SARILING WIKA: ISAPUSO, ISADIWA, ISABUHAY
paano gagamitin ang sariling wika
kung nariyan ang globalisasyon, banyaga
kung naninibasik sa lipuna'y kuhila
sariling wika ba'y salita lang ng dukha?
halina't aralin natin ang kasaysayan
sa sariling wika'y sinong nakipaglaban
gurong si Asedillo'y nangunguna riyan
ipinagtanggol niya ang wika ng bayan
at makalipas ang ilang dekada't taon
naging Ama ng Wikang Pambansa si Quezon
si Asedillo'y nalimot ng henerasyon
nasaan na ba ang sariling wika ngayon
aral ni Asedillo'y huwag lilimutin
sariling wika'y dangal na dapat mahalin
kung kailangan buhay ay ialay natin
upang sariling wika'y sadyang patampukin
- gregbituinjr.
- ang tulang ito'y inihanda at binasa sa Rizal Park Open Air Auditorium noong ika-18 ng Agosto, 2017 sa programang "Sariling Wika Ang Siyang Magpapalaya"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento