Sabado, Marso 13, 2010

Kaibhan ng Reporma't Rebolusyon

KAIBHAN NG REPORMA'T REBOLUSYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod

"A reform is a correction of abuses; a revolution is a transfer of power." - Edward George Earle Lytton Bulwer-Lytton, mula sa kanyang Talumpati sa House of Commons, hinggil sa Reform Bill

pinagtalunan na ng mga tibak noon
na nangangarap ng pagbabago sa nasyon
kung sino yaong repormismo'y nilalayon
at sino naman ang para sa rebolusyon

reporma'y pagtama lang sa mga abuso
ngunit wala pa ring gaanong pagbabago
pulos katiwalian pa rin sa gobyerno
patuloy pa rin ang landas ng mga trapo

di sapat ang reporma lamang, kaibigan
rebolusyon ay talagang kaiba naman
ito'y sadyang pag-agaw ng kapangyarihan
mula sa mga gahaman, tungo sa bayan

kaya makiisa na't tayo'y makibaka
rebolusyon para mabago ang sistema

Walang komento: