NANG MADUTERTE SI KIAN
huwag nating payagang muling maduterte
ang ating kabataan ng mga salbahe
oplan tokbang ang dahilan ng pangyayari
si Kian na dapat iyang pinakahuli
kayrami nang naduterte ang mga halang
si Kian ay isa lang sa mga tinokbang
pag naduterte ka'y kawawa kang nilalang
aba'y dapat nang pigilan iyang pagpaslang
di dapat maduterte sinuman sa atin
dapat tiyaking due process ay pairalin
iyang pagduterte'y labag sa batas natin
pagkat gawain iyan ng mga salarin
sinumang manduterte'y dapat parusahan
litisin at ikulong pag napatunayan
ipakita rin nating dito sa lipunan
iginagalang natin bawat karapatan
- gregbituinjr.
Talasalitaan:
* maduterte = mapaslang ang isang tao nang walang due process at walang paglilitis
* tokbang = mula sa "toktok! bangbang!"; operasyong pagkatok sa bahay saka babarilin ang puntirya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento