Martes, Pebrero 28, 2017

Sa balintataw ng isang gutom sa maunlad na lungsod

SA BALINTATAW NG ISANG GUTOM SA MAUNLAD NA LUNGSOD

magtanim ta ng kamote sa lungsod
bakasakaling anak ay malugod
nang sa kalaunan ay may matisod
kulang-kulang man yaong sinasahod

magtanim ng kamote sa semento
o kaya'y sa lansangang aspaltado
bakasakaling may kamote tayo
sa kalunsurang ang lupa'y ganito

magtanim ng punong mangga sa highway
at punong santol naman sa skyway
tamnan ng punong akasya sa subway
o di kaya'y punong ipil sa hallway

kaysarap mamuhay sa kalunsuran
kaya makagagawa ng paraan
upang maging bukid itong lansangan
at ang lungsod ay maging kadawagan

- gregbituinjr.