Huwebes, Agosto 24, 2017

Bilin sa kabataan ngayon

BILIN SA KABATAAN NGAYON

bilin sa kabataan ngayon, huwag magpagabi
baka mabiktima ka ng tokbang o maduterte
huwag ipagwalang-bahala ang payo't sinabi
ika nga ng awit, "baka humandusay sa tabi"

libu-libo na ang naduterte sa ating bansa
ang gera sa droga'y bakit naging gera sa dukha
bakit pawang pinupuntirya'y mga walang-wala
napaslang ay maralita, kabataan, at bata

dagdag na bilin, huwag magpupunta sa madilim
pagkat pag napagkamalan ka'y dahasin ng lagim
kayraming pagala-galang ang budhi'y kulay itim
mag-ingat nang di danasin ang karima-rimarim

kabataan ngayon ay di na dapat magpagabi
kahit pa umaakyat ng ligaw sa binibini

- gregbituinjr.