Huwebes, Disyembre 4, 2008

Tubig ay Serbisyo

TUBIG AY SERBISYO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig

Tubig na'y kinalakal
Pinagtubuang mahal
Nitong gahamang hangal
Na sa masa'y sumakal.

Tubig ay mahal na nga
Presyo'y nakakakuba
Kaya dapat ibaba
Pagkat maraming kawawa.

Ang tubig ay serbisyo
Huwag gawing negosyo
Ito'ng panawagan ko
At ng maraming tao.

Tubig ay karapatan
Ng bawat mamamayan
Huwag pagkakitaan
Ng sa tubo'y gahaman.

Presyo nito'y ibaba
Kundi'y dapat mawala
Silang kumakawawa
Sa nagdadaralita.

Di tayo palulupig
Sa may-ari ng tubig
Dapat silang makinig
Sa ating mga tinig.

- Disyembre 4, 2008
Seameo Innotech
Commonwealth Ave., Diliman, QC
(Dito ginanap ang konsultasyon ng Maynilad para sa kanilang pagtataas ng presyo ng tubig sa Enero 1, 2009)

Walang komento: