PANAGIMPAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig bawat taludtod
isang panagimpan, diwa'y pinupupog
ng pusong may luha ng bigong kahapon
pagkakaibigang dulot ng lambanog
na naumpisahang kasabay ng alon
matatanggihan ba ang dulot ng hamog
sa bawat umagang tila umaambon
Martes, Disyembre 30, 2014
Biyernes, Disyembre 26, 2014
Salamisim
SALAMISIM
mag-isang nakatitig sa kawalan
naroong nag-aapoy ang kalamnan
habang sinisipat sa kalangitan
nagbunga na ba ang pinagpawisan
- gregbituinjr., 12/26/14
mag-isang nakatitig sa kawalan
naroong nag-aapoy ang kalamnan
habang sinisipat sa kalangitan
nagbunga na ba ang pinagpawisan
- gregbituinjr., 12/26/14
Basura
BASURA
tambak-tambak ang plastik
sa kanal nakasiksik
basura'y inihasik
ng mga walang imik
sa Pasko'y pulos barik
sa tagay na'y naadik
hanggang mata'y tumirik
tuluyan nang naghilik
- gregbituinjr., 12/26/14
tambak-tambak ang plastik
sa kanal nakasiksik
basura'y inihasik
ng mga walang imik
sa Pasko'y pulos barik
sa tagay na'y naadik
hanggang mata'y tumirik
tuluyan nang naghilik
- gregbituinjr., 12/26/14
Biyernes, Disyembre 12, 2014
Hangga't di sentensyado
HANGGA'T DI SENTENSYADO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
hangga't di sentensyado'y inosente pa rin sila
kailangang "beyond reasonable doubt" ang sentensya
ngunit sa dukha'y mayaman, ang batas ay kaiba
kulong agad ang dukha, mayaman ay malaya pa
"beyond reasonable doubt" dapat, sabi ng pangulo
nang kanyang alipores ay masangkot na sa gulo
ngunit pag oposisyon ang tinatadtad ng kaso
nais ng rehimeng maikulong na agad ito
sentensyado na sa masmidya ang inakusahan
ngunit akusado, sarili'y kayang depensahan
kaya pang magtalumpati sa harap nitong bayan
dahil di pa sila sinentensyahan ng hukuman
dukha'y kulong agad nang mang-umit ng kilong tuyo
walang "beyond reasonable doubt", sila na'y naluto
pag nang-umit sa kabang bayan ang trapong hunyango
sila pa'y inosente't dakila ang balatkayo
dapat pantay-pantay ang batas, dukha o mayaman
subalit hangga't kapitalismo pa ang lipunan
batas ay para lang sa mayaman at sa iilan
kaya pagbabago nitong sistema'y kailangan

Huwebes, Disyembre 11, 2014
Tiwali
TIWALI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
balimbing ang mga pulitikong tiwali
subalit kailangang magbakasakali
aasahan ba sila sa bukas ng lahi?
pagkat pinuno ang sa kanila'y taguri?
kailangan din ng pinuno, kailangan
upang pamunuan ang kanyang mamamayan
dalhin sila sa magandang kinabukasan
gampanang mabuti ang tungkulin sa bayan
subalit kung tiwali na't di naglilingkod
at ang masa'y di na nito tinataguyod
ganitong pinuno'y wala palang gulugod
patalsikin ang walang silbi't mga tuod
katiwalian nila'y sadya nang palasak
at ang buong bayan ang ipinahahamak
sa lipunan sila'y tunay na mga latak
tiwaling trapo'y dapat lang nating ibagsak

Martes, Disyembre 9, 2014
Ang Baha sa Sampaloc
ANG BAHA SA SAMPALOC
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
I
Musmos pa lang danas ko na ang baha sa Sampaloc
Naglulutangan ang mga bagay, di ko maarok
Habang mahal kong ina't ama'y panay yaong ligpit
Itataas yaong mga mahahalagang gamit
Di ako makapaglaro sa butas na lansangan
Di ako makatawid sa pagbili sa tindahan
Bilin kasi ni ina, huwag dumaan sa baha
Dahil marumi raw ito't inihian ng daga.
II.
Kaylaki ko na, binabaha pa rin ang Sampaloc
Baha sa daang España'y di ko pa rin maarok
Dulot ba ito ng climate change o kawalang paki
Kayrami ng administrasyong di yata nagsilbi
Bakit di masolusyunan, wala bang laang pondo
Kung hindi nila kaya, may magagawa ba tayo
Sa ambong tikatik, babahain na ang kalsada
Habang mga trapo'y nagsisitabaan ang bulsa.
III.
Nagbagyo muli, Sampaloc pa rin ay binabaha
Mga basura sa kanal ay tila nagwawala
Naglipana kung saan-saan ang basurang plastik
Bumara sa daluyang tubig, doon nagsumiksik
Bakit hanggang ngayon problema'y di malutas-lutas
Ang solusyong tagpi-tagpi ba'y naging butas-butas
Tatanda akong binabaha pa rin ang Sampaloc
Sana sa paglaon, pagbaha'y akin nang maarok.

Lunes, Disyembre 8, 2014
Korina at Ruby
* Apat na kasabihan o salawikain ang nalikha ng inyong lingkod hinggil sa sinabi ng mamamahayag na si Korina Sanchez na umano'y dapat pumunta na lang ang malakas na bagyong si Ruby sa Japan imbes na sa Pilipinas. Dahil doon ay itinuring ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe si Korina Sanchez na persona non grata sa Japan. Walang personalan po, sariling pananaw lamang sa mga nangyayari sa lipunan. - gregbituinjr
KORINA AT RUBYni Gregorio V. Bituin Jr
11 pantig bawat taludtod
ang sa kapwa'y naghangad ng di tama
ang siyang tinatamaan ng sigwa
ang mag-asam sa kapwa ng di wasto
kung di masamang tao'y sadyang bobo
ilipat daw ang problema sa iba
di na nakatulong, namerwisyo pa
kung bagyong hilahil nga'y di mapigil
dilang sutil pa kayang anong tabil
nagmamalasakit lang sa sarili
iniirapan naman ang katabi
(balita mula sa http://sowhatsnews.wordpress.com/2014/12/08/japan-declares-korina-sanchez-persona-non-grata/)
Sabado, Disyembre 6, 2014
Paghandaan ang hagupit ng Ruby
PAGHANDAAN ANG HAGUPIT NG RUBY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
paghandaan ang hagupit ng Ruby
upang sa huli'y di tayo magsisi
tila Yolanda raw ang kanyang tindi
ngunit humina na raw, yaong sabi
humina man ito kaysa Yolanda
mas malakas pa rin daw kaysa Glenda
sa mas mataas, hayo't lumikas na
mabuting maghanda habang maaga
nagbabagong mundo, apaw ang tubig
marami nang luha yaong nadilig
kayrami nang palahaw ang narinig
dapat makitang muli ang pag-ibig
pagtutulungan ng bayan kahapon
ay ating higpitan pa lalo ngayon
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
paghandaan ang hagupit ng Ruby
upang sa huli'y di tayo magsisi
tila Yolanda raw ang kanyang tindi
ngunit humina na raw, yaong sabi
humina man ito kaysa Yolanda
mas malakas pa rin daw kaysa Glenda
sa mas mataas, hayo't lumikas na
mabuting maghanda habang maaga
nagbabagong mundo, apaw ang tubig
marami nang luha yaong nadilig
kayrami nang palahaw ang narinig
dapat makitang muli ang pag-ibig
pagtutulungan ng bayan kahapon
ay ating higpitan pa lalo ngayon
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)