Lunes, Agosto 4, 2014

Ang makatâ - salin ng tula ni Alexander Pushkin

ANG MAKATA
tula ni Alexander Pushkin
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

Bagamat hindi pa humihiling si Apollo
Ng makata sa isang sagradong sakripisyo
Sa mundong batuhan ng putik ang mga gulo
Ubod sama't walang awa niyang binalasa
Yaong banal niyang kudyaping laging payapa;
Nahihimbing ang kanyang diwa, at nanlalata
Sa gitna'y mga nuno sa mundo ng higante
Siya, marahil, ang pinakapandak na nuno.

Ngunit nang ang salita ng atas ng bathala
Sa kanyang tainga'y makarating, at listong lagi
Nagsimula na – ang puso ng makatang taal –
Tulad ng pagsisimula ng agilang gising.
Malungkot siya sa makamundong saya, tamad,
Iwas sa mga bulungang laging naglipana,
Nasa paanan ng iniidolo ng lahat
Di iniyuyukod ang ulo niyang palalo
Tumatakbo siya – yaong ilap, bagsik, gitla,
Puno ng kaguluhan, puno ng kaingayan –
Sa iniwanang katubigan ng mga pampang,
Sa kakahuyan, naglipana’t huni’y kaylakas.

* Isinalin ni Yevgeny Bonver mula sa wikang Ruso tungo sa wikang Ingles, Nobyembre, 2003


The Poet
by Alexander Pushkin

While still Apollo isn’t demanding
Bard at the sacred sacrifice,
Through troubles of the worldly muddling
He wretchedly and blindly shuffles;
His holly lyre is quite silent;
His soul’s in the sleeping, soft,
And mid the dwarves of the world-giant,
He, perhaps, is the shortest dwarf.

But when a word of god’s commands,
Touches his ear, always attentive,
It starts – the heart of the Bard native –
As a waked eagle ever starts.
He’s sad in earthly frolics, idle,
Avoids folks’ gossips, always spread,
At feet of the all-peoples’ idol
He does not bend his proud head;
He runs – the wild, severe, stunned,
Full of confusion, full of noise –
To the deserted waters’ shores,
To woods, widespread and humming loud…

Walang komento: