ANG ALAGANG ASO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
tapat na kaibigan ng tao
ngunit sunud-sunuran sa amo
masaya na sa ibatong buto
handang lumaban para sa iyo
huwag ka lang sa kanya'y magtaksil
kundi'y masasagpang ka ng pangil
kaibigang tapat ngunit sutil
pag ginutom mo siya'y aangil
alam ng asong may karapatan
ang mga tulad niyang hayop man
kaya't aso'y iyong alagaan
pagkat tapat siyang kaibigan
tapat na tanod ng iyong bahay
ibang tao'y kakahulang tunay
ngunit pag aso mo na'y naglaway
ingat, baka rabis ang lumatay
7 komento:
Tnx po sa gumawa nito....May assignment na rin ako sa Filipino
Hi po, pwede ko po bang gamitin ito para lang po sana sa project ng aking bunsong kapatid... Salamat po..
Okay po, maaari nyo pong gamitin ito para sa project ng iyong bunsong kapatid, at sana'y makatulong ang tulang ito sa iyong kapatid, mabuhay ka!
Hello po, pwede ko pong gamitin ang tula para sa project ng anak ko? Maganda kasi ang tulang ginawa mo. Salamat po.
Pwede ko po ba itong gamitin? Para po sana sa takdang aralin namin salamat po
Hi po, pwede kopoba itong gamitin para sa assignment ng aking kapatid?
Maaari nyo pong gamitin sa assignment ng inyong anak o kapatid o pamangkin o sinumang estudyante ang tulang ito. Ikinalulugod ko po. Mabuhay kayo!
Pasensya po sa late reply. Ngayon ko lang po nakita.
Mag-post ng isang Komento