Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig bawat taludtod
O, ilagay mo ako sa naglalagablab na buwan
Na pinagbawal humihip ang nalalantang bulaklak;
O ilagay mo ako sa napakalamig na lunan
Sa mga kabundukan ng nyebeng walang katapusan:
Hayaan mong hanapin ko'y hakbang tungong katanyagan,
O ang mas mahirap tahaking landas ng Kahirapan;
Paagusin ang pagkabatang kay-init sa'king ugat,
O animnapung taglamig sa dugo ko'y kumaligkig:
Kahit ang diwang ginigiliw sa Langit ay lumipad,
O kahit mawalan na ng saysay dito sa daigdig,
Bilangguan o kalayaan - di kilala o sikat,
Ang iwi kong puso, O, Laura! ay nasa iyo pa rin.
Kung saanman ang patutunguhan niring kapalaran
Patuloy pang mag-aalab ang pusong tapat sa iyo!
Ang makatang Italyanong si Petrarch (Hulyo 20, 1304 - Hulyo 19, 1374) |
OH! place me where the burning moon
Forbids the wither'd flower to blow;
Or place me in the frigid zone,
On mountains of eternal snow:
Let me pursue the steps of Fame,
Or Poverty's more tranquil road;
Let youth's warm tide my veins inflame,
Or sixty winters chill my blood:
Though my fond soul to Heaven were flown,
Or though on earth 'tis doom'd to pine,
Prisoner or free--obscure or known,
My heart, oh Laura! still is thine.
Whate'er my destiny may be,
That faithful heart still burns for thee!
* Ang tula ay mula sa: https://allpoetry.com/Sonnet-XIII.-From-Petrarch