HUWAG MAGING TARCIANO
ni Greg Bituin Jr.
Nangyari circa Setyembre-Oktubre, 1950
(tulang may lalabindalawang pantig bawat taludtod)
Hoy, kilala mo ba si Tarciano Rizal
Na Arthur ang alias, at apo raw nitong
Pambansang bayani na mulang Calamba?
Isang Huk kumander itong si Tarciano
Na kay Sekretaryo Magsaysay naglahad
Ng lahat ng kanyang mga nalalaman
Sa buong kilusan nitong rebeldeng Huk.
At dahil sa sumbong nitong si Tarciano,
Sandaan at limang kasamahan sa Huk
Pati matataas na pinuno nito
Ang pinaghuhuli’t agad ikinulong!
Ipinagkanulo nitong si Tarciano
Ang sarili niyang mga kasamahan!
Di dapat tularan si Tarcianong hudas
Na kasumpa-sumpa’t dapat lang mabitay!
- nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Oktubre-Disyembre 2002, p.8.
2 komento:
Tama ka at kasumpa-sumpa ang kanyang na gawa. Subalit hindi dapat tawagin hudas ang tao na ito. Ako si Michael Ross B. Rizal, anak ni Rosulu S. Rizal at apo ni Tarciano Rizal. Para sa kakulangan sa iyong kaalaman tungkol sa aking Lolo. alamin mo muna ang iyong kwento ng mabuti bago ka mag salita ng ganyan.
kung naniniwala kang tama at kasumpa-sumpa ang kanyang gawa, bakit di siya dapat tawaging hudas kung siya'y nagkanulo
burahin nyo muna ang lahat ng nakasulat na kwento sa mga libro ng kasaysayan hinggil sa iyong lolo, bago ko burahin o palitan ang nilalaman ng tula
palitan nyo muna ang sinulat ng tulad ng pinagpipitaganang historian na si Renato Constanstino para mawalan ng batayan ang aking sinulat na tula
ngunit kung hindi, mananatili ang tula
Mag-post ng isang Komento