KALAMNANG TIGANG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
ang mga kalamnan ko'y sadyang namimigat
tila walang dugong lumalandas sa ugat
dama ang panlalamig nitong aking balat
ang mga laman ko animo'y nawawarat
mabuti’t dumampi ang malamig na hangin
kaya nadama kong ugat na’y nagigising
kumisap ang pag-asang tila nagniningning
at yaong mutya’y gumagala’t naglalambing
mawawala din ang kapoy maya-maya lang
maglalaho yaong sa ugat nakaharang
manunumbalik ang lakas na natitigang
ramdam na baguntao muli’t manibalang
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento