Linggo, Abril 23, 2017

Hampas ng alon

humahampas ang alon sa dalampasigan
tila humahaplos sa buo kong katawan
humahaginit sa balat yaong amihan
sa dulot sa puso't diwa'y kapayapaan

- gregbituinjr.