ANG HARING USOK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
puno na ng polusyon ang daigdig
na sa ilong natin ay lumulupig
mula sa sigarilyong nasa bibig
hanggang sunog na nakapanginginig
ang Haring Usok ay di mapakalma
palipad-lipad sa tuwi-tuwina
buong mundo ba'y sasakupin niya?
pagkat siya na ang bagong sistema?
lungsod na'y kinulapol ng polusyon
at di malaman ang tamang solusyon
tayoman dito'y maging mahinahon
ang usok pa rin ay maglilimayon
bawasan natin ang usok sa langit
asap itong sa mundo'y humihirit
ito sa bayan ay sadyang kaylupit
na dapat mabawasan nating pilit
sadyang mapanakop ang Haring Usok
na nagnanais abutin ang rurok
polusyon siyang nakasusulasok
na sa daigdig ay bumubulusok
polusyong ito'y sadyang walang habas
na akala mo'y tila walang lunas
nasa kamay natin ang pagbabawas
sa Haring Usok na sadyang kayrahas
(Tuwing Disyembre 3 ay Anti-Pollution Day sa bansang India bilang paggunita sa Bhopal Gas Tragedy, na siyang itinuturing na pinamatinding sakuna sa industriya sa buong mundo, na umano'y ikinamatay ng higit 3,000 katao, at 500,000 naman ang nasaktan. Naganap ang trahedya noong hatinggabi ng 2–3 Disyembre 1984 sa Union Carbide India Limited (UCIL), na isang planta ng pestisidyo sa Bhopal, Madhya Pradesh, sa bansang India.)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento