak ang mga nanay
nang anak ay naging bangkay
wala sa korte'y binitay
dukha'y ipis kung turingan
gayong kapwa tao naman
tila ba pamahalaan
animo'y nabubulunan
sa usaping karapatan
walang galang sa proseso
patay doon, patay dito
pag kaharap ang negosyo
bahag na ang buntot nito
di na matanggal ang endo
kontraktwalisasyon, salot
kasalut-salutan, salot
ngunit pangulo'y bantulot
pagkat bumahag ang buntot
at sa negosyo'y natakot
sabi ng pangulong tuso
tatanggalin daw ang endo
di magawa ang E.O.
kaytapang naging maamo
bahag-buntot sa negosyo
sa TRAIN masa'y nagtitiis
pagkat nagtaas ang buwis
negosyo'y bumubungisngis
habang masa'y tinitiris
sa kanyang sariling pawis
kuryente nga'y nagtaas na
pinakamahal sa Asya
tubig nga'y nagmamahal pa
laksa-laksang pagdurusa
ang dulot ng TRAIN sa masa
ang bigas na'y nagmamahal
dagdag buwis sa asukal
dagdag presyo sa kalakal
ang tao pa ba'y tatagal
sa sistemang sumasakal
isyu pang dapat tumutok:
kayraming batang lumahok
sa iwas-kagat ng lamok
ngunit namatay sa turok
at sa dengvaxia'y nalugmok
bakuna'y lagim ang dulot
mga nanay na'y natakot
pangkalusugang hilakbot
sinong dito'y mananagot
dating pangulo ba'y sangkot
sa TRAIN, alta-presyon ka na
tokhang, patay kang bata ka
may kontraktwalisasyon pa
dagdag pa iyang dengvaxia
isyung nakamamatay na
kaya sigaw namin ngayon
tara't tayo'y magsibangon
harapin ang bagong hamon:
Freedom from Debt Coalition
ipagpatuloy ang misyon
O, babae't aktibista
mga estudyante't masa
manggagawa't magsasaka
panahon nang magkaisa
at baguhin ang sistema!
ni Greg Bituin Jr.
Freedom from Debt Coalition
kasangga ng masa't nasyon
kayganda ng nilalayon
sadyang matatag ang misyon
sa lungsod man at sa nayon
misyon nilang ipagtanggol
ang bayan sa mga pulpol
lalo't namumuno'y ulol
kayraming dukhang nilipol
kinapos nga ang ataul
laksa ang isyung dumatal
na sadyang nakangangatal:
namaslang ang mga hangal
nambaboy ng mga dangal
pangulo'y samâ ng asal
buhay na kalunos-lunos
pagkat dukha'y laging kapos
masa'y di na makaraos
sa bayang naghihikahos
babae pa'y binabastos
ang pangulong mapanlinlang
karapatan di ginalang
pananalita'y maanghang
sa babae'y walang galang
Digong pala'y isang hunghang
pinauso ang pagpatay
ang pagkatao'y niluray
umiyak ang mga nanay
nang anak ay naging bangkay
wala sa korte'y binitay
dukha'y ipis kung turingan
gayong kapwa tao naman
tila ba pamahalaan
animo'y nabubulunan
sa usaping karapatan
walang galang sa proseso
patay doon, patay dito
pag kaharap ang negosyo
bahag na ang buntot nito
di na matanggal ang endo
kontraktwalisasyon, salot
kasalut-salutan, salot
ngunit pangulo'y bantulot
pagkat bumahag ang buntot
at sa negosyo'y natakot
sabi ng pangulong tuso
tatanggalin daw ang endo
di magawa ang E.O.
kaytapang naging maamo
bahag-buntot sa negosyo
sa TRAIN masa'y nagtitiis
pagkat nagtaas ang buwis
negosyo'y bumubungisngis
habang masa'y tinitiris
sa kanyang sariling pawis
kuryente nga'y nagtaas na
pinakamahal sa Asya
tubig nga'y nagmamahal pa
laksa-laksang pagdurusa
ang dulot ng TRAIN sa masa
ang bigas na'y nagmamahal
dagdag buwis sa asukal
dagdag presyo sa kalakal
ang tao pa ba'y tatagal
sa sistemang sumasakal
isyu pang dapat tumutok:
kayraming batang lumahok
sa iwas-kagat ng lamok
ngunit namatay sa turok
at sa dengvaxia'y nalugmok
bakuna'y lagim ang dulot
mga nanay na'y natakot
pangkalusugang hilakbot
sinong dito'y mananagot
dating pangulo ba'y sangkot
sa TRAIN, alta-presyon ka na
tokhang, patay kang bata ka
may kontraktwalisasyon pa
dagdag pa iyang dengvaxia
isyung nakamamatay na
kaya sigaw namin ngayon
tara't tayo'y magsibangon
harapin ang bagong hamon:
Freedom from Debt Coalition
ipagpatuloy ang misyon
O, babae't aktibista
mga estudyante't masa
manggagawa't magsasaka
panahon nang magkaisa
at baguhin ang sistema!
Miyerkules, Marso 21, 2018
isang tula para sa World Poetry Day 2018
ngayong World Poetry Day ako'y naglalambing
kahit nagugutom na't walang maisaing
ngayong gabi'y isa lamang ang aking hiling
nawa'y makatulog akong busog at himbing
at diwata kong sinisinta’y makapiling
- gregbituinjr.
(World Poetry Day, Marso 21, 2018)

Martes, Marso 20, 2018
Kami'y aktibista
kami'y aktibista, hindi kami nagbubulakbol
kundi nag-oorganisa, hindi ng mga pulpol
nilalabanan yaong mga namumunong ulol
na pawang paghihirap ang sa masa'y kinulapol
kami'y aktibista, may pagkakaisa sa layon
nais sa pamantasa'y kalidad na edukasyon
sa pabrika'y walang salot na kontraktwalisasyon
binabaka'y paninibasib ng globalisasyon
kami'y aktibista, aktibo, matatag sa laban
upang ipagtanggol karapatan ng mamamayan
ipinaglalaban kung ano ang makatarungan
di pawang galit kundi pag-ibig sa uri't bayan
kami'y aktibista, pangarap ay lipunang pantay
walang pang-aapi, pagkatao'y di niluluray
walang pagsasamantala, sosyalismo ang pakay
patuloy na lalaban, tanghalin man kaming bangkay
kami'y aktibista, lipunan nati'y sinusuri
bakit may mapang-api, bakit may inaaglahi
bakit may dukha, may mayayaman, may naghahari
sadya bang lipunan ay may magkakaibang uri
kami'y aktibista, ang kasaysayan ay inaral
mula sa pantay-pantay na primitibo komunal
umusbong ang lipunang alipin, sunod ay pyudal
sunod ay kapitalismong sa obrero'y sumakal
kami'y aktibista, diwa'y Marxismo Leninismo
niyakap naming prinsipyo'y internasyunalismo
pagkat sa pagbaka'y di sapat ang nasyunalismo
layon ay pagkaisahin ang lahat ng obrero
kami'y aktibista, sa kalaban di padadaig
mapagsamantalang kapitalismo'y malulupig
O, magkaisa, manggagawa sa buong daigdig
at ang bandila ng sosyalismo'y ating itindig

Lunes, Marso 19, 2018
Tula kay Libay
Lumulusong man sa kailaliman yaring diwa
Inuugoy man sa duyan nitong mga bathala
Bubuhos din ang biyaya sa asam na dakila
Esensya ba ng buhay ay tama ang nilalandas?
Rabaw ba ito ng mabubuting asal at danas?
Totoo bang pakikipagkapwa'y pinamamalas?
Yanigin man ng anumang delubyo't suliranin
Titindig tayo sa tama't matatag ang damdamin
At kagalingan ng ating kapwa ang iisipin
Lilipas din ang panahon at tatanda rin tayo
Ang paa'y may lipak, ubanin, may gatla ang noo
Subalit lalong tatatag sa kabila ng bagyo
Talastas kong asam na bituin ay maaabot
At maaarok din ang kailaliman ng laot
Sama-sama tayong ligaya ang sa kapwa'y dulot

Sabado, Marso 17, 2018
Rakenrel, parekoy
Rinig mo rin ba ang rakenrolan ng mga pipit
At nagsisisayawan kahit may bantang hagupit
Kumekendeng-kendeng sa harap ng lawing maplupit
Entrada'y lalapit at bibiglang lalayo sa bingit
Ngingisi-ngisi lang doon ang ibong mandaragit
Rindi na kaya ang lawin sa kaylakas na tugtog
O nagpapasensya lang sa matitining na tunog
Lilipad ba agad sa himpapawid na kaytayog
Pabulusok na bababa't tatagay ng lambanog
At saka dadagitin ang mga pipit at itlog
Rimarim ang dumagsa sa likod ng kagalakan
Estimasyon ay laksa ang nawala sa karimlan
Kung sakaling sa atin maulit ang kasaysayan
Organisahin ang hanay, baguhin ang lipunan
Yayanigin ng pag-aalsa itong sambayanan

Biyernes, Marso 16, 2018
Mahalin mo ako
MAHALIN MO AKO
mahalin mo ako kung ano ba talaga ako
at di kung anong pinapangarap mong maging ako
huwag mong ipilit sa akin ang di naman ako
sapagkat tiyak mabibigo ka lamang, mahal ko
ako'y ako, at di ang pinangarap mong prince charming
akala mo'y pogi ako, kaya ka kandaduling
akala mo'y macho akong nais mong makasiping
aba'y kung gayon pala'y natutulog ka ng gising
kung ninais mong ganito ang maging kahinatnan
ngunit di mo naman sa akin iyon matagpuan
di pala ako ang prince charming mong inaasahan
lilisanin mo ba ako't agad mong iiwanan
yaring bihis ko't mukha'y mababago mo tuwina
subalit di mababago ayon sa iyong nasa
tanging magagawa mo lamang upang lumigaya
mahalin mo ako kung ano ako, aking sinta

Miyerkules, Marso 14, 2018
Hindi win-win, hindi kompromiso
hindi win-win, hindi kompromiso
ang hiyaw nitong mga obrero
si Digong ay muling nanloloko
sa mga naaaping obrero
pagkat sagad-sagaring bolero
sino bang mga nahihirapan
yaong kapitalistang gahaman
o ang mga manggagawa naman
na animo'y walang kapaguran
nang pamilya'y mapakain lamang
si Digong pala'y bahag ang buntot
at sungay niya'y bumabaluktot
sa kapitalista pala'y takot
gayong sa mga dukha'y dinulot
ay tokbang, kamatayan, hilakbot
huwag tayong patangay sa alon
ng pangulo nilang urong-sulong
manggagawa, tayo'y magsibangon
at ipaglaban ang naaayon:
wakasan ang kontraktwalisasyon!
- gregbituinjr.
ang hiyaw nitong mga obrero
si Digong ay muling nanloloko
sa mga naaaping obrero
pagkat sagad-sagaring bolero
sino bang mga nahihirapan
yaong kapitalistang gahaman
o ang mga manggagawa naman
na animo'y walang kapaguran
nang pamilya'y mapakain lamang
si Digong pala'y bahag ang buntot
at sungay niya'y bumabaluktot
sa kapitalista pala'y takot
gayong sa mga dukha'y dinulot
ay tokbang, kamatayan, hilakbot
huwag tayong patangay sa alon
ng pangulo nilang urong-sulong
manggagawa, tayo'y magsibangon
at ipaglaban ang naaayon:
wakasan ang kontraktwalisasyon!
- gregbituinjr.
(ang tulang ito'y nilikha at binasa sa konsyerto't vigil ng mga manggagawa sa tulay ng Mendiola bilang protesta laban sa kontraktwalisasyon at pakikipagkompromiso ng pangulo sa mga kapitalista)
Sa unang buwan ng kasal
pagbati sa iyo, aking mahal
sa isang buwan ng ating kasal
matatag na pagniniig, giliw
pagsinta nati'y di magmamaliw
pangarap nating kaygandang bukas
nawa'y matupad, ating mamalas
nawa'y mabuo na, aking mahal
ang pinapangarap nating kambal
- gregbituinjr.
sa isang buwan ng ating kasal
matatag na pagniniig, giliw
pagsinta nati'y di magmamaliw
pangarap nating kaygandang bukas
nawa'y matupad, ating mamalas
nawa'y mabuo na, aking mahal
ang pinapangarap nating kambal
- gregbituinjr.
Lunes, Marso 12, 2018
Pag-ibig ko'y di magmamaliw, aking sinta
Pag-ibig ko'y di magmamaliw, aking sinta
Romantiko ang bawat gabing kahalina
O, minumutya, nais kitang makasama
Lalaging nakaukit ang iyong larawan
Espesyal ka sa aking bawat panagimpan
Tinatangi ng ginoong may katapatan
Ang mutyang tulad mo'y marapat sinusuyo
Rinig mo ba ang ibinubulong ng puso
Yapusin mo ako'y di ka masisiphayo
Ako'y naririto't lagi kang iibigin
Dahil natatangi't walang sukat kabigin
Oo, ang pag-ibig mo'y nais kong maangkin

Miyerkules, Marso 7, 2018
Akala mo, nanonood ako ng telebisyon
akala mo, nanonood ako ng telebisyon
gayong nakatanghod at nakatunganga lang doon
baka di ko na nauunawaan ang palabas
nagsasayaw man o nag-uusap silang malakas
pagkat nasa iba ang tinatakbo niring isip
gayong gising na gising ay tila nananaginip
mas nais ko pang magbasa, magsulat, at kumatha
magsalaysay, isatitik anumang nasa diwa
sa telebisyon ma'y komedya, balita, digmaan
nasa'y niloloob ng loob, nasa kalooban
paano kakatha ng walang kamatayang awit
na kagigiliwan ng madla, di man bumibirit
diwa'y naglilimayon, sa kawalan nakatutok
sa nariyang suliranin ay di magpapalugmok

Linggo, Marso 4, 2018
Ang pag-ibig ko'y sadyang tinangay ng hangin
Ang pag-ibig ko'y sadyang tinangay ng hangin
Kusang inihihip sa mutyang iibigin
O, hangin, salamat sa tulong mo sa akin
Yaring buhay ko'y taos-pusong inihandog
Ito'y para sa mutyang sadyang maalindog
Susuungin lahat hanggang siya'y mapupog
Aking pantasya ang mutyang nais ilipad
Nasa'y sa himpapawid aking ipapadpad
Gising kong diwa'y kung saan-saan umusad
Kakanlungin kitang ang puri mo'y kaylinis
O, diwata ko, ayaw kitang maghinagpis
Minumutya kitang hahagkang anong tamis
Udyok ng damdaming ikaw ay paglingkuran
Ng buong puso sa buong sansinukuban
Ikaw lang, sinta, ang sana'y makatuluyan
Sa gabi-gabing ika'y nasa panaginip
Tila inuugoy ng duyan sa pag-idlip
Ang pagsinta mo nawa'y agad kong malirip

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)