Lunes, Agosto 28, 2017

Panahon ngayon ng berdugong ulol

PANAHON NGAYON NG BERDUGONG ULOL

I

panahon ngayon ng berdugong ulol
na buhay ng tao'y inuulaol

paslang agad ang inakalang adik
walang proseso't lagim ang hinasik

dugo'y nagsitilamsikan sa lupa
habang ang pamilya'y nagsipagluha

buhay ng anak na inalagaan
sa isang iglap nawalang tuluyan

ganito na ba ang hustisya ngayon?
karapatan ng tao'y nilululon?

buhay ng kapwa'y tinulad sa ipis
na titirisin lang kapag ninais

II

panahon ngayon ng mga berdugo
na uhaw sa dugo ng kapwa tao

batas nila'y pumatay nang pumatay
malinis na lipunan daw ang pakay

ngunit bakit walang batas, proseso?
bakit ba paslang doon, paslang dito?

kahit matino ka'y dapat mag-ingat
sa kalsada'y huwag pakalat-kalat

ang batas ay nasa kanilang kamay
kaya walang tao sa mga lamay

buhay ng tao sa kanila'y barya
kahit pa ang mga ina'y magdusa

- gregbituinjr.

Walang komento: