Miyerkules, Marso 26, 2008

Tagayan ang Makata

TAGAYAN ANG MAKATA
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Sari-sari ang tinotoma ng abang makata
Umaasang makalilikha ng obra-maestra.
Sa Red Horse, ang makata’y naninipa
Sa Gold Eagle, lumilipad ang diwa
Sa Tanduay ESQ, mata’y natutulala
Sa Emperador, siya ang hari ng toma
Sa Fundador, ang pundasyon ay paglikha
Sa Gran Matador, lumalabas ang talinghaga
Sa Colt .45, lumalakas ang makata
Sa San Miguel, ang makata’y pinagpapala
Sa Hinyebra, parang umiinom ng bitamina
Sa lambanog, bawat tingnan niya’y gumaganda
Nangangarap siya sa lasa ng matamis na tuba
Hoy, pare, halika rine’t tumagay muna
“Hik, ako’y tutula, ako’y natutulala”
Ang makata’y nakagawa ng magandang tula.


2 komento:

mnemosyne_twin ayon kay ...

salamat sa pagbabahagi ngh iyong tula- http://mnemosynetwin.blogspot.com

pasensyoso ayon kay ...

tagayan natin ang makata, mabuhay